Home / Romance / HIS FORBIDDEN CLAIM / Chapter 007: An Unexpected Encounter

Share

Chapter 007: An Unexpected Encounter

last update Last Updated: 2025-03-10 20:00:28

Nakatayo ako sa harap ng isang napakalaking mansyon, ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko, pero hindi nito kayang pahupain ang kaba sa dibdib ko. Ngayon ko lang makikita ang pamilya ng mama ko—ang mga taong may dugong dumadaloy rin sa akin, pero kailanman ay hindi ko nakilala.

Ano kaya ang magiging tingin nila sa akin? Tatanggapin kaya nila ako? O isa lang akong hindi kilalang pangalan sa kanilang dugo at yaman?

Hinawakan ko nang mahigpit ang strap ng bag ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. Wala na akong babalikan sa probinsya. Ito na lang ang natitira kong pagkakataon para magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Napatingin ako sa napakataas na gate na ngayon ay unti-unting bumubukas. Isang lalaking naka-itim na suit ang lumapit sa akin—malamang butler ng pamilya. Ang ekspresyon niya ay walang emosyon, parang sanay na siyang tumanggap ng bisita, pero hindi niya itinago ang pagsukat sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ikaw ba si Lira?" malamig pero magalang ang boses niya.

Tumango ako. "Opo."

"Sumunod ka sa akin. Naghihintay na ang Doña sa loob."

Dahan-dahan akong pumasok, iniintindi ang bigat ng bawat hakbang ko sa malawak na driveway. Ang bawat bahagi ng mansyon ay nagpapakita ng yaman at kapangyarihan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan.

Talaga bang kabilang ako rito?

Pagdating sa loob, halos hindi ako makapagsalita. Napakalaki ng mansion, bawat sulok ay may mamahaling kagamitan. Parang isang lugar na makikita mo lang sa mga pelikula.

"Narito na po siya, Doña."

Napalingon ako sa isang matandang babae na nakaupo sa malaking upuan sa gitna ng sala. Siya ang lola ko. Ang ina ng mama ko.

Matalas ang tingin niya habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Isang tinging hindi ko maipaliwanag—tila ba may hinahanap siya sa mukha ko.

"Halika rito," malamig pero may awtoridad ang boses niya.

Dahan-dahan akong lumapit, hindi alam kung paano magpapakilala.

"Kamukhang-kamukha mo ang anak ko," aniya, pero sa tono niya, parang hindi siya sigurado. Parang may alinlangan.

Napansin kong nagkatinginan ang ilang tao sa silid, lalo na ang isang babaeng nasa late 40s o early 50s. Matangkad siya, may matalim na features, at halatang sanay sa marangyang pamumuhay. Mula sa paraan ng pagtitig niya sa akin, hindi niya ikinukubli ang pag-aalinlangan.

"Siya ba talaga ang anak ni Helena?" malamig na tanong ng babae kay Lola.

Napakunot-noo ako.

Bakit parang may duda sila?

Napansin ko ang saglit na pagtikom ng labi ni Lola bago siya sumagot. "Walang ibang nagsabi sa akin kundi ang ina niya mismo."

May bahagyang katahimikan.

"Pero…" Napatingin ulit sa akin ang babae, tinitigan ako nang mas mabuti, na parang hinahanap ang kahit anong bakas ng pagkakahawig sa pamilya. "Hindi siya kamukha ni Helena. Ni hindi siya kamukha ni…" Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya, pero ramdam kong may gustong sabihin.

Muli akong sinuri ng matalim na mata ni Lola bago siya muling nagsalita. "Minsan, hindi naman laging pisikal na anyo ang batayan ng dugo."

Hindi ko alam kung para sa akin ba talaga ang sinabi niyang iyon, o para ipanatag ang sarili niya.

Napatingin ako kay Tita Elena. Halata sa mukha niya ang pagdududa. Pero kahit may kaba sa loob ko, hindi ko ipinakita na naaapektuhan ako.

"Umupo ka," utos ni Lola. "Gusto kong malaman kung ano ang balak mo ngayon na nandito ka na."

Lumunok ako at tinapangan ang boses ko. "Gusto ko pong mag-aral sa college. Gusto kong magkaroon ng magandang kinabukasan, kaya tinanggap ko po ang alok ninyo."

Napatango siya, pero halatang hindi pa rin ako lubos na tinatanggap.

"Kung gano’n, dapat mong patunayan na karapat-dapat kang manatili rito," aniya. "Hindi madali ang buhay sa mansyon na ito, Lira. Maraming mata ang nakatingin sa’yo. At hindi lahat ay matutuwa sa presensya mo."

Nagkibit-balikat siya. "Pero dahil apo kita, ibibigay ko ang pagkakataon na iyon."

Naramdaman kong muli akong sinukat ng tingin ni Tita Elena. Sa likod ng malamig niyang ekspresyon, may bahagyang ngiting hindi ko gusto.

"Hindi siya kamukha ni Helena…" mahina niyang bulong, pero sapat na para marinig ko.

Nanatili akong tahimik. Ano bang dapat kong sabihin? Dapat ko bang ipagtanggol ang sarili ko? Pero anong ebidensya ang meron ako maliban sa salita ng mama ko?

Sunod na lumapit ang isang lalaking nasa mid-20s, matangkad, may matikas na katawan, at gwapo. Sa una, hindi ko alam kung paano siya nauugnay sa pamilya namin, pero agad akong sinagot ni Lola.

"Si Julian, anak ng pinsan ng mama mo. Hindi kayo magkadugo, pero parang pamangkin ko na rin siya."

Naglahad siya ng kamay at ngumiti. "Welcome to the family, Lira."

Nag-atubili akong tanggapin ang kamay niya pero hindi ko na rin tinanggihan. "Salamat."

Malambot at mainit ang kamay niya, at sa isang iglap, parang hindi na ako gaanong kinakabahan. Pero nang lingunin ko si Tita Elena, nakita ko ang pagtaas ng kilay niya, parang lalo pa siyang nagdududa.

-aalinlangan ang boses niya?

Nagkatinginan kami ni Tita Elena, na parang lalong tumalim ang tingin sa akin.

Napansin kong nagbubulungan ang ilang tao sa likod ng silid. Hindi ko man marinig ang eksaktong sinasabi nila, ramdam kong ako ang pinag-uusapan nila.

___

Nakahinga na ako nang maluwag matapos ang pagpapakilala. Pakiramdam ko, kahit papaano, unti-unti na akong nakakasanay sa presensya nila.

Pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.

Sa gitna ng tahimik na pag-uusap, bumukas ang malalaking pinto ng mansyon. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin, isang matangkad na lalaki ang pumasok.

Suot niya ang itim na long-sleeved polo na bahagyang nakasuksok sa slacks, at sa bawat hakbang niya, para bang bumibigat ang paligid. Napakalakas ng dating niya—masyadong matikas, masyadong… nakakakubkob.

Parang bumagal ang oras.

Napatingin ako sa kanya.

At sa isang iglap—nanigas ako.

Siya.

Siya ang lalaking nagdala sa’kin sa isang gabi na hindi ko kailanman malilimutan.

Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Siya ang lalaking… gumawa sa’kin ng isang bagay na hindi ko na mababawi.

At ngayon, nandito siya.

Sa harapan ko.

Sa harapan ng pamilya ko.

At ang mas malala pa…

"Xavier, buti naman at dumating ka na," masayang bati ni Lola habang nakangiti sa bagong dating. "May gusto akong ipakilala sa’yo."

Xavier.

Para akong natuyuan ng dugo habang unti-unti siyang lumapit. Saglit siyang nagtaas ng kilay bago dumaan ang matalim niyang tingin sa paligid, tila sinusuri ang bawat tao sa silid.

Pero nang dumapo ang mga mata niya sa akin—doon ako tuluyang napatigil.

Mabilis ang saglit na iyon. Halos hindi mo mapapansin.

Pero nakita ko.

Alam kong nakita niya rin ako.

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya. Nauna ang gulat, kasunod ang pagkalito.

Pero isang kisap-mata lang iyon.

Dahil halos agad-agad, bumalik siya sa malamig at walang emosyon na anyo—parang walang nangyari.

Parang hindi niya ako kailanman hinawakan.

"Bunsong kapatid ng mama mo," malumanay pero mabigat na sabi ni Lola. "Lira, this is Xavier Montenegro."

Tiyuhin ko.

Nanuyo ang lalamunan ko. Parang biglang naging masikip ang hangin sa paligid.

Tiyuhin ko siya?

’Yung lalaking...

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin.

Hindi lang ako ang nagulat. Hindi lang ako ang kinilabutan.

May kung anong bumigat sa pagitan namin—isang tensyon na hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko alam kung kaba ito, takot, o isang bagay na mas malalim pa ro’n.

At mas lalong lumala ang lahat nang walang sabi-sabing iniabot niya ang kamay niya sa akin.

Ang kamay na iyon.

Ang parehong kamay na...

Napalunok ako.

"So, ikaw pala si Lira," aniya, mababa ang boses, walang emosyon.

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya.

At sa sandaling nagtagpo ang balat namin—doon ko naramdaman ang apoy.

Para akong sinaksak ng alaala.

Doon sa kwartong iyon.

Sa dilim.

Sa init.

Sa mga bagay na hindi ko dapat maalala.

Napasinghap ako. Mabilis kong binitiwan ang kamay niya.

Ngunit bago pa ako makaiwas ng tingin, nakita ko ang saglit na pag-angat ng labi ni Xavier.

Isang ngiti.

Isang bahagyang, halos imperceptible na smirk.

Pero hindi iyon basta ngiti.

"Bakit parang magkakilala na kayo?" tanong ni Julian, nakakunot-noo habang nakatingin sa amin.

Mabilis akong umiwas ng tingin.

Pero si Xavier—hindi natinag.

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago siya ngumiti—isang ngiti na walang bahid ng kaba, walang alinlangan. Isang ngiti na tila may gustong sabihin pero hindi sinasabi.

"Hmm," sagot niya, mabagal at parang sinusukat ang reaksyon ko. "I just have a feeling that we’re going to get along very well."

Parang nanlamig ang sikmura ko.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam nito, pero parang biglang sumikip ang paligid.

Dahil sa saglit na iyon, napagtanto kong…

Hindi pa tapos ang bangungot na ito.

Sa katunayan—

Nagsisimula pa lang ito.

Related chapters

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 001: Lost

    (Lira’s POV)Excited ako habang nakaupo sa bus, nakatitig sa labas ng bintana. Ang dami kong iniisip—kung anong magiging buhay ko sa Maynila, kung paano ako tatanggapin ng pamilya ng mama ko, kung ano ang pakiramdam ng mamuhay sa isang malaking bahay. Ilang taon akong lumaki sa probinsya, at ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataong baguhin ang kapalaran ko.Pinangako ng lola ko na pag-aaralin niya ako, bibigyan ng magandang buhay—isang bagay na hindi ko inakalang posible pagkatapos mamatay ni Mama. Pero kahit anong pilit kong maging excited, hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung hindi nila ako matanggap? Paano kung hindi ko kayanin ang buhay sa siyudad?Naputol ang pag-iisip ko nang bumagal ang takbo ng bus. Tumigil ito sa isang stopover. May ilang bumaba para magbanyo, kaya naisip kong sumabay na rin. Iniwan ko ang gamit ko sa upuan, sigurado namang walang kukuha.Maling-mali pala ‘yon.---Matagal ako sa loob ng CR dahil sa mahabang pila. Paglabas ko, malamig na ang hangin. Mas

    Last Updated : 2025-03-10
  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 002: A Deal with a Stranger

    (Xavier’s POV)Tahimik akong nakaupo sa isang table sa labas ng convenience store, hawak ang cellphone ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang tawagan si Melissa, pero sa bawat missed call at cold rejection, parang lalo lang akong nababaliw."Give me another chance," mahina kong sabi sa telepono. "I’ll fix it, I swear. Don’t do this to me."Walang sagot. Ilang segundo lang, nawala na ang tawag.Napalunok ako, ramdam ang bigat sa dibdib. T***, wala na ba talaga? Isang iglap lang, nawala lahat ng pinaghirapan ko. All because of one stupid mistake.Pinisil ko ang sentido ko, pilit kinakalma ang sarili. Hindi ko pwedeng hayaan na ganito lang ako.Pero kahit anong gawin ko, nag-iisa ako ngayon.Kaya naman nang marinig ko ang mahinang boses ng isang babae, hindi ko agad inintindi."Ah… excuse me, sir…"Tumingala ako, at sa isang iglap, nagbago ang focus ko.Isang babae. Bata pa mga nasa early 20s. Maamo ang mukha, inosente. Maputi, maganda, kahit walang kahit anong ayos. Pero

    Last Updated : 2025-03-10
  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 003: There's No Backing Out

    (Lira’s POV)Tahimik akong naglakad sa likod niya habang papasok kami sa elevator. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay parang bumalot sa akin ng hindi maipaliwanag na bigat.Hindi ako sigurado kung anong mas nangingibabaw—ang kaba o ang takot. O baka pareho.Sa loob ng makintab na elevator, halos marinig ko ang sariling paghinga ko. Si Xavier, sa kabilang banda, ay tahimik lang, nakapamulsa habang nakatingin sa harapan, parang walang iniintinding iba. Pero kahit wala siyang ginagawa, ang presensya niya ay parang sapilitang pumipigil sa akin na huminga nang malaya.Ding!Nang bumukas ang elevator sa pinakamataas na palapag, para akong biglang napalunok.Alam ko kung ano ang susunod.Naglakad siya papunta sa isang pinto at binuksan iyon gamit ang isang keycard. Mabilis siyang pumasok, hindi man lang lumingon sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang door handle at sumunod sa loob.At doon, tuluyan akong napatigil.Parang ibang mundo ang sumalubong sa akin.Napakalaki ng kwarto.

    Last Updated : 2025-03-10
  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 004: A Night with a Stranger

    Maya-maya ay naramdaman kong hinila niya ang tali ng suot kong robe.Napadilat ako, pero huli na. Bumagsak ang tela sa sahig, iniwan akong walang saplot sa harapan niya.Napasinghap ako at agad na tinakpan ang katawan ko gamit ang braso, pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at marahang ibinaba.""Don't hide it," mahinang bulong niya.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.Nakatingin lang siya sa akin, pero para bang nasusunog ako sa ilalim ng titig niya.Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Ramdam ko ang init ng hininga nya.And in that moment, I knew—there was no turning back."I want you to obey everything I tell you." Hindi ako nagsalita kundi tumango lang ako.Dahan-dahan nyang inilapit ang labi nya sa labi ko. Naramdaman ko ang lambot ng labi nya na dumadampi sa aking labi. Sinimulan nyang angkinin ang labi ko.1st kiss ko ito kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko naninigas lang ako hindi makagalaw. Sinimulan nyang sipisipin ang labi ko.Huminto sya

    Last Updated : 2025-03-10
  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 005: The Passionate Night with Him

    "Hah—" Napasinghap ako nang bigla siyang umayos ng posisyon, ang mainit niyang kamay gumapang pababa sa hita ko, dumaan sa balat kong nag-aapoy sa init at kaba. Hindi ko alam kung alin ang mas matindi—ang matinding pangamba o ang nagliliyab na sensasyon na unti-unting bumabalot sa buong sistema ko."Relax," malamig niyang bulong, pero sa likod ng boses niya, naroon ang matigas na pag-aangkin. "Let me take control."Wala akong ideya kung paano ko dapat sundin iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa kabila ng dapat kong pagtutol, ang katawan ko ay kusa nang sumusunod sa bawat galaw niya.Naririnig ko siyang nagmumura sa pagitan ng kanyang paghinga—mahina, halos parang sarili niya lang sinasabi. Hindi ko alam kung dahil iyon sa akin, sa ginagawa namin, o sa kaguluhan sa loob niya. Bawat kilos niya ay nagpapadama kung sino ang may kontrol. Hindi niya ako tinatanong kung kaya ko, kung gusto ko. Basta niya ako ginagalaw kung paano niya gusto, parang isang laruan na tinuturuan niyang

    Last Updated : 2025-03-10
  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 006: The Pain After a Night of Lust

    Masakit ang buong katawan ko. Bawat kilos ko ay parang may pumipigil—parang pinupunit ang kalamnan ko. Dahan-dahan akong dumilat, at ang una kong nakita ay ang anino ng isang lalaki sa gilid ng kama.Nakapagbihis na si Xavier. Nakatalikod siya habang isinasara ang kanyang sinturon, pero nang gumalaw ako, agad siyang lumingon.Ngumiti siya. “Oh, look who’s finally awake.” May amusement sa boses niya, para bang inaasar niya ako. “I thought you’d sleep all day after… passing out last night.”Nanlaki ang mga mata ko. Napasinghap ako, agad na hinila ang kumot para takpan ang katawan ko.Natawa siya, bahagyang umiling. “After everything, you’re still shy?”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ‘to. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito siya makatingin sa akin—parang pinag-aaralan ang bawat reaksyon ko.Lumapit siya, marahang hinawakan ang baba ko at itinaas ang mukha ko para tumingin sa kanya.“Tandaan mo ‘to, Lira,” mababa at bahagyang paos ang boses

    Last Updated : 2025-03-10

Latest chapter

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 007: An Unexpected Encounter

    Nakatayo ako sa harap ng isang napakalaking mansyon, ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko, pero hindi nito kayang pahupain ang kaba sa dibdib ko. Ngayon ko lang makikita ang pamilya ng mama ko—ang mga taong may dugong dumadaloy rin sa akin, pero kailanman ay hindi ko nakilala.Ano kaya ang magiging tingin nila sa akin? Tatanggapin kaya nila ako? O isa lang akong hindi kilalang pangalan sa kanilang dugo at yaman?Hinawakan ko nang mahigpit ang strap ng bag ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. Wala na akong babalikan sa probinsya. Ito na lang ang natitira kong pagkakataon para magkaroon ng mas magandang kinabukasan.Napatingin ako sa napakataas na gate na ngayon ay unti-unting bumubukas. Isang lalaking naka-itim na suit ang lumapit sa akin—malamang butler ng pamilya. Ang ekspresyon niya ay walang emosyon, parang sanay na siyang tumanggap ng bisita, pero hindi niya itinago ang pagsukat sa akin mula ulo hanggang paa."Ikaw ba si Lira?" malamig pero magalang ang boses n

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 006: The Pain After a Night of Lust

    Masakit ang buong katawan ko. Bawat kilos ko ay parang may pumipigil—parang pinupunit ang kalamnan ko. Dahan-dahan akong dumilat, at ang una kong nakita ay ang anino ng isang lalaki sa gilid ng kama.Nakapagbihis na si Xavier. Nakatalikod siya habang isinasara ang kanyang sinturon, pero nang gumalaw ako, agad siyang lumingon.Ngumiti siya. “Oh, look who’s finally awake.” May amusement sa boses niya, para bang inaasar niya ako. “I thought you’d sleep all day after… passing out last night.”Nanlaki ang mga mata ko. Napasinghap ako, agad na hinila ang kumot para takpan ang katawan ko.Natawa siya, bahagyang umiling. “After everything, you’re still shy?”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ‘to. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito siya makatingin sa akin—parang pinag-aaralan ang bawat reaksyon ko.Lumapit siya, marahang hinawakan ang baba ko at itinaas ang mukha ko para tumingin sa kanya.“Tandaan mo ‘to, Lira,” mababa at bahagyang paos ang boses

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 005: The Passionate Night with Him

    "Hah—" Napasinghap ako nang bigla siyang umayos ng posisyon, ang mainit niyang kamay gumapang pababa sa hita ko, dumaan sa balat kong nag-aapoy sa init at kaba. Hindi ko alam kung alin ang mas matindi—ang matinding pangamba o ang nagliliyab na sensasyon na unti-unting bumabalot sa buong sistema ko."Relax," malamig niyang bulong, pero sa likod ng boses niya, naroon ang matigas na pag-aangkin. "Let me take control."Wala akong ideya kung paano ko dapat sundin iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa kabila ng dapat kong pagtutol, ang katawan ko ay kusa nang sumusunod sa bawat galaw niya.Naririnig ko siyang nagmumura sa pagitan ng kanyang paghinga—mahina, halos parang sarili niya lang sinasabi. Hindi ko alam kung dahil iyon sa akin, sa ginagawa namin, o sa kaguluhan sa loob niya. Bawat kilos niya ay nagpapadama kung sino ang may kontrol. Hindi niya ako tinatanong kung kaya ko, kung gusto ko. Basta niya ako ginagalaw kung paano niya gusto, parang isang laruan na tinuturuan niyang

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 004: A Night with a Stranger

    Maya-maya ay naramdaman kong hinila niya ang tali ng suot kong robe.Napadilat ako, pero huli na. Bumagsak ang tela sa sahig, iniwan akong walang saplot sa harapan niya.Napasinghap ako at agad na tinakpan ang katawan ko gamit ang braso, pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at marahang ibinaba.""Don't hide it," mahinang bulong niya.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.Nakatingin lang siya sa akin, pero para bang nasusunog ako sa ilalim ng titig niya.Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Ramdam ko ang init ng hininga nya.And in that moment, I knew—there was no turning back."I want you to obey everything I tell you." Hindi ako nagsalita kundi tumango lang ako.Dahan-dahan nyang inilapit ang labi nya sa labi ko. Naramdaman ko ang lambot ng labi nya na dumadampi sa aking labi. Sinimulan nyang angkinin ang labi ko.1st kiss ko ito kaya kinakabahan ako. Pakiramdam ko naninigas lang ako hindi makagalaw. Sinimulan nyang sipisipin ang labi ko.Huminto sya

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 003: There's No Backing Out

    (Lira’s POV)Tahimik akong naglakad sa likod niya habang papasok kami sa elevator. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay parang bumalot sa akin ng hindi maipaliwanag na bigat.Hindi ako sigurado kung anong mas nangingibabaw—ang kaba o ang takot. O baka pareho.Sa loob ng makintab na elevator, halos marinig ko ang sariling paghinga ko. Si Xavier, sa kabilang banda, ay tahimik lang, nakapamulsa habang nakatingin sa harapan, parang walang iniintinding iba. Pero kahit wala siyang ginagawa, ang presensya niya ay parang sapilitang pumipigil sa akin na huminga nang malaya.Ding!Nang bumukas ang elevator sa pinakamataas na palapag, para akong biglang napalunok.Alam ko kung ano ang susunod.Naglakad siya papunta sa isang pinto at binuksan iyon gamit ang isang keycard. Mabilis siyang pumasok, hindi man lang lumingon sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang door handle at sumunod sa loob.At doon, tuluyan akong napatigil.Parang ibang mundo ang sumalubong sa akin.Napakalaki ng kwarto.

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 002: A Deal with a Stranger

    (Xavier’s POV)Tahimik akong nakaupo sa isang table sa labas ng convenience store, hawak ang cellphone ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang tawagan si Melissa, pero sa bawat missed call at cold rejection, parang lalo lang akong nababaliw."Give me another chance," mahina kong sabi sa telepono. "I’ll fix it, I swear. Don’t do this to me."Walang sagot. Ilang segundo lang, nawala na ang tawag.Napalunok ako, ramdam ang bigat sa dibdib. T***, wala na ba talaga? Isang iglap lang, nawala lahat ng pinaghirapan ko. All because of one stupid mistake.Pinisil ko ang sentido ko, pilit kinakalma ang sarili. Hindi ko pwedeng hayaan na ganito lang ako.Pero kahit anong gawin ko, nag-iisa ako ngayon.Kaya naman nang marinig ko ang mahinang boses ng isang babae, hindi ko agad inintindi."Ah… excuse me, sir…"Tumingala ako, at sa isang iglap, nagbago ang focus ko.Isang babae. Bata pa mga nasa early 20s. Maamo ang mukha, inosente. Maputi, maganda, kahit walang kahit anong ayos. Pero

  • HIS FORBIDDEN CLAIM   Chapter 001: Lost

    (Lira’s POV)Excited ako habang nakaupo sa bus, nakatitig sa labas ng bintana. Ang dami kong iniisip—kung anong magiging buhay ko sa Maynila, kung paano ako tatanggapin ng pamilya ng mama ko, kung ano ang pakiramdam ng mamuhay sa isang malaking bahay. Ilang taon akong lumaki sa probinsya, at ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataong baguhin ang kapalaran ko.Pinangako ng lola ko na pag-aaralin niya ako, bibigyan ng magandang buhay—isang bagay na hindi ko inakalang posible pagkatapos mamatay ni Mama. Pero kahit anong pilit kong maging excited, hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung hindi nila ako matanggap? Paano kung hindi ko kayanin ang buhay sa siyudad?Naputol ang pag-iisip ko nang bumagal ang takbo ng bus. Tumigil ito sa isang stopover. May ilang bumaba para magbanyo, kaya naisip kong sumabay na rin. Iniwan ko ang gamit ko sa upuan, sigurado namang walang kukuha.Maling-mali pala ‘yon.---Matagal ako sa loob ng CR dahil sa mahabang pila. Paglabas ko, malamig na ang hangin. Mas

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status