Share

CHAPTER 2

Author: Author Lemon
last update Huling Na-update: 2024-12-29 10:01:32

"Napaka bait mo talagang bata, siguro mga tunay mong magulang mababait." Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga sa kanila kung ano siya ng mga Javier.

"Siguro nga po mababait, kung sana nga lang naalala ko kung taga saan ako, baka matagpuan ko po sila, " nakangiti niyang sabi sa matanda.

"Sana nga ay balang araw, matagpuan mo ang tunay mong pamilya."

Hindi na lamang siya sumagot. Paano ba niya matatagpua  eh hindi man niya hinahanap ang mga ito. Sa ngayon, huwag muna.

___________________________________________

___________________________

"Aray!" Sigaw ni Adella nang hablutin ni Aling Cedez ang kanyang buhok. Nasa bahay na siya at halos kakauwi lamang niya mula sa palengke.

"Ilabas mo ang pera!" Sabi nito sa kanya. Galit na galit. Ipinagpipilitan nitong nangupit siya ng isang daan.

"Aray ko 'nay, wala po akong kinukuha diyan. Kapkapan niyo man ako."

"Hindi ako bobang katulad mo! Malamang ginastos mo na iyon, ano pa ang makakapkap ko sa'yo?! Ilalabas mo o kakalbuhin kita?" Tsaka hinigpitan pa nito ang pagsabunot sa kanya.

"Baka pinag yosi niya, 'nay! Nagyoyosi ata 'yan eh," sabat ni Grace habang nakasalampak sa upuan at enjoy na enjoy pang pinapanood siya. Si Yna naman ay wala lang pakialam at busy sa bagong bagong cellphone.

"Inay wala po talaga," halos magmakaawa na siya dito. Sinampal siya nito.

"Ninanakawan mo ako! Wala kang utang na loob, bwiset ka, pinapalamon kita!"

Gusto niyang sabihin dito na ang Kuya Hector niya ang nagpapalamon sa kanya at hindi ito. Pero itinikom niya ang bibig.

"Bakit niyo na naman sinasaktan si Adella?!" Sigaw ni Kuya Hector nang naabutan sila sa ganoong sitwasyon. Awtomatikong binitiwan siya ni Aling Cedez. Pero dinuro duro pa nito ang ulo niya.

"Eh paano, itong ampon na ito ninakawan ako ng 100 pesos! Aba, tubo ko na iyon Hector."

Tumingin sa kanya si Kuya Hector at nilapitan siya. Inayos nito ang nagulong buhok niya at tumayo ito sa harapan niya nang harapin ang ina. Bale nakatago siya sa likuran ng binata.

"Hindi magagawa ni Adella iyon 'nay," sabi nito.

"Aba eh, kinakampihan mo pa ang babaeng iyan! Kaya lumalaki ang ulo niyan eh dahil lagi mong kinakampihan."

"Hindi ganoon iyon, Inay. Pero sobra naman 'yang ginagawa niyo kay Adella. Siya na nga itong nakakatulong sa inyo, ginaganyan niyo pa."

"Ay tumigil ka Hector!" Tapos ay tinignan siya nito.

"Oy ampon! Ibalik mo ang isang daan na iyon kung hindi malilintikan ka lalo sa akin!"

"Tigilan niyo si Adella, oh ito. " Dinukot ni Kuya Hector ang wallet mula sa bulsa at naglabas ng isang daan. "Iyan na ang isang daan. Huwag niyong piliting bayaran kayo ni Adella," sabi ng kanyang kuya.

Umismid ang Ginang at umupo sa sofa. "Pasalamat ka nandiyan si Hector, kung hindi nakalbo na kita."

Napayuko siya at kinagat ang pang ibabang labi. Gustong gusto niyang sumagot sa matanda, kaso mas nangunguna pa rin ang respeto niya para rito. After all, inampon naman siya nito noon.

"Pumasok ka na sa kwarto mo-" biglang natigilan si Hector nang maalalang wala pala siyang sariling kwarto. Sa sala lang siya natutulog.

"Ikaw na lang sa kwarto ko matulog. Ako na lang ang dito sa sala, Adella." Nakakahiya. Sobrang bait talaga ng Kuya niya. Sobrang layo ng tatlo rito.

Marahan siyang tumango at bumulong ng pasasalamat kay Kuya Hector. Agad siyang pumasok sa kwarto at nahiga na roon. Hindi talaga siya makaiyak, talagang namanhid na ang buong pagkatao niya. Napagdesisyonan na niyang matulog at bukas kasi ay pagod na naman ang araw niya, dahil sabado. Nasa bahay lamang ang mga kapatid at ina niya. Utos dito at utos doon na naman ang aabutin niya.

______________________________________

___________________________

Kalampag sa pintuan ng kwarto ang nagpamulat kay Adella. Tinignan niya ang orasan. Mag aalas-siete pa lamang ng umaga.

Nataranta siya at agad agad na bumangon at binuksan ang pinto.

"Anong akala mo? Prinsesa ka?! Kumilos ka na at maglinis, pero ipagluto mo muna kami ng almusal," wika ni Aling Cedez sa kanya.

Tumango siya at nilampasan ito. Nagmumog lamang siya, pagkatapos ay nagpainit ng tubig. Magkakape siya at para naman mainitan ang sikmura niya, dahil siguradong walang almusal na magaganap sa kanya kapag sabado at lingo.

Habang nagkakape siya, nagluluto na siya at naghuhugas ng plato. Minamadali na niya, dahil kapag nagising sina Yna, wala na siyang mahaharap dahil sa utos nang utos ang mga ito.

Lampas alas otso nang matapos siya sa kusina.

"Timplahan mo nga ako ng gatas, Adella."

Napatingin siya kay Yna na kakalabas lamang mula sa kwarto. "Sige. Magpapa init lang ako ng tubig," aniya dito.

"Bilhan mo na rin ako ng tinapay sa labas, pagkagawa ha?" Tila senoritang utos pa nito at tumalikod. Pasimple niyang Inambahan ng takure ito.

Saktong natapos niya ang pag gawa ng gatas nito nang lumabas naman si Grace.

"Patimpla ng gatas," anito sa kanya at nagmumog sa may lababo.

"Ang baho, anong niluto mo?"

"Itlog, tuyo at noodles."

"Iyan lagi?" Pinaikot pa nito ang  mga mata. "Dalian mo ang gatas ko." Tsaka ito nagpunta sa sala. Sumunod siya dito at ibinigay kay Yna ang gatas.

"Nasaan ang sa akin?" Usisa ni Grace.

"Sandali, gagawan na kita." - Adella

"Iyong tinapay ko? Ang bagal mo!" Sabi ni Yna na nakabusangot. Gusto niyang kutusan ito pero siya ang mayayari kapag ginawa niya iyon.

Taranta siyang nagtungo sa kusina at tinimplahan ng gatas si Grace, pagkatapos ay lumabas ng bahay para ibili naman ng tinapay si Yna.

"Yna, ito na." - Adella

"Nakalimutan ko Adella. Bilhan mo nga rin ako." Nakangisi si Grace habang sinasabi iyon. Tila sinasadyang pagurin siya talaga. Nagpasensya siya.

"Sige."

Lumabas siyang muli at bumili. Malayo layo rin ang tindahan sa bahay nila.

"Hi, beautiful Adella."

Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng mga kalalakihang nadadaanan niya. Kung makatingin sa kanya ay parang lalamunin siya ng buhay.

Minadali na niya ang pagbili at bumalik agad, nang papalapit na siya sa bahay nila naroon ang chairman ng barangay nila at kausap si Aling Cedez.

"Oh, ayan pala si Adella. Chairman, 'yan si Adella," sabi ng isang tanod. Nangunot ang noo niya. Anong kailangan ng mga ito sa kanya?

Pumasok siya sa kanilang bakuran. Tinignan siya ni Chairman.

"Hija, ipinagpapaalam ka namin sa nanay mo. Kung pwede ka naming kuhanin bilang muse ng barangay natin sa darating na kafiestahan, " sabi ni Chairman habang nakangiti.

Nagningning ang mga mata niya, gustong gusto niya ang mga ganoon.

"Ay naku Chairman! Baka pwedeng si Grace na lang o kaya ay si Yna? Mas maganda ang mga dalaga ko," Sabat ni Aling Cedez.

Biglang bumagsak ang mga balikat niya.

"Grace! Yna! Halikayo dito dali!" Sigaw ng ina sa dalawa na nasa loob ng bahay.

"Ay, Aling Cedez, si Adella po sana ang gustong kunin ni Chairman," anang isang tanod na napapangiwi. Tinignan siyang masama ni Aling Cedez ngunit pasimple lamang iyon.

"Hindi po ako pwede, pasensya na po." Siya na ang kusang nagsabi sa mga ito. Pagkaraan ay dali daling pumasok na siya sa loob ng bahay. Nakasalubong pa niya ang dalawa na nakangisi sa kanya. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 3

    "TALAGA Kuya?! Akin ito?!" Masaya at hindi makapaniwalang bulalas niya kay Kuya Hector nang iabot nito sa kanya ang bagong cellphone. Nakangiting tumango ang kuya niya. "Kuya, bakit siya lang ang meron?" Ani Grace na nanghahaba ang nguso. Binalingan ito ni Hector. "Ano ka ba naman Grace, kaka regalo ko lang sa'yo ng cellphone, nung birthday mo," ani Kuya Hector dito. "Eh, ang tagal na nun. Maluluma na 'to," sabi pa ni Grace. "Ay nako, Grace! Favorite ng kuya mo 'yang si ampon. Kaya huwag ka ng kumontra diyan," sabat ni Aling Cedez. "Inay naman! Kung anu-ano 'yang sinasabi niyo kaya lumalaking sutil sina Yna," naiinis na pahayag ni Kuya Hector. Tahimik lamang siyang nakikinig sa pagtatalo ng mga ito. Nakaka konsensya, dahil sa kanya nagtatalo ang mga ito. "Aba! Hindi sutil sina Yna. Iyang ampon na 'yan ang kakaiba ang ugali," wika ng matanda habang binabagsak ang sandok sa kaldero. Nagluluto kasi ito. Inakbayan siya ni Kuya H

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 4

    MULI na naman naiyak si Adella habang nakaharap sa salamin, nang mapagmasdan ang kanyang kutab-kutab na buhok, gawa ng pang-gugupit ni Aling Cedez sa kanya. Ang sama sama ng loob niya, ang dating hangang beywang na buhok ay lumampas na lamang ng kaunti sa kanyang balikat. Napahagulhol na naman ang dalaga. Wala siyang magawa, hindi niya kayang lumaban dahil wala naman siyang kaya. Pagtutulungan lamang siya ng tatlo. Marahang katok ang bumasag sa katahimikan, nasa kwarto kasi siya ng kanyang Kuya. Inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. Pilit na ngiti ang isinalubong niya sa kanyang kuya. "Kuya..." "Adella? Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? Umiyak ka na naman ba? " Magkakasunod na tanong nito sa kanya. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang paghikbi. "Anong nangyari sa buhok mo?" Hindi siya kumibo. Wala siyang lakas ng loob upang magsumbong dahil mayayari na naman siya sa tatlo. Marahas na napabuntong hininga si Kuya Hector at niyakap siy

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 5

    "KASALANAN mo kung bakit nawala si Hector!" Isa na namang sampal ang natangap ni Adella kay Alin Cedez. Isang lingo na ang nakakalipas at ganun lagi ang eksena sa pagitan nila ng pamilya ni Kuya Hector. At walang araw sa lingong iyon na hindi niya hiniling na sana ay panaginip lamang ang lahat at biglang dadating ang Kuya niya para ipagtanggol siya. "Hala sige pumasok ka roon at magligpit!" Muli ay tungayaw ng babae. Sinunod na lamang niya ito, pinipigilan niya ang umiyak kahit pa na tila namamanhid ang mukha niya dahil sa sakit ng sampal na natangap mula kay Aling Cedez. Naglinis siya ng bahay. Naroon sina Yna at Grace na masama rin ang tingin sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga 'to. Sobrang nangungulila siya kay Hector, namimiss niya ang presensya nito at mga ngiti. Ngayon talagang pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya. Walang kaibigan, walang kakampi, walang nagmamahal at walang karamay. Wala sa loob na nahawakan niya ang kwint

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 6

    Naguguluhan si Adella sa pinag uusapan ng mga kaharap. Pero kung anumang tulong ang maiprisenta ng mga ito, tatangapin niya. Kailangan na kailangan niya ang tulong kahit ano pa 'yun. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari kanina, kapag nagpagala gala pa siya sa kalsada.Muli siyang pinagmasdan ng tatlo."Sabagay tama ka, mars. Maganda nga si Inday," anang bakla pagkaraan ay ngumiti sa kanya."By the way, ako si Kimmy. Tapos siya si Ritzel." Turo ng bakla sa may kulay ang hair."Ito naman si Marjorie. Ikaw? Anong pangalan mo?""Adella, galing ako sa probinsya," nahihiya niyang sabi."O s'ya Adella, since wala kang matirhan, tuloy ka muna sa tinutuluyan namin. Tapos doon namin sasabihin sa'yo ang alok namin, baka magustuhan mo."Ngumiti siya at nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may mabuting puso na tutulong sa kanya. "O tara, sumunod ka sa amin Adella. Hayun 'yung apartment namin oh." Sabay turo sa may looban. Sumunod siya sa tatlo. Natatawa siya sa pakendeng kendeng

    Huling Na-update : 2025-01-09
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 7

    Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole."Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya."Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo."Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs."Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano mag

    Huling Na-update : 2025-01-09
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 8

    Hindi tinatantanan ng tingin ni Apollo ang nakakabighaning pagsayaw ng babae sa pole. Tila may kung anong binubuhay ito sa kaibuturan niya, may mga napapasipol na iba at tila namamangha rin sa bagong pole dancer na nasa harapan nilang lahat.Napalunok siya ng sunod-sunod nang tila bumaling sa kanya ang mga mata ng babae. Madilim ang pwesto niya, ngunit hindi kadilimang sobra upang hindi siya makita lalo na at malapit lamang siya sa entablado.Sinusundan niya ang bawat paggawalaw ng malambot na katawan ng babaeng tinatawag na Addie. Gusto niyang maaninag kung sino ba ang nasa likod ng mapang akit na maskrang iyon.Sampung minuto lang ata ang itinagal ng pagsayaw nito at natapos na. Naghiyawan ang mga tao at humihingi pa ng isa, gusto rin niya sanang humiyaw ng isa pa ngunit pinigilan ang sarili. Damn! Kelan pa siya nagka-interest sa isang prostitute? He should not be. Nang mawala sa entablado ang babae ay tila may panghihinayang siyang naramdaman. Ngunit isinawalang bahala niya iyon,

    Huling Na-update : 2025-01-10
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 9

    "GOOD Morning, son." Napatingin si Apollo sa kanyang Ina na kadarating lamang sa hapag kainan. Tuwing umaga ugali nilang magpapamilya na magsalo salo sa break fast. Siya, ang Ate Althea niya at ang Ina. His father died 5 years ago."Good Morning, Ma. Nasaan si Ate?" Usisa niya sa Ina. Ayaw niyang magsimula kumain hangat hindi sila kumpleto."Pababa na iyon. Alam mo naman ang Ate mo," anang Ina niya habang natatawa."Good Morning, Everyone!""Speaking of..." aniya sa Ina."I'm starving. Ang tagal mo, " sabi niya sa kapatid nang makaupo ito. Inirapan lamang siya nito. Nagsimula na silang kumain."Hindi ka ba makakasama sa akin today?" Tanong ni Althea sa kanya matapos ang mahabang katahimikan."Where?" Balik tanong niya sa gitna ng pagsubo."Papasyalan natin ang bagong resort natin na bubuksan next month."Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng mga kilalang hotels dito sa manila. Pati mga resorts sa ibang lugar. Ang Ate niya ang nagpapatakbo sa lahat ng iyon, since mamatay ang

    Huling Na-update : 2025-01-10
  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 10

    "BAKIT hindi VIP room kinuha natin?" Usisa ni Rom kay Apollo nang gabing nagtungo sila sa Stary Night. Karaniwan kasing inookupa nila ay ang VIP room na nasa club na iyon. Usually kasi ayaw masyado ni Apollo ang crowded places. "May inaabangan ako." "And what was that? Or should I say, sino?" Napangisi si Apollo. Atsaka itinuon ang pansin sa entablado, baka maya-maya lang ay lumitaw ang hinihintay niya."It seems, may natipuhan kang dancer dito?" Panghuhula ng matalik na kaibigan niya."Hindi naman sa sobrang natipuhan. I'm just curious who's that girl behind the mask.""A dancer with a mask? Wow! That's new sa club na 'to. Dati naman nilang ibinabalandra ang mukha ng mga empleyado nila. Baka naman she's not beautiful kaya pinasuotan ng maskra." Natatawang turan ng kaibigan. Napailing siya. Duda siya sa sinabi nitong hindi ito maganda, because every part of her screams beauty."That's why I'm curious.""Okay. Ako rin na-curious na, gusto ko rin makita ang sinasabi mo."Pe

    Huling Na-update : 2025-01-10

Pinakabagong kabanata

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   THE END

    "I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 75

    PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 74

    "BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 73

    Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 72

    "Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 71

    Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 70

    "MOMMY?" Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin si Adella sa anak niya na katabi niya sa kama. Ang buong akala niya ay tulog na ito, bukas ng hapon pa sila makakabalik ng manila. "Why baby? akala ko tulog ka na," nakangiti niyang sabi sa anak. Ngumuso ito."Mommy, can I ask you something?" Inilapit niya ang sarili sa anak at tumango. "Sure. What is it?""Is there a chance na mabuo tayo nina Daddy Apollo?" inosenteng tanong ni Atlas.Natigilan si Adella. Unang beses na nagtanong ng ganito ang anak at hindi siya handa. Hindi siya agad sumagot, paano ba niya sasabihin sa anak na wala na? Dahil ikakasal na siya kay David."Don't get me wrong, Mmy. I love Daddy David, I really do. He's our knight in shining armor, right? You told me that. But." Lumungkot ang mukha ng bata at ang tinig nito. "But? "Huminga ng malalim si Atlas. "But I want to have a complete family, Daddy Apollo is my real Daddy, and I am happy when he's around." Muli na naman natigilan si Adella. Hindi alam kung ano

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 69

    NAKAUWI si Apollo sa mansion nila, ngunit tahimik iyon. Hindi niya nadatnan ang Ina na karaniwan ay nasa sala ng ganoong oras. Naisip niyang baka natutulog ito. Hindi alam ng Mama niya na dumating na siya mula sa Hacienda Amor. Dumiretso kasi siya sa condo niya. Hindi naka-attend ito at ang kapatid niya dahil bawal ang Mama niya sa malayuang byahe. They only send their gifs. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang mapansin na medyo awang ang pinto ng library, ibig sabihin ay may tao roon. Marahan siyang naglakad patungo doon, baka ang Ate niya ang naroon o pwede rin ang Mama niya. Pipihitin na sana niya ang seradura, nang ang mga usapang narinig niya sa loob ay nagpatigil sa pag-hinog ng mundo niya. "Natatakot ako na malaman ni Apollo ang ginawa natin noon, Mama." Boses ng kapatid niya. "Me too, bakit hindi na lang kaya natin sabihin sa kanya?" Boses naman ng Ina niya. "Sabihin? Paano natin uumpisaang sabihin sa kanya na tayo ang naging dahilan ng paglayo noon ni Adel

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 68

    "BAKA naman masunog ang tinititigan mo," ang sabi ni Rom nang makalapit kay Apollo na masama ang tingin kay David, na ngayon ay nakaakbay kay Adella, habang si Adella ay hawak -hawak sa kamay si Atlas. Marahas na sinimot ni Apollo ang alak na nasa kopitang hawak. "Ang sarap burahin ng ngiti sa mukha ng Doctor na 'yon," pabulong niyang sabi. Paano ba naman, ang lawak-lawak ng ngiti ni David, habang kausap ang ibang bisita. Pilit na lamang niyang itinatago sa inis ang pait at sakit na nararamdaman nang mga oras na 'yon. "Bakit pakiramdam ko, I am the outcast sa mag-ina ko," may lungkot sa tinig niya nang muling magsalita. Tinapik ni Rom ang kanyang balikat tanda ng pakikiramay sa sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Akala niya noon, wala ng isasakit nang bigla na lamang nawala si Adella nang walang paalam. Pero mali pala siya, mas masakit pala ang ngayong nakikita mong masaya ang mag-ina niya sa piling ng iba. Para iyong milyon-milyong karayom na dum

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status