Sana basahin niyo rin ang iba pang kwento ng mga kaibigan ni Zandro. Tapos na ang kwento nila: Alaric👏 Damon👏 Soon to publish: Red🖤 Miguel🖤 Nickolas🖤 Liam🖤 Tres🖤 Jack🖤 Wendell🖤
[Zandro] Galit na galit sinuntok ni Zandro sa mukha ang mga pulis na inutusan niyang puntahan ang nobya. Galing pa siya sa isang misyon. Pero ng mabasa niya ang tungkol sa report ng kasamahan nilang pulis na hindi kasama si Basilyo sa mga tauhan ni Jc na namatay at nakulong ay agad siyang nakaramdam ng kaba. Nakilala niya si Basilyo ng pumasok siya sa organisasyon ni Jc. Malupit ito at ganid sa lahat. Alam niyang gagawa ito ng paraan para makakuha ng malaking pera kay Jc. Handa nitong gawin kahit ano basta may kinalaman sa pera. “Pasensya na, Lieutenant.” Pinahid ni Spo3 Sulinap ang labi na dumudugo. Naiintindihan nito ang nararamdaman ng kaharap na binata. Kundi sila nahuli ng dating ay baka nailigtas pa ng mga ito ang dalaga. “Damn!” Malakas na sigaw ni Zandro na pinipigilan ang sarili na huwag umiyak. Huling misyon na niya ang ginagawa niya ngayon. Pagkatapos nito ay handa na siyang lumagay sa tahimik kasama si Samantha. Nakahanda na ang lahat, ang lugar kung saan siya magpo-
[Samantha] Ngumisi si Basilyo sa kanya. “It showtime!” Ani nito bago siya kinaladkad palabas ng kwarto habang nakahawak sa kanyang buhok. Gustuhin man niyang magreklamo ay nanahimik na lang siya at nagtiis. Matatapos din ang paghihirap niya dahil nariyan na si Zandro para iligtas siya. “Let her go assh0le!” Naggagalawan ang panga na sigaw ni Zandro ng makita siyang hawak sa ulo ni Basilyo. Humalakhak si Basilyo na parang isang biro ang sinabi ni Zandro. “Sa tingin mo ay makakaligtas pa ngayon sa lugar ‘to?” Umawang ang labi niya ng makita ang isang hubad na babae sa isang gilid na sa tingin niya ay labing anim na taon pa lang. Hindi niya mapigilan ang maluha ng makitang hubad ito at puro pasa ang katawan. “T-Tulong po…. T-Tulungan niyo po ako.” Umiiyak na pagmamakaawa ng dalagita. Halatang wala na itong lakas para tumayo pa, tanging mahinang pag ungòl na lang ang tangi nitong nagawa. “Mga walang hiya kayo! Ano ang ginawa niyo sa kanya!” Galit na galit siya. Sa sobrang galit niya
[Samantha] “Samantha, totoo ba ang balita na nagdi-date kayo ni Peter?” Natigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop at nilingon ang kapwa niya guro na si Mila. “Saan mo naman nalaman ang balitang ‘yan?” Kunot ang noo na tanong niya. “May nakakita kasi sa inyo na magkasama sa isang Coffe Shop.” Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng nagdududang tingin. “So, kayo na nga?” Umiling siya bago muling ibinalik ang mata sa ginagawa. “No, we’re just friends. Napadaan lang ‘yong tao ‘date’ agad?” Ang bilis talaga kumalat ng tsismis. Minsan parang gusto niya ng maniwala na may pakpak talaga ang balita. “So, may pag asa na si Troy?” Toto-ngiti na tanong nito. Pinsan nito si Troy. Nakilala niya ang binata ng imbitahan siya ni Mila na dumalo sa birthday celebration nito sa bahay nito. Hindi na lang siya nagsalita at mahinang napatawa na lang. kinuha niya ang tumbler at saka uminom ng lemon juice ng magsalita ito. “Bagay na bagay kayo nang pinsan ko, Samantha. Teacher ka, pulis naman
[Samantha] “MAGNANAKAW!!!” Napahinto siya pagpili ng gulay— maging ang mga tao sa paligid ay gano’n din. Handa na sanang saklolohan ng mga kalalakihan ang matandang babae ng magsalita muling sumigaw ito. “Magnanakaw ng puso! Jusko, ang gwapo mo namang binata ka! Dayo ka ba sa lugar namin? Binata, pamilyar ka, parang nakita na kita hindi ko lang matukoy kung saan.” Napapakamot sa ulo na dugtong ng matanda. Akala nila ay nangangailangan ito ng tulong— ‘yon pala ay nakakita lang ng gwapo. “Si manang Lolits talaga, oh! Ang tanda na, pero kapag nakakakita ng gwapo ay naglalaway pa!” Palatak nang isang tindera. “Miss, ito lang ang bibilhin mo?” Tanong ng tindera. Napatitig siya sa matangkad na lalaking nakatalikod sa pwesto niya. Nakasuot ito nang kulay itim na jacket na may hoodie, loose pants, at crocs na tsinelas. Mga 6’2 ang height, malapad ang likod, bakas ang matipunong braso. Parang si Z— “Miss, aba, wag mo naman durugin ang kamatis na tinda ko,” Reklamo ng tindera
[Samantha] Marahan niyang hinilot ang batok habang nakatingin sa pagkain na nasa harapan niya. Inabot sa kanya ito ni Mila. Galing daw kay Troy. Tatlong araw na siyang pinapadalhan ng pinsan ni Mila ng pagkain. Tumatanggi siya at hindi ito tinatanggap. Ayaw niya kasi na magbigay ito ng dahilan para umasa sa kanya ang binata. “Sinabihan ko talaga si Troy na damihan dahil napapansin ko na palagi kang wala sa sarili at matamlay. Kailangan mo ng masustansyang pagkain para healthy ka palagi!” Ngiting-ngiti na umupo si Mila sa tabi niya. “Ang bait ng pinsan ko, noh? Kahit busy siya sa tungkulin niya ay hindi ka pa rin niya nakakalimutan. Saka talagang inaalala niya palagi ang kalusugan mo.” “Mila, ayaw kong umasa ang pinsan mo kaya tigilan mo na ang pagreto mo sa kanya.” Mukhang mabait naman si Troy. Pero wala talaga sa plano niya ang pumasok sa isang relasyon. Lalo na sa isang pulis. “Samantha, please. Give him a chance. Alam mo, minsan lang magkagusto si Troy sa isang babae. At la
[Samantha] Nagpatuloy sa panliligaw sa kanya si Troy. Wala siyang makitang mali sa ugali nito. Pati ang buong pamilya nito ay mabuti rin. Ang mama niya ay mukhang masaya din sa kanya. Mukhang ngayon pa lang ito naniniwala na naka-move on na siya kay Zandro. “Anak, ihatid mo nga ito do’n sa kabilang bahay.” Kumunot ang noo niya ng makitang mga bagong punda, unan, at kumot ito. “May bagong nangungupahan, ma?” Mayro’n kasing tatlong bahay ang kapatid ng mama niya. Ang tatlong ‘yon ay pinapaupahan sa mga dayo sa murang halaga para may pansamantalang matutuluyuan ang mga ito. “Oo, anak. Mukhang artista nga e, ang gwapo kasi.” Bulong pa nito. Napailing na lang siya at mahinang natawa. Mukhang gwapo nga talaga ang nangungupahan dahil pinuri ito ng kanyang ina. Hindi kasi ito ang tipo na pupuri ng isang tao ng basta-basta. Nang malapit na siya bahay-paupahan ay nakita niya ang paglabas ng isang lalaki rito. Muntik ng malaglag ang panga niya ng makilala ito— si Zandro! Mabilis an
[Samantha] Tumaas ang kilay niya ng makita na tumatawa ang mama niya habang kausap si Zandro. Kung noon na sila pa ay baka matuwa pa siya dahil mukhang magaan ang loob dito ng ina niya. Hindi katulad kay Jc hindi nito nagustuhan. Pero ngayon ay wala siyang makapang tuwa sa dibdib. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng tumuloy rito si Zandro. Sa loob ng dalawang buwan ay wala itong ginawa kundi magpalakas sa mama niya at kausapin siya. Pero syempre ay hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon. Asa! Hindi na siya madaling mabola ngayon, noh! "Anak!" Natigil siya sa panonood at agad na nagtungo sa kusina para puntahan ang mama niya. "Mamili ka sa talipapa," Ani ng mama niya sabay abot ng listahan sa kanya. "Bilhin mo lahat 'yan. Napilay si Pablo sa pagbabasketball kaya hindi siya makakapamalengke." Tukoy nito sa pinsan niya. "Ang tita mo ay hindi pwede iwan ang tito mo kaya ikaw na muna ang mamili. Birthday ng tito mo kaya maghahanda tayo." Hindi pwedeng iwan ng tita
[Samantha] Mas lalong nalukot ang mukha niya sa narinig. Mukhang hindi nito napansin na may ibang tao rito bukod sa binata. Tumikhim siya. "Ako gusto ko ng tubig. Bibigyan mo ba ako?" Tumingin lang sa kanya si Jennilyn at binigyan siya ng tingin na 'Wag kang magulo dahil naglalandi pa ako' look. "No." Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa ng marinig ang maikling sagot ni Zandro rito. Mas lalong iniliyad ni Jennilyn ang dibdib. "Eh ano ang gusto mo?" Tanong pa nito. Napangiwi siya. At nagawa pa talaga nitong magpabebe ng boses? Napailing-iling na lang siya. Nang tumingin siya kay Zandro ay nagkasalubong ang mata nilang dalawa. 'I want you' Muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan dahil kahit hindi bumubuka ang bibig ng binata ay parang 'yon ang nababasa niya sa tingin nito. Tila naririnig pa niya ang sinasabi nito sa utak niya! "Jennilyn!" Tawag niya sa kaibigan. Humawak siya sa dibdib, "A-Ako kailangan ko ng tubig!" Nataranta naman ito ng mapansin na namumul