As expected, bumuhos ang sangkatutak na gawain. Kabi-kabilaan ang mga exams at activities. Jam-packed ang araw na ito dahil tatlong sunod-sunod na subjects ang mayroon kami at lahat ay may exam. Two weeks na lang, matatapos na kami. Kaunting pasensya pa!
"Nasagutan mo 'yong sa torque?" tanong ni Les nang makalabas kami.
"Oo pero hindi ako sure sa sagot. Medyo nalito ako kung paano kunin."
Grabe kaya ang reference ni Sir sa Physics. Civil Engineering board reviewer. Feeling ko nga makakapasa na kami sa board, eh. Ang hirap ng mga pinagagawa niya. Buti kinakaya pa ng utak ko.
"Nakalimutan ko kung paano gawin 'yon," si Callie habang naglalakad papunta sa amin. "Pero may sagot ako. Sana tama."
"Ikaw, Joy?" tanong ni Les pero nagkibit-balikat lang siya. "Ang gulo ng illustration."
"You checked your paper, right?"
"Oh, not sure."
"Baka namali ka na naman ng sulat tapos habulin mo na naman si Sir," natatawa kong sabi.
Nag-quiz kasi kami at mali siya ng sulat. Imbes na 10 ay 20 ang nailagay niya. Ewan ko ba rito kay Les. Malinaw naman ang mata.
"Kakain ba kayo, Callie?" tanong ni Les. "Nagbaon na kami ni Belle ng sandwich dahil siksik ang sched ngayon."
Kapag alam naming walang panahon kumain, naghahanda kami ng kahit ano. Buti na lang din, hindi kami gipit sa pagkain sa apartment.
"Mamaya na lang after ng CAD," sabi niya.
"Mamaya pa 'yong alas singko, eh," reklamo ni Joy kaya ang ending ay bumili na rin sila.
"Lesliana, ano nga ulit 'yon? Suc– what?" nalilito kong tanong.
Nagre-review kami sa PurCom. Kailangan ko ring bumawi rito dahil late akong nagpasa ng activity. Sa sobrang pagod ko, natulog agad ako nang hindi nagpapasa. Nakalimutan kong may ganoon pala. Napaka-ulyanin ko rin talaga minsan. Nabobobo na yata ako.
"Succinct," she simply said.
Everyone's minding their own business. May iba namang nagtatanungan at 'yong iba ay naglalaro lang ng ML sa gilid. Paano kaya nila nagagawa 'yon?
"Elaborate-Succinct..." pagr-recite ko.
Nagbasa pa ako ng isa pang round dahil ayaw kong may makalimutan ako. No room for errors today! Ayos naman ang recitations and activities ko kaso iyong activity talaga. Bakit kasi kailangan pang i-post sa Facebook? Hays.
"Let's start," Sir said as he entered the room.
Wala man lang pasintabi. Mukhang madugo ito. Ang pinakamadaling exam rito sa school ay iyong entrance exam. Ang hirap lang talaga lahat. Para bang sinusulit ng mga prof ang free tuition namin, kaya dinadarang kami sa apoy para malaman kung sinong peke sa hindi.
"Get one and pass. Fix your eyes on the paper. Ang mahuhuli kong lumingon, 'matik na. Zero sa final exam. You only have an hour to finish my exam. After that, you can leave the room. Goodluck," dire-diretso niyang sabi.
Nagsimulang magpawis ang noo ko sa nakita. OMG, 100 items! Wala man lang choices. No mercy.
Maayos ko namang nasagutan ang first two pages, kaya lang, napakahirap ng pangatlong page. Bakit may foreign language dito? Tsk. Kahit anong review ko, may nakalimutan pa rin ako. Hindi naman kasi ito pinagtuunan ni Sir ng pansin.
I skipped the page and aced the essay part. I know I can do better kapag essay. Ito naman talaga ang forte ko. Binalikan ko ang third page at sinagutan hanggang sa maubos ang oras.
"Ang hirap ng third page!" reklamo ko nang makalabas kami.
It was an hour in hell. Kahit alam kong papasa ako, hindi ko pa rin maiwasang ma-disappoint. Gusto ko sanang i-perfect para makabawi sa activity.
"Madali lang kaya," sabi ni Jes.
"Nakakalito 'yong French," si Arnold.
Bakit nila alam? Potek, ang hirap kaya noon! Hindi ko napag-aralan. Hindi naman kasi ako interesado sa foreign language.
"I thought it's all about culture. Hindi ako nag-focus sa language since hindi naman masyadong na-tackle ni Sir," si Callie.
Dumiretso na kami sa CAD room dahil ito ang last sub namin for today at may exam kami. Good luck talaga sa aming lahat. Ang higpit pa naman ni Engr. D. Kapag pasahan na, pasahan na dapat. Bawal late.
"Here's the illustration na gagawin niyo. For zero, one, two, and so on... Just follow the guidelines below. I'll give you an hour to finish it on your auto-cad. Mind your own business. This will serve as your final exam," she said.
Inayos na namin ang mga laptop. Ang hirap ng napunta sa zero. Mukhang yari ako. Ang detailed masyado.
Busy na ang lahat sa kani-kanilang gawain. Ang iba ay nagtuturuan gamit ang maliit na boses. Buti na lang at hindi mainit. Ang sikip ng kwarto para sa aming lahat kaya nasa labas ang iba.
"Hala, Belle. Napakasalimuot naman nito. Paano nga 'to?" tanong ni Sam. "'Di ba tatanggalin 'to?"
Magkanumero kasi kami kaya lagi kaming magkatulong. Minsan nag-a-assign kami ng taga-gawa at taga-print.
"Explode mo 'to tapos erase..." I taught him some parts. Madali lang naman kung tutuusin pero dahil nga detalyado, kailangan mag-ingat.
"Okay, I got it!"
Nagpatuloy pa kami sa paggawa hanggang sa mai-print na ang mga gawa namin. Mukha namang maayos ang ginawa ko pwera lang sa lineweight. Ewan ko ba roon. Ayaw mabago. Walang pakisama.
Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad pauwi ng apartment. Tahimik lang kami at dinadama ang hangin na humahampas sa aming mga mukha. Naghiwalay lang kami nang nasa tapat na kami ng apartment.
"Rest well," paalam namin ni Les kina Joy at Callie.
Sumalpak kami sa sofa. Natawa na lang kami dahil para kaming ewan. Ang haggard namin pareho dahil sobrang busy na talaga. But unlike me, maganda pa rin si Lesliana.
"Uuwi ka sa Bulacan o sa Manila?" tanong ni Les habang naglalapag ng juice.
Ako naman ay nag-iinit ng pizza na hindi namin naubos kahapon. "Manila lang. I need to visit my brother. Ikaw ba?"
"Uuwi ako sa Antipolo tonight, sabay kami ng boyfriend ko."
"Harot mo!"
"Humanap ka na kasi ng boyfriend para hindi ka na bitter," sabay sundot sa tagiliran ko.
"Nah, I need to study."
I need to exert lots of effort. Mahirap na bumagsak. Privilege na ngang makapag-aral rito, eh. Ayaw kong ma-kick out. Hindi kami mayaman para magbayad ng tuition sa private school.
"As if namang hindi ka nag-aaral. O kung gusto mo, humanap ka ng taong matutulungan ka sa acads. Sa panahon ngayon, hindi sapat ang puro pag-ibig lang."
I just shrugged. Well, I need to do more. Gusto kong may mapatunayan. Hindi pwedeng umasa na lang ako lagi sa iba. Gusto kong maging independent kaya sinisimulan ko na ngayon.
Sabay kaming umalis ni Les sa apartment. Dumaan lang ako sa Dunkin' Donnut para bumili ng pasalubong. Baka wala nang kinakain si James sa bahay. Kawawa naman 'yon.
Paglabas ko ay siyang bagsak ng malakas na ulan. Hindi pa naman ako nagdadala ng payong. Nakisiksik ako sa waiting shed. Puno ito ng mga taong wala ring panangga sa ulan kagaya ko.
"Bad trip naman," I murmured.
Sinalpak ko na lang ang headset sa tainga ko. Ang ganda rin naman ng ulan, sabayan mo lang ng music. Tamang senti lang para kunwari may ganap sa buhay.
Napatingin ako sa katabi ko dahil nabunggo ako. Ang tigas niya. Nagsiksikan lalo ang mga tao dahil mas lumakas pa ang buhos, kaya naipit ako. Ang liit ko pa naman.
Maybe the night
Holds a little hope for us
Kasabay ng pagbaling ng mata ko sa mata ni... Sir Cy.
Ano ba naman? Bakit ngayon pa? Mukha akong basang sisiw! Nakakahiya ang itsura ko.
Umiwas ako ng tingin saka yumuko. Lumakas pa lalo ang buhos ng ulan kaya sobrang siksikan. Parang sinasadya ng tadhana na mas lalo kami nagkadikit ni Sir Cy. Kinikilig ako dahil naaamoy ko siya. Amoy menthol! Ang romantic na sana kaso ang pangit ko talaga ngayon.
Ilang minuto pa ay tumila na rin ang ulan. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga tao. Naiwan na lang kaming may mga dalang hindi pwedeng mabasa. Baka pag-uwi ko, lumulutang na ang doughnut sa loob.
"See you on Monday," sabi ko sa kaniya bago kumaripas ng takbo.
Paniguradong matatandaan niya ang pagmumukha ko, dahil ako lang naman ang may ganitong itsura. Sana nga mapanaginipan niya rin ako.
"James, may doughnut sa ref. Baka gusto mo kumain?" tanong ko.Alas-tres na kasi at kauuwi niya lang galing school, naka-uniform pa. Mukhang wala siya sa hulog para magsalita. Pagod siguro.
"Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?
"Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.
Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Busy kasi sa shop sila mama. Sobrang hands-on sila ni papa sa bake shop kaya kami ni ate Linda at James ang naiiwan sa bahay para mag-check ng feedbacks. Wala na akong ibang magawa bukod sa mag-browse ng social media accounts ko. Gusto ko na nga lang lumuwas sa Manila at ayain sila Avery mag-swimming, para naman may ganap kami ngayong bakasyon.At timing naman ang
"Anong gusto mong inumin, Belle Amethyst? Pa-virgin ka na naman diyan," tukso ni DJ. "Iiyak ka na naman kapag inabutan ka ng alak, eh."
"Sino nga kasi 'yong lalaki kagabi?" pangungulit ni DJ."Lasing kami pero hindi kami bulag," segunda naman ni Carlito. "'Wag mo kaming ginagawang tanga ka."Kanina
Tahimik kaming naglalakad sa MOA seaside. Kanina pa nga kami hindi nag-uusap simula noong nagbiro siya kanina. Nagulat lang talaga ako at hindi pa rin ako nakaka-recover hanggang ngayon."Kanina ka pa tahimik," puna niya. "Biro lang naman 'yong kanina," natatawa niya pang sabi.
"Bella!"Hindi ko mabilang kung pang-ilang sigaw na ni mama ito sa akin. Ayaw ko pa nga kasing bumangon. Gusto ko pa matulog.
Hindi pangkaraniwan ang lamig na sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng eroplano. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan ko, dahil narito ang puso ko.Ayaw ko nang magtanong lagi kung kumain na kaya siya? Nasa trabaho na ba?Nakakatulog ba siya nang maayos?Marami ba siyang ginagawa?I remembered the first time I noticed her inside my class. She was secretly taking a picture of me. Pasimple akong natawa pero hindi na iyon bago. Bawat klase na papasukan ko, may mga babaeng kulang na lang ay hubaran na ako sa paningin nila.Nasundan pa iyon ng ilan pang mga pangyayari. But the most unforgettable was when she presented something on a class. She was not the most outstanding, but she really caught my eyes. The way she talk about everything like she knew all of it very well.Plus she asked me the most remarkable question..."I did great, right?"Hinatak ko ang bagahe ko palabas ng airport. Agad kong nasulyapan ang kaibigang matagal ko
"Stop staring!" saway ko."Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga."Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki."Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci."You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko."Ang corny mo!" "I love you.""I love you more."Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop- dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo withinthe black tux. His hair is brushed
Have you ever stare at someone and all you feel is love and adoration?Iyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Habang abala siya sa pagmamando sa mga tauhan, ako naman ay abala sa paninitig sa kaniya. Ewan ko, nagising na lang ako na parang gusto ko siyang gawing keychain at titigan maghapon.Sa isang linggo na kasi ang bisita ng mga Lacson dito, kaya lahat kami ay may ginagawa. May mga tubo na inaayos, may mga ilaw na ikinakabit at kung anu-ano pa. Katatapos ko lang i- check lahat ng mga bisagra ng mga pintuan, kaya nakadungaw na lang ako kay Ricci habang kunot-noong nakikinig sa isang electric engineer.Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagbuka ng kaniyang mga labi. I can't get enough of him. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Para talagang model ang isang ito, eh. Too bad for his admirers, ako ang mahal niya."Hey, matunaw 'yan," untag ni Mitch.I was a bit starled, but I just made a face at her. Nang luming
Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh
Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok."Kain," nakangiting alok ni Mitch.Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong- malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko."Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain."Ganiyan talaga kapag natututukan."Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao."You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.Sinon
"Satisfied?" tanong ni Apple.Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking- lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon."Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya."Pauwiin mo."Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya! "So, what else do you want?"Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag
"Belle, pinatatawag ka na sa lobby.""Thanks, George."
Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila."Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."
I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo."Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.