[Samantha] Tatlong araw na niyang iniiwasan si Zandro. Simula nang mangyari ang mainit na halikan sa pagitan nilang dalawa ay napag-isip-isip niya na kailangan niyang sumipilin ang nagsisimulang umusbong na pakiramdam sa dibdib niya. Nakagawa ito nang kasalanan sa kaniya--- No, hindi lang sa kanya, kundi maging sa mga mahal niya. Napahinto siya sa paghakbang nang makasalubong niya si Zandro. Nang gumilid siya para makadaan ito ay gumulid din ito. Panay ang gilid niya sa kanan at kaliwa--- at gano'n din ito. Kung hindi niya nakita ang ngisi sa labi nito ay aakalain niya na nagkataon lang 'yon at hindi nito sinasadyang harangan siya. Pero sadyang nang aasar ang loko. Gusto yatang makipag-patintero sa kanya. Gusto man niya na bulyawan ito ay nagpigil siya. Pinili niyang kumalma at hindi patulan ang ginagawa nito. Sigurado siya na hindi ito titigil at mas lalo lamang siyang aasarin nito kapag pumatol pa siya. Tinalikuran na lang niya ito at saka iniwan, pero hindi pa man siya nakaka
[Samantha] Kumapit ang kamay niya sa suot nitong damit. Mahina siyang napapadain6 sa ginagawa nitong pagsipsip sa balat niya. Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanya nang madilim ang mukha--- dahil sa pagnanasa. "Admit it, Sam. Aminin mo na hindi lang ako ang nakakaramdam nang pagnanasa sa ating dalawa." Gusto niyang sabihin na 'mali ito--- pero walang salitang lumabas sa labi niya. Hindi niya alam kung dala ba ang tuba na nainom niya kaya hindi niya magawang itanggi ang sinasabi nito, pero isang bagay ang tiyak niya--- Tama ito! "Uhmp---" Nang hindi siya sumagot ay naging hudyat iyon sa binata para angkinin ng mapusok ang labi niya na agad niyang ginantihan. Maski maliit na pagtutol ay wala siyang makapa--- ang nais lamang niya ngayon ay matugunan ang init na nagmumula sa katawan niya na binuhay ng binata. Itinulak siya ni Zandro sa ibabaw ng higaan at agad na hinalikan muli. Ang init! Parehong nag aapoy ang katawan nila sa tindi nang pagnanasa na nadarama nila. Habang
[Samantha] "Ma'am, ayos ka lang ba?" Saka lamang siya natauhan nang marinig ang boses ni Lourdes. Nitong nakalipas na dalawang araw ay wala siya sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Zandro. 'Dala lang siguro 'yon nang kalasingan niya' Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa isip niya. Pero sino ang niloloko niya? Aminin man niya, o hindi, hanggang ngayon ay naaalala niya ang bawat detalye nang nangyari. Mahina siyang bumuga nang hangin bago nakangiting tumango kay Lourdes. "Ayos lang ako." Aniya rito. Narito sila ngayon sa farm. Namimitas sila ng mga gulay. Tumagal sila nang halos apat na oras sa pamimitas. Dahil sa kaiisip sa binata ay hindi man lang siya nakaramdam ng pagod at gutom. Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Lourdes na tanghalian na ay hindi pa siya makakaramdam ng gutom. Nang dumating sina Zandro kasama si Sonny ay agad siyang tumayo para lumayo. Sa totoo lang ay nahihiya siya sa nangyari, hindi lamang sa
[Samantha] "Ma'am, ang blooming mo lalo ngayon. Mas lalo kang gumanda." Humawak siya sa pisngi na ngayon ay namumula na dahil sa papuri ni Lourdes sa kanya. May panunuksong tumingin ito sa kanya. "Halatang masaya ka ngayon, ma'am. Hindi pilit ang ngiti mo hindi katulad noong una." Dagdag pa ng babae. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Tama si Lourdes. Masaya nga siya ngayon--- at syempre dahil iyon kay Zandro. Sa nakalipas na dalawang buwan niya rito sa isla ay tuluyan na siyang nahulog kay Zandro. Hindi na niya kaya pang kontrolin ang puso niya. Kaya ngayon ay hindi lang katawan niya ang naghahanap sa binata- maging ang puso rin niya. Magkahawak kamay silang dalawa na nagtungo ni Zandro sa cabin. Natigilan siya nang makita ang pagdilim ng mukha ng binata habang nakatingin sa unahan nila. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay nakita niya ang isang lalaki. Pumilig ang ulo niya. Pamilyar ang mukha nang lalaki, pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nak
[Samantha] Totoo pala na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay tama ang pagkakakilala mo. Isa 'yon sa napatunayan niya ngayon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na isang lider ng sindikato si Jc, hindi lang lider, kundi isa rin itong napakasamang tao. Pinahid niya ang luha sa pisngi habang nakatingin sa karagagan. Narito siya ngayon sa tabi ng dagat, gusto niyang mapag isa. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ay siyang magdadala sana sa kanya sa kapahamakan. Gano'n ba siya kamangmang para hindi mapansin 'yon? Mahal lang ba talaga niya ito kaya nabulag siya? O talagang magaling lang ito magtago? Kung gano'n ito ang tinutukoy ng mga taong nagtangkang dumukot sa kanya. Hindi si Zandro ang binalak na kidnapin siya kundi si Jc mismo! Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa kamay at saka impit na umiyak. Mabuti na lang pala at ginawa ni Zandro ang lahat upang iligtas siya sa kamay ni Jc. Paano kung naikasal siya rito at nagtagumpay ito? Oo
[Samantha] Nanlaki ang mata niya ng makita si Jc na kararating lang. May bahid ng dugo ang kamay at damit nito. Ang dating matamis na ngiti na nakapaskil sa labi nito sa tuwing magkikita sila ay wala na--- napalitan ito ng nakakatakot na ngisi na kahit sino ay matatakot. Tinakpan niya ang bibig gamit ang dalawang palad. Takot na takot siya na makagawa ng ingay. 'Zandro, please... tulungan mo ako!' Piping usal ng utak niya. "Tuluyan niyo ang mga 'yan." Rinig niyang utos ni Jc sa mga kasama. "Hanapin niyo si Samantha at dalhin sa akin. Huwag niyo siyang sasaktan kundi ay papatayin ko kayo. Ano pa ang hinihintay niyo?! Hanapin niyo ang nobya ko at dalhin sa akin!" Utos ng binata na agad na sinunod ng mga tauhan nito. Marahan niyang hinubad ang suot na tsinelas para mas magaan ang pagtakbo niya at hindi makagawa ng ingay. Kahit nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot ay nagawa niyang magtago sa likod ng mga drum na naroon na mayro'ng nakapatong na mga lambat. "Boss, hindi
[Samantha] Isang putok ng baril ang muling pinakawaan ni Jc sa kanyang paanan kaya naman halos mapalundag siya sa sobrang gulat at takot. Hindi niya akalain na magagawa siya nitong takutin at putukan ng baril. Sa nanlalabong mata ay wala siyang nagawa kundi ang tumayo sa kinatatayuan. Gusto man niyang tumakbo palayo rito ay hindi niya ginawa. ‘Zandro, please… iligtas mo ako!’ Sa isip niya ay hindi siya tumitigil sa kahihiling na sana ay dumating ito. Muli ay mayro’ng nagpaputok sa kinaroroonan ni Jc. Nakita niya na ang ilang tauhan nito ay natumba, at gano’n din sa kampo ng pulisya. Sinamantala niya ang pagpapalitan ng putok ng dalawang kampo at tumakbo, subalit mayro’ng lalaking humablot sa braso niya. “Dalhin mo ang babaeng ‘yan rito, Basilyo!“ Utos ni Jc sa tauhan nito. Nang mahila siya ng lalaking nagngangalang Basilyo papunta kay Jc ay nilagyan siya nito ng tali sa kamay, habang ang ilang kasamahan ni Jc na napakarami ay abala sa pagganti ng putukan at pagprotekta sa kanila
[Zandro] Ang kalmadong awra ni Zandro kanina ay palabas lamang nito. Matagal na nitong hawak ang master list pero nagdesisyon ito at ang kanyang ama na itago muna ang bagay na ‘yon. Hindi gusto ng mag ama na mabahala ang mga malalaking personalidad at mataas na opisyal na nakalista dito. Gusto nilang mahuli ang lahat ng mga may kinalaman sa illegal na negosyo ni Jc at mapanagot sa batas ang mga ito. Hindi mangyayari ‘yon kung ilalantad agad nila ang tungkol sa hawak nila. Pero para malaman kung sino ang traydor ay naglabas siya ng pekeng dokumento— at tama nga ang binata. Kakagat ang kasabwat ni Jc Gusto lamang niyang malaman kung tama ang hinala niya at hindi nga siya nagkamali! Si SPO2 Madril ang kasabwat ni Jc. Naghinala na siya rito ng malaman niya na ito lang ang naglalabas-masok sa selda ni Jc bago ito nakapuslit ng gagamiting cellphone at nakatakas sa kulungan. Ayon din kay SPO3 ay nakita umano nito si Olga na nakikinig sa kanilang usapan na dadalhin na niya sa isla si Samant