Share

Glimmer of Hope
Glimmer of Hope
Penulis: Mayayeeeh

PROLOGUE

Penulis: Mayayeeeh
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Daming nangyari sa nagdaang buwan. I can't believe that I'm enjoying the journey plus the music I am listening, except the  fact that my classmates are so noisy. Seryoso, hindi ba sila nawawalan ng pag-uusapan?

Inilibot ko ang tingin paligid. May natutulog, may nagdadaldalan, may naglalaro ng Mobile Legends, may nagt-trashtalk-an, may sumasayaw, may nagj-jamming, may tahimik lang na nagbabasa ng libro at nakikinig sa musika. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang lahat. Mayroon ding nagsasagot ng kung ano sa tabi ko. Aral na aral ang isang ito.

"Hindi ka pa tapos, Les?" tanong ko.

"Hindi pa. Hindi ko makuha kung paano ito." She handed me the book. "Sagutan mo nga."

"Ilang oras ka na diyan, akin na nga."

It's been 2 months since the second semester started. Hindi pa pumapasok lahat ng prof namin, kaya uuwi na sana ako agad kahit may night class kami.

Dalawang bagay lang ang pagpipilian mo sa college, tulog nang tulog o wala talagang tulog. Minsan, napapaisip ako kung saan kumukuha ng energy ang mga kaklase ko para maglakwatsa. Sa pag-aaral pa lang, para na akong mauubos, eh. Hindi talaga madali ang engineering. Minsan iniisip ko kung mali ba ako ng desisyon sa buhay o ano.

"Papasok ka, Belle?" tanong ni Les.

"Hindi. Baka wala na naman si Sir."

"Baka dumating?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Ubos na ang lakas ko para sa night class. Bombahin man daw ba kami ng napakaraming term papers sa isang minor subject. Hindi ko alam pero ang lakas ng tama ng mga prof namin sa minors. Parang nant-trip at gusto yatang patunayan na hindi lang iyon basta subject. Hindi ko maintindihan kung bakit kating-kati sila mambagsak ng estudyante, eh, hindi ba sa kanila rin ang balik noon?

"Uwi na tayo. Pustahan wala na naman 'yon," yaya ni Arnold.

I smirked. I knew it. Hindi lang ako ang bad influence dito.

"Balitaan niyo na lang kami," si Jes.

Nakalayo na ako nang mabalitaang pumasok ang prof. Bahala na nga. Panigurado namang orientation pa lang. Bakit ba kasi ngayon lang siya pumasok? Malapit na midterms. Maghahabol na naman kami panigurado, pero hindi na bago iyon. Lagi namang ganoon ang nangyayari.

Hindi talaga pwedeng mahina ang loob dito. Magbubuhat ka ng sarili mong bagahe para makaraos ka. Hindi na uso ang pagbubulakbol at pagiging palaasa. Kawawa ka naman kung hanggang kolehiyo, hindi ka pa rin natututong mag-isa.

Bumabyahe ako araw-araw ng more or less two hours. Nahahapo ako sa school kaya umuuwi agad ako. Pangarap ko naman ito noon kaso hindi pala masaya. Ang lakas maka-pangit ng usok sa Manila. Dumadami ang pimples ng mga estudyante, dahil sa pinaghalong polusyon at stress mula sa pag-aaral. Nakakapagtaka talaga ang mga estudyanteng may clear skin, paborito ka bang anak ni Aphrodite?

"As an Engineering student, dapat ay alam niyo ito," sabi ng prof namin sa Chemistry. "Lalo na 'yong mga madadaldal sa likod diyan. Ang bababa naman ng score sa exam."

Ewan ko ba? Ang hirap lang talagang ipasa ng Chem. Puro delta H, delta G keme. Ang sakit sa ulo. Bakit ba kasi ako nag-Engineering? Ang hirap sumabay sa klase lalo na't hindi inclined ang kurso ko sa kinuha kong strand noong Senior High School.

At sa college, hindi mawawala ang mga terror na prof. Kaunting hinga mo lang, pakiramdam mo ay mamamatay ka na sa kaba kapag binalingan ka.

"Ano na namang komusyon ang mayro'n diyan? Hindi niyo man lang igalang si Jose Rizal."

Hindi nakatakas sa tainga ng professor ang mahihina naming tawa. Galit nitong hinarap ang klase at tinuro ako. Sa itsura pa lang ng mukha niya, mukhang tatanggalin niya lahat ng confidence mo sa katawan.

Ako? Nahuli niya ba ako?

"Mr. Sotto," tawag niya sa nasa likod ko. "Tayo!"

I gulped. Pinagpawisan ako nang malagkit. Buti na lang at hindi ako.

Hinimas ni Les ang likod ko nang bumuntong-hininga ako dahil sa kaba. Natawa na lang siya sa reaksyon ko. Pinanood namin kung paano dikdikin ng prof ang kaklase ko. Halos walang tinira sa kaniya bukod sa gwapo niyang mukha.

"Nakakahiya ka naman, Mr. Sotto. Pumapasok ka lang ba para magpapogi sa klase ko? Wala ka man lang nasagot sa sampung tanong na ibinigay ko sa 'yo. Sayang ang pagpapaaral sa 'yo ng bayan kung hindi mo naman pinahahalagahan," mahabang litanya nito.

Napatango-tango na lang kami. May punto naman siya, eh. Hirap kayang makapasa rito tapos sasayangin lang. Daming gustong mag-aral dito pero hindi naman lahat ay mapalad na nakakapasok.

Nakahinga lang kami nang maluwag pagkaalis ng prof. Natatawa kaming binalingan ang kaklase kong ginisa. Parang wala lang sa kaniya ang talas ng dila ni Ma'am. Kung ako 'yon, baka nag-drop na ako sa subject niya.

Sa lecture at sermon pa lang ng mga prof, pagod na ako, eh. Gusto ko na umuwi at ang pangit pa ng schedule ngayong araw. Eight hours ang vacant. Pwede ka na makarating sa Tagaytay at bumalik sa unibersidad. Gusto ko muna sanang umuwi kaso ang hassle ng biyahe.

"'Wag ka umuwi. May prof na tayo sa Surveying," sabi ni Les sabay kawit ng kamay sa braso ko.

"Ano palang nangyari last time?"

Wala kasi akong balita kung may requirements ba or what. Kaunti lang din ang pumasok dahil nagsiuwian nang maaga. Sino ba naman kasing sisipagin sa gabi? Bakit naman kasi ganoon ang schedule?

"Umuwi na rin ako. Sabay kasi kami ni Edward," mahinhin niyang sabi.

"Harot mo!"

Umirap lang siya at hinampas ako sa braso. Bilib din talaga ako sa mga college student na may mga karelasyon. I can't relate!

"Belle, uuwi ka na?" si Joy, kasama si Callie.

"Hindi. May prof daw mamaya. Sa dorm kayo?"

"Oo, kain muna tayo," pag-aaya ni Callie.

Sa pitong buwan ko rito sa isang state university sa Manila, marami rin akong naging close na blockmates. Si Joy na medyo namukhaan ko sa enrollment, ang ganda niya kasi. Si Callie na gamer at matalino, laging absent pero almost perfect lagi ang exam sa Calculus. Si Les na sobrang sipag mag-aral at lagi kong kasama buong araw. Si Jessie at Arnold na kasabay naming tumambay kapag mahaba ang vacant.

"Ang tagal naman ni Sir. Gusto ko na umuwi," reklamo ko.

Natawa lang sila. Iniisip na naman nilang dinedemonyo ko sila na umuwi na. Ganito ako lagi, hapong-hapo sa unibersidad na puro stress ang dulot sa akin.

Ang tagal naman kasi talaga. 5:00 PM ang klase at 6:30 ay wala pa siya. Nasa manual kaya na pwede na umuwi kapag 1/3 ng oras ang nagdaan at wala pang prof.

"Alas-syete uwi na tayo," natatawang sabi ni Les.

"Eh, rush hour. Mga 8:30 na lang," singit ni Jes na galit sa traffic.

Gusto ko na talaga umuwi. Nasaan na ba kasi si Sir? Ang tagal niya naman. Hindi ba siya nahihiya na may naghihintay sa kaniya?

Ilang minuto pa ay may pumasok na lalaking matangkad, matangos ang ilong, singkit, moreno— in short, ang gwapo niya sa paningin ko.

Uminit ang pakiramdam ko kahit air-conditioned naman ang room. Parang... gusto ko yatang lumandi.

He then smiled at us and my world collapsed. That moment, I knew, I was crushing on my professor. It made everything move so slow around me.

Bab terkait

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 1

    "Good evening, guys!""Good evening, Sir."Kita ko ang mga ngisi sa labi ng mga kaklase kong babae. Mukhang pare-pareho kami ng iniisip. Sa sobrang busy namin sa pagsagot sa mga problema ng agham at matematika, nakalimutan na naming may puso kami. Ito na yata ang sign para muling buksan ang puso."By the way, I'm Engr. Patricio Cy. You can call me Sir Ricci and I'll be your instructor for Surveying subject. My reference is Elementary Surveying by Juny Pilapil La Putt. Kung gusto niyong pumasa sa subject na 'to, you must have scientific calculator. I recommend 991-ES para hanggang board."Hmm, Engr. Patricio Cy. Noted, baby Ricci or I must say, baby boy.Dami pang sinabi ni Sir hanggang sa discussion. Mukhang madugo ang subject na 'to, pero mukhang mas dudugo ang labi ko kakakagat.Ang hot! Ang gwapo niya! The way he smile and his posture. Singkit, katamtamang tangos ng ilong, makapa

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 2

    Medyo hindi ako swerte sa araw na ito. Late na ako para sa exam namin sa Chem. Bakit ba kasi laging nasisiraan ang LRT kapag may exam ako? Ang traffic pa naman sa Manila. Umaga pa lang, sira na araw ko."Sir, s-sorry. I'm late," hinihingal kong sabi.

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 3

    "Guys, papasok si Sir Cy ngayon kaya maghintay tayo," Eric announced. "Wala munang uuwi.Buti naman kung ganoon. Ang hirap kaya ng subject niya tapos wala siya lagi. Para kaming nangangapa sa dilim. Saka kahit naman wala siya, naghihintay pa rin kami.

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 4

    "Kamusta ang eskuwela?" bungad ni mama pagkauwi ko.Bukas na ang alis namin papuntang Batangas kaya after ng klase ko ay umuwi na agad ako sa bahay. Gabi na, gusto ko na magpahinga.

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 5

    As expected, bumuhos ang sangkatutak na gawain. Kabi-kabilaan ang mga exams at activities. Jam-packed ang araw na ito dahil tatlong sunod-sunod na subjects ang mayroon kami at lahat ay may exam. Two weeks na lang, matatapos na kami. Kaunting pasensya pa!"Nasagutan mo 'yong sa torque?" tanong ni Les nang makalabas kami.

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 6

    "James, may doughnut sa ref. Baka gusto mo kumain?" tanong ko.Alas-tres na kasi at kauuwi niya lang galing school, naka-uniform pa. Mukhang wala siya sa hulog para magsalita. Pagod siguro.

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 7

    "Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 8

    "Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.

Bab terbaru

  • Glimmer of Hope   EPILOGUE

    Hindi pangkaraniwan ang lamig na sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng eroplano. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan ko, dahil narito ang puso ko.Ayaw ko nang magtanong lagi kung kumain na kaya siya? Nasa trabaho na ba?Nakakatulog ba siya nang maayos?Marami ba siyang ginagawa?I remembered the first time I noticed her inside my class. She was secretly taking a picture of me. Pasimple akong natawa pero hindi na iyon bago. Bawat klase na papasukan ko, may mga babaeng kulang na lang ay hubaran na ako sa paningin nila.Nasundan pa iyon ng ilan pang mga pangyayari. But the most unforgettable was when she presented something on a class. She was not the most outstanding, but she really caught my eyes. The way she talk about everything like she knew all of it very well.Plus she asked me the most remarkable question..."I did great, right?"Hinatak ko ang bagahe ko palabas ng airport. Agad kong nasulyapan ang kaibigang matagal ko

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 38

    "Stop staring!" saway ko."Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga."Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki."Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci."You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko."Ang corny mo!" "I love you.""I love you more."Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop- dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo withinthe black tux. His hair is brushed

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 37

    Have you ever stare at someone and all you feel is love and adoration?Iyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Habang abala siya sa pagmamando sa mga tauhan, ako naman ay abala sa paninitig sa kaniya. Ewan ko, nagising na lang ako na parang gusto ko siyang gawing keychain at titigan maghapon.Sa isang linggo na kasi ang bisita ng mga Lacson dito, kaya lahat kami ay may ginagawa. May mga tubo na inaayos, may mga ilaw na ikinakabit at kung anu-ano pa. Katatapos ko lang i- check lahat ng mga bisagra ng mga pintuan, kaya nakadungaw na lang ako kay Ricci habang kunot-noong nakikinig sa isang electric engineer.Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagbuka ng kaniyang mga labi. I can't get enough of him. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Para talagang model ang isang ito, eh. Too bad for his admirers, ako ang mahal niya."Hey, matunaw 'yan," untag ni Mitch.I was a bit starled, but I just made a face at her. Nang luming

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 36

    Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 35

    Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok."Kain," nakangiting alok ni Mitch.Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong- malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko."Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain."Ganiyan talaga kapag natututukan."Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao."You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.Sinon

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 34

    "Satisfied?" tanong ni Apple.Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking- lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon."Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya."Pauwiin mo."Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya! "So, what else do you want?"Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 33

    "Belle, pinatatawag ka na sa lobby.""Thanks, George."

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 32

    Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila."Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 31

    I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo."Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.

DMCA.com Protection Status