NAKATULALA si Adella habang inaayos ang mga damit. Iniisip niya ang nangyari kagabi, ang halik at ang pag-uusap nila ni Apollo. "Oy! Ang lalim ata ng iniisip mo? Ano chikahan mo nga kami, kung ano ang ganap kagabi sa VIP room?" Excited na sabi ni Kimmy sa kanya. Umupo pa ito sa kama niya. Napansin nito na nag-eempake siya. "Hala, Inday. Saan ka pupunta?" Nabalot ng pagtataka ang mukha ng kaibigan. Napabuntonghininga siya. "May usapan na kami ni Apollo. Ang nangyari sa VIP room kagabi ay usapan lamang, " aniya. "Usapan? Anong usapan?" "Simula ngayong araw na ito, titira na ako sa penthouse niya." "Ano?! Ibabahay ka niya?!" Gulantang na sabi ni Kimmy. "Ibabahay? Iyon ba ang term doon? Basta ang sabi niya lang na much better kung titira na ako sa penthouse niya. Pero siya ay hindi naman doon, dadalaw dalaw lang, " mahaba niyang paliwanag. Napatango-tango si Kimmy. "In fairness, kabog ka Inday. Isipin mo ititira
"REALLY?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Rom ng ikwento ni Apollo na pinatira niya ngayon si Adella sa Penthouse niya. Pero hindi alam ni Rom ang tungkol sa 'Exclusive whore' thingy. Hindi niya alam bakit gusto niyang protektahan kahit papano ang kahihiyan ni Addie. "Yes. Don't tell my sister about this, kung ayaw mong mamatay ako ng maaga," bilin niya sa kaibigan. Nasa bahay sila ni Rom nang mga oras na 'yon. Kailangan niyang itago kay Althea at sa Ina niya ang tungkol sa pagpapatira kay Addie sa penthouse niya. Knowing those two. "Believe na ako sa'yo, p're. Paanong ang mailap na si Addie ay nasa penthouse mo na ngayon. Tell me, ano ang ginawa mo? " Natawa siya. Wala naman siyang ginawa. "The truth is nothing. Tsaka ko na sasabihin ang lahat sa'yo, for now let me keep it first. Tamad pa akong magkwento." Natawa si Rom at napailing. Nagtungo sa may bar counter style na lalagyan ng mga alak at kumuha ng isang bote ng brandy.
NAGISING si Adella na may tila mabibigat na bagay na nakadagan sa kanya. Kaya daglian niyang binuksan ang mga mata. Nakatihaya siyang nakahiga at tila may hiningang tumatama sa gilid ng tenga niya. Paglingon niya ay napatda siya. Si Apollo! Nakadagan ang isang binti nito sa mga paa niya, ang isang braso nito ay nakapatong sa may tiyan niya. Himbing na himbing ito sa kanyang tabi. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya sa sitwasyong namulatan niya. Nagtataka kung bakit katabi ang binata e iniwan pa lamang siya nito kahapon. Ganoon na ba kahimbing ang tulog niya para hindi maramdaman ang pagdating ni Apollo kagabi? Pinagmasdan niya ang binata. Napaka-amo ng mukha nito kapag natutulog, makakapal ang kilay ng binata na lalong nakakadagdag sa lalaking lalaki nitong dating. Ang mga kilay nito na laging nakasalubong na animo tila laging galit. Bilugin ang mga mata nito at may malalantik na pilik-mata sa palibot nito. Ang Ilong nito na sobrang tangos na tila mahihiya
“HI, SISTER.” Iyon ang pagbati ni Apollo sa kanyang kapatid, pagpasok niya sa opisina nito. Pagkahatid niya kasi kasi kay Adella sa penthouse niya ay iniwan niya muna ito upang magpunta sa Ate niya. “Oh? Buti naligaw ka rito? Anong meron?” Usisa ng Ate niya habang seryosong nakatingin sa papeles na hawak at bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin nito. Napailing siya, napaka-busy na naman ng Ate niya. Halos buhay ata nito ay inilaan nito sa mga business ng pamilya nila na naiwan ng kanilang Ama. Kahit nga magka Love life ay hindi na nito naharap, kaya sobra niyang hinahangaan ang kapatid. Ito ang iniidolo niya pagdating sa trabaho at sa ano pa mang bagay. “Namiss lang kita. It’s been a while since lumabas tayong dalawa para mag unwind,” aniya at umupo sa isang upuan na nasa harap ng table nito. Napangiti ang Ate niya at hinubad ang salamin na suot. Pagkaraan ay nangalumbaba sa paharap sa kanya. “Ikaw Apollo ha. Saan ka ba napunta
KINABUKASAN, dahil wala na naman si Apollo, napagpasyahan ni Adella na magtungo kina Kimmy. Naiinip siya sa penthouse. Hindi na siya nag-abalang magpaalam kay Apollo kahit sa text lamang, tutal hindi naman siya magtatagal. "Aba, Girls, may bisita tayo!" Anunsyo ni Kimmy nang makita siyang papasok sa maliit na tarangkahan. Takbuhan naman sina Marj para tignan siya, sinalubong siya ng tatlo sa may pinto. "Oh, buti naisipan mong dumalaw dito? Akala namin nakalimutan mo na kami eh," kunwa'y maktol ni Bakla na ikinatawa niya. Inilapag niya sa mesa ang mga dala niyang pagkain. "Sobrang nakakainip doon. Para akong mababaliw sa katahimikan, " aniya sa mga kaibigan. Oo, tinuturing na niyang kaibigan ang mga ito, dahil napakabuti ng mga ito sa kanya. "Nakakainip? Hindi ka ba laging dinadalaw doon ni Mr. Williams?" Usisa ni Ritz. Umiling siya. "Pupunta lang iyon, tapos saglit lang siya." "So, may ganap na ba sainyong dalawa? " Ani Kimmy naman n
"READY ka na ba para mamaya?" Mula sa pagbabasa ng diyaryo, lumipad ang tingin ni Apollo kay Althea na bagong dating. May tangan itong tasa ng kape at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. Nasa Lanai siya nang mga oras na 'yun. "Mamaya? Anong meron mamaya?" Usisa niya sa kapatid. Althea rolled her eyes as if she was about to lose her patience. "Pupunta tayo sa mga Chubaskra. Aileen's birthday, remember?" Ah, kaarawan ni Aileen Chubaskra. Ang mga magulang ng dalaga ay kaibigan at business partner ng kanilang pamilya. Si Aileen din ay malapit sa kanyang Ate Althea to the point na pinagtutulakan siya nito noon na ligawan ang huli. "I'm afraid, hindi ako makakasama." Nangunot ang noo ng kanyang kapatid. Binitiwan ang hawak na tasa. "And why is that?" "I have something to do, sis." "No, Apollo. You should be there. I told Aileen na isasama kita, so you must." Ito ang ayaw niya sa kapatid niya, pinipilit siya nit
HINDI na namalayan ni Adella ang mga sumunod na nangyari. Pati kung paano sila nakarating ngayon ni Apollo sa kama ay hindi niya alam. Magka-ugpong pa rin ang mga labi nila at mas lalong nagiging mapusok ang kanilang bawat sandali. Nagiging mapaghanap ang bawat paghalik ni Apollo, na mas lalong binubuhay at pinapaliyab ang init sa kanyang katawan. Nararamdaman niyang hindi na rin niya makontrol ang sariling pakiramdam at paghahangad sa mas malalim pa. "Apollo," bulong niya na tila hirap-hirap. Dumadaing siya na hindi niya alam kung ano pa ang ninanais. "Tell me to stop, Adella." Dinig niyang sabi ng binata. Stop? Pipigilan ba niya ang lalaki gayong gusto rin ng katawan niya ang mga nagaganap? Kahit tumutol ang isip niya ay mas nangingibabaw ang paghahangad ng kanyang katawan. "Tell me now," sabi pa nito habang ang mga labi ay nasa leeg niya. Doon naman siya nito pinapaligaya, sobra siyang nate-turn on sa tuwing naglalaro ang labi at dila ni Apollo sa kanya
PINAGMAMASDAN ngayon ni Apollo si Adella na masarap ang tulog sa kanyang tabi, matapos ang isang nakakaliyong pagniniig. Napangiti siya.Kailan pa ba niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa tuwing pagkatapos may maikama? Wala. Ngayon lamang niya naramdaman ito, at kay Adella lamang. Wala siyang gaanong alam tungkol sa babae, basta ang alam lamang niya ay nagtatrabaho ito sa Stary Club bilang pole dancer. Maliban doon, wala na siyang alam tungkol sa personal na buhay nito. Hindi rin naman siya nagtatanong, ganoon rin ito sa kanya. Ngayon, naroon ang pakiramdam na gusto niyang alamin ang lahat ng tungkol kay Adella. Naghahangad siya ng mas malalim pang connection at hindi niya alam kung bakit. Nais niyang makilala ang pamilya nito, there is something in her na napaka interesante at hindi niya matukoy kung ano iyon. Hinaplos niya ang buhok nito. "Sleep tight, love." Love? The heck! Kailan pa siya naglagay ng endearment sa mga babaeng nakikilal
"I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya
PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa
"BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma
Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang
"Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N
Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba
"MOMMY?" Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin si Adella sa anak niya na katabi niya sa kama. Ang buong akala niya ay tulog na ito, bukas ng hapon pa sila makakabalik ng manila. "Why baby? akala ko tulog ka na," nakangiti niyang sabi sa anak. Ngumuso ito."Mommy, can I ask you something?" Inilapit niya ang sarili sa anak at tumango. "Sure. What is it?""Is there a chance na mabuo tayo nina Daddy Apollo?" inosenteng tanong ni Atlas.Natigilan si Adella. Unang beses na nagtanong ng ganito ang anak at hindi siya handa. Hindi siya agad sumagot, paano ba niya sasabihin sa anak na wala na? Dahil ikakasal na siya kay David."Don't get me wrong, Mmy. I love Daddy David, I really do. He's our knight in shining armor, right? You told me that. But." Lumungkot ang mukha ng bata at ang tinig nito. "But? "Huminga ng malalim si Atlas. "But I want to have a complete family, Daddy Apollo is my real Daddy, and I am happy when he's around." Muli na naman natigilan si Adella. Hindi alam kung ano
NAKAUWI si Apollo sa mansion nila, ngunit tahimik iyon. Hindi niya nadatnan ang Ina na karaniwan ay nasa sala ng ganoong oras. Naisip niyang baka natutulog ito. Hindi alam ng Mama niya na dumating na siya mula sa Hacienda Amor. Dumiretso kasi siya sa condo niya. Hindi naka-attend ito at ang kapatid niya dahil bawal ang Mama niya sa malayuang byahe. They only send their gifs. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang mapansin na medyo awang ang pinto ng library, ibig sabihin ay may tao roon. Marahan siyang naglakad patungo doon, baka ang Ate niya ang naroon o pwede rin ang Mama niya. Pipihitin na sana niya ang seradura, nang ang mga usapang narinig niya sa loob ay nagpatigil sa pag-hinog ng mundo niya. "Natatakot ako na malaman ni Apollo ang ginawa natin noon, Mama." Boses ng kapatid niya. "Me too, bakit hindi na lang kaya natin sabihin sa kanya?" Boses naman ng Ina niya. "Sabihin? Paano natin uumpisaang sabihin sa kanya na tayo ang naging dahilan ng paglayo noon ni Adel
"BAKA naman masunog ang tinititigan mo," ang sabi ni Rom nang makalapit kay Apollo na masama ang tingin kay David, na ngayon ay nakaakbay kay Adella, habang si Adella ay hawak -hawak sa kamay si Atlas. Marahas na sinimot ni Apollo ang alak na nasa kopitang hawak. "Ang sarap burahin ng ngiti sa mukha ng Doctor na 'yon," pabulong niyang sabi. Paano ba naman, ang lawak-lawak ng ngiti ni David, habang kausap ang ibang bisita. Pilit na lamang niyang itinatago sa inis ang pait at sakit na nararamdaman nang mga oras na 'yon. "Bakit pakiramdam ko, I am the outcast sa mag-ina ko," may lungkot sa tinig niya nang muling magsalita. Tinapik ni Rom ang kanyang balikat tanda ng pakikiramay sa sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Akala niya noon, wala ng isasakit nang bigla na lamang nawala si Adella nang walang paalam. Pero mali pala siya, mas masakit pala ang ngayong nakikita mong masaya ang mag-ina niya sa piling ng iba. Para iyong milyon-milyong karayom na dum