Share

HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)
HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)
Author: Author Lemon

CHAPTER 1

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2024-12-29 09:53:17

"Wala ka na talagang ginawang matino, Adella!" Tungayaw ni Aling Cedez sa bente-uno anyos na dalaga na nakayuko lamang sa sofa at naluluha, habang tumatalak ang matanda sa harapan niya. Hindi kasi niya naplantsa ng maayos ang uniporme ni Yna- ang tunay na anak nito. Ampon lamang kasi siya ng mga Javier.

"Ulitin mo 'yan! Walang silbi!" Sabay hampas sa kanya ng unipormeng tangan nito. Marahan niyang hinawakan iyon at tumayo para sundin ang ipinapagawa nito.

Nagpunta si Aling Cedez sa kusina at ipinagpatuloy ang pag aalmusal. Kumakain na ang mag anak, siya ay hindi pa. Trabaho agad ang ipinapa-asikaso sa kanya, kanina pa nga siya nagugutom eh.

"Ayusin niyong kumain, Yna at Grace. Ubusin niyo na ang ulam na 'yan, kumain naman na ang kuya Hector niyo," sabi ng matanda sa mga anak. Ni hindi man talaga siya naisip na tirhan ng pagkain. Gusto na naman niyang mag iiyak, pero wala ng tumutulong luha mula sa mga mata niya. Siguro, dahil sa paglipas ng ilang taong ganitong nararanasan niya ay tumigas na ang loob niya.

"Oh? Anong tini-tingin tingin mo d'yan?! Bilisan mo ang ipinapagawa ko, impakta ka!" Baling sa kanya ng matanda. Napayuko siyang muli at ipinagpatuloy ang pagpa-plantsa.

"Plantsahin mo na rin ang palda ko, Adella." Dinig niyang utos ng disi-otso anyos na si Grace. Hindi naman kasi magkakalayo ang sala sa kusina. Maliit lamang ang bahay na tinitirhan nila.

"Sige," walang ganang sagot niya sa babae. Wala talagang galang si Grace at Yna sa kanya kahit pa na matanda siya sa mga ito. Palibhasa mula pagkabata tinuruan na ng matanda na huwag siyang ituring na kapatid.

"Ayaw mo ata eh?" Ani ni Grace bumusangot pa. Napabuntong hininga siya at tumalima. Pumunta sa kwarto ng dalawa at kinuha ang palda ni Grace.

"Oh, bakit kayo lang kumakain? Hindi niyo isabay itong si Adella?" Bigla silang napalingon sa pintuan, at nakita roon ang Kuya-kuyahan niyang si Hector. Si Kuya Hector lamang ang mabait sa kanya, mula pa noon.

"Busog pa raw eh," sagot ng kinse anyos na si Yna at sabay ngisi sa kanya.

"Totoo bang busog ka, Adella?" Baling sa kanya ni Kuya Hector.

Napatingin muna siya sa tatlo, na masama ang titig sa kanya bago muling tinignan ang kanyang kuya. Pilit siyang ngumiti at marahan na tumango. Napabuntong ang lalaki pagkatapos ay nilampasan siya, pumunta sa kusina para doon ilapag ang mga dala dalang supot ng pagkain at bigas. Isang Jeepney driver si Kuya Hector.

"Wow kuya! Para sa amin ba ito ni Ate Grace?" Excited na bulalas ni Yna.

"Hindi lang para sa inyo ni Grace 'yan. Bigyan niyo si Adella." - Hector

Nakita niya ang pasimpleng pagismid ng mga ito sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin. Minadali na niyang tinapos ang mga plantsahin at pagkatapos ay naglinis na ng buong kabahayan. Maliit nga pero makalat, dahil sa dalawa niyang kapatid.

Nang makaalis na ang dalawa para pumasok sa eskwela at nakaalis na si Aling Cedez para naman magtinda sa palengke, agad siyang nilapitan ni Kuya Hector.

"Itigil mo na 'yang paglilinis na iyan Adella. Kumain ka na, alam kong hindi ka busog."

Nabitawan niya ang hawak na walis at nahihiyang tumingin kay Kuya Hector. Ginulo nito ang buhok niya.

"Kain na. Hindi ko alam sa'yo bakit ka nagpapa api kina nanay. Masyado ka kasing mabait, naku!" Sabi nito sa kanya at umupo sa luma nilang sofa, halata sa hitsura ng kanyang kuya ang pagod sa pamamasada. Madaling araw pa lamang kasi bumabyahe na ito.

"Bubugbugin ako ni Nanay, kapag sumagot sagot ako Kuya," aniya at naglakad patungo sa mesa para kumain na.

"Sinaktan ka na naman ba niya?" Usisa nito at napatingin sa kanya.

"Hindi ha!" Sabay iling. Pero sa totoo lang, kagabi noong wala ang Kuya Hector niya sinampal at sinabunutan siya ni Aling Cedez, dahil lang sa hindi niya nagawan agad ang ipinag uutos nito.

"Mabuti naman kung hindi. Maiiwan muna kita diyan at ako ay matutulog lang. Babyahe ako ulit mamaya." Tsaka tumayo ito naglakad patungo sa maliit nitong kwarto.

"Matulog ka ng mahimbing Kuya," habol niyang sabi dito.

Itinuon niya ang pansin sa pagkain. Gutom na gutom na talaga siya, apat na taong gulang siya nang mapulot siya sa quiapo ni Mang Roben- tatay nina Kuya Hector. Si Mang Roben na namatay din isang lingo matapos siyang matagpuan, kaya ganoon na lamang ang galit sa kanya no Aling Cedez, sabi nito malas siya, namatay ang asawa nito dahil daw sa kanya. May dala dala raw siyang kamalasan.

Simula noon puro pagmamalupit na ang dinanas niya sa kamay nito. Ang pangalan niyang Adella, si Kuya Hector nagpangalan sa kanya, pero ang natatandaan niyang pangalan niya ay Gabriella. Atsaka hindi niya talaga alam saan siya nakatira, at anong pangalan ng mga magulang niya. Sana, natandaan niya para hindi niya nararanasan ngayon ang impyernong buhay sa kamay ni Aling Cedez at sa dalawang anak nito. Minsan gusto na niyang maglayas, pero iniisip niya ang Kuya Hector niya at isa pa, wala pa siyang alam na trabaho.

Pagkatapos niyang kumain, iniligpit na niya ang mga pinagkainan at ipinagpatuloy na ang paglilinis ng mga kalat na iniwan ng kanyang mga kapatid.

Maya maya pa, narinig niya ang mga katok sa pinto. Agad niyang pinagbuksan ang kumakatok.

"Oy! Ikaw nga ang magtinda sa palengke! Sumakit ang ulo ko." Nabigla pa siya sa bungad na iyon ni Aling Cedez na nagbalik pala.

"Sige po, 'nay. Magbibihis lang po ako."

Isang kaltok sa ulo ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Boba ka! Huwag ka ng magbihis! Dalian mo na! Maglakad ka na lang, wala akong pambigay ng pamasahe sa'yo." Wala daw pero bukol na bukol ang bulsa nito.

Agad agad na siyang lumabas ng bahay at naglakad patungo sa pwesto ng nanay niya sa palengke. Maliit na pwesto na puro gulay lamang ang tinda. Napapatingin siya sa mga kasing edad niya na nakakasubong sa daan, naka uniporme ang mga ito. Buti pa ang mga ito nakakapag aral, siya first year high school lamang ang natapos dahil ipinatigil siya ni Aling Cedez sa pag aaral.

Makalipas ang ilang minuto nasa palengke na siya.

"Iyan talagang nanay nanayan mo, bigla biglang iniiwan ang pwesto!" Salubong sa kanya ni Aling Mameng. Katabi ng ina sa pwesto.

"Tapos kapag may nawala, sa'yo hahanapin. Baliw talaga ang matandang iyon! Tumatandang paurong," dugtong pa ng matanda. Natawa siya. Mas gigil pa ito kesa sa kanya.

Umupo siya sa bangkito.

"Bakit hindi ka na lamang bumukod hija? Kesa naman sa ginaganyan ka ng mag iina?" Usisa nito sa kanya. Napangiti siya at umiling.

"Inaalala ko po si Kuya Hector, aling Mameng. Wala ng mag aalaga roon, wala namang pakialam mga kapatid ko kahit pagod si Kuya. Atsaka isa pa, mag aalala lang iyon sa akin kapag bumukod ako." - Adella.

Related chapters

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 2

    "Napaka bait mo talagang bata, siguro mga tunay mong magulang mababait." Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga sa kanila kung ano siya ng mga Javier."Siguro nga po mababait, kung sana nga lang naalala ko kung taga saan ako, baka matagpuan ko po sila, " nakangiti niyang sabi sa matanda."Sana nga ay balang araw, matagpuan mo ang tunay mong pamilya."Hindi na lamang siya sumagot. Paano ba niya matatagpua eh hindi man niya hinahanap ang mga ito. Sa ngayon, huwag muna. ______________________________________________________________________"Aray!" Sigaw ni Adella nang hablutin ni Aling Cedez ang kanyang buhok. Nasa bahay na siya at halos kakauwi lamang niya mula sa palengke."Ilabas mo ang pera!" Sabi nito sa kanya. Galit na galit. Ipinagpipilitan nitong nangupit siya ng isang daan. "Aray ko 'nay, wala po akong kinukuha diyan. Kapkapan niyo man ako.""Hindi ako bobang katulad mo! Malamang ginastos mo na iyon, ano pa ang makakapkap ko sa'yo?! Ilalabas mo o kakalbuhin kita?" Tsaka hinigp

    Last Updated : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 3

    "TALAGA Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone. Nakangiting tumango ang kuya niya. "Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso. Binalingan ito ni Hector. "Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito. "Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace. "Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan," sabat ni Aling Cedez. "Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito. "Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," wika ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito. Inakbayan siya ni Kuya H

    Last Updated : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 4

    MULI na naman naiyak si Adella habang nakaharap sa salamin, nang mapagmasdan ang kanyang kutab-kutab na buhok, gawa ng pang-gugupit ni Aling Cedez sa kanya. Ang sama sama ng loob niya, ang dating hangang beywang na buhok ay lumampas na lamang ng kaunti sa kanyang balikat. Napahagulhol na naman ang dalaga. Wala siyang magawa, hindi niya kayang lumaban dahil wala naman siyang kaya. Pagtutulungan lamang siya ng tatlo. Marahang katok ang bumasag sa katahimikan, nasa kwarto kasi siya ng kanyang Kuya. Inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. Pilit na ngiti ang isinalubong niya sa kanyang kuya. "Kuya..." "Adella? Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Umiyak ka na naman ba? " Magkakasunod na tanong nito sa kanya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang paghikbi. "Anong nangyari sa buhok mo?" Hindi siya kumibo. Wala siyang lakas ng loob upang magsumbong dahil mayayari na naman siya sa tatlo. Marahas na napabuntong hininga si Kuya Hector at niyakap siy

    Last Updated : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 5

    "KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwint

    Last Updated : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 6

    Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng

    Last Updated : 2025-01-09
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 7

    Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag

    Last Updated : 2025-01-09
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 8

    Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,

    Last Updated : 2025-01-10
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 9

    "GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang

    Last Updated : 2025-01-10

Latest chapter

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 10

    "BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 9

    "GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 8

    Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 7

    Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 6

    Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 5

    "KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwint

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 4

    MULI na naman naiyak si Adella habang nakaharap sa salamin, nang mapagmasdan ang kanyang kutab-kutab na buhok, gawa ng pang-gugupit ni Aling Cedez sa kanya. Ang sama sama ng loob niya, ang dating hangang beywang na buhok ay lumampas na lamang ng kaunti sa kanyang balikat. Napahagulhol na naman ang dalaga. Wala siyang magawa, hindi niya kayang lumaban dahil wala naman siyang kaya. Pagtutulungan lamang siya ng tatlo. Marahang katok ang bumasag sa katahimikan, nasa kwarto kasi siya ng kanyang Kuya. Inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. Pilit na ngiti ang isinalubong niya sa kanyang kuya. "Kuya..." "Adella? Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Umiyak ka na naman ba? " Magkakasunod na tanong nito sa kanya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang paghikbi. "Anong nangyari sa buhok mo?" Hindi siya kumibo. Wala siyang lakas ng loob upang magsumbong dahil mayayari na naman siya sa tatlo. Marahas na napabuntong hininga si Kuya Hector at niyakap siy

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 3

    "TALAGA Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone. Nakangiting tumango ang kuya niya. "Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso. Binalingan ito ni Hector. "Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito. "Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace. "Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan," sabat ni Aling Cedez. "Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito. "Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," wika ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito. Inakbayan siya ni Kuya H

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 2

    "Napaka bait mo talagang bata, siguro mga tunay mong magulang mababait." Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga sa kanila kung ano siya ng mga Javier."Siguro nga po mababait, kung sana nga lang naalala ko kung taga saan ako, baka matagpuan ko po sila, " nakangiti niyang sabi sa matanda."Sana nga ay balang araw, matagpuan mo ang tunay mong pamilya."Hindi na lamang siya sumagot. Paano ba niya matatagpua eh hindi man niya hinahanap ang mga ito. Sa ngayon, huwag muna. ______________________________________________________________________"Aray!" Sigaw ni Adella nang hablutin ni Aling Cedez ang kanyang buhok. Nasa bahay na siya at halos kakauwi lamang niya mula sa palengke."Ilabas mo ang pera!" Sabi nito sa kanya. Galit na galit. Ipinagpipilitan nitong nangupit siya ng isang daan. "Aray ko 'nay, wala po akong kinukuha diyan. Kapkapan niyo man ako.""Hindi ako bobang katulad mo! Malamang ginastos mo na iyon, ano pa ang makakapkap ko sa'yo?! Ilalabas mo o kakalbuhin kita?" Tsaka hinigp

DMCA.com Protection Status