"TALAGA Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone.
Nakangiting tumango ang kuya niya. "Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso. Binalingan ito ni Hector. "Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito. "Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace. "Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan," sabat ni Aling Cedez. "Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito. "Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," wika ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito. Inakbayan siya ni Kuya Hector at nginitian. "Huwag mo ng pansinin ang mga 'yan Adella," bulong nito sa kanya. Ngumiti siya at tumatango tango. Kapag nasa bahay ang kuya nila, hindi siya gaanong inaalipin ng tatlo, dahil ipagtatangol siya ni Hector sa mga ito. Kaya sana laging lingo na lang eh. "Kuya, doon muna ako sa kwarto mo, checheck ko lang ang cellphone na bigay mo," paaalam niya dito. Tumango ang kuya niya. "Pinalowdan ko 'yan, Adella," pahabol na sabi nito. Kinalikot niya ang cellphone sobra siyang natutuwa. Agad niyang in-open ang F* account niya, ginawa niya ang account na 'yun kapag nagpupunta siya sa computer shop dati. Nag scroll lamang siya, napabalik siya sa pagbaba nang may makaagaw sa pansin niya. Shinare ng isang friend niya sa F*. Tatlong picture ng isang lalaki, hindi basta lalaki. Kung hindi sobrang gwapong lalaki. Nakita niya ang pangalan nito sa caption. Apollo Williams, 24, Surfer Hindi niya alam kung bakit, sobra siyang naenganyo sa mga litrato nito. Sa tantya niya nasa 5'9 ang height nito, moreno ito at sobrang ganda ng katawan. Mas higit na nakaagaw sa pansin niya rito ay ang mga bumbayin nitong mata at ang heart shape na labi. Nangungusap ang mga mata nito kapag tinitigan, at ang mga labi nito ay nakakaenganyong pagmasdan. Okay! May Crush na siya. Tatandaan niya ang pangalan nito, Apollo Williams. Okay lang naman sigurong humanga, hindi naman sa personal, kumbaga parang celebrity ito at siya ay ordinaryong fan. Agad agad sinearch niya kung may mga videos ba ito habang nagse-surfing. At ang dami nga niyang nakita, sobrang galing nito, for sure lagi na niyang papanoorin ang mga videos nito. _________________________________________ ______________________ "ADELLA!" Mula sa kwartong tinutulugan dinig niya ang pagtungayaw ni Aling Cedez. Nataranta siyang bumangon, kapag ganitong labas litid na sigaw ng matanda, it means grabe na ang galit nito. Kinalampag nito ang pintuan. "Letse ka! Lumabas ka diyan!" Sigaw nito mula sa labas ng pinto. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang pinto. Saktong pagbukas niya ay nalasap niya ang sampal ng matanda. "Nanadya ka ba ha?! Nanadya ka?!" Naguguluhan siyang napatingin sa sinabi ng ina. Hindi niya alam anong tinutukoy nito. Doon pa lang niya napansin na may hawak itong uniporme, ibinato nito iyon sa kanyang pagmumukha. "Bakit po ginupit 'yan?! Anong problema mo?!" Sigaw nito. Nanlaki ang mata niya, siya? Bakit naman niya gugupitin iyon? "Alam mong lunes ngayon at may pasok si Grace, tapos sinabotahe mo ang isusuot niya sana?!" Napailing iling siya, lumipad ang tingin niya kay Grace na nasa likuran ni Aling Cedez, tatawa tawa ito na tila enjoy na enjoy sa pagtalak ng ina nito sa kanya. Kuha na niya, ito ang gumupit sa sariling uniporme at siya ang sinumbong. Siguro ginawa iyon ni Grace, dahil sa inggit sa kanya kagabi, na binilhan siya ng cellphone ng kanyang Kuya Hector. "Hindi ko po magagawa iyan 'nay. Hindi naman po ako ganoo-... Aray! " Aniya nang sabunutan siya ng matanda palabas sa kwarto at ibinalya siya sa sahig sa sala. "Lumalabas na ang pagka demonyita mo ha! Akala mo ba, lagi kang maipagtatangol ng panganay ko?! Anong pinapakain mo kay Hector? Bakit napaka amo sa'yo?!" Ayaw ni Adella ang malisyosong punto ng matanda sa kanya. Gusto niyang maiyak. Bakit ganito mag isip ang matandang ito? "Inay, huwag naman po ninyo akong pag isipan ng masama," aniya na sobrang nasasaktan. Nilapitan siya ng matanda at sinipa. "Alam mo.." dinuro siya nito. "Simula dumating ka sa buhay namin, nagkanda malas malas na kami eh. Sana hindi na lang ako pumayag noon na ampunin ka namin!" Ang sikip sikip ng dibdib niya sa mga sinasabi ng ina. Ang babaeng itinuring niyang tunay na ina. "Isa ka pang palamunin! Naku! Sana hindi na lang kita inampo-" "Sana hindi na lang po talaga. Sana hinayaan niyo na lang akong magpalaboy laboy noon," puno ng hinanakit na sabi niya sa matanda. Nakita niya ang mas paggalaiti nito sa galit. Nilapitan siya at sinampal. "Walang utang na loob! Ikaw na ang ginawan ng mabuti, letse ka talaga!" Patuloy sa pagsampal ito sa kanya, at patuloy lamang niya iyong tinatangap. Hindi niya sinasalag, para ano pa? Sanay naman na siyang mabugbog, sanay naman na siyang masaktan. Living punching bag siya ng matandang ito at katulong ng dalawa nitong mga anak. "Sige Inay, huwag mong hayaang sinasagot sagot ka niyan. Napaka walang modo." Dinig niyang sabi ni Grace at sinundan iyon ng isang tawa. Si Yna naman ay walang pakialam at busy sa cellphone. Pakiramdam niya pumutok na ang gilid ng labi niya. "Huwag kang kakain ngayon ha?! Bwiset kang ampon ka! Subukan mong magsumbong kay Hector, malilintikan ka lalo!" Anito habang hawak hawak ang buhok niya. "Kunin mo ang gunting, Grace! Madali!" Nanlaki ang mata niya. "Anong gagawin mo 'nay?! " Gugupitan ko ang buhok mo! Ginupit mo ang uniporme ni Grace, kaya gugupitin ko ang buhok mo!" Nagpumilit siyang tumayo, pero hinawakan siya nito ng mahigpit. "Oh, Inay. " Inabot ni Grace ang gunting sa ina. "Please, Inay 'wag naman po!" Ngunit tila walang narinig ang matanda. Ginupit nito ang buhok niya, sa mga ganoong sitwasyon niya na hinihiling na sana biglang dumating ang Kuya Hector niya. Ang itinuturing niyang tagapag ligtas niya sa panahong aping api siya. Ang Kuya Hector niya ang tanging taong nagpakita ng pagmamahal sa loob ng tahanang iyon. "Magtatanda ka na siguro ngayon ha!" Sabi ng matanda habang patuloy pa rin ito sa pag gupit ng kanyang mahabang buhok. Awang awa siya sa sarili niya, pero hindi niya magawang umiyak, talagang naubos na ang luha niya. Napagod siya sa kakapiglas kaya hinayaan na lang niya ang ina na gawin ang gusto sa kanya. Dumating ka na Kuya Hector please, dumating ka na. Ligtas mo ako rito. Dumating ka na please, Kuya Hector.... Tahimik na panalangin ng dalaga sa kanyang isipan.MULI na naman naiyak si Adella habang nakaharap sa salamin, nang mapagmasdan ang kanyang kutab-kutab na buhok, gawa ng pang-gugupit ni Aling Cedez sa kanya. Ang sama sama ng loob niya, ang dating hangang beywang na buhok ay lumampas na lamang ng kaunti sa kanyang balikat. Napahagulhol na naman ang dalaga. Wala siyang magawa, hindi niya kayang lumaban dahil wala naman siyang kaya. Pagtutulungan lamang siya ng tatlo. Marahang katok ang bumasag sa katahimikan, nasa kwarto kasi siya ng kanyang Kuya. Inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. Pilit na ngiti ang isinalubong niya sa kanyang kuya. "Kuya..." "Adella? Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Umiyak ka na naman ba? " Magkakasunod na tanong nito sa kanya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang paghikbi. "Anong nangyari sa buhok mo?" Hindi siya kumibo. Wala siyang lakas ng loob upang magsumbong dahil mayayari na naman siya sa tatlo. Marahas na napabuntong hininga si Kuya Hector at niyakap siy
"KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwint
Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng
Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag
Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,
"GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang
"BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe
"ADDIE, ipinapaabot ni Mr. Williams." Napatingin si Adella sa iniaabot ni Kimmy na isang bungkos ng bulaklak at kung anu-ano pa. Katatapos lamang ng turn niya kaya kasalukuyan siyang nagpapahinga. "Pakibalik sa kanya ang mga 'yan, Kims. Ayokong tangapin, baka kung ano ang isipin, " aniya kay bakla. Napanguso ito. Ganun rin sina Marj na may panghihinayang sa mukha. "Seryoso ka ba, Adella? Tinatangihan mo siya?" Paniniguradong tanong ni Marj sa kanya. Seryoso siyang tumango at ibinaling muli ang pansin sa sa inaayos na gamit niya. "Ayokong tumangap ng kahit ano sa kahit sino." Napatango tango ang mga ito. Kahit galing siya sa hirap, hindi siya basta nasisilaw ng mga mamahaling gamit lalo na ng mga materyal na bagay. "Oh siya, labas muna ako at ng maisoli ko 'to kay Fafa, I mean, Mr. Williams." Pagkasabi nun ay umalis na si bakla._________________________________________________________________________________ "SAD to say, Mr Williams,
"I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya
PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa
"BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma
Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang
"Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N
Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba
"MOMMY?" Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin si Adella sa anak niya na katabi niya sa kama. Ang buong akala niya ay tulog na ito, bukas ng hapon pa sila makakabalik ng manila. "Why baby? akala ko tulog ka na," nakangiti niyang sabi sa anak. Ngumuso ito."Mommy, can I ask you something?" Inilapit niya ang sarili sa anak at tumango. "Sure. What is it?""Is there a chance na mabuo tayo nina Daddy Apollo?" inosenteng tanong ni Atlas.Natigilan si Adella. Unang beses na nagtanong ng ganito ang anak at hindi siya handa. Hindi siya agad sumagot, paano ba niya sasabihin sa anak na wala na? Dahil ikakasal na siya kay David."Don't get me wrong, Mmy. I love Daddy David, I really do. He's our knight in shining armor, right? You told me that. But." Lumungkot ang mukha ng bata at ang tinig nito. "But? "Huminga ng malalim si Atlas. "But I want to have a complete family, Daddy Apollo is my real Daddy, and I am happy when he's around." Muli na naman natigilan si Adella. Hindi alam kung ano
NAKAUWI si Apollo sa mansion nila, ngunit tahimik iyon. Hindi niya nadatnan ang Ina na karaniwan ay nasa sala ng ganoong oras. Naisip niyang baka natutulog ito. Hindi alam ng Mama niya na dumating na siya mula sa Hacienda Amor. Dumiretso kasi siya sa condo niya. Hindi naka-attend ito at ang kapatid niya dahil bawal ang Mama niya sa malayuang byahe. They only send their gifs. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang mapansin na medyo awang ang pinto ng library, ibig sabihin ay may tao roon. Marahan siyang naglakad patungo doon, baka ang Ate niya ang naroon o pwede rin ang Mama niya. Pipihitin na sana niya ang seradura, nang ang mga usapang narinig niya sa loob ay nagpatigil sa pag-hinog ng mundo niya. "Natatakot ako na malaman ni Apollo ang ginawa natin noon, Mama." Boses ng kapatid niya. "Me too, bakit hindi na lang kaya natin sabihin sa kanya?" Boses naman ng Ina niya. "Sabihin? Paano natin uumpisaang sabihin sa kanya na tayo ang naging dahilan ng paglayo noon ni Adel
"BAKA naman masunog ang tinititigan mo," ang sabi ni Rom nang makalapit kay Apollo na masama ang tingin kay David, na ngayon ay nakaakbay kay Adella, habang si Adella ay hawak -hawak sa kamay si Atlas. Marahas na sinimot ni Apollo ang alak na nasa kopitang hawak. "Ang sarap burahin ng ngiti sa mukha ng Doctor na 'yon," pabulong niyang sabi. Paano ba naman, ang lawak-lawak ng ngiti ni David, habang kausap ang ibang bisita. Pilit na lamang niyang itinatago sa inis ang pait at sakit na nararamdaman nang mga oras na 'yon. "Bakit pakiramdam ko, I am the outcast sa mag-ina ko," may lungkot sa tinig niya nang muling magsalita. Tinapik ni Rom ang kanyang balikat tanda ng pakikiramay sa sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Akala niya noon, wala ng isasakit nang bigla na lamang nawala si Adella nang walang paalam. Pero mali pala siya, mas masakit pala ang ngayong nakikita mong masaya ang mag-ina niya sa piling ng iba. Para iyong milyon-milyong karayom na dum