"KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez.
Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwintas na suot niya. Naalala niya ang mga huling salitang sinabi ni Hector. Baka dahil sa kwintas na 'to, mahanap niya ang tunay na pamilya. Maggagabi na ng matapos siya sa paglilinis. Siya na ang gumagamit ng silid ng Kuya Hector, ayaw ng mga kapatid nito dahil natatakot sa sariling kapatid na namayapa. Pero siya? Walang maramdamang takot. Mas gusto nga niyang makita ito, para muling mayakap. Napabuntonghininga ang dalaga at umupo sa gilid ng kama. Sa totoo lang sawa na siya sa pamamahay na 'to, tinitiis lang naman niya ang lahat dahil sa Kuya niya eh, pero ngayong wala na ito may dahilan pa ba siya para manatili? Biglang may ideyang pumasok sa isip niya. Bakit kaya hindi na lang siya lumuwas pa-manila? Ang pagkakaalam niya noon tiga manila ang pamilya ni Aling Cedez. Kaya nga siya nakita doon. Paano kaya kung bumalik na lamang siya sa manila? Bahala na kung saan at ano ang haharapin niya doon. Dahil sa naisip, madali niyang kinalkal ang wallet. May 600 pa siya, mula sa naiipon niyang bigay ng kanyang Kuya noon. Napapikit siya nang mariin at nagdesisyon ng mabilisan. Wala siyang mararating kung mananatili siya sa poder nina Aling Cedez. Kaya pupunta siya ng Manila. Tatlo o hangang apat na oras lamang ang byahe mula Tarlac. Dali dali siyang nag-empake. Bahala na kung ano ang naghihintay sa kanya sa manila. Basta gusto lang niyang makalayo. Kinuha rin niya ang litrato ng Kuya Hector niya at lahat ng gamit niya. Bale dalawang bag lamang iyon. Nang maramdamang tahimik na ang kabahayan, binuksan niya muna ang pinto at sumilip sa sala. Wala na nga, baka pumasok na ang mga ito sa kwarto at tulog na. Alas dies naman na ng gabi. Marahan siyang lumabas at naglakad palabas ng bahay. Iningatang hindi makagawa ng anumang ingay. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas ng maliit na tahanang iyon. Tahanang naging kanlungan niya sa mahabang panahon. Napabuntonghininga pa siya at pinagmasdan ang bahay. Somehow, nalulungkot siya. Marami silang ala ala ng Kuya Hector niya dito. Pero babaunin na lamang niya iyon sa kanyang pag-alis. Nakarating siya sa bayan, kaso hindi niya nahabol ang huling byahe ng bus. Mamayang 12am naman daw ang muling byahe, kaya kailangan niyang maghintay. Kahit antok na antok siya ay pinipigilan niya, sa bus na lang siya matutulog. Kinuha niya ang cellphone at nag f******k na lamang, muling in-stalk si Apollo Williams. Ang surfer na gustong gusto niya. Napapangiti pa siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. May kung anong kaba at saya siyang nararamdaman, normal lamang magkagusto sa mga taong may hitsura hindi ba? Nakita rin niya na ang yaman yaman ng lalaki. Na-follow niya rin ito sa accounts nito. Pero tila hindi mahilig ang lalaki na mag-update sa social media account nito. Muli siyang napangiti nang makita ang nakangiti nitong larawan. Naku, nagpapantasya na ata siya sa surfer na ito. Mabilis na siyang nag log out at matyagang naghintay sa susunod na byahe pa-manila. _____________________________________________ ____________________ MAY kung anong kabang nadama si Adella nang makasakay na sa bus. Pero huli na para umatras pa siya, anumang mangyari kailangan niyang panindigan ang desisyong gagawin niya. Bahala na kung ano ang magiging buhay niya sa manila, wala siyang kakilala roon. Importante ngayon sa kanya makalayo kina Aling Cedez, magiging masaya ang mga ito na wala na siya sa wakas sa pamamahay na iyon. Dahil mahaba haba pa naman ang byahe, iidlip na muna siya. Kailangan niyang mag-ipon ng lakas para sa panibagong mundong haharapin niya. "AVENIDA! avenida!" Iyon ang gumising sa himbing niyang pag-idlip. Sinasabi ng konduktor kung nasaan na sila. Hinawi niya ang bintana at sumilip sa labas, madilim dilim pa. Tinignan niya ang wrist watch. Mag aalas-kwatro pa lamang ng umaga. Masyado bang mabilis ang byahe nila? Tumigil ang bus sa mismong stop nito, bumaba na siya. 300 na lang at iilang barya ang nasa wallet niya. Lumingon lingon siya sa paligid, madami dami na ang mga tao. Sabagay ano pa ba ang aasahan niya sa Manila hindi ba? Luminga linga siya sa paligid habang naglalakad lakad. Naglalakad siya na hindi alam kung saan tutungo. "Nasaan na ba ako?" Kinakabahan niyang tanong sa sarili. Nakarating siya sa isang lugar na dikit dikit ang mga bahay pero hindi naman tila eskwater talaga. Tila mga bahay na pinapaupa lamang. "Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin dito," patuloy niyang kausap sa sarili. Niyakap niya ang bag na kung saan ay naroon ang cellphone at ang natitirang pera. Patuloy siya sa pagmamasid sa paligid, ganito pala ang takot ng isang taong hindi alam saan pupunta. Para siyang naliligaw na pusa. "Miss!" Napalingon siya sa lalaking nakaupo sa may tricycle sa gilid ng daan. Walang gaanong tao sa napuntahan niya, baka tulog pa ang mga ito. Kinabahan siya nang lapitan siya ng lalaking nakakatakot ang way ng pagtitig nito sa kanya. Bahagya pa itong nakangisi. "Mukhang malayo ang pinangalingan mo ah. Bagong salta ka ba dito?" Tanong nito nang makalapit. Nakagat niya ang pang ibabang labi. "Wala ka bang matutuluyan? Nawawala ka ba?" Hindi siya sumagot. Pinipigilan ang panginginig ng kamay dahil sa takot. Hindi siya mapanghusgang tao talaga, pero sa tingin niya pa lamang sa tao mukhang hindi gagawa ng mabuti. "Huwag kang matakot. Halika, sumama ka sa akin!" Naalarma siya nang hawakan nito ang braso niya at tila hinihila siya. Pumalag siya. "May hinihintay po ako," pagsisinungaling niya. "Sino naman? Niloloko mo ata ako eh." Muli siya nitong hinawakan sa braso. Sa pagkakataong iyon ay mahigpit na. Kaya binalot na siyang sobrang takot. Paano kung gawan siya nito ng masama? Walang makakakita sa kanila. "Ayoko po, Kuya!" Pagpipiglas niya pero hindi makawala sa mala bakal na kamay ng lalaki. Maya maya pa may tumigil na Taxi sa tabi nila. Nasa tabing daan kasi sila. Bumaba doon ang tatlong tao. Dalawang babae at isang bakla. "Hoy! Ano na naman iyan, Roland?" Sita ng bakla sa lalaki na agad siyang binitawan. "Wala. Nagmamagandang loob lang naman eh," sagot ng lalaki na bahagyang lumayo sa kanya. "Nagmamagandang loob? Kailan ka pa nagkaroon ng ganoon? Lumayas ka nga dito! Tatawag kami ng pulis, sige ka!" Sabi ng bakla. Tila naalarma ang lalaki at lumayo sa kanila. Binalingan siya ng tatlo. Ang se-sexy ng mga ito sa suot, tila galing sa gimikan. Naka-make up din ang mga ito at may mga hitsura. "Oy, Inday. Bagong luwas ka ba rito?" Usisa ng bakla. Napatango siya. "Buti dumating kami. Kung hindi almusal ka ni Roland," muli ay sabi nito. "Salamat po." "Umuwi ka na, saan ka ba papunta? Kamag anak mo?" Hindi siya sumagot. "Hala bakla! Wala siyang kamag-anak dito," anang isang babae na may kulay ang buhok. "Tologo ba?" Tumango siya "Masama iyan. Ang ganda ganda mo tapos lalakad lakad ka sa kalye." "Wala akong pamilya dito. Makikipagsapalaran lang ako," aniya sa tatlo. Nagkatinginan ang mga ito, pagkaraan ay minasdan siya. "Tulungan kaya natin? Tignan mo oh maganda. Baka pwede natin i-recommend kay Madam? Sakto di ba nag-resign si Mara?" Sabi naman ng isang babae na itim ang buhok.Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng
Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag
Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,
"GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang
"BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe
"Wala ka na talagang ginawang matino, Adella!" Tungayaw ni Aling Cedez sa bente-uno anyos na dalaga na nakayuko lamang sa sofa at naluluha, habang tumatalak ang matanda sa harapan niya. Hindi kasi niya naplantsa ng maayos ang uniporme ni Yna- ang tunay na anak nito. Ampon lamang kasi siya ng mga Javier. "Ulitin mo 'yan! Walang silbi!" Sabay hampas sa kanya ng unipormeng tangan nito. Marahan niyang hinawakan iyon at tumayo para sundin ang ipinapagawa nito. Nagpunta si Aling Cedez sa kusina at ipinagpatuloy ang pag aalmusal. Kumakain na ang mag anak, siya ay hindi pa. Trabaho agad ang ipinapa-asikaso sa kanya, kanina pa nga siya nagugutom eh. "Ayusin niyong kumain, Yna at Grace. Ubusin niyo na ang ulam na 'yan, kumain naman na ang kuya Hector niyo," sabi ng matanda sa mga anak. Ni hindi man talaga siya naisip na tirhan ng pagkain. Gusto na naman niyang mag iiyak, pero wala ng tumutulong luha mula sa mga mata niya. Siguro, dahil sa paglipas ng ilang taong ganitong nararanasan niya ay
"Napaka bait mo talagang bata, siguro mga tunay mong magulang mababait." Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga sa kanila kung ano siya ng mga Javier."Siguro nga po mababait, kung sana nga lang naalala ko kung taga saan ako, baka matagpuan ko po sila, " nakangiti niyang sabi sa matanda."Sana nga ay balang araw, matagpuan mo ang tunay mong pamilya."Hindi na lamang siya sumagot. Paano ba niya matatagpua eh hindi man niya hinahanap ang mga ito. Sa ngayon, huwag muna. ______________________________________________________________________"Aray!" Sigaw ni Adella nang hablutin ni Aling Cedez ang kanyang buhok. Nasa bahay na siya at halos kakauwi lamang niya mula sa palengke."Ilabas mo ang pera!" Sabi nito sa kanya. Galit na galit. Ipinagpipilitan nitong nangupit siya ng isang daan. "Aray ko 'nay, wala po akong kinukuha diyan. Kapkapan niyo man ako.""Hindi ako bobang katulad mo! Malamang ginastos mo na iyon, ano pa ang makakapkap ko sa'yo?! Ilalabas mo o kakalbuhin kita?" Tsaka hinigp
"TALAGA Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone. Nakangiting tumango ang kuya niya. "Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso. Binalingan ito ni Hector. "Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito. "Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace. "Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan," sabat ni Aling Cedez. "Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito. "Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," wika ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito. Inakbayan siya ni Kuya H
"BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe
"GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang
Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,
Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag
Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng
"KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwint
MULI na naman naiyak si Adella habang nakaharap sa salamin, nang mapagmasdan ang kanyang kutab-kutab na buhok, gawa ng pang-gugupit ni Aling Cedez sa kanya. Ang sama sama ng loob niya, ang dating hangang beywang na buhok ay lumampas na lamang ng kaunti sa kanyang balikat. Napahagulhol na naman ang dalaga. Wala siyang magawa, hindi niya kayang lumaban dahil wala naman siyang kaya. Pagtutulungan lamang siya ng tatlo. Marahang katok ang bumasag sa katahimikan, nasa kwarto kasi siya ng kanyang Kuya. Inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. Pilit na ngiti ang isinalubong niya sa kanyang kuya. "Kuya..." "Adella? Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Umiyak ka na naman ba? " Magkakasunod na tanong nito sa kanya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang paghikbi. "Anong nangyari sa buhok mo?" Hindi siya kumibo. Wala siyang lakas ng loob upang magsumbong dahil mayayari na naman siya sa tatlo. Marahas na napabuntong hininga si Kuya Hector at niyakap siy