Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.
Muli siyang pinagmasdan ng tatlo. "Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya. "By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair. "Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?" "Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi. "O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo." Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng ni Kimmy. Nakarating sila sa apartment. Okay naman, dalawa ang kwarto nun, may sariling palikuran at maliit na sala at kusina. Maayos ang apartment ng mga 'ito, halatang mahal ang renta. "Umupo ka diyan, inday. Gagawa lang akong kape natin. Tsaka tayo magusap-usap, okee?" Nakapilantik pa ang mga kamay ng bakla habang kinakausap siya. Tumango siya. Umupo rin sina Marjorie at Ritzel. Abala ang mga ito sa cellphone. Maya maya pa, bumalik na si Kimmy. Tangan ang tray na may apat na baso ng kape, inilapag iyon sa lamesita na nasa gitna nila. Pagkaraan ay maarteng umupo si Kimmy. "Ganitetsch yan inday. Kaming tatlo nagtatrabaho sa isang night club sa may españa." Panimula ng bakla. Ikinagulat niya iyon. "Pero bago ka mag-react pakinggan mo muna ako okiie? Ang dalawang 'yan pole dancer, minsan stripper ang mga gaga, kapag gustong maka extra ng pera. Mukha kasi silang pera." Mahabang sabi ni Kimmy, pero pabiro na tinawanan lamang ng dalawang babae. "And one more thing. Hindi basta basta pipitsuging Night club lang ang Stary night. High-end mga cocktails doon, tapos ang nga customers ng bar ay mga bachelors, mayayamang business tycoon at mga nagsasarapan at naggagwapuhan na lalaki, inday!" Malanding patuloy nito. "And isa pa, nasa sa'yo naman ang desisyon kung sasayaw ka lang, or magpapalabas at magpapagamit sa customer. Hindi ka pipilitin ni Madam." - Kimmy Kinakabahan siya sa ganoong trabaho. Pero kailangan niyang kumapit pansamantala roon, isa pa, mahihirapan siyang makahanap ng trabaho sa manila, wala siyang pinag aralan at hindi pa niya kabisado ang lugar. Baka marami manamantala ng kanyang kainosentihan. "Ano Inday? Bet mo ba?" "H-hindi ba pwedeng maging waitress na lang doon?" Usisa niya. "Pwede naman. Ang kaso walang bakante, ang pwesto ni Mara ang magiging bakante. Pole dancer iyon, sayang din Inday. Malaki ang kita. Tapos baka kapag maraming VIP customers na nagkagusto sa'yo, magiging Star ka ng club. Tapos mas tatas ang f*e mo." Ang galing mang-enganyo ni Kimmy. Pero tila totoo naman ang sinasabi nito. "E-eh ikaw? Anong trabaho mo sa club?" Hindi niya napigilang itanong. "Floor manager niyo ako." Proud nitong sabi at hinawi pa ang maiksing buhok na tila ang haba nun. "Bongga si bakla, hindi ba?" Natatawang sabi ni Ritzel. "Ano Adella? Gusto mo ba?" -Kimmy. Hindi na siya nag isip kung tama mali ang gagawin niya. Ang importante maka-survive siya pansamantala. Mag-iipon siya, tapos kapag naka-ipon na siya aalis din siya sa bar. "Sige. Gusto ko," aniya matapos ang mahabang sandali. "Talaga? Ang dali mong kausap! For sure tatangapin ka ni Madam. Mas maganda ka pa kay Mara at feeling ko bagay na bagay sa'yo ang maging pole dancer." "Pole dancer?" Ulit niya. "Oo. Ay basta! Ipapaliwanag at ipapakita ko sa'yo bukas. Sama ka sa amin okiie? For now, kailangan mo munang magpahinga. I mean, tayong lahat. Bangag na kami day!" Tumayo bigla si Bakla. "Sa kwarto ka ni Ritz matugol, inday. Magkasama kasi kami ni Marj sa isa." "Sige na bakla. Ako na ang bahala kay Adella," ani Ritz. Tumayo na rin si Marj. "Good night girls," anito at sumunod sa pakendeng kendeng na si Kimmy. Kahit bagong kilala pa lamang niya sa mga ito, nararamdaman niyang mabubuting tao ang tatlo, kahit sa kabila ng mga trabaho ng mga ito. "Adella, tara sleep na tayo." Tumayo ang nakangiting sj Ritz. Nahihiya na rin siyang tumayo at sumunod sa babae. Kailangan niya ulit magpahinga. Bukas panibagong buhay ang haharapin niya, sana lamang ay malampasan niya. ______________________________________________ __________________ Kinabukasan nabigla siya nang makita ang oras paggising niya. Ala una na ng tanghali! Wala na sa tabi niya si Ritz, nakakahiya naman at tinanghali siya ng gising. Inayos niya ang buhok na humaba haba na, pagkahawak sa buhok niya ay bigla niyang naalala si Kuya Hector. Gusto na naman niyang maiyak sa pagkamiss sa lalaki. "Kuya Hector, alam kong hindi mo magugustuhan ang papasukin ko. Patawad po. Pero ito lang muna ang paraan ko para maka-survive. Promise, hindi ako magtatagal doon. Maghahanap ako ng mas maayos na trabaho," sabi ni Adella sa sarili. Tila kinakausap sa kawalan ang kanyang Kuya Hector. Bumaba na siya mula sa kama at lumabas ng kwarto. Nasa labas ang tatlo. Si Kimmy na nakaupo at kumakain, at sina Ritz na naglilinis ng kuko. "Hello Adella, kain ka na muna," ani Kimmy. "Sabayan mo na ako dito." Sakto, kumakalam na ang sikmura niya. "Hindi ka na namin ginising, beauty rest ka eh. Para mamaya mas glowing kang makita ni Madam." Natawa siya. Umupo at sumandok ng pagkain. "A-anong oras tayo pupunta sa club?" Nahihiya pa niyang tanong. Medyo nag aalangan pa siya eh. Hindi siya sanay makipag usap talaga sa tao. "Bago mag alas sais ng gabi aalis na tayo dito. Siempre mag aayos pa pagdating doon. Kinakabahan ka ba?" anito habang lumalantak. Napatango siya. "Okay lang 'yan Adella. Isa lang sasabihin ko sa'yo, huwag mong iisiping marumi ang trabahong ito. Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club ay marurumi," sabi pa nito. Muli siyang napatango. "Sige na kumain ka na, tapos aayusin ka namin. Para naman presentable ka at hindi probinsyana ang dating mo Inday." "Sige. Salamat," tanging nasabi niya at sumubo na ng pagkain. Pagkatapos kumain, nilinisan pa siya ng kuko ng mga ito, pinaligo at inayos ang kanyang buhok. Pinaghanap ng mga damit na babagay sa kanya. "Bongga! Napaka fresh at ganda mo, Inday. Hindi tulad nina Ritz, bilasa na." Biro ng bakla na ikinatawa nila. Parang clown si kimmy. Napapagaan nito ang kabang nadarama niya nang mga oras na iyon. "Medyo masyado atang litaw ang cleavage ko?" Sabi niya at napatingin sa may harap niya. Natawa ang tatlo "Kailangan 'yan Adella. Tsaka magiging Asset mo 'yang palitaw cleavage," ani Marj. Hindi na lang siya kumibo. Hindi siya sanay magsuot ng ganoon. Siguro kailangan na lang niyang sanayin ang sarili. Ito na ang bagong buhay niya ngayon, _____________________________________________ ___________________ Kanina pa lamang sa taxi ay kabado na si Adella. Lalo na ngayon na nasa harapan na siya ng Night Club. Tama si Kimmy, hindi basta basta Club 'yun. Mukhang pangmayaman talaga. Hindi niya akalaing may ganitong night club, malayong malayo sa mga nakikita niya sa probinsiya nila. Kumapit sa braso niya si Kimmy. "Don't be nervous, Inday. Kami ang bahala sa'yo dito. Hindi namin hahayaan na gagawin mo ang mga bagay na ayaw mo."- Kimmy. Napangiti siya. Kahit paano nabawasan ang kabang nadarama niya. Dumaan sila sa isang pinto. Hindi sa mismong entrance. Siguro ito talaga ang daanan ng mga nagtatrabaho roon. "Bakla, kayo na lang ni Adella ang pumunta sa office ni Madam. Punta na kami ni Ritz sa preparation room," paalam ni Marj sa kanila. "Okay mga mamsh. Pakaganda niyo at nang marami naman kayong ma-tip." Natatawang biro ni Kimmy na ikinairap ng dalawa. Iginiya siya ni Kimmy sa isang office. Pagpasok nila, may isang babae roon na nasa 40's na. Mukhang masungit ito. May kausap ito sa telepono. Umupo sila ni Kimmy sa upuan na nasa harap ng table nito. "Siya ba ang sinasabi mo sa akin sa chat kagabi?" Usisa ng babae nang matapos makipagusap sa telepono. Pinagmasdan nito ang mukha niya. "Opo madam. Fresh hindi ba? Batang bata." Tinignan siya ni Kimmy. "Adella siya si Madam aura. Ang may-ari ng club." "H-hello po." Nauutal siya nang magsalita. "Tumayo ka." Utos nito na ginawa niya. "Anong height mo?" -Madam Aura "5'6 po." "Vital mo?" "34-25-34 po," aniya. Nakita niya ng pag aralan siya nito mula ulo hangang paa. "Perfect." Dinig niyang sabi nito. "Napaka puti mo pa at ganda. Umupo ka." Umupo siya at pinagsalikop ang dalawang kamay sa kandungan. "Tangap siya Madam?"-Kimmy. "Yes. Bibigyan kita ng isang Lingo Kimmy para masanay mo siya sa pagpo-pole dancing. Kaya mo ba?" Natigilan si Kimmy. "One week? Hindi kaya ang iksi ng araw Madam? Lalo na at baguhan pa lamang siya."-Kimmy Nag-isip si Madam. "Sige two weeks. After two weeks dapat kaya na niya, kapag hindi. Hahanap ako ng iba para sa pwestong iniwan ni Mara. Atsaka kapag pumasok siya rito, every week end muna siya magpe-perform. Titignan natin kung hahanapin siya ng mga customers natin, gaya ng kay Mara. Intiende?" Mahaba at klarong pahayag ng matanda. "Opo Madam. Noted po! Ako na po ang bahala kay Adella. After two weeks, pwede na siyang isabak." "Okay then. Makakaalis na kayo, Kimmy asikasuhin mo ang mga kaganapan tonight Okay? Pagkakaalam ko maraming business man ang darating tonight." "Noted mo Madam. Thank you." Binalingan siya ni Kimmy. "Inday tara na." Tumayo na ito at ganoon din ang ginawa niya, pero nagpasalamat muna siya kay Madam Aura. Tumango lamang ito at tsaka na sila umalis.Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag
Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,
"GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang
"BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe
"Wala ka na talagang ginawang matino, Adella!" Tungayaw ni Aling Cedez sa bente-uno anyos na dalaga na nakayuko lamang sa sofa at naluluha, habang tumatalak ang matanda sa harapan niya. Hindi kasi niya naplantsa ng maayos ang uniporme ni Yna- ang tunay na anak nito. Ampon lamang kasi siya ng mga Javier. "Ulitin mo 'yan! Walang silbi!" Sabay hampas sa kanya ng unipormeng tangan nito. Marahan niyang hinawakan iyon at tumayo para sundin ang ipinapagawa nito. Nagpunta si Aling Cedez sa kusina at ipinagpatuloy ang pag aalmusal. Kumakain na ang mag anak, siya ay hindi pa. Trabaho agad ang ipinapa-asikaso sa kanya, kanina pa nga siya nagugutom eh. "Ayusin niyong kumain, Yna at Grace. Ubusin niyo na ang ulam na 'yan, kumain naman na ang kuya Hector niyo," sabi ng matanda sa mga anak. Ni hindi man talaga siya naisip na tirhan ng pagkain. Gusto na naman niyang mag iiyak, pero wala ng tumutulong luha mula sa mga mata niya. Siguro, dahil sa paglipas ng ilang taong ganitong nararanasan niya ay
"Napaka bait mo talagang bata, siguro mga tunay mong magulang mababait." Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga sa kanila kung ano siya ng mga Javier."Siguro nga po mababait, kung sana nga lang naalala ko kung taga saan ako, baka matagpuan ko po sila, " nakangiti niyang sabi sa matanda."Sana nga ay balang araw, matagpuan mo ang tunay mong pamilya."Hindi na lamang siya sumagot. Paano ba niya matatagpua eh hindi man niya hinahanap ang mga ito. Sa ngayon, huwag muna. ______________________________________________________________________"Aray!" Sigaw ni Adella nang hablutin ni Aling Cedez ang kanyang buhok. Nasa bahay na siya at halos kakauwi lamang niya mula sa palengke."Ilabas mo ang pera!" Sabi nito sa kanya. Galit na galit. Ipinagpipilitan nitong nangupit siya ng isang daan. "Aray ko 'nay, wala po akong kinukuha diyan. Kapkapan niyo man ako.""Hindi ako bobang katulad mo! Malamang ginastos mo na iyon, ano pa ang makakapkap ko sa'yo?! Ilalabas mo o kakalbuhin kita?" Tsaka hinigp
"TALAGA Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone. Nakangiting tumango ang kuya niya. "Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso. Binalingan ito ni Hector. "Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito. "Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace. "Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan," sabat ni Aling Cedez. "Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito. "Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," wika ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito. Inakbayan siya ni Kuya H
MULI na naman naiyak si Adella habang nakaharap sa salamin, nang mapagmasdan ang kanyang kutab-kutab na buhok, gawa ng pang-gugupit ni Aling Cedez sa kanya. Ang sama sama ng loob niya, ang dating hangang beywang na buhok ay lumampas na lamang ng kaunti sa kanyang balikat. Napahagulhol na naman ang dalaga. Wala siyang magawa, hindi niya kayang lumaban dahil wala naman siyang kaya. Pagtutulungan lamang siya ng tatlo. Marahang katok ang bumasag sa katahimikan, nasa kwarto kasi siya ng kanyang Kuya. Inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. Pilit na ngiti ang isinalubong niya sa kanyang kuya. "Kuya..." "Adella? Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Umiyak ka na naman ba? " Magkakasunod na tanong nito sa kanya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang paghikbi. "Anong nangyari sa buhok mo?" Hindi siya kumibo. Wala siyang lakas ng loob upang magsumbong dahil mayayari na naman siya sa tatlo. Marahas na napabuntong hininga si Kuya Hector at niyakap siy
"BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe
"GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang
Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,
Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag
Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng
"KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwint