TRAPPED SERIES #1. (Trapped with him) Completed TRAPPED SERIES#2. (The lonely billionaire and his maid) Completed TRAPPED SERIES#3. (His intention) Completed TRAPPED SERIES#4. (Trapped in his wrath) On-going
[Samantha] “Ano ang ibig sabihin nito?!” Dumagundong ang malakas na boses ng kanyang ina na ikinagulat nila pareho ni Zandro. Ilang beses siyang napalunok ng marahas ng mapagtanto na wala silang saplot sa ilalim ng kumot. “M-Ma, a-ano kasi…” Oh god! Ang sabi ng mama niya ay tatlong araw mawawala. Bakit narito na ito ngayon?! Hindi niya alam kung paano ‘to ipapaliwanag sa mama niya. Nang tumingin siya kay Zandro ay hindi man lang niya ito nakitaan ng pagkataranta. Nakangiti pa ang loko! “Handa akong panagutan si Samantha, mama.” Muntik ng malaglag ang panga niya sa sinabi ni Zandro. Samantalang ang mama naman niya ay tila nakahinga ng maluwag. “Aray naman, ma!” Reklamo niya ng hampasin siya sa braso ng stick ng mama niya. “Pagkatapos niyong magbihis ay lumabas kayong dalawa.” Seryosong wika nito bago sila iniwan. Masama niyang tiningnan si Zandro. “Anong pananagutan ang sinasabi mo d’yan kay mama? Nababaliw ka na ba?” “What do you want me to say? You want me to say ‘It’s
[Samantha] “Bye, darling! I missed you already!” Natampal niya ang noo ng makitang napatingin ang lahat ng mga estudyante at kapwa niya guro sa kanila dahil sa malakas na pagsigaw ni Zandro. Tiyak na madadagdagan na naman ang tsismis tungkol sa kanya. “I missed you so much, babe. Wag kang mag alala dahil ginagawa ko ang lahat ng utos mo.” Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses ni Mila. Nang sumilip siya ay nakita niyang may kausap ito sa phone. Kung gano’n ay may nobyo na ito? Kung gano’n ay bakit nito ginugulo si Zandro? “Basta tumupad ka rin sa usapan natin na ibibigay mo sa amin ang pinangako mo. Mahal kita pero kailangan namin ‘yon ni Troy. Kaya kami pumayag sa gusto mo ay dahil do’n kaya wag mo kaming gagagühin.” Iyon ang narinig niya bago siya tuluyang nakalayo rito. Pagdating sa classroom niya ay napansin niya ang mga bulaklak na nakapatong sa desk niya. Galing lahat kay Troy. Pagkahapon ay nagsi-uwian na ang lahat ng mga estudyante. Natigil siya sa paghah
[Samantha] Pagdating nila sa bahay ni Zandro ay agad siyang tumuloy sa kwarto niya. Tumingin siya kay Zandro nang sumunod ito sa kanya. “You okay, darling? You looked uneasy.” May pag aalalang sa mukha na tanong nito. Bumuga siya ng hangin. Gusto niyang sabihin rito ang tungkol sa nakita niya. Pero sino ba siya para i-tsismis ang nasaksihan niya? “Pagod lang ako.” Aniya sa binata. Nang ilapag niya ang bag niya sa maliit na mesa sa kwarto niya ay nalaglag ‘yon dahilan para magkalat ang laman nito ‘na agad namang dinampot ng binata. Kumunot ang noo nito ng makita ang isang cellphone. “Ah, kay Troy ‘yan. Naiwan niya kasi kanina sa room. Bukas ko nalang ibabalik sa kanya ‘yan.” Paliwanag niya. Natigilan siya ng mapansin ang pagdidilim ng mukha nito— Mukhang papatay ito ng tao. Napabuntong hininga siya. Mukhang nagseselos ito. “Look, hindi mo na kailangan magselos sa kanya dahil bukas na bukas din ay sasabihin ko na ang tungkol sa nalalapit nating kasal. Kaya wag mo akong sunduin buk
[Samantha] Nilagay niya si Troy sa blacklist niya sa cellphone at gano’n din si Mila. Iiwasan nalang niya ang dalaga sa trabaho. Sayang dahil itinuring pa naman niya itong kaibigan. Nakangiting gumanti siya ng halik kay Zandro ng ihatid siya nito. Kung no’ng una ay iniisip niya ang iisipin at sasabihin ng iba, ngayon ay hindi na. Wala siyang inagaw at nilandi dahil wala naman ibang nobya si Zandro kundi siya lang. Hindi niya pinakinggan at pinansin ang usap-usapan tungkol sa kanya— Na alam niyang si Mila ang nagkalat. Pareho silang huminto ni Mila ng magkasalubong silang dalawa. At katulad kahapon ay napakasama ng tingin nito sa kanya. Nang lagpasan siya nito ay hindi nakaligtas sa mata niya ang mga pasa nito na pilit nitong tinatago sa paghila ng suot nito manggas na suot. Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat ng bumungad sa kanya ang matandang janitor na wala pang isang buwan nagta-trabaho dito sa eskwelahan. Nang yumuko ito ng paulit-ulit bilang paghingi ng pasensya ay iwin
[Samantha] Galit na hinampas niya ang kamao sa harapan ng pulis na nag-iinterogate sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng 'yan. Hindi ko siya sinaktan at wala akong kasalanan!" Galit na bumaling siya kay Mila, nang lalapit na siya rito ay nagkunwari pa itong nanginig sa takot sa kanya. Pagak siyang natawa. Hindi niya akalain na magaling pala 'tong umarte. Daig pa ang magaling na artista. "S-Samantha, u-umamin ka na. T-Tama na, h-hindi ko na kaya ang pananakit mo sa akin araw-araw. S-Sinabi ko naman sa'yo na wala kaming relasyon ni Z-Zandro. B-Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin." Lumuluhang bumaling ito sa pulis. "M-May testigong nakakita kaya hindi na siya makakatakas sa batas." Maski anong pagmamakaawa ang gawin niya ay hindi siya pinakinggan ng mga pulis. Patulak pa siyang ipinasok ng mga 'to sa loob ng seldang naro'n. Napadain6 siya sa sakit ng tumama ang tuhod niya sa matigas na sahig. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay napaatras
[Samantha] Malakas na napahalakhak si Troy ng makita kung paano nawalan ng kulay ang mukha niya. "Takot na takot ka yata, Samantha?" Lumuhod ito at nakangising tumingin sa kanya. "Bakit, Samantha. Natatakot ka bang balikan ka niya?" Imbis sagutin ay tumingin siya rito ng nakikiusap. "Troy, please. Illegal 'tong ginagawa niyo sa akin. You should let me call my family, o kahit lawyer- "Sa lugar na 'to ay ako ang batas, Samantha. Saka wag kang mag alala dahil makakausap mo naman sila. Binibigyan lang kita ng options na maaari mong pagpilian." Napapitlag siya ng hawakan nito ang pisngi niya. "Makakalabas ka agad at malilinis ang record mo at makakabalik ka sa pagtuturo, o matatanggalan ka ng lisensya bilang guro at makukulong ka at magiging kahihiyan ng buong angkan mo. Choose, Samantha." Nanginginig siya ngayon- hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang galit. "Ngayon ko napatunayan na napakasama mo pala talaga, Troy. Hindi lang nakakadiri dahil kaya mong pumatol sa kadugo mo
[Samantha] Pag uwi nila ay iyak ng iyak ang mama niya habang nakayakap sa kanya. Maging ang pamilya ng kamag anak nila ay narito sa bahay nila para damayan siya. Kaya lalong gumaan ang dibdib niya. Tama nga siya— Hindi maniniwala ang mga ‘to na magagawa niya ang bagay na ‘yon. “K-Kaibigan mo siya, anak, kaya paano niya nagawa sa’yo ang ganito.” Tukoy ng mama niya kay Mila habang umiiyak. “A-Akala ko ay iba siya sa pinsan niya pero hindi pala.” Natigilan siya sa sinabi ng mama niya. Hindi pa niya sinasabi, o kinukwento sa kahit kanino ang tungkol sa ugali ni Troy. Kaya paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na ‘yon? Pagkatapos magbilin ng ama ni Zandro na mag iingat siya ay nagpaalam na ito sa kanila. Sa ngayon ay makakalabas siya dahil pwede pa siyang mag-piyansa. Pero sa oras na magsimula na ang kaso ay makukulong siya. Maisip palang niya na makukulong siya ay nangingilabot na siya. Naniniwala siya na karapatdapat lang ‘yon sa taong masama at may nagawang kasalanan— Pero inosen
[Zandro] Matapos tingnan ang resulta ng pinagawa niyang imbestigasyon ay napatiimbagang si Zandro. Halos madurog ang malukot ang hawak niyang envelope na naglalaman ng mga impormasyon na kailangan niya. Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan si Spo3 Sulinap. “Sir, tama ka nga sa mga sinabi mo.” Bungad nito sa kanya. “Balak mo bang dalhin si Miss Samantha sa lugar na ligtas siya?” Humithit muna si Zandro ng sigarilyo bago sumagot. “Mas ligtas siya kung malapit siya sa akin. And besides, mas mapapadali ang trabaho natin dahil sa kanya.” “I-Ibig mo bang sabihin ay g-gagawin niyong pain si Miss Samantha?” Alanganing tanong nito. Bumuga nang usok ng sigarilyo ang binata bago nagpakawala ng buntonghininga. “Yes.” Sagot niya na alam niyang ikinawindang ng kausap niya. “Sa misyon na ‘to ay kailangan ko ‘tong gawin para sa ikatatahimik ng buhay naming dalawa. Hindi ito para sa akin, kundi para sa kanya. Magpadala pa kayo ng mga tao rito as soon as possible. This war should end he