Trapped series🔥 Mature content‼️ 1. Trapped with him: Alaric and Pamela's story 2. The lonely billionaire and his maid: Damon and Amelia's story 3. His intention: Zandro and Samantha's story 4. Trapped in his wrath: Red and Yuri's story 5. Broken hearts and promises: Miguel and Gail's story 6. The hidden wife tears: Nickolas and Catherina’s story 7. The billionaire’s trick: Liam and Happy’s story 8. His dangerous trap: Tres and Bella’s story 9. Forbidden desire: Jack and Farrah’s story 10. The billionaire’s secret love: Wendell and Donita’s story
[Samantha] Natigilan siya ng makita si Zandro sa isang sulok. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jc. Mas lalo n'yang ibinaon ang mukha sa dibdib ni Jc para hindi nakita ang madilim na mukha ni Zandro. Kung makatingin ito ay parang may kasalanan silang ginawa, samantalang ito ang may kasalanan sa kanya. Magpasalamat nga ito dahil hindi pa siya nagsusumbong kay Jc. "Congrats, Jc, Samantha." Bati ni Zandro ng makalapit sa kanila. "Thanks, Zandro. Ikaw kailan mo balak magpakasal?" Tumatawang biro ni Jc sa matalik na kaibigan. Tumawa si Zandro at umiling- iling. "Hindi pa ngayon... may misyon pa kasi ako." Makahulugan nitong saad bago tumingin sa kanya ng nakatingiti. Ibang-iba si Zandro kapag kaharap nila si Jc. Mukha itong maamong tupa na hindi gagawa ng kabastusan. Kung alam lang ni Jc ang tunay na ugali ng matalik nitong kaibigan. Napabuntong-hininga siya. Nakaramdam siya ng awa sa nobyo niya. Hindi nito alam na nagpapanggap lang na mabuting tao itong
(Samantha) Dalawang araw ng hindi siya makatulog. Paulit-ulit na lumilitaw sa isip niya ang nangyaring halikan sa pagitan nila ni Zandro. Mukhang pinanindigan nito ang sinabi na hindi siya titigilan. Paano niya sasabihin ito kay Jc? Natigilan siya ng makarinig ng katok. Nag- atubili pa siya kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi dahil baka mamaya ay si Zandro pala ang nasa labas. Sa huli ay nagdesisyon siya na buksan ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi si Zandro ang napagbuksan niya kundi isang malaking kahon. 'Teka, para kanino ang kahon na ito' Ani ng utak niya. Nagtaka siya ng mabasa na para ito sa kanya. Wala naman siyang natandaan na mayro'n siyang inorder online. Sa huli ay nagpasya siyang ipasok ito para buksan. Gano'n na lang ang tili niya ng tumambad sa kanya ang isang wedding dress na maraming bahid ng dugo. 'Don't get married, Samantha, or I will kill you' Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya ng mabasa ang nakasulat sa wedding dress gamit ang dugo
[Samantha] Mahaba talaga ang pasensya niya— pero kapag si Zandro ang kaharap niya ay agad itong nauubos. Tinaas niya ang kamay para sampalin ulit sana ito ng hawakan nito ang kamay niya. "So, you really want me to tell your beloved boyfriend that we kissed, huh?" Tumaas ang sulok ng labi nito ng makita na namutla siya. Hindi niya inasahan na hihilahin siya nito sa kamay at dinilaan ang gilid ng labi niya. Nagawa pa nitong tumawa ng pahirin niya ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad niya. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Hindi na siya tumutol pa ng paandarin nito ang kotse para ihatid siya. Paano kung sabihin nga nito kay Jc ang tungkol sa paghalik nito sa kanya. Oo at si Zandro ang humalik sa kanya, pero paano kung hindi maniwala si Jc sa sasabihin niya? Nang bababa na siya sa kotse ay muling nagsalita si Zandro. "Break up with Jc, Sam... and stay away from Darwin. Katulad ng sinabi ko sa'yo... hindi ka mapapahamak kung susunod ka
[Samantha] Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga pulis. "Ano ho ang ibig ninyong sabihin?" Tumikhim ang pulis at bumaling sa kanya. "Ma'am, ang ibig niyang sabihin ay huwag na kayo mag-alala dahil kami na ang bahala sa kaso ninyo. Aalamin namin kung sino ang may gawa nito sa 'yo." Sumenyas ang pulis sa kasama para dalhin ang mga ebidensya. May mga itinanong pa ang mga ito bago tuluyan umalis sa apartment niya. Lahat ng pwedeng ibintang kay Zandro ay ginawa na niya. Sinabi din niya na hinaharass siya nito. Umupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Gano'n na lamang ang panlulumo niya ng mapanood ang balita tungkol sa nangyaring barilan kung saan nagpropose si Jc sa kanya. Tatlong araw na pero laman pa rin ng telebisyon ang nangyari. Mayro'ng walong katao ang namatàý, at sampong sugatan. Mabuti na lang at ligtas silang dalawa ni Jc ng mangyari ang sagupaan laban sa pulisya at lider daw ng sindikato. Humiga siya at humawak sa labi. Mukhang naligtas pa siya ng 'halik' ni Zandro—
[Samantha] PAGMULAT ng mata ay agad niyang kinapa ang dibdib kung tumitibok pa ba ang puso niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil buhay pa pala siya. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay natigilan siya. 'Dinala siya ni Zandro sa hospital?' Mayamaya ay mayro'ng pumasok na napakagwapong doktor at umupo sa upuang nasa gilid ng hospital bed niya. Napatulala pa siya rito. Katulad ni Zandro ay tila isa itong hollywood actor. Malaki ang pangangatawan. Napalunok siya nang magkakasunod— Paano ay bigla nalang siyang kinilabutan. Oo, gwapo nga ito subalit nakakatakot ang awra nito. "D-Doc, ayos lang naman ako, di'ba? P-Pwede na ba akong umuwi?" Wala sana siyang balak magtanong rito. Bukod sa mukha itong mapanganib ay napakadilim ng mukha nito— Na para bang nagbabanta wala pa mang sinasabi. Umiling ito sa kanya. "You can go home when that fvcker's arrive. Inutusan niya pa akong bantayan ka. Sa ngayon ay hintayin mo siya dahil bumili siya ng pagkain para sa'yo. Ang gagò, hindi na lang nag
[Samantha] Hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Zandro iyon sa kanya. Paano nito nagawang magsalita laban kay Jc ng gano'n? Kung magsalita ito ay parang sinasabi nito na marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking pakakasalan niya. Oo, marami pa nga siyang hindi alam pero alam naman niya na hindi ito gano'n ka-big deal sa kanilang relasyon dahil pwede pa naman nilang lalo pang kilalanin ang isa't isa sa oras na ikasal na sila. Katulad ng nangyari no'ng nakaraan ay mayro'n na namang nagpadala sa kanya ng kahon, hindi na wedding dress at pictures nila ni Jc ang pinadala ni Zandro kundi isa ng kutsilyo na mayro'ng dugo. 'I love you, Samantha. Pero sa oras na magpakasal ka kay Jc ay papatayin kita' Naluluhang tumawag siya ng pulis. Pagkarating ng mga ito ay agad niyang sinabi sa mga ito na si Zandro ang gumawa nito. Ito lang naman ang alam niya na gagawa sa kanya nito at sigurado siya sa bagay na 'to. Nang banggitin niya ang pangalan ni Zandro ay nagsitayo ng tuwid ang mga pul
[Samantha] Pagkalipas ng dalawang linggo ay mas lalong dumami ang pinapadala ni Zandro na mga death threats sa kanya. Sa tuwing magkikita din sila ni Jc ay palagi itong kasama ng nobyo niya. Gusto man niyang sabihin kay Jc ang mga kasalanan nito sa kanya ay hindi niya magawa. Nawawalan siya ng boses sa tuwing kaharap niya ito. Nagpasya sila ni Jc na magpakasal sa loob ng walong buwan. Kailangan pa kasi niya na hintayin ang mama niya na makauwi ito. Naiilang siya habang hawak ni Jc ang kamay niya at hinahalikan. Hindi siya naiilang dahil sa ginagawa ni Jc, kundi ay naiilang siya sa tingin ni Zandro sa kanila. Oo, nakangiti ito habang nakatingin sa kanila pero alam niya na peke ang ngiti nito. Nang tumayo si Jc para magtungo sa restroom ay lumipat si Zandro sa kanyang tabi pagkatapos nitong buhusan ng juice ang inuupuan nito kanina. "Opps, nabasa ang upuan ko. Patabi, ha." Nakangising wika nito. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang hita. Akmang sisigawan n
[Samantha] Inayos niya ang suot na kulay purple na bestida at saka sinuklay ang maikling buhok. Inimbitahan siya ni Claire sa ika- eighteenth birthday nito at syempre ay kasama niya si Wina o mas kilala ng mama niya bilang Darwin. "Ma, alis na po ako." Paalam niya si ina. "Hindi mo ba hihintayin si Darwin?" Kunot ang noo na tanong nito. Umiling siya. "Hindi na, ma. Doon na lang daw kami magkita kila Claire." Aniya. "Oh siya, sige. Mag- iingat ka." Bilin ng mama niya. Medyo may kalayuan ang sakayan ng tricycle sa kanilang bahay kaya naman kailangan niya pang maglakad sa madilim na daanan patungo ro'n. Pero dahil sanay siya ay walang kaso iyon sa kanya. Pumikit siya ng masilaw sa ilaw ng kotseng paparating. Nanlaki ang mata niya ng mapansin na tinutumbok nito ang kinatatayuan niya. Mabilis ang takbo ng kotse at parang wala itong preno. Mabilis na tumakbo siya para umiwas, medyo nahirapan pa siya dahil mahaba ang suot niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi bumangga a