Share

3. TRAPPED SERIES#3

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

🖤

(This story is TRAPPED SERIES#3)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

(Samantha)

'NICE to meet you' Iyon lang ang tanging nasambit niya. Napalunok siya ng mapansin na parang may kakaiba sa tingin nito. Nakangiti man ang lalaki ay parang hindi 'yon umabot sa mata. May kakaiba rito na hindi niya mawari kung ano.

Pinilig niya ang ulo. Guni-guni lang siguro niya 'yon.

"Natapos mo na ba?" Tanong ni Jc kay Zandro.

Tumango si Zandro. "Oo naipasa ko na. Nilinis ko na lahat para sigurado na pulido at walang mali." Nakangiti na bumaling sa kanya si Zandro. "Paupo, ha." At umupo nga 'to sa tabi niya.

"Mabuti naman." Nakangiti at tila nakahinga ng maluwag ang nobyo niya.

Nakaupo na silang lahat at bumalik sa pagkain. Paminsan minsan ay nag-uusap ang dalawa at nagtatawanan, nakikita rin niya na bumabaling pa sa kaniya si Zandro ng nakangiti.

Akala pa naman niya ay masosolo niya ang nobyo, pero hindi pala. Mabuti na rin siguro itong naipakilala siya ng nobyo sa kaibigan. Ibig sabihin ay mahalaga talaga siya rito.

Napangiti siya sa naisip. Habang umiinom ng tubig ay napatingin siya kay Zandro. Mas matangkad ito sa nobyo niya. Clean cut ang gupit nito. Halatang may dugong banyaga ang lalaki. Bihira lang siya makakita ng lalaking asul ang mata sa personal. Nababasa niya lang kasi ang mga gano'n sa mga pocketbook. Makapal ang kilay nito , maganda ang mata, saka matapang ang dating ng mukha at matangos ang ilong. Halatang malakas ito manigarilyo dahil medyo nangingitim ang labi nito.

Lihim siyang napangiwi. Akala niya ay wala ng lalaki pa sa katawan ni Wina pero mayroon pa pala. Tila puputok na ang damit nito sa laki ng katawan. Saka tadtad din ito ng tattoo sa katawan na isa sa pinaka-ayaw niya sa isang lalaki.

Nasamid siya ng magawi ang mata nito sa kaniya. Nakangiting inabutan siya nito ng tubig.

"Love, ayos ka lang?" Nag aalalang lumapit sa kanya si Jc at hinaplos ang likod niya.

Tumango siya. "Ayos lang ako." Nakakahiya baka kung ano ang isipin ni Zandro sa pagtingin niya sa katawan nito.

Nang magawi uli ang tingin niya rito ay nakita niya ang paggalawan ng panga nito. May ngiti man sa labi nito ay parang kabaligtaran 'yon ng nakikita niya.

Iniwas niya ang tingin. Masyado yata siyang maraming naiisip tungkol rito. Pilit niyang inalis sa sistema ang kaibigan ng nobyo niya, pinipigilan din niya ang sarili na wag 'tong lingunin dahil baka kung ano pa ang isipin nito sa pagtingin-tingin niya.

Kanina pa siya naghihintay na umalis ito pero parang walang balak umalis ang lalaki. Pati ang nobyo niya ay tila wala rin sa isip na nasa date silang dalawa. Nakagat niya ang labi at napayuko siya.

Umaasa pa naman siya na baka banggitin ni Jc ang tungkol sa business deal na sinasabi nito at tungkol sa kasal nila pero hindi pala.

Umasa lang siya.

Kailangan lang siguro niya maghintay. Marami pang panahon para pag usapan at pagplanuhan ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi kailangan magmadali.

Alas siyete na ng gabi ng mapagpasyahan nilang umuwi.

Tumingin si Jc sa relong nasa bisig saka bumaling sa kaniya. "Love, pasensya ka na, hindi kita maihahatid dahil nagmamadali ako. Marami pa ako kailangang asikasuhin."

Nalungkot man ay hindi niya iyon ipinahalata. "Ayos lang, Jc. Naiintindihan ko naman. Mag iingat ka-" Napatingin siya kay Zandro. "kayo." Dugtong niya.

"Ingat, Sam."

Bahagya siyang napaatras dahil tila iba ang dating ng sinabi ni Zandro sa kaniya. Nakangiti man ang binata sa kaniya ay naiilang pa rin siya.

Hindi niya maipaliwanag. Hinintay muna ng dalawa na makasakay siya ng tricycle bago ang mga ito sumakay ng kotse paalis.

Bumuga siya ng hangin.

Umasa talaga siya sa proposal nito. Napailing siya at pinagalitan ang sarili. "Atat ka naman kasi, Sam." Baka hindi pa nito nakukuha ang deal kaya hindi nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa kasal?

Bumuntong-hininga siya. Siguro nga ay gano'n na nga. Dapat ay hindi niya masyado na isipin 'yon dahil darating din ang oras na ito na mismo ang mag-uungkat ng bagay na 'yon.

Pagkauwi sa kaniyang apartment ay nagluto siya para kumain. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya nabusog kanina dahil sa presensya ng kaibigan ni Jc.

May kakaiba sa lalaki. Sigurado siya sa bagay na iyon. "Aray!" Napangiwi siya ng mapaso habang nagluluto.

'Ano bang nangyayari sa 'yo, Sam' Aniya sa isip niya.

Matapos magluto ay kumain siya. Naligo din siya dahil pakiramdam niya ay puro na siya alikabok sa katawan. Pagkatapos maligo ay nagsuklay siya ng buhok.

Dahil sa hindi pa siya inaantok ay binuksan niya muna ang bintana ng kwarto niya at tumingin sa baba para tingnan ang mga sasakyan na dumadaan. Pero natigilan siya ng mapansin ba may lalaking nakasandal sa motor na tila nakatingala sa pwesto niya.

Napakunot ang noo niya. Ilang beses siyang kumurap pero parang sa kanya talaga ito nakatingin. Sa takot ay nagmamadali niya isinara ang bintana.

Hindi niya makilala kung sino ito dahil sa malayo at nakasuot ito ng puro kulay itim.

Kung ano-ano na ang naiisip at nakikita niya. Mahinang napasabunot siya sa buhok. Kailangan lang siguro na makapagpahinga na siya.

HABANG NAGHIHINTAY ng tricycle ay kinuha niya ang wallet para maghanda ng pambayad. Napatingin siya sa BMW na huminto sa harap niya.

Bumukas ang salamin noon at bumungad ang nakangiting mukha ni Zandro.

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, Sam."

Hindi niya alam kung ngingiti ba siya rito o hindi pero mas pinili nalang niya ang ngumiti baka mamaya ay sabihan pa siya nito na masungit at saka kaibigan din naman ito ng nobyo niya.

"Sabay ka na sa akin."

Agad na umiling siya. "Naku wag na, baka makaabala lang ako sa 'yo." Tanggi niya dahil wala siyang balak sumabay rito kahit na kaibigan ito ng nobyo niya.

"Di'ba sa Makabuhay Elementary School ka? Sabay ka na sa akin, do'n din kasi ang daan ko."

Natigilan siya at nagtatakang tingin ang ipinukol niya dito. Wala siyang matandaan na sinabi niya kung saan siya nagtatrabaho, kaya paano nalaman nito ang tungkol do'n.

Tila nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Nabanggit ni Jc na doon ka pumapasok, nakalimutan mo na ba?"

Napatango siya. Kaya naman pala. Ilang beses siyang kumurap habang nakatingin sa asul nitong mata, ang ganda kasi ng kulay ng mga mata nito.

"Ano, tara na. Sakay na." Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi na turan nito.

Umiling siya. "Hindi na, nakakahiya kasi talaga. Marami naman dumadaan na tricycle dito, kaya do'n nalang ako sasakay."

Ang ngiti sa labi nito ay biglang nabura. Tiningnan siya nito nang ilang segundo bago ngumiti ulit.

"Sige, ikaw ang bahala."

Napahawak siya sa dibdib ng makita ang pagngisi nito bago pinaandar ang sasakyan.

Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Lalo na nang makita niya ang kakaibang ngisi nito.

Baka imagination lang niya 'yon. Kumbinse niya sa sarili. Agad na pinara niya ang tricycle na dumaan at inalis sa isip hindi dapat isipin.

"GIRL, BAKIT GANIYAN KA NA NAMAN."

Nagulat pa siya sa malakas na boses ng kaibigan. Tiningnan niya ang plato na nasa harap. Durog ang pagkain na naro'n. Tanghali na at nasa canteen silang magkaibigan para mananghalian.

"Noong nakaraan puyat na puyat ka, tapos ngayon parang wala ka sa sarili. Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"

Umiling siya. "Wala lang ito, wag mo nalang ako pansinin." At muli ay ibinalik niya ang mata sa platong nasa harap.

"Aminin mo nga, break na ba kayo ng jowa mo? o baka naman may iba ka ng pinagpupuyatan?" Umiral na naman ang pagiging tsismoso nito.

"Bakit naman kami magbi-break?" Walang ganang tanong niya dito.

"Aba malay ko. Ikaw itong jowa tapos ako ang tatanungin mo."

Uminom siya ng tubig. "Wina, alam mo yung feeling na parang may nakatago sa pagkatao ng isang tao."

Nagtaas ito ng kilay sa sinabi niya. "Ano? Hindi kita maintindihan."

Umayos siya ng upo at inilapit ang mukha dito. "Ang sinasabi ko, pa'no kung may kakilala ka na palangiti at friendly pero alam mo na hindi siya gano'n." Naalala niya ang matalik na kaibigan ng boyfriend niya. "Yung parang may nakatago sa likod ng mga ngiti na iyon."

Natigilan si Wina. Seryoso ang mukha na tumingin ito sa kaniya. "Bakit may kakilala ka bang gano'n?"

Gusto niyang sagutin ng Oo ang tanong nito pero pinili nalang niya na wag ng magsalita dahil hindi naman niya lubusan na kilala si Zandro.

Nawala ang pagiging seryoso nito at napatili. "Don't tell me may nakilala kang hot papa?"

Napabuga nalang siya ng hangin.

"Ano may nakilala ka nga?" Pangungulit pa nito sa kanya..

"Wala, kumain ka na nga lang." Kahit kailan talaga ang lakas ng pang-amoy nito pagdating sa lalaki.

Pagkatapos nilang kumain ay balik pagtuturo na naman sila. Habang nagtuturo ay lingon siya ng lingon, dahil pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. Nanghihina na umupo siya sa upuan niya at hinilot ang sintido, kumikirot 'yon. Binuksan niya ang maliit na drawer sa ilalim ng desk niya at kinuha ang gamot para uminom. Pagkatapos niyang uminom ay nilapitan siya ng isa niyang estudyante.

"Ma'am, ayos ka lang po ba?"

Napangiti siya sa anim na taong si Junie. Bata pa ito pero marunong na mag-alala. Hinawakan niya ito sa ulo. "Oo naman, Junie. Kilala mo naman ako di'ba, bukod sa malakas," Tumingin siya sa paligid para kunwari ay bawal marinig ng iba ang sasabihin niya. "kamag anak ko si Wonder woman kaya hindi ako tatablan basta ng sakit."

Ngumiti ang bata sa kanya kaya naman kitang kita ang bulok nitong mga ngipin.

"Sabi ko na nga eh! kaya pala ang ganda-ganda niyo, ma'am!" Puri nito sa kanya bago masayang tumakbo pabalik sa mga kaklase.

Pilit niyang ininda ang sakit ng ulo at pinagpatuloy ang pagtuturo. Tiyak na mababawasan mamaya ang sakit ng ulo niya sa oras na tumalab na ang gamot na ininom niya.

"GOODBYE, MA'AM!" Paalam ng mga estudyante. Uwian na kaya naman nagkalat ang mga estudyante sa hallway.

"Girl, hindi kita maiihatid ngayon dahil marami akong inaasikaso. Basta yung bilin ko, ha, mag iingat ka." Paalam ni Wina sa kaniya. May sideline kasi ito ngayon dahil kailangan ng pera. Pupuntahan pa nito ang mga bahay ng mga estudyante na tuturuan nito. Nagtutor muna ito para dagdag income.

Matapos ihanda ang mga gamit pauwi ay nagsimula na siya na maglakad. Mabagal lang ang bawat hakbang niya dahil kumikirot na naman ang ulo niya at parang lalagnatin din siya.

Habang naghihintay ng tricycle ay tiningnan niya muna kung nagmessage ang nobyo. Napangiti siya ng mabasa ang message nito.

'Ingat sa pag uwi, Love. I love you'

Maingat niyang ibinulsa ulit ang cellphone. Mag iisang oras na siya sa paghihintay ay wala man lang dumaan na tricycle.

Nakakapagtaka. Ngayon lang nangyari na walang tricycle na dumaraan. Kung kailan naman nagmamadali siyang makauwi agad para sana makapagpahinga.

Lalo lang sumasakit ang ulo niya sa paglipas ng bawat minuto. Naningkit ang mata niya sa sasakyan na parating dahil parang pamilyar ito.

Tama nga siya dahil bumaba sa BMW si Zandro. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kaniya.

"Sakay na, Sam. Hindi yata maganda ang pakiramdam mo."

Umiling siya. "A-ayos lang ako." Mariing tanggi niya.

"Hindi ka pa ba naiinip, kanina ka pa rito naghihintay." Pinilit niyang dumilat ng maayos kahit napakakirot ng kanyang ulo.

Paano naman kaya nito nalaman na kanina pa siya naghihintay.

"Sakay na, Sam." Napaatras siya. Hindi na nakangiti ang lalaki. Seryoso na ang mukha nito at ang asul na mga mata ay matiim na nakatingin sa kanya.

Bigla ay kinabahan siya dahil parang nag-uutos na ang boses nito. Walang bakas na palakaibigan na lalaki na nakilala niya noon. Ibang-iba ang Zandro na nasa harapan niya ngayon!

SEENMORE

Trapped series🔥 Mature content‼️ 1. Trapped with him: Alaric and Pamela's story 2. The lonely billionaire and his maid: Damon and Amelia's story 3. His intention: Zandro and Samantha's story 4. Trapped in his wrath: Red and Yuri's story 5. Broken hearts and promises: Miguel and Gail's story 6. The hidden wife tears: Nickolas and Catherina’s story 7. The billionaire’s trick: Liam and Happy’s story 8. His dangerous trap: Tres and Bella’s story 9. Forbidden desire: Jack and Farrah’s story 10. The billionaire’s secret love: Wendell and Donita’s story

| 4

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status