"SAAN ka na naman pupunta?" Napatingin si Apollo sa kanyang kapatid. Palabas siya ng main door nang gabing 'yun.Tila kadarating lamang ng kaniyang ate dahil suot pa nito ang uniporme nitong pang opisina. "Stary club. Why?" Nangunot ang noo ng kapatid. "Sa club na 'yun? I noticed these past few days naroon ka lagi." Mapanuri ang bawat tingin na ibinato nito sa kanya. Knowing his sister. "The service there was really amazing, that's why I always go there, any problem with that?" Aniya habang nakatingin sa kapatid. "Okay fine. Pero agad ka rin umuwi, it's dangerous. Knowing our status, brother," bilin nito at tumalikod na, pero muling humarap sa kapatid at muling nagsalita, "...and ofcourse, don't forget to use protection." Napangisi si Apollo at tumango. Pagkaraan ay umalis na. Damn! Bakit ba sa tuwing naiisip ang babaeng may maskara ay nasasabik siyang laging magtungo sa club na iyon. Masisilayan na naman niya ang babaeng ilang araw na ni
"MR. WILLIAMS..." Apollo was about to leave, when someone called his name. Si Kimmy. Sakto matatanong niya ito bakit wala si Addie ngayong gabi. "Yes?" "Pwede po ba tayong mag-usap?" Anito at itinuro ang dulo ng bahagi ng club. "Sure." Nauna na siyang naglakad patungo roon at umupo. Ganoon rin si Kimmy. "Alam kong pamilyar ka sa tinatawag naming 'Exclusive whore' sa club na ito, Mr. Williams." Panimula ng kaharap. Oo, alam niya iyon. Ipinaliwanag na rin sa kanya ng may-ari ng club ang bagay tungkol doon. Pero he never dare to tried. "Yes I am. Ano ang kinalaman ng bagay na iyon sa pag-uusapan natin?" "Malaki Mr. Williams. Someone asked me kung pwede kitang offer-an about this. Siya mismo ang nagprisinta." Natigilan siya. Sino naman? Isa pa hindi siya interesado. "I'm not intereste-" "It was Addie." Putol ni Kimmy sa ano pa mang sasabihin sana ng binata. Muling natigi
NAKATAYO ngayon si Adella sa gitna ng VIP room, habang nakahawak sa pole na nasa gitna. Patay ang ilaw. Kapag sumindi na ang pulang ilaw, hudyat na iyon upang magsayaw na siya. Alam niyang nang mga oras na iyon ay naroon na rin sa malaking VIP room si Apollo at inaabangan ang pagliwanag ng kwarto upang masilayan siya. Sa unang pagkakataon ay magsasayaw siya sa mismong harapan ng binata, tanging ito lamang ang makakasaksi sa pagsasayaw na gagawin niya. Sari-saring emosyon ang naglalaro ngayon sa kalooban ng dalaga, halos mamawis ang kamay niya sa tindi ng kabang nadarama nang mga sandaling iyon. Pero kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Isang tao lamang ang sasayawan niya ngayon, pero tila haharap siya sa maraming tao dahil sa sobrang kaba. Mas nanaisin pa yata niyang magsayaw sa harap ng maraming tao kesa sa harapan ni Apollo na nagbibigay ng matinding kalabog sa puso niya. Huminga siya nang malalim. Ilang saglit lang ay kumalat ang pulang ilaw sa kulob na kwarto,
NAKATULALA si Adella habang inaayos ang mga damit. Iniisip niya ang nangyari kagabi, ang halik at ang pag-uusap nila ni Apollo. "Oy! Ang lalim ata ng iniisip mo? Ano chikahan mo nga kami, kung ano ang ganap kagabi sa VIP room?" Excited na sabi ni Kimmy sa kanya. Umupo pa ito sa kama niya. Napansin nito na nag-eempake siya. "Hala, Inday. Saan ka pupunta?" Nabalot ng pagtataka ang mukha ng kaibigan. Napabuntonghininga siya. "May usapan na kami ni Apollo. Ang nangyari sa VIP room kagabi ay usapan lamang, " aniya. "Usapan? Anong usapan?" "Simula ngayong araw na ito, titira na ako sa penthouse niya." "Ano?! Ibabahay ka niya?!" Gulantang na sabi ni Kimmy. "Ibabahay? Iyon ba ang term doon? Basta ang sabi niya lang na much better kung titira na ako sa penthouse niya. Pero siya ay hindi naman doon, dadalaw dalaw lang, " mahaba niyang paliwanag. Napatango-tango si Kimmy. "In fairness, kabog ka Inday. Isipin mo ititira
"REALLY?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Rom ng ikwento ni Apollo na pinatira niya ngayon si Adella sa Penthouse niya. Pero hindi alam ni Rom ang tungkol sa 'Exclusive whore' thingy. Hindi niya alam bakit gusto niyang protektahan kahit papano ang kahihiyan ni Addie. "Yes. Don't tell my sister about this, kung ayaw mong mamatay ako ng maaga," bilin niya sa kaibigan. Nasa bahay sila ni Rom nang mga oras na 'yon. Kailangan niyang itago kay Althea at sa Ina niya ang tungkol sa pagpapatira kay Addie sa penthouse niya. Knowing those two. "Believe na ako sa'yo, p're. Paanong ang mailap na si Addie ay nasa penthouse mo na ngayon. Tell me, ano ang ginawa mo? " Natawa siya. Wala naman siyang ginawa. "The truth is nothing. Tsaka ko na sasabihin ang lahat sa'yo, for now let me keep it first. Tamad pa akong magkwento." Natawa si Rom at napailing. Nagtungo sa may bar counter style na lalagyan ng mga alak at kumuha ng isang bote ng brandy.
NAGISING si Adella na may tila mabibigat na bagay na nakadagan sa kanya. Kaya daglian niyang binuksan ang mga mata. Nakatihaya siyang nakahiga at tila may hiningang tumatama sa gilid ng tenga niya. Paglingon niya ay napatda siya. Si Apollo! Nakadagan ang isang binti nito sa mga paa niya, ang isang braso nito ay nakapatong sa may tiyan niya. Himbing na himbing ito sa kanyang tabi. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya sa sitwasyong namulatan niya. Nagtataka kung bakit katabi ang binata e iniwan pa lamang siya nito kahapon. Ganoon na ba kahimbing ang tulog niya para hindi maramdaman ang pagdating ni Apollo kagabi? Pinagmasdan niya ang binata. Napaka-amo ng mukha nito kapag natutulog, makakapal ang kilay ng binata na lalong nakakadagdag sa lalaking lalaki nitong dating. Ang mga kilay nito na laging nakasalubong na animo tila laging galit. Bilugin ang mga mata nito at may malalantik na pilik-mata sa palibot nito. Ang Ilong nito na sobrang tangos na tila mahihiya
“HI, SISTER.” Iyon ang pagbati ni Apollo sa kanyang kapatid, pagpasok niya sa opisina nito. Pagkahatid niya kasi kasi kay Adella sa penthouse niya ay iniwan niya muna ito upang magpunta sa Ate niya. “Oh? Buti naligaw ka rito? Anong meron?” Usisa ng Ate niya habang seryosong nakatingin sa papeles na hawak at bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin nito. Napailing siya, napaka-busy na naman ng Ate niya. Halos buhay ata nito ay inilaan nito sa mga business ng pamilya nila na naiwan ng kanilang Ama. Kahit nga magka Love life ay hindi na nito naharap, kaya sobra niyang hinahangaan ang kapatid. Ito ang iniidolo niya pagdating sa trabaho at sa ano pa mang bagay. “Namiss lang kita. It’s been a while since lumabas tayong dalawa para mag unwind,” aniya at umupo sa isang upuan na nasa harap ng table nito. Napangiti ang Ate niya at hinubad ang salamin na suot. Pagkaraan ay nangalumbaba sa paharap sa kanya. “Ikaw Apollo ha. Saan ka ba napunta
KINABUKASAN, dahil wala na naman si Apollo, napagpasyahan ni Adella na magtungo kina Kimmy. Naiinip siya sa penthouse. Hindi na siya nag-abalang magpaalam kay Apollo kahit sa text lamang, tutal hindi naman siya magtatagal. "Aba, Girls, may bisita tayo!" Anunsyo ni Kimmy nang makita siyang papasok sa maliit na tarangkahan. Takbuhan naman sina Marj para tignan siya, sinalubong siya ng tatlo sa may pinto. "Oh, buti naisipan mong dumalaw dito? Akala namin nakalimutan mo na kami eh," kunwa'y maktol ni Bakla na ikinatawa niya. Inilapag niya sa mesa ang mga dala niyang pagkain. "Sobrang nakakainip doon. Para akong mababaliw sa katahimikan, " aniya sa mga kaibigan. Oo, tinuturing na niyang kaibigan ang mga ito, dahil napakabuti ng mga ito sa kanya. "Nakakainip? Hindi ka ba laging dinadalaw doon ni Mr. Williams?" Usisa ni Ritz. Umiling siya. "Pupunta lang iyon, tapos saglit lang siya." "So, may ganap na ba sainyong dalawa? " Ani Kimmy naman n
"HEY, brat!" Tawag ni Rigel kay Cassidy. Nilingon siya ng pinsan na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Hinila niya sa pinsan sa may hindi gaanong matao para walang makarinig sa pag uusapan nila. "Why did you invite him here?" "Why not? It's my birthday party." "Oh c'mon brat. Kilala kita. Anong binabalak mo? " "Binabalak? Wala." Patay malisyang sagot nito. Tinaasan niya ng kilay ang pilyang pinsan at tinitigan sa mga mata. "Okay, fine!" Pagsuko nito. "I invited him here, para kay Adella. Para magkita na sila." "Seriously? Ginawa mo iyon? Alam mong iniiwasan siya ng kapatid mo, " naiinis na sabi ni Rigel. "I don't care!" Maldita nitong sagot. "Ang sarap mong tirisin. Pwedeng mag-create ng conflict ang ginawa mong ito. Dapat you let Adella na siya mismo ang makipagkita na kay Apollo." "Well, I made it easier for her, si Apollo na mismo ang nagpunta rito. Damn! This is the most memorable birthday party I ever had! " Tila timang na s
"HEY." Napatingin si Apollo sa babaeng nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Kilalang kilala niya ito. Base sa weird na kulay ng buhok nito, ito lang ata ang kilala niyang babae na laging iba ang kulay ng buhok every week. "Cassidy La Gresa, what do you need?" Usisa niya sa babae habang papalapit siya rito. Gaya ng karaniwang ginagawa nito, ngumunguya ito ng chewing gum habang may pilyang ngiti sa mga labi. Ngumiti ito ng malawak at pagkaraan ay may kinuha sa shoulder bag nito. Isang pulang sobre. "Here," anito at inabot sa kanya ang hawak. Alangan niyang dinampot ito habang nakakunot ang noo. Hindi sila gaanong close ni Cassidy, nagkakaroon lamang sila ng connection sa babae sa tuwing ginugulo nito ang pinsang si Rigel, kapag kasama nila ang huli. Bukod sa bali-balitang naririnig niya na isang pasaway na heredera ito ay wala na siyang alam sa babae.Pero sa totoo lang, ayaw niya itong nakikita dahil she reminds him of someone. Si Adella. "Ano ito?
NASA isang restaurant si Apollo, habang kaharap ang isa niyang kliyente, natigilan siya sa pagsasalita nang may mahagip ang kanyang mga mata. Pamilyar na pigura ng isang babae. Kahit nakatalikod ito at may kausap sa telepono, alam na alam niya kung sino iyon. Ang salamin ng restaurant ang naghahati sa pagitan nila, medyo may kalayuan ito pero kitang kita niya ang babae. Damn! Is that Adella? E ano naman pala kung si Adella ang babaeng natatanaw niya ngayon? Pero kahit anong sabihin ni Apollo sa sarili, pigil-hininga pa rin niyang hinihintay ang pagharap ng babae. "Mr. Williams?" Bigla siyang napatingin sa kanyang kausap. Nakalimutan niyang may pinag uusapan pala sila. "Yes, Mr. Samson?" "Are you okay? Are you with me?" Nahilot niya ang sintido. "Sorry, Mr. Samson. Can I leave you for a while, may titignan lang ako. Just a minute." "Sure. Take your time, Mr. Williams, " nakangiting sabi nito sa kanya. Agad siyang tumayo at muling bu
"HAPPY Birthday, Lola." Yumuko si Adella at hinalikan sa pisngi si Doña Amor, na abot tenga ang ngiti. "Salamat, apo. Nasaan si Atlas?" Usisa ng matanda na nakaupo sa wheel chair. Habang nakatingala ngayon sa kanya. Bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahang tinaglay noong kabataan ng kanyang Lola. Kagandahang namana ng lahi ng mga La Gresa. Kamukha raw ng lola niya ang pinsan niyang si Virgo na naka base sa Paris. "Na kay David po, Lola. Maya-maya lang po ay papasok na ang mga iyon," aniya sa matanda. Umupo siya sa kalapit na upuan. "Cassandra, apo. Kailan mo ba ipapakita ang anak mo sa totoong Ama niya? Don't you think na mas makakabuti kay Atlas kung makikilala niya ang Ama niya. Para hindi siya mabahiran ng mga katanungan sa katauhan niya?" Malumanay na sabi ng kanyang Lola. Napabuntong hininga siya, hindi lang ang mga magulang niya ang nangungulit na ipakilala si Atlas kay Apollo. Maging ang Lola Amor niya. "Sa tamang panahon po Lola. Hindi ko naman po
KASALUKUYANG naglalakad sa mall si Adella. Sa mall na pag-aari ng kanyang kapatid na si Cassidy, balak niyang doon mamili ng mga gamit ni Atlas. Habang naghahanap ng mabibili para kay Atlas, biglang may nakabunggo sa kanya. "Sorry po!" Awtomatikong sabi niya. Pero bigla siyang natigilan nang makita kung sino ang nakabanggahan niya. Ilang taon na ang nakalipas pero tandang tanda niya ang mukha ng taong nasa harapan niya ngayon. Ang taong naging dahilan kung bakit nagwakas ang sa ano mang meron sila ni Apollo noon. "A-althea?" Aniya sa babae na mababakas din ang pagkabigla sa mukha. Pero bigla rin nakabawi ang kaharap. "So, it's you Adella," walang bahid-emosyong sabi ng babae. Gaya pa rin ito ng dati. "Ako nga," aniya at ngumiti sa taong dapat ay hindi naman niya dapat itrato ng ganito after all ng mga ginawa nito sa nakaraan. Pero kasi, siya ang tipo ng tao na hindi kayang magalit ng matagal. Taong ibinabaon na lamang sa limot ang mga kasalanan ng mga ta
"ANO ho ba ang nangyari kay Cassy, noong isang araw? " Usisa ni Adella sa Ina nang umagang iyon na nagsasalo sila sa agahan. Tulog pa si Cassidy at umalis naman ang kanyang Ama, dahil ito pa rin ang CEO sa isa nilang kompanya nila. Si Atlas naman ay kasama si Gina, para sa morning walk ng anak niya. Napabuntong hininga ang Ina at tila na-stress na naman ang mukha. "Paano ba 'yang kapatid mo e, nasangkot na naman sa gulo doon sa isang bar. Nagwala, pinagbabasag ang lahat ng makita roon, " sabi ng Ina. Hindi na dapat siya magulat dahil lagi naman itong nasasangkot sa gulo. Pero sa tagal na rin niyang kasama ang kapatid, hindi pa rin niya mapigilan ang magulat. "Ho? Bakit daw?" "May nakaapak daw sa bagong pedicure niyang paa. My goodness! Hindi na namin alam ng papa mo kung ano ang gagawin sa kapatid mo." Tila problemado ang Ina. "Huwag na po kayong pa-stress, Mama. Bata pa kasi si Cassidy, malay niyo po kapag nagtagal maiisip na niya na mali ang ginagawa n
"THAT'S bullshit. Ayusin mo ang trabaho mo, or else mawawala 'to sa'yo," galit at malamig na sabi ni Apollo sa kausap sa telepono. Ang kanyang sekretarya, may kapalpakan na namang ginawa. Napahilot siya sa kanyang sintido. "Who's that?" Napatingin siya sa kama kung saan nakahiga roon si Aileen. Halos kakatapos lamang nilang magsalo sa isang mainit na tagpo. Walang label sa pagitan nila ng dalaga, alam nito kung ano lang ang kaya niyang i-offer. They were a fuck buddy. "It's Allisa. Hindi ka pa ba uuwi?mag aalas otso na, " Usisa niya rito at pinulot sa sahig ang pantalon at T-shirt. Tsaka isinuot ang mga 'to. "Nah. Dito na ako matutulog," sagot ng dalaga na hindi pa rin nag aabalang isuot ang mga saplot at ibinabalandra pa rin sa harapan niya ang kahubaran nito. "Suit yourself. Pero ako aalis na, magkikita kami ni Rom, may pupuntahan kami." Kinuha niya ang susi sa bed side table at akmang lalabas na ng pinto. "Wait, saan na naman kayo p
_______________________________________MAKALIPAS ANG TATLONG TAON. _______________________________________ MARAHANG ibinaba ni Adella, ang binabasang diyaryo kung saan naroon ang larawan ni Apollo, napangiti siya ng malungkot na may halong pakla. Matagal na taon na ang lumipas ngunit sa tuwing nakikita niya ang larawan nito o maalala niya ang lalaki, tila bumabalik siya sa masakit na nakaraan. Namayagpag ang pangalan ni Apollo Williams sa business world, isa na sa mga tinitingalang business tycoon sa bansa. Masaya siya para sa ama ng kanyang anak, natupad na ang pangarap ni Althea para sa kapatid. Muli niyang binalingan ang larawan na kung saan ang isang kuha ay katabi ni Apollo si Aileen, kita niya kung paano ang yakap ni Apollo sa balakang ng babae. Muli ay tila sinasakal na naman siya sa larawang iyon, pero bakit pa nga ba niya nararamdaman ang bagay na iyon? Ako dapat ang nasa tabi niya... Iyon ang naisabulong ng kanyang isip, pero mabilis na ipin
HINDI makapaniwala si Adella, nang i-anunsyo ang resulta ng DNA test. Napatayo siya sa sobrang gulat, naroon sila muli sa library ng mansion nina Leon. Nabalik lamang siya sa realidad nang biglang may yumakap sa kanya, doon pa lang nag-sink sa kanya ang narinig. Positibo. Isa siyang La Gresa. Siya si Cassandra Gwyneth La Gresa na matagal ng nawawala. "Diyos ko! Napakagandang balita nito!" Ani Lucila habang nakayakap kay Adella. Ganoon din si Ernan na mangiyak-ngiyak na nakayakap sa kanya. Tumulo na rin ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan, ginantihan niya ng yakap ang mga tunay na magulang na kaytagal nawalay sa kanya. Halo-halo ang emosyong nadarama niya, pero nangingibabaw ang saya dahil sa wakas, alam na niya kung saan siya nanggaling. Hindi na siya nangangapa sa pagkatao niya, hindi na niya gabi-gabi tatanungin ang Diyos kung sino ang tunay niyang pamilya. Parang sa isang iglap naging buo ang pagkatao niya. "Hindi ko siya matatangap bilang kapatid!"