“HI, SISTER.” Iyon ang pagbati ni Apollo sa kanyang kapatid, pagpasok niya sa opisina nito. Pagkahatid niya kasi kasi kay Adella sa penthouse niya ay iniwan niya muna ito upang magpunta sa Ate niya. “Oh? Buti naligaw ka rito? Anong meron?” Usisa ng Ate niya habang seryosong nakatingin sa papeles na hawak at bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin nito. Napailing siya, napaka-busy na naman ng Ate niya. Halos buhay ata nito ay inilaan nito sa mga business ng pamilya nila na naiwan ng kanilang Ama. Kahit nga magka Love life ay hindi na nito naharap, kaya sobra niyang hinahangaan ang kapatid. Ito ang iniidolo niya pagdating sa trabaho at sa ano pa mang bagay. “Namiss lang kita. It’s been a while since lumabas tayong dalawa para mag unwind,” aniya at umupo sa isang upuan na nasa harap ng table nito. Napangiti ang Ate niya at hinubad ang salamin na suot. Pagkaraan ay nangalumbaba sa paharap sa kanya. “Ikaw Apollo ha. Saan ka ba napunta
KINABUKASAN, dahil wala na naman si Apollo, napagpasyahan ni Adella na magtungo kina Kimmy. Naiinip siya sa penthouse. Hindi na siya nag-abalang magpaalam kay Apollo kahit sa text lamang, tutal hindi naman siya magtatagal. "Aba, Girls, may bisita tayo!" Anunsyo ni Kimmy nang makita siyang papasok sa maliit na tarangkahan. Takbuhan naman sina Marj para tignan siya, sinalubong siya ng tatlo sa may pinto. "Oh, buti naisipan mong dumalaw dito? Akala namin nakalimutan mo na kami eh," kunwa'y maktol ni Bakla na ikinatawa niya. Inilapag niya sa mesa ang mga dala niyang pagkain. "Sobrang nakakainip doon. Para akong mababaliw sa katahimikan, " aniya sa mga kaibigan. Oo, tinuturing na niyang kaibigan ang mga ito, dahil napakabuti ng mga ito sa kanya. "Nakakainip? Hindi ka ba laging dinadalaw doon ni Mr. Williams?" Usisa ni Ritz. Umiling siya. "Pupunta lang iyon, tapos saglit lang siya." "So, may ganap na ba sainyong dalawa? " Ani Kimmy naman n
"READY ka na ba para mamaya?" Mula sa pagbabasa ng diyaryo, lumipad ang tingin ni Apollo kay Althea na bagong dating. May tangan itong tasa ng kape at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. Nasa Lanai siya nang mga oras na 'yun. "Mamaya? Anong meron mamaya?" Usisa niya sa kapatid. Althea rolled her eyes as if she was about to lose her patience. "Pupunta tayo sa mga Chubaskra. Aileen's birthday, remember?" Ah, kaarawan ni Aileen Chubaskra. Ang mga magulang ng dalaga ay kaibigan at business partner ng kanilang pamilya. Si Aileen din ay malapit sa kanyang Ate Althea to the point na pinagtutulakan siya nito noon na ligawan ang huli. "I'm afraid, hindi ako makakasama." Nangunot ang noo ng kanyang kapatid. Binitiwan ang hawak na tasa. "And why is that?" "I have something to do, sis." "No, Apollo. You should be there. I told Aileen na isasama kita, so you must." Ito ang ayaw niya sa kapatid niya, pinipilit siya nit
HINDI na namalayan ni Adella ang mga sumunod na nangyari. Pati kung paano sila nakarating ngayon ni Apollo sa kama ay hindi niya alam. Magka-ugpong pa rin ang mga labi nila at mas lalong nagiging mapusok ang kanilang bawat sandali. Nagiging mapaghanap ang bawat paghalik ni Apollo, na mas lalong binubuhay at pinapaliyab ang init sa kanyang katawan. Nararamdaman niyang hindi na rin niya makontrol ang sariling pakiramdam at paghahangad sa mas malalim pa. "Apollo," bulong niya na tila hirap-hirap. Dumadaing siya na hindi niya alam kung ano pa ang ninanais. "Tell me to stop, Adella." Dinig niyang sabi ng binata. Stop? Pipigilan ba niya ang lalaki gayong gusto rin ng katawan niya ang mga nagaganap? Kahit tumutol ang isip niya ay mas nangingibabaw ang paghahangad ng kanyang katawan. "Tell me now," sabi pa nito habang ang mga labi ay nasa leeg niya. Doon naman siya nito pinapaligaya, sobra siyang nate-turn on sa tuwing naglalaro ang labi at dila ni Apollo sa kanya
PINAGMAMASDAN ngayon ni Apollo si Adella na masarap ang tulog sa kanyang tabi, matapos ang isang nakakaliyong pagniniig. Napangiti siya.Kailan pa ba niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa tuwing pagkatapos may maikama? Wala. Ngayon lamang niya naramdaman ito, at kay Adella lamang. Wala siyang gaanong alam tungkol sa babae, basta ang alam lamang niya ay nagtatrabaho ito sa Stary Club bilang pole dancer. Maliban doon, wala na siyang alam tungkol sa personal na buhay nito. Hindi rin naman siya nagtatanong, ganoon rin ito sa kanya. Ngayon, naroon ang pakiramdam na gusto niyang alamin ang lahat ng tungkol kay Adella. Naghahangad siya ng mas malalim pang connection at hindi niya alam kung bakit. Nais niyang makilala ang pamilya nito, there is something in her na napaka interesante at hindi niya matukoy kung ano iyon. Hinaplos niya ang buhok nito. "Sleep tight, love." Love? The heck! Kailan pa siya naglagay ng endearment sa mga babaeng nakikilal
MASAYA silang nagsalo-salo pagkatapos magluto ng dalawang matanda. Agad din nagpaalam ang dalawa upang makapag-pahinga na raw sila. Naiwan silang dalawa ni Apollo sa sala. "H-hindi ka pa inaantok? hindi ka ba napagod sa byahe?" Nauutal niyang usisa sa binata na nasa kabilang dulo na sofa. Siya naman ay nakaupo sa single sofa. "I'm tired. But not too tired to have some sex with you, " makahulugang sabi ni Apollo na ikinalaki ng mga mata niya. Alam niya, namula na naman ang mukha niya sa sinabi nito. Hindi rin siya sumagot at nag-iwas ng tingin sa binata. Sex? Well, ano pa ba ang aasahan niyang sasabihin ni Apollo? Made love? He's right, they were just having sex. Nothing more. No feelings involve. Pero sino ba ang dinadaya niya? Sino ang niloloko niya? Hindi ba ang sarili niya. Dahil aminin man niya o hindi, alam niyang may gusto siya kay Apollo, kaya nga siya pumayag na maging Exclusive whore nito, hindi ba? "Adella." Bumalik ang isip niya sa
MAHIRAP pala ang mag-aral ng surfing. Iyon ang natanto ni Adella nang turuan na siya ng binata. Ni hindi niya ma-balance ang sarili sa surfing board, sa tuwing papalo ang malakas na alon ay nahuhulog siya roon. Pero ganoon pa man, wala siyang nakitang kapaguran o pagkainis sa mukha ng binata. Tinatawanan nga lamang siya nito. "Ayoko na. Pahinga muna tayo," makalipas ang halos isang oras ay nasabi niya iyon kay Apollo. Nagawa naman niyang isang beses na tumayo sa surfing board sa gitna ng mga alon. Pwede na iyon for now, isang maliit na achievement na iyon para sa kanya. Lumangoy sila papunta sa mababaw na parte at humiga sa buhanginan dahil sa pagod. Ganoon rin ang ginawa ni Apollo sa kanyang tabi. Hindi nila alintana ang sikat ng araw, namumula na ang pisngi niya at balat dahil tila nasusunog na iyon sa init. Maputi siya kaya sobrang halata iyon. "You're good ah. I think, makakaya mo ng makipaglaro sa alon kung mas pag-iigihan mo ang pagpa-practice." Mas
NAGULAT pa si Apollo nang paglabas niya sa kwarto ay mabungaran si Adella. "K-kanina ka pa diyan?" Nag-aalangan niyang tanong sa dalaga. "H-hindi naman. Halos kadarating ko lang," anito na nakangiti. "Kain na tayo? Hindi pa ako kumain kasi hinihintay kita." Napangiti siya. How nice when someone is waiting for you para sabayan ka lamang kumain. Inakbayan niya si Adella at naglakad sila patungong kusina. "Maupo ka lang diyan. Ako na ang bahala." Muli na naman siyang napangiti, pinaghanda siya ni Adella, Ganito pala ang pakiramdam when someone is taking care of you, an unexplainable feelings. But he likes the feelings. "Thank you," saad niya kay Adella nang umupo na rin ito para magsimula na silang kumain. Magkaharap sila ngayon. Isang kiming ngiti lamang ang iginanti nito sa kanya, pagkatapos ay magana na silang kumain. Pritong isda at nilagat ang kanilang ulam, kaya mapapasarap ang kain nila. Nagkamay na nga lang si Adella, ginaya naman ni A
"HEY." Napatingin si Apollo sa babaeng nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Kilalang kilala niya ito. Base sa weird na kulay ng buhok nito, ito lang ata ang kilala niyang babae na laging iba ang kulay ng buhok every week. "Cassidy La Gresa, what do you need?" Usisa niya sa babae habang papalapit siya rito. Gaya ng karaniwang ginagawa nito, ngumunguya ito ng chewing gum habang may pilyang ngiti sa mga labi. Ngumiti ito ng malawak at pagkaraan ay may kinuha sa shoulder bag nito. Isang pulang sobre. "Here," anito at inabot sa kanya ang hawak. Alangan niyang dinampot ito habang nakakunot ang noo. Hindi sila gaanong close ni Cassidy, nagkakaroon lamang sila ng connection sa babae sa tuwing ginugulo nito ang pinsang si Rigel, kapag kasama nila ang huli. Bukod sa bali-balitang naririnig niya na isang pasaway na heredera ito ay wala na siyang alam sa babae.Pero sa totoo lang, ayaw niya itong nakikita dahil she reminds him of someone. Si Adella. "Ano ito?
NASA isang restaurant si Apollo, habang kaharap ang isa niyang kliyente, natigilan siya sa pagsasalita nang may mahagip ang kanyang mga mata. Pamilyar na pigura ng isang babae. Kahit nakatalikod ito at may kausap sa telepono, alam na alam niya kung sino iyon. Ang salamin ng restaurant ang naghahati sa pagitan nila, medyo may kalayuan ito pero kitang kita niya ang babae. Damn! Is that Adella? E ano naman pala kung si Adella ang babaeng natatanaw niya ngayon? Pero kahit anong sabihin ni Apollo sa sarili, pigil-hininga pa rin niyang hinihintay ang pagharap ng babae. "Mr. Williams?" Bigla siyang napatingin sa kanyang kausap. Nakalimutan niyang may pinag uusapan pala sila. "Yes, Mr. Samson?" "Are you okay? Are you with me?" Nahilot niya ang sintido. "Sorry, Mr. Samson. Can I leave you for a while, may titignan lang ako. Just a minute." "Sure. Take your time, Mr. Williams, " nakangiting sabi nito sa kanya. Agad siyang tumayo at muling bu
"HAPPY Birthday, Lola." Yumuko si Adella at hinalikan sa pisngi si Doña Amor, na abot tenga ang ngiti. "Salamat, apo. Nasaan si Atlas?" Usisa ng matanda na nakaupo sa wheel chair. Habang nakatingala ngayon sa kanya. Bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahang tinaglay noong kabataan ng kanyang Lola. Kagandahang namana ng lahi ng mga La Gresa. Kamukha raw ng lola niya ang pinsan niyang si Virgo na naka base sa Paris. "Na kay David po, Lola. Maya-maya lang po ay papasok na ang mga iyon," aniya sa matanda. Umupo siya sa kalapit na upuan. "Cassandra, apo. Kailan mo ba ipapakita ang anak mo sa totoong Ama niya? Don't you think na mas makakabuti kay Atlas kung makikilala niya ang Ama niya. Para hindi siya mabahiran ng mga katanungan sa katauhan niya?" Malumanay na sabi ng kanyang Lola. Napabuntong hininga siya, hindi lang ang mga magulang niya ang nangungulit na ipakilala si Atlas kay Apollo. Maging ang Lola Amor niya. "Sa tamang panahon po Lola. Hindi ko naman po
KASALUKUYANG naglalakad sa mall si Adella. Sa mall na pag-aari ng kanyang kapatid na si Cassidy, balak niyang doon mamili ng mga gamit ni Atlas. Habang naghahanap ng mabibili para kay Atlas, biglang may nakabunggo sa kanya. "Sorry po!" Awtomatikong sabi niya. Pero bigla siyang natigilan nang makita kung sino ang nakabanggahan niya. Ilang taon na ang nakalipas pero tandang tanda niya ang mukha ng taong nasa harapan niya ngayon. Ang taong naging dahilan kung bakit nagwakas ang sa ano mang meron sila ni Apollo noon. "A-althea?" Aniya sa babae na mababakas din ang pagkabigla sa mukha. Pero bigla rin nakabawi ang kaharap. "So, it's you Adella," walang bahid-emosyong sabi ng babae. Gaya pa rin ito ng dati. "Ako nga," aniya at ngumiti sa taong dapat ay hindi naman niya dapat itrato ng ganito after all ng mga ginawa nito sa nakaraan. Pero kasi, siya ang tipo ng tao na hindi kayang magalit ng matagal. Taong ibinabaon na lamang sa limot ang mga kasalanan ng mga ta
"ANO ho ba ang nangyari kay Cassy, noong isang araw? " Usisa ni Adella sa Ina nang umagang iyon na nagsasalo sila sa agahan. Tulog pa si Cassidy at umalis naman ang kanyang Ama, dahil ito pa rin ang CEO sa isa nilang kompanya nila. Si Atlas naman ay kasama si Gina, para sa morning walk ng anak niya. Napabuntong hininga ang Ina at tila na-stress na naman ang mukha. "Paano ba 'yang kapatid mo e, nasangkot na naman sa gulo doon sa isang bar. Nagwala, pinagbabasag ang lahat ng makita roon, " sabi ng Ina. Hindi na dapat siya magulat dahil lagi naman itong nasasangkot sa gulo. Pero sa tagal na rin niyang kasama ang kapatid, hindi pa rin niya mapigilan ang magulat. "Ho? Bakit daw?" "May nakaapak daw sa bagong pedicure niyang paa. My goodness! Hindi na namin alam ng papa mo kung ano ang gagawin sa kapatid mo." Tila problemado ang Ina. "Huwag na po kayong pa-stress, Mama. Bata pa kasi si Cassidy, malay niyo po kapag nagtagal maiisip na niya na mali ang ginagawa n
"THAT'S bullshit. Ayusin mo ang trabaho mo, or else mawawala 'to sa'yo," galit at malamig na sabi ni Apollo sa kausap sa telepono. Ang kanyang sekretarya, may kapalpakan na namang ginawa. Napahilot siya sa kanyang sintido. "Who's that?" Napatingin siya sa kama kung saan nakahiga roon si Aileen. Halos kakatapos lamang nilang magsalo sa isang mainit na tagpo. Walang label sa pagitan nila ng dalaga, alam nito kung ano lang ang kaya niyang i-offer. They were a fuck buddy. "It's Allisa. Hindi ka pa ba uuwi?mag aalas otso na, " Usisa niya rito at pinulot sa sahig ang pantalon at T-shirt. Tsaka isinuot ang mga 'to. "Nah. Dito na ako matutulog," sagot ng dalaga na hindi pa rin nag aabalang isuot ang mga saplot at ibinabalandra pa rin sa harapan niya ang kahubaran nito. "Suit yourself. Pero ako aalis na, magkikita kami ni Rom, may pupuntahan kami." Kinuha niya ang susi sa bed side table at akmang lalabas na ng pinto. "Wait, saan na naman kayo p
_______________________________________MAKALIPAS ANG TATLONG TAON. _______________________________________ MARAHANG ibinaba ni Adella, ang binabasang diyaryo kung saan naroon ang larawan ni Apollo, napangiti siya ng malungkot na may halong pakla. Matagal na taon na ang lumipas ngunit sa tuwing nakikita niya ang larawan nito o maalala niya ang lalaki, tila bumabalik siya sa masakit na nakaraan. Namayagpag ang pangalan ni Apollo Williams sa business world, isa na sa mga tinitingalang business tycoon sa bansa. Masaya siya para sa ama ng kanyang anak, natupad na ang pangarap ni Althea para sa kapatid. Muli niyang binalingan ang larawan na kung saan ang isang kuha ay katabi ni Apollo si Aileen, kita niya kung paano ang yakap ni Apollo sa balakang ng babae. Muli ay tila sinasakal na naman siya sa larawang iyon, pero bakit pa nga ba niya nararamdaman ang bagay na iyon? Ako dapat ang nasa tabi niya... Iyon ang naisabulong ng kanyang isip, pero mabilis na ipin
HINDI makapaniwala si Adella, nang i-anunsyo ang resulta ng DNA test. Napatayo siya sa sobrang gulat, naroon sila muli sa library ng mansion nina Leon. Nabalik lamang siya sa realidad nang biglang may yumakap sa kanya, doon pa lang nag-sink sa kanya ang narinig. Positibo. Isa siyang La Gresa. Siya si Cassandra Gwyneth La Gresa na matagal ng nawawala. "Diyos ko! Napakagandang balita nito!" Ani Lucila habang nakayakap kay Adella. Ganoon din si Ernan na mangiyak-ngiyak na nakayakap sa kanya. Tumulo na rin ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan, ginantihan niya ng yakap ang mga tunay na magulang na kaytagal nawalay sa kanya. Halo-halo ang emosyong nadarama niya, pero nangingibabaw ang saya dahil sa wakas, alam na niya kung saan siya nanggaling. Hindi na siya nangangapa sa pagkatao niya, hindi na niya gabi-gabi tatanungin ang Diyos kung sino ang tunay niyang pamilya. Parang sa isang iglap naging buo ang pagkatao niya. "Hindi ko siya matatangap bilang kapatid!"
"PAANO po ba nawala si Cassandra?" Iyon ang naitanong ni Adella sa sinasabing ina raw niya. Si Lucila. Nasa veranda sila ngayong dalawa, bumaba na kasi sa party ang mga kasama kanina sa library, pero sabi ni Lucila ay mag-usap na muna sila. Napabuntonghininga ang Ginang na nakaupo sa kaharap na upuan. Tsaka ito ngumiti ng malungkot. "Napadaan kami noon sa Quiapo. Naisipan naming magsimba ni Ernan, kasama si Cassidy at Cassandra. Likas na malikot noon si Cassandra at curious sa lahat ng bagay. Nang matapos kaming magdasal, wala na si Cassandra. Wala ka na. Inabot na kami ng magdamag pero wala kaming cassandra na nakita." Halos manlamig ang buong katawan ni Adella. Dahil sa mga narinig mula sa Ginang. Quiapo? Hindi ba ay doon daw siya natagpuan ng mga kinilala niyang pamilya? Totoo atang siya ang nawawalang miyembro ng La Gresa. Gustong gusto niyang yakapin ang Ginang nang mga oras na iyon, pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya munang umasa, gusto muna niyang m