❇️
[Samantha] Naiwan siyang tulala habang sinusundan ng tingin si Zandro. Kung umasta ito ay daig pa ang nobyo niya. Iba daw magselos? Ano ang karapatan nitong magselos 'eh wala naman talaga silang relasyon? Bukod pa ro'n ay labag sa loob niya ang pagsama rito, kaya wala itong karapatan na manduhan siya. Ang gwapo ni Miguel--- No, hindi lang si Miguel. Lahat ng mga kaibigan ni Zandro ay walang itulak kabigin sa angking kagwapuhan. Hindi kaya katulad ni Zandro ay mga baliw din ang mga ito? Napailing na lamang siya sa naisip. Kung ano-ano pa ang naiisip niya. Napabuga siya nang hangin ng maalala ang kaibigan na si Wina. Kung buhay lamang ito ay tiyak na matutuwa ito sa sasabihin niya na nakita niya ang artistang kinababaliwan nito. Inayos niya ang suot na loose pants bago sinubukan buksan ang pinto. Napangiti siya. Akala niya ay ila-lock ni Zandro ang pinto. Iniwan siya nito at hindi man lang ini-lock ang pinto. Mukhang abala ito dahil dumating ang mga kaibigan. Kailangan niyang
[Samantha] Napangiti siya ng tuluyan silang makalabas ng gusali ni Liam. Pakiramdam niya ay ngayon na lang uli siya nakalabas ng matagal na panahon. "Salamat, Liam, huh. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat at ibabalik ang kabutihang ginawa mo." Kumikinang ang mata na sambit niya. "You don't have to thank me, Samantha." Mahinang natawa si Liam. "Mas tama sigurong murahin mo ako." Makahulugan nitong wika. "Ha?" Naguguluhan niyang tanong. Pero imbis sagutin siya ay umiling-iling lamang ito habang may ngisi sa labi. Mayamaya ay mayro'ng sasakyan na huminto sa harapan nila. "Sumakay ka na. Ihahatid ka niya sa tamang lugar na dapat mong puntahan sa ngayon." Wika nito sabay bukas nang pintuan ng itim na van. Nag-atubili siyang sumakay. "Nakakahiya naman-" "Don't worry, hindi naman ako ang maniningil sa'yo." Agad na putol ni Liam sa kanya. Nangunot ang noo niya. Kanina pa niya napansin ang pahapyaw nitong mga sinasabi. Nagkibitbalikat na lamang siya at muling nagpasalama
[Samantha] "NASAAN TAYO?! SAAN MO AKO DINALA?!" Nanlalaki ang mata na tanong niya kay Zandro nang bumaba sila ng chopper. Nakaramdam siya ng kaba ng mapansin na wala siyang ibang makita kundi puro tubig. Mayro'ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang pangunahan ang nasa isip niya. "We're here in our paradise, Sam." Sagot nang binata na tila balewala ang nakikitang galit sa kanya. "D-Dinala mo ako sa islang ito without asking my permission?" Galit na wika niya. "What is wrong with you, Zandro?! Talagang nababaliw ka na ba?" Mangiyak-ngiyak na iniwan niya ito. "Sam, where are you going?" Nanlilisik ang mata na nilingon niya ang binata. "Sa lugar na wala ang baliw na tulad mo!" Aniya sabay takbo palayo rito. Mas lalo lamang nag alburuto ang dibdib niya sa inis nang marinig ang malakas na pagtawa nito. Nalaglag ang balikat niya habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Wala siyang natatanaw kundi tubig. Mukhang mauubusan muna siya ng hininga bago makarating sa kabilang isla, o k
[Samantha] Handa na sana siyang bulyawan ito nang matigilan siya. Nakatingin si Zandro sa kanya ngayon nang puno ng emosyon ang mata na hindi niya mapangalanan. Ang kulay asul na mata nito ay tila hinihipnotismo siya ngayon--- mahina niyang kinurot ang sarili para matauhan. Ano ba itong naiisip niya?! Hindi siya dapat magpadala sa magandang mata nito! "Masarap ba?" Tanong ng binata. "H-Huh?" Mahina itong natawa. "Namumula ka, Sam. Ako ba ang nasa isip mo ngayon? Mahal mo na ba ako?" Dumiin ang pagkagat niya sa karne habang iniisip na ito ang dinudurog niya ngayon. "Bakit naman kita iisipin? Hindi ka naman special para paglaanan ko ng espasyo sa utak ko." Aniya na may halong pang-aasar. Imbis maasar ay ngumisi lang ang binata. "Sa ngayon ay wala pa, Sam." Dumukwang ito at inilapit sa kanya ang mukha kaya napausod ang ulo niya. Nalunok pa niya ang karne nang buo. "Sa oras na may espasyo na ako ri'yan ay titiyakin ko na wala nang magiging laman 'yan kundi ako lang." Inabuta
[Samantha] Nang magising siya kinabukasan ay wala na si Zandro sa kwarto. Nakaligpit na ang higaan nito. Nang lumabas siya ay wala rin ito sa kusina at sala pero mayro'n nang pagkain na nakahanda para sa kanya. Mainit pa ang kape na nakatimpla sa tasa. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas siya para maglibot. Sa paglalakad niya ay nakarinig siya nang mga boses. Nagulat siya nang makakita ng mga tao bukod sa kanya. Buong akala niya ay sila lamang dalawa ni Zandro ang narito sa isla. "Magandang umaga, ma'am Samantha!" Bati na lalaki na sinundan din agad ng babae. Sa tingin niya ay nasa trenta na mahigit ang edad ng mga ito. Natigilan siya. Kilala siya nang dalawa? "Nabanggit sa amin ni sir Zandro ang tungkol sa'yo, ma'am." Nabasa nang babae ang nasa isip niya kaya nagpaliwanag ito. "Na-ikwento ka sa amin ni sir. Tama nga siya, napakaganda mo." Papuri pa nang babae. Kimi siyang ngumiti. Mukhang mabuting tao naman ang dalawa. Gusto man niya magtiwala ay may pumipigil sa kanya. Hindi
[Samantha] Tumikhim siya at pasimpleng nagtanong. "Mabuti at nagawa ninyo tumagal rito ng asawa mo sa isla. Hindi niyo ba naisip na umalis rito? I mean, hindi niyo ba naisip na humanap ng ibang amo, o trabaho?" Hindi ba alam ng mag asawa ang lihim ni Zandro? "Isa ako sa mga babaeng niligtas noon ni sir. Sobra ang pasasalamat namin dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakatakas at magkakaroon ng masayang buhay ngayon. Alam ni Sonny ang pinagdaanan ko. Katulad ko ay nagpapasalamat din siya dahil niligtas ako ni sir. Kung hindi dahil kay sir ay hindi ako makakabalik sa piling ng asawa ko... utang namin ang buhay namin sa kanya. Simula noon ay pinangako namin sa aming sarili na magsisilbi kami sa kanya hanggang sa tumanda kami." Natigil sila sa pag uusap nang magpaalam na si Lourdes para sundan ang asawa. Naiwan siyang nakatingin kay Zandro. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang mga sinabi ng babae. Sa kwento nito ay parang mabuting tao si Zandro at malayo sa inaa
[Samantha] Tatlong araw na niyang iniiwasan si Zandro. Simula nang mangyari ang mainit na halikan sa pagitan nilang dalawa ay napag-isip-isip niya na kailangan niyang sumipilin ang nagsisimulang umusbong na pakiramdam sa dibdib niya. Nakagawa ito nang kasalanan sa kaniya--- No, hindi lang sa kanya, kundi maging sa mga mahal niya. Napahinto siya sa paghakbang nang makasalubong niya si Zandro. Nang gumilid siya para makadaan ito ay gumulid din ito. Panay ang gilid niya sa kanan at kaliwa--- at gano'n din ito. Kung hindi niya nakita ang ngisi sa labi nito ay aakalain niya na nagkataon lang 'yon at hindi nito sinasadyang harangan siya. Pero sadyang nang aasar ang loko. Gusto yatang makipag-patintero sa kanya. Gusto man niya na bulyawan ito ay nagpigil siya. Pinili niyang kumalma at hindi patulan ang ginagawa nito. Sigurado siya na hindi ito titigil at mas lalo lamang siyang aasarin nito kapag pumatol pa siya. Tinalikuran na lang niya ito at saka iniwan, pero hindi pa man siya nakaka
[Samantha] Kumapit ang kamay niya sa suot nitong damit. Mahina siyang napapadain6 sa ginagawa nitong pagsipsip sa balat niya. Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanya nang madilim ang mukha--- dahil sa pagnanasa. "Admit it, Sam. Aminin mo na hindi lang ako ang nakakaramdam nang pagnanasa sa ating dalawa." Gusto niyang sabihin na 'mali ito--- pero walang salitang lumabas sa labi niya. Hindi niya alam kung dala ba ang tuba na nainom niya kaya hindi niya magawang itanggi ang sinasabi nito, pero isang bagay ang tiyak niya--- Tama ito! "Uhmp---" Nang hindi siya sumagot ay naging hudyat iyon sa binata para angkinin ng mapusok ang labi niya na agad niyang ginantihan. Maski maliit na pagtutol ay wala siyang makapa--- ang nais lamang niya ngayon ay matugunan ang init na nagmumula sa katawan niya na binuhay ng binata. Itinulak siya ni Zandro sa ibabaw ng higaan at agad na hinalikan muli. Ang init! Parehong nag aapoy ang katawan nila sa tindi nang pagnanasa na nadarama nila. Habang