[Samantha] Tumaas ang kilay niya ng makita na tumatawa ang mama niya habang kausap si Zandro. Kung noon na sila pa ay baka matuwa pa siya dahil mukhang magaan ang loob dito ng ina niya. Hindi katulad kay Jc hindi nito nagustuhan. Pero ngayon ay wala siyang makapang tuwa sa dibdib. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng tumuloy rito si Zandro. Sa loob ng dalawang buwan ay wala itong ginawa kundi magpalakas sa mama niya at kausapin siya. Pero syempre ay hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon. Asa! Hindi na siya madaling mabola ngayon, noh! "Anak!" Natigil siya sa panonood at agad na nagtungo sa kusina para puntahan ang mama niya. "Mamili ka sa talipapa," Ani ng mama niya sabay abot ng listahan sa kanya. "Bilhin mo lahat 'yan. Napilay si Pablo sa pagbabasketball kaya hindi siya makakapamalengke." Tukoy nito sa pinsan niya. "Ang tita mo ay hindi pwede iwan ang tito mo kaya ikaw na muna ang mamili. Birthday ng tito mo kaya maghahanda tayo." Hindi pwedeng iwan ng tita
[Samantha] Mas lalong nalukot ang mukha niya sa narinig. Mukhang hindi nito napansin na may ibang tao rito bukod sa binata. Tumikhim siya. "Ako gusto ko ng tubig. Bibigyan mo ba ako?" Tumingin lang sa kanya si Jennilyn at binigyan siya ng tingin na 'Wag kang magulo dahil naglalandi pa ako' look. "No." Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa ng marinig ang maikling sagot ni Zandro rito. Mas lalong iniliyad ni Jennilyn ang dibdib. "Eh ano ang gusto mo?" Tanong pa nito. Napangiwi siya. At nagawa pa talaga nitong magpabebe ng boses? Napailing-iling na lang siya. Nang tumingin siya kay Zandro ay nagkasalubong ang mata nilang dalawa. 'I want you' Muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan dahil kahit hindi bumubuka ang bibig ng binata ay parang 'yon ang nababasa niya sa tingin nito. Tila naririnig pa niya ang sinasabi nito sa utak niya! "Jennilyn!" Tawag niya sa kaibigan. Humawak siya sa dibdib, "A-Ako kailangan ko ng tubig!" Nataranta naman ito ng mapansin na namumul
[Samantha] Masamang tiningnan niya si Pablo. Nang makita nito ang masama niyang tingin ay nagmamadali itong tumakbo palayo. “Hoy! Walanghiya ka!” Akmang hahabulin na niya ito pero mabilis pa sa kabayong nakalayo ito. Ang sabi ng mama niya ay may pilay ito? Pero bakit mukhang mas malakas pa ito sa kalabaw at mas mabilis pa sa kabayo?! Tinamad lang ba ‘to kanina? Mas lalong napabusangot ang mukha niya. Kailan pa naging tamad ang pinsan niya? Aba, sa sobrang sipag nga nito ay kulang na lang lahat ng trabaho ay akuin na nito. Dahil rito ay nakasama niya nang matagal si Zandro! Bwisít kang Pablo ka. Sasakalin niya talaga ang pinsan niya kapag nahuli niya ito. Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkirot ng isa niyang kamay. Nang tingnan niya ito ay tama nga siya— namamaga na ito ngayon. Mabuti na lang at maraming kapitbahay ang tumulong sa mama niya para magluto. Kung walang tumulong rito ay tiyak na mahihirapan ito, lalo na’t hindi niya ito magagawang tulungan dahil sa kamay niya. Ab
[Samantha] Paano na lang kapag nahuli sila ng mama niya na nag uusap dito sa kwarto? Eh di mag iisip pa ito ng hindi maganda. Saka ayaw niyang ipaalam dito na ex niya si Zandro. Sigurado na maraming magiging tanong ito tungkol sa dahilan ng paghihiwalayan nilang dalawa. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari— Ang maungkat ang tungkol sa kasalanan na nagawa ni Zandro sa kanya. Nagpalinga-linga ang mama niya. “Parang naririnig kong may kausap ka kanina. Akala ko tuloy ay kausap mo si Zandro.” Agad na pinahid niya ang pawis sa noo gamit ang kamay na may sugat lang. Napangiwi siya ng kumirot na naman ang kamay niya. “A-Ano naman ang gagawin ni Zandro sa kwarto ko.” Aniya na kunwari ay natatawa. “Inutusan ko kasi siya na hatiran ka ng pagkain. Busy kasi ako kanina dahil kausap ko si Troy. Nang utusan ko si Pablo ay ayaw naman. Baka hindi daw siya makalabas ng buhay dito sa kwarto ko.” Aba, mabuti at naisipin ng pinsan niya ‘yon. Talagang malilintikan talaga ito sa kanya kapag lumapit it
[Samantha] “Ano ba, Zandro!” Kanina pa niya hinihila ang kamay na nilalagay nito sa bewang nito. Aba, hinatid-sundo lang siya ‘gusto pa atang may bayad na yakap mula sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwag bukas kay Mila ang mga sinabi ng binata kanina. Tiyak na magtataka ‘yon at mag iisip na baka mayro’ng namamagitan sa kanila. Dahil hindi tinitigilan ng binata ang kababalik sa kamay niya sa bewang nito ay pinagbigyan na niya— Paano kasi ay bumibitaw ito sa scooter. Ayaw naman niyang madisgrasya sila. Di naging kasalanan pa niya. Nag init ang pisngi niya ng madama ang mainit na likod nito sa dibdib niya. ‘My god! Biglang uminit bigla!’ Napaikot-mata na lang siya ng marinig ang pagkanta ni Zandro. Mukhang natutuwa ito dahil magkadikit ang katawan nila. Habang papalapit sila sa kanilang bahay ay natanaw niya ang mama niya at ang tito niya. Mabilis na inalis niya ang pagkakapulupot ng mga kamay sa bewang ng binata. Mabuti na lang at busy sa pag uusap ang dalawang matanda
[Samantha] Malungkot siyang umiling. “Gustuhin ko man, Troy, pero hindi ko kaya. Ayokong lokohin ang sarili ko at paniwalain na kaya kitang mahalin. Hindi pa talaga ito ang tamang panahon para buksan ang puso ko sa iba… hindi ko pa talaga kaya.” Mas mainam na ang ganito kaysa ang paasahin niya ito. “Siya pa rin ba?” Bigla ay nag iba ang timpla ng mukha ni Troy. Napakadilim ng mukha nito at tila naging mabangis na hayòp kaya bahagya siyang napaatras. “I’m sorry.” Hingi ng paumanhin ni Troy bago bumuga ng hangin. “I was talking about your ex. Nabanggit kasi sa akin ng mama mo na may ex kang manloloko at muntik kang gawan ng masama noon. Kung ako sa’yo ay kalimutan mo na sila, Samantha. You deserve to be happy… at magiging masaya ka lang sa akin.” Sobrang kaba ang nararamdaman ng dibdib niya ngayon. Hindi dahil sa kilig, o tuwa sa sinabi nito— Kundi dahil sa sinabi nito tungkol sa mga ex niya! Kailanman ay hindi niya sinabi sa mama niya ang tungkol sa ginawa ni Jc at Zandro sa kanya
[Samantha] Habang kumakain sila ay ramdam niya ang paninitig ni Zandro sa kanya. Nang pandilatan niya ito ng mata ay kinindatan lang siya nito. Mukhang sa kanilang dalawa ay siya lang ‘tong natatakot na baka makita ng mama niya ang titigan nilang dalawa. “Siya nga pala, anak, aalis ako at baka tatlong araw akong mawala. Pupunta ka sa karating bayan para bisitahin ang kaibigan namin ni tito mo na may sakit.” Nakangiting bumalimg ang mama niya kay Zando. “Zandro, ikaw na muna ang bahala sa anak ko, ha? Wag mong pababayaan ang anak ko… alam mo naman ang pwede ko sayong magawa di’ba?” Muntik na niyang maibuga ang laman ng bibig. Ngayon lang niya narinig na nagbanta ang mama niya sa isang lalaki. Napangiti na lang siya. Habang nag iimpake ang iilang gamit ang mama niya ay nagbilin lang ito sa kanya na huwag lumabas ng mag isa, at wag magpagutom. Binilin pa siya nito kay Zandro bagi umalis na ikinaikot na lang ng mata niya. Nang makaalis ang mama niya ay nagkulong siya sa kwarto pagka
[Samantha] “A-Ano?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “H-Hiwalay na tayo kaya wag mo akong—“ “Hindi ako pumayag na maghiwalay tayo, Sam. I let you go and leave me because I want your mind and heart to cure from pain I’d cause you. Alam ko na masasaktan ka hangga’t nakikita mo ako habang hindi pa naghihilom ang sugat sa ginawa ko. Ginawa ko rin ang misyon na kailangan kong gawin para hindi na tayo magugulo pa ng kahit sino.” Misyon? Naguguluhan siya. Ano ang ibig nitong sabihin. “Magsimula tayong muli, Sam.” Nakikiusap ang mga mata nito. Hindi niya magawang magsalita. Gulat pa rin siya sa nalaman niya. Hindi niya akalain na siya ang babaeng tinutukoy nito na nobya. Napasinghap siya ng naramdaman ang paglapat ng mainit na bagay sa labi niya— Sakop ng tila uhaw na uhaw na labi ni Zandro ang labi niyang bahagya pang nakaawang. Hindi niya ito itinulak, bagkus ay tinugon niya ang halik nito ng may kasamang pananabik. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili dahil maski ang utak ni
[Zandro] ‘Tsk. Hindi ako iiyak!’ Iyan ang sinabi niya sa sarili ng araw ng nila si Sam. Humawak sa balikat niya ang ama. “Son, calm down. Baka maihi ka sa kaba ni’yan.” Naghalakhakan ang mga kaibigan niya. Napatingin siya sa kanyang tuhod. Damn! Nanginginig nga siya at halatang-halaga ‘yon. Nang bumukas ang tarangkahan ng simbahan ay tuluyan na siyang natumba. Napaunġol siya sa sobrang sakit ng tuhod niya. Ang mga gaġong kaibigan niya ay muli na naman nagtawanan. Ang sabi niya ay hindi siya iiyak— Pero pútang ina, umaagos na pala ang luha niya. Habang naglalakad si Samantha palapit sa kanya ay siya namang iyak niya na parang isang paslit. Gusto niyang alisin ang tingin sa napakaganda niyang mapapangasawa pero hindi magawa ng kanyang mata na lumihis ng tingin, gusto niya itong titigan lang. “Akala ko ba hindi ka iiyak?” May pang aasar na sabi ni Sam, namumula ang mata nito, mukhang nagpipigil na huwag umiyak. “H-hindi ko mapigilan. Masaya lang ako dahil akin ka na tal
[Zandro] "Ang Police Lieutenant General na si Zandro Alejo ay agad na sinibak sa pwesto dahil sa patong-patong na kasong kanyang kinahaharap ngayon. Ayon sa mga opisyal na kapulisan na nag-imbestiga ay napatunayan na isa siya sa mga tiwaling opisyal ng Gobyerno. Ginagamit umano nito ang pwesto para makabenta ng mga pinagbabawal na gamot sa malalaki at mga sikat na tao dito sa iba't ibang panig ng mundo. Ngayong napatunayan na isa siyang tiwali ay tuluyan na nga itong inalis sa kanyang pwesto bilang Police Lieutenant General at papatawan ng kaukulang parusa bilang pagsuway sa ating batas." Humigop ng kape si Zandro habang pinapanood ang balita tungkol sa kanya. Umaayon ang lahat sa plano nila— Yes, plano nila. Ang pagtanggal sa kanya sa pwesto ay kailangan sa 'misyon' na kanyang gagawin. Kailangan n'yang mapaniwala ang lahat na isa siyang tiwaling pulis para makapasok siya sa pinakamalaking sindikato na narito ngayon sa Pilipinas. "Goodluck, Sir!" Nakasaludong wika ng mga katulad
[Zandro] Sinamaan ni Zandro nang tingin ang mga kaibigan niya nang makita na nagpipigil nang tawa ang mga ‘to sa tuwing mapapagawi ang tingin sa kanya. “Damn!” Galit niyang tinadtad nang bala ang human puppet target at lahat ng balang pinakawalan niya ay tumama sa ulo nito. Narito silang magkakaibigan sa kanilang private gun shooting range. “Chill, fvcker. Wala ka nang magagawa kung natauhan na si Samantha at inayawan ka na.” Tumatawang ani ni Liam habang bumabarik din, at katulad niya ay sapol din nito ang target. “It was his fault. Palaging nakabantay ay nakadikit kaya naumay na sa kanya.” Segunda ni Jack na nakaupo lang at nakatingin lang sa screen nang cellphone. Tinapik ni Nickolas ang balikat niya— Pero hindi awa ang nakikita ni Zandro sa mukha ng kaibigan kundi pang aasar. “Maybe she found someone better—“ “Damn all of you!” He hissed. All this fvcker made it worse! Mas lalo lang gumugulo ang utak niya at kung ano-ano pa ang naiisip niya. Samantha is avoiding him
[Samantha] Maraming nailigtas na kababaihan, may ilang nasaktan at namataý, may mga babaeng hanggang ngayon ay lango parin sa dróga. Ang lahat nang mga tauhan ni Jc ay nahuli na maging ang mga naka-transaksyon nito. Tapos na… Makakahinga na siya— Sila nang maluwag. “Papataýin kita, Samantha! Tandaan mo babalikan ko kayo!!!” Malakas na hiyaw ni Mila habang hawak ito ng mga pulis para sampahan nang kaso at ikulong. “Should I kill her now, darling?” Madilim ang mukha na tumingin si Zandro sa babae na ikinalunok nito. “Hindi ko gusto ang binabantaan ka. Gusto mo bang isunod ko siya kay Jc?” Nagkibitbalikat siya. “It’s up to you, Zandro.” Aniya. Namumutla na si Mila sa dami nang dugong nawala rito pero parang hindi na ito makaramdam nang sakit. May palagay siyang high rin ito sa pinagbabawal na gamot. “Can I have her? Gusto ko siyang idagdag sa mga pagkain ng mga alaga ko.” Bigla nalang sumulpot si Tres sa likuran nila ni Zandro. Hindi niya alam kung ngingiwi ba siya, o matatawa. S
[Samantha] Nang makaalis si Jc kasama ang mga tauhan nito ay saka lang siya lumabas sa pinagtataguan. Agad na nagliwanag ang mukha ni Mila nang makita siya. “Samantha!” Puno nang pagsamo na tumingin ito sa kanya. “N-Nariyan ka? Ibig sabihin ay narinig mo ang lahat.” Pinahid niya ang luha at hindi sumagot. “Siya si Jc! Ginamit niya ang mukha ni Troy para makalapit uli sa’yo. Ngayong alam mo na, siguro naman may balak kang tulungan at pakawalan ako. Hindi ako ang kalaban mo, Samantha, kundi si Jc!” Tinakpan niya ang sariling bibig para hindi umalpas ang tawa sa kanya— Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon ay natatawa siya. “So, porke nalaman kong si Jc ang hayòp na akala ko ay pinsan mo sa tingin mo ay tutulungan at pakakawalan kita?” Pagak siyang natawa. Lumapit siya rito at nginisihan ito. “Ang kapal din ng pagmumukha mo, noh? Anong akala mo sa ‘kin tanġa? Pakakawaan kita matapos lahat ng ginawa mo sa akin?” “S-Samantha, n-nagmamakaawa ako sa’yo—“ “Kahit mamatay ka pa sa harap
[Samantha] Walang kaingay-ingay na lumabas siya nang kwarto. Kapag nakikita niyang may tauhan si Troy na makakasalubong niya ay agad siyang umiiwas. Tinakpan niya ang bibig. Halos masuka siya sa mga nakikita sa bawat kwartong nasisilip niya. May mga lalaki na sabay-sabay ginagalaw ang isang babae, may mga babae naman na sabay-sabay pinapaligaya ang isang lalaki. Hindi niya matukoy kung napipilitan ba ang mga ito, o nasisiyahan. Dahil kung pagbabasehan ang nakikita at naririnig niya ay tila nasisiyahan ang mga ito— O kung tama ang isa sa hinala niya ay baka may itinurok na dróga sa mga babae. Hindi malabong mangyari ‘yon lalo na sa mga katulad nila Troy at mga tauhan nito na mga hayòp. Pumikit siya at sumandal sa pader habang namumutla. Kapag nahuli siya ni Troy ay sigurado na magiging gano’n ang kahihinatnan niya. ‘Hindi ka matutulad sa kanila, Samantha! Magagawa mo ang plano mo at darating si Zandro para iligtas ka!’ Pagpapalakas niya ng loob. Nakarating siya sa may dulo. Dahil
[Samantha] Sa harapan niya nawalan nang malay si Mila dahil sa pagkakasakal rito ni Troy na ngayon ay namumula sa sobrang galit. Ang janitor naman ay malakas na sinuntok nang tauhan nito nang dalawang beses sa tiyan kaya nalugmok ito sa sobrang sakit. “Itali niyo ang dalawang ‘yan, mga walang kwentang kausap!” Lumapit sa kanya si Troy at binuhat pa siya para ihiga sa kama. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag itong ikutan nang mata. May awa at pag aalala parin pala ang hayòp na lalaking ‘to sa kanya. Ibang klase rin ang lalaking ‘to— Handang patayin si Mila na sarili nitong pinsan para lang sa kanya. Nakakatakot ang ganitong klase nang tao! “Don’t worry, Love. Wala nang makakapanakit sa’yo. Kaya hindi mo na kailangan matakot. Hmm.” Yumakap pa ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo. Halatang tuwang-tuwa ito. “Totoo ba ang sinabi mo kanina? Wala ka nang balak tumakas sa akin?” Sabi na nga ba, iyon ang ikinatutuwa nito ngayon— Ang narinig nito sa kanya kanina. Kunwari ay tumang
[Samantha] Paanong nangyari na si Jc ang puno’t dulo ng gulong nangyayari sa buhay niya gayong si Troy ang lahat nang nagdala ng kamalasan sa kanya. Nabaling ang mukha niya ng iwasiwas ni Mila ang hawak na patalim. Ramdam niya ang paghiwa nito sa kaliwa niyang pisngi. Dama niya ang hapdi. Imposible— Iyon ang sinasabi ng utak niya. Pero hindi naman magsasalita ng ganito si Mila nang walang basehan. “Sabihin mo sa akin. Ano ang ibig mong sabihin kanina?” Gusto niyang malinawan. Ang daming tanong sa utak niya na hindi masagot. “Ang dami mong tanong, Samantha! Mamataý ka nalang!” Inundayan siya ng saksak ni Mila sa tiyan. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata nito ng hawakan niya ang kamay nito bago pa siya nito masaktan ulit. Napangiwi ito ng dumiin ang hawak niya sa kamay nito dahilan para mabitiwan nito ang kutsilyo. Galit na galit siya— At dito marahil nanggaling ang lakas niya ngayon. Tatakbo sana si Mila nang bitiwan niya ito pero mabilis na hinatak niya ang buhok nito. “B-Bi
Kinuha ni Zandro ang kanyang HK 416 na baril. He is furious right now because of what he heard. Base sa kanyang hinala ay wala sa paligid si Samantha. Mukhang nalaglag mula rito ang chip device na inilagay sa likuran ng ulo nito. Damn that bastard! Sisiguraduhin niya na mamamatay na ito sa kamay niya sa pagkakataong 'to. "Lieutenant-" Napakamot sa ulo si SPO3 Sulinap. "I'm sorry, sir. Hanggang ngayon ay sanay parin akong tawagin kang Lieutenant." Napakamot sa ulong sabi nito. "Bakit naman kasi nagresign kayo sir. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nakatakas ang kriminal na 'yon." Hindi na lamang kumibo ang binata. Well, he has plan that's why he chose to do that. Mas mabuti nang patayín niya ito nang hindi kinakaladkad ang pagiging pulis niya. Hindi na madadamay pa ang pangalan nang kanyang ama. Dahil sa pagkakataong ‘to ay wala nang batas ang makakapigil sa kanya. Pinilig ni Zandro ang ulo- He couldn't wait to kill that man. Kapag naaalala ng binata kung paano nito hawakan a