Salamat po sa paghihintay ng update.
[Zandro] Agad na tumayo si Zandro nang makita si Jc na nakaposas kasama ang dalawang pulis na bantay nito. May ngisi ito sa labi na tila ba alam nito kung bakit niya ito pinuntahan ngayon. Kumuyom ang kamao niya sa tindi ng galit niya. "Long time no see, Zandro my friend--" Hindi niya pinansin ang mapang asar na bati nito. Agad na inundayan niya ito ng suntok sa sikmura na ikinaungol nito ng malakas. Hindi pa siya nakontento ay maging sa mukha ay pinagsusuntok niya ito. Kung hindi lamang nila ito kailangan ng buhay ay baka matagal na niya itong napatay. Isa-isang nag alisan ang mga pulis na naroon at hinayaan siya sa ginawang pagbugbog kay Jc. Mas lalo lamang nangalit ang ngipin niya ng magawa pa nitong tawanan siya kasabay ng panaka-nakang pag ung0l nito dahil sa sakit. "A-Ano ba ang ikinagagalit mo, ha? Dahil ba sa nobya ko?" Nang makita ni Jc ang paggalawan ng kanyang panga ay ngumisi ito na tila inaasar siya. "Sinabi ko naman sayo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya
[Samantha] Huminto si Samantha sa paglalakad at luminga sa paligid. Pakiramdam niya ay mayro'ng sumusunod sa kanya. Ito ang madalas niyang maramdaman simula ng manggaling siya sa police station dalawang linggo na ang nakakaraan. Dalawang linggo na rin siyang naghihintay ng tawag mula sa mga pulis tungkol sa pagkakahuli kay Zandro. May palagay siyang nakakulong na ito. Nang bumalik siya sa apartment nito ay wala ng mga gamit rito. Kaya sa palagay niya ay nakakulong na ito. Naghihintay na lamang siya ng kumpirmasyon sa pulisya subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol rito--- na siyang nakapagtataka. Dahil on-leave pa siya ay nagagawa niyang mamasyal at aliwin ang sarili. Namimiss niya si Wina. Ito kasi ang madalas niyang kasama sa tuwing namamasyal siya. Pero ngayon ay wala na ito at kailangan niya iyong tanggapin. "Samantha!" Ngumiti siya sa kina Marilyn at Vina, mga co-teachers niya. "Condolence nga pala sa nangyari kay Darwin. Hindi namin lubos akalain na sasapi
[Samantha] Hindi siya mapakali habang hinihintay ang mga pulis na darating para sunduin siya. Sobra na siyang nag aalala kay Jc. Hindi niya alam kung nasaan ito, at kung ano ang maaaring gawin rito ni Zandro. Tama nga siya sa hinala niya tungkol kay Zandro-- na ito ang dahilan kung bakit biglang hindi nagparamdam sa kanya ang nobyo. Nang marinig ang pagkatok sa kanyang apartment ay agad siyang tumayo at binuksan ito. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang limang kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng pulis. Hindi pamilyar sa kanya ang mga mukha nito, pero sa tingin naman niya ay ito na ang hinihintay niya. "Tara na, ma'am, dadalhin namin kayo sa headquarter--" Habang nagsasalita ang lalaki ay hindi sinasadyang napatingin siya sa suot nito. Napansin niya na masikip rito ang uniporme nito. Ilang beses siyang napalunok ng makita ang kulay pula sa bandang ibaba ng suot nito. Nang tingnan niya ang mga kasamahan nito ay gano'n din ang napansin niya--- tila maliliit sa mga ito ang suot.
[Samantha] Hinagis ni Zandro ang hawak na baril at saka dinukot ang cellphone sa bulsa. "Take them, I think, they are still alive.." Nakitaan niya ng talim at galit ang mata ng binata habang nakatingin sa mga lalaking nakahandusay sa baitang ng hagdan. Kung titingnan ay parang galit ito dahil sa sinapit ng mga pulis. Pero alam niya na kabaligtaran iyon. Napapitlag siya at napapikit ng maramdaman ang kamay nito na ngayon ay nasa leeg niya. Sa palagay niya ay sasakalin siya nito. "Is it hurt?" Masuyo nitong tanong na ikinadilat niya. "H-Hayop ka talaga, no? Nagawa mo pang tanungin ako ng ganyan matapos mo akong ipadakip? Sa tingin mo ay habang buhay kang makakatakas sa batas—“ Gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya ng walang babalang sinakop nito ang labi niya. "Uhmmm!!!" Gusto niya itong sipain, pero nabasa nito ang balak niyang gawin kaya madaling hinarang nito ang tuhod sa hita niya. Halos mawalan siya ng hangin dahil sa paraan ng pagkakahalik nito. Nagawa pa nitong s****
[Samantha] Masama ang ipinupukol niyang tingin ngayon kay Zandro habang kumakain sila. Hindi na siya nakipagtalo pa rito dahil baka totohanin nito ang sinabi sa kanya. Sila lamang dalawa kaya hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin. Mabuti na iyong mag ingat muna siya sa kanyang galaw. Sa oras na makakita siya ng pagkakataong tumakas ay gagawin niya. Kailangan niyang makapagsumbong sa mga pulis tungkol sa ginawa nito. Dapat nitong pagbayaran ang kasalanan sa loob ng kulungan. Pigil niya ang sarili na huwag saksakin ito ng tinidor sa mukha dahil sa ginawa nito sa leeg niya. Halos punuin nito ang kiss mark ang kanyang leeg! Paano na lang kung mayro’ng makakita sa kanya na kapwa niya guro? Nakakahiya! Tiyak na pag uusapan siya ng mga ito. Iniwas niya ang tingin rito ng tumingin ito sa kanya. "Don't look at me like that, Sam. Gusto ko tuloy isipin na ako ang gusto mong kainin ngayon at hindi ang mga niluto ko." Nakangising turan nito na ikinaikot ng kanyang mata. Hindi na lam
[Samantha] Hindi niya nagawang sumagot. Nanlalamig siya sa takot. Naramdaman na lamang niya ang pag angat niya sa ere. Si Zandro ay buhat na siya ngayon habang tumatawa. Siya ay hindi napigilan ang maluha. Pigil na pala niya ang kanyang paghinga dahil sa takot. Tapos nagawa pa siyang tawanan nito? Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng tapang at nagawa niyang ipalibot ang braso sa leeg nito at saka madiin na kinagat ito sa pisngi. "Damn it, Sam! Let my cheeks go!" Reklamo nito. Mas idiniin niya ang pagkagat sa pisngi nito. Lintik lang ang walang ganti! Nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya ay bumitaw siya sa pagkagat sa pisngi nito at kinapa ang baril sa bulsa ng suot niyang pants. 'Looking for this?" Nakangising tanong nito na tila ba hindi nasaktan sa ginawa niya kanina. Napangiwi siya ng makita ang bakat ng ngipin niya sa pisngi nito. Tiyak siyang masakit ito, kaya paano nito nagagawang ngisihan siya? Umawang ang labi niya ng ibaba siya nito at ibinigay sa kanya a
[Samantha] Naiwan siyang tulala habang sinusundan ng tingin si Zandro. Kung umasta ito ay daig pa ang nobyo niya. Iba daw magselos? Ano ang karapatan nitong magselos 'eh wala naman talaga silang relasyon? Bukod pa ro'n ay labag sa loob niya ang pagsama rito, kaya wala itong karapatan na manduhan siya. Ang gwapo ni Miguel--- No, hindi lang si Miguel. Lahat ng mga kaibigan ni Zandro ay walang itulak kabigin sa angking kagwapuhan. Hindi kaya katulad ni Zandro ay mga baliw din ang mga ito? Napailing na lamang siya sa naisip. Kung ano-ano pa ang naiisip niya. Napabuga siya nang hangin ng maalala ang kaibigan na si Wina. Kung buhay lamang ito ay tiyak na matutuwa ito sa sasabihin niya na nakita niya ang artistang kinababaliwan nito. Inayos niya ang suot na loose pants bago sinubukan buksan ang pinto. Napangiti siya. Akala niya ay ila-lock ni Zandro ang pinto. Iniwan siya nito at hindi man lang ini-lock ang pinto. Mukhang abala ito dahil dumating ang mga kaibigan. Kailangan niyang
[Samantha] Napangiti siya ng tuluyan silang makalabas ng gusali ni Liam. Pakiramdam niya ay ngayon na lang uli siya nakalabas ng matagal na panahon. "Salamat, Liam, huh. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat at ibabalik ang kabutihang ginawa mo." Kumikinang ang mata na sambit niya. "You don't have to thank me, Samantha." Mahinang natawa si Liam. "Mas tama sigurong murahin mo ako." Makahulugan nitong wika. "Ha?" Naguguluhan niyang tanong. Pero imbis sagutin siya ay umiling-iling lamang ito habang may ngisi sa labi. Mayamaya ay mayro'ng sasakyan na huminto sa harapan nila. "Sumakay ka na. Ihahatid ka niya sa tamang lugar na dapat mong puntahan sa ngayon." Wika nito sabay bukas nang pintuan ng itim na van. Nag-atubili siyang sumakay. "Nakakahiya naman-" "Don't worry, hindi naman ako ang maniningil sa'yo." Agad na putol ni Liam sa kanya. Nangunot ang noo niya. Kanina pa niya napansin ang pahapyaw nitong mga sinasabi. Nagkibitbalikat na lamang siya at muling nagpasalama