"Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.
Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.
Mas malaki ang bahay namin dito sa Bulacan. Ang bake shop naman ay nasa kanto lang. Hindi kalakihan pero pwede na. Glass ang ibang bahagi at naka-centralized aircon din. Pagpasok mo sa loob, maaamoy mo ang masasarap na tinapay. Nakakagutom.
"Mag-merienda ka muna. Kainin mo itong paborito mo." Naglapag siya ng isang slice ng triple chocolate cake na gawa niya mismo. "Ang bilis nga mag-update noong taga-kabilang street. Masarap daw at irerekomenda niya sa mga kaibigan."
Ang bilis lumaki ng business. Nagdagdag na rin si mama ng dalawa pang baker. Ang dami kasing orders. Sinisiguro naman ni mama na nasusunod ang recipe niya. Hindi pwedeng mabago dahil perfectionist siya.
"Sulitin mo na ang weekends. Magpahinga ka. Sobrang haggard mo na," tukso ko.
"Maganda pa rin naman ako kahit anong mangyari," sabay irap niya. The audacity. "Kumain ka na lang diyan, check ko lang 'yong shop."
Simula noong matapos ang unang taon ko sa college, dito na ako namalagi sa Bulacan. Tumutulong ako sa shop kapag hapon. But most of the time, nasa loob lang ako ng bahay. Wala naman akong friends dito kaya hindi ako makagala.
Nagc-check ako ng updates sa page ng shop nang umilaw ang phone ko.
From Lesliana:
Kumpleto na mga grades. Baka gusto mong silipin.
Hindi ko kasi tinitingnan hangga't hindi kumpleto. Natatakot akong baka may bagsak ako. Hindi ko mae-enjoy ang bakasyon kung iyon ang laman ng isip ko. At kung sakaling sumabit man ako, at least, isang bagsakan na lang.
"Hello, girl. Kamusta?" bungad niya nang sagutin ang phone.
"Ayos lang. Kamusta ang grades? PL pa rin?"
"Oo," nahihiyang sabi niya. Humble to, eh. "Ikaw? Kailan mo bubuksan? Baka may bagsak ka, enrollment na ng mga may summer class ngayon."
Kinabahan ako bigla. Paano kaya kung may bagsak ako? Naku, sana naman wala. Kahit tres lang!
"Check ko na nga ngayon!" natataranta kong sabi.
"Okay, bye!" natatawa niyang sabi bago pinutol ang linya.
Inhale. Exhale. Relax. Hindi pa naman ako sigurado kung bagsak talaga pero kinakabahan na agad ako. Nakakatakot bumagsak. Nakakawala ng gana. Nakakahiya kay mama at papa.
"OMG!" sigaw ko nang makita ang grades. Agad kong tinawagan ulit si Les. "Les!"
"Oh, ano? Kamusta? Pasado ba?" sunud-sunod na tanong niya na para bang kinakabahan din siya para sa akin. "Hoy, ano na?" tanong niya ulit nang hindi ako magsalita agad.
"Pasang-awa," disappointed kong sabi.
I got tres. Close to failure. Medyo masakit pero ayos na rin kaysa sa hindi pasado. Pero masakit pa rin! Hindi pa ako nakakakuha ng ganito buong buhay ko. Ngayon pa lang.
"Iyan naman ang hiniling mo, ah?" biro niya, trying to light up the mood. "But at least, pasado! Ayos lang 'yan!"
Ang babaw naman ng luha ko. Ang saklap naman kasi talaga. Never akong nakakuha ng ganiyang grade noong elementary hanggang high school. Nakakahiya!
"Oh, nakasambakol 'yang mukha mo?" tanong ni mama habang nag-aayos ng pagkain sa lamesa.
Tumulong na lang ako sa ginagawa niya. "Wala."
"Ano nga 'yon?" pangungulit niya.
Kilala ko 'tong si mama, eh. Hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakakuha ng matinong sagot. Kaya wala akong choice kung hindi umamin.
"May tres akong grado," mahinang sabi ko.
Wala na nga akong tulong sa bahay, ganoon pa ang grade ko. Nakakahiya sa kanila ni papa. Pinagbigyan na nga ako mag-apartment para hindi ako mapagod, tapos ganito pa ang resulta.
"Ano ngayon?" nakapamaywang niyang tanong. "May ganiyan din ako noon. College ka na. Natural lang ang ganiyan. Marami ka pang—"
"Ibabagsak?" dugtong ko.
"Marami ka pang pagdaraanan. At kung bumagsak ka, ano naman? Hindi naman nabawasan ang pagkatao mo."
Niyakap ko lang siya. Naiyak ako lalo. Feeling ko kasi hindi nila deserve na mapakitaan ng ganoong klaseng grado. Gusto ko lagi silang masaya.
"Ako nga puro palakol, eh," singit ni James. "Masarap kaya mag-DOTA, hindi puro aral lang."
Nagtawanan na lang sila dahil sa narinig. Siraulo talagang bata ito. Matalino naman kaso nawiwili sa laro. Buti nga ngayon ay medyo umayos siya. Siguro dahil nagm-mature na ang isip.
"Kaya 'wag mo stress-in ang sarili mo sa pag-aaral," sabi ni papa. "Ayos lang din na maranasan mong bumaba. Mahirap kasi kapag lagi kang nasa taas. Wala kang matututunan. Hindi mo mararamdamang panalo ka kung hindi ka pa natatalo.
It made sense. I'm so blessed to have this family. Hindi mayaman pero masaya. Ang understanding ng parents ko.
Mabilis na nagdaan ang mga araw. Sobrang busy talaga namin ngayong bakasyon. Nag-aayos ako ng mga orders nang makatanggap muli ako ng text mula kay Les.
From: Lesliana
Gala tayo? Please!
Ano kayang problema nito? Usually kasi nasa bahay lang siya. Kung bored 'yon, baka nandoon siya sa boyfriend niya dahil magkalapit lang sila ng bahay.
To: Lesliana
When?
"Anak, paki-check nga ng mga feedbacks sa page. I-promote pa natin lalo," utos ni mama.
Hindi na siya magkandaugaga sa dami ng orders, kaya balak na naman niya magdagdag ng tauhan. Saka na lang daw kami magbakasyon, kapag stable na ang shop at kapag gamay na ng mga tauhan ang trabaho.
"Ang sarap ng mga cakes lalo na ang tripple chocolate. Order ako ulit sa susunod."
"Hindi masyadong sweet kaya hindi nakakaumay ang ensaymada."
"Hindi gawang hangin ang cheese bread at cheesy na cheesy."
Iyan ang mga kadalasang nakikita kong naka-tag sa page. Dapat lang puro positive! Sarap kaya ng mga gawa ni mama. Walang dudang dinadagsa ang bake shop ngayon.
From: Lesliana
Ngayon. Nasa apartment ako.
"Ma," natataranta kong tawag kay mama.
"Oh, bakit?"
"Kailangang kong umalis ngayon," sabi ko. "Manila."
"Kailan ka uuwi? Tanghali na. Doon ka na lang din matulog dahil baka gabihin ka."
See? Napakaluwang niya sa amin. Hindi siya nagbabawal. Grabe talaga ang tiwala nila sa amin ni James. Kaya lumaki akong alam ang limitasyon ko.
"Ma, you're the best," sabi ko. "Puro positive pala ang feedbacks. Congrats, Sweet Dreams baker slush owner!" At hinalikan ko siya sa noo.
Nagmamadali akong lumuwas ng Manila. Medyo mahaba ang bakasyon namin dahil sa August pa yata mag-uumpisa ang klase. Inaaya ko nga sila Callie mag-beach kaso mga busy sa family reunions and such. Wala silang lakas dahil ang exhausting daw ng family reunion, which is true.
"Kainin mo muna 'yan," sabi ko sabay lapag ng chocolate dream cake sa harap niya. "Nakakagaan ng loob ang chocolate kaya kumain ka muna."
Halata kasing hindi siya okay. The bags under her eyes already spoke to her. Ano kayang nangyari rito? Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Tiningnan niya akong mabuti. "Bar tayo?" habang walang ganang tinutusok-tusok ang cake sa harap niya.
"Madudurog 'yan. Kainin mo nang maayos," pag-iiba ko.
Hindi naman ako interesado sa mga bar na 'yan. Hindi pa nga ako nakakainom ng alak kahit isang beses, eh. Hindi dahil sa mabait ako, kung hindi dahil sa ayaw ko. Saka na lang siguro kapag kumikita na ako ng sarili kong pera.
"Gusto ko magpakalasing," naiiyak na sabi niya. "Hindi naman masama 'yon, ah?"
"I know."
"Porket umiinom, masamang tao na agad? Barumbado?"
I saw how her tears fell from her eyes, but it didn't make me agreed to her.
"Les, hindi naman gano'n. Alam mong hindi ako interesado sa ganiyan," mahina kong sabi.
Nakakahiya sa magulang ko kung pera nila ang pinanggagasta ko sa mga luho ko. Marami namang pwedeng gawin. But really, I'm not judging those people na laging laman ng inuman.
"Belle, nag-break na kami ni Edward," umiiyak niyang sabi. "Akala niya pinagpalit ko na siya. Hindi naman ako ganoong klaseng babae. Hindi ko naman siya niloko. Mali siya ng nakita."
Hinagod ko ang likod niya habang umiiyak siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. I never had a friend na umiyak dahil sa lalaki, o baka wala akong alam?
"Kahit anong paliwanag ko, hindi siya naniniwala. Hindi naman ako masama, eh. Mali siya nang nakita."
Niyakap ko lang siya. She looks broken or I must say, devastated. Parang kapag namali ka ng salita, mababasag siya nang tuluyan. Not that hindi pa siya basag ngayon.
"Hindi naman ako manloloko, eh," iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi hanggang sa makatulog siya sa sofa, dahil sa pagod kaiiyak.
Naaawa ako sa kaniya. She looks different. Ibang-iba sa masayahin at mapang-asar na Lesliana. Hindi niya rin naman ikinuwento ang buong nangyari at ayaw kong makialam.
Ang alam ko lang, mahal nila ang isa't isa. The way they looked at each other na parang walang tao sa paligid nila. Their eyes even sparkled when they saw each other. Kapag nagyayakapan sila na parang sa kanila lang umiikot ang mundo. Kapag magkahawak ang kamay nila na para bang may iniingatan silang kayamanan sa palad ng isa't isa.
Saksi ako sa lahat ng iyon kasi third wheel ako simula nang tumapak ako sa university. Saksi rin ako kung paano sila madurog. Nakita ko kung paano nila sirain ang isa't isa—kung paanong nagwakas sila na puro galit at lungkot lang ang nararamdaman.
Nakita ko kung paano gumuho ang haligi ng pagmamahalan nila. Halos hindi ko na makilala si Lesliana.
Ganoon ba talaga ang kapalit ng pagmamahal?
Ganoon ba kalupit ang balik ng saya?
Kung puro sakit ang lungkot lang din sa dulo, hindi ko maintindihan kung bakit nagmamahal pa rin ang mga tao.
Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Busy kasi sa shop sila mama. Sobrang hands-on sila ni papa sa bake shop kaya kami ni ate Linda at James ang naiiwan sa bahay para mag-check ng feedbacks. Wala na akong ibang magawa bukod sa mag-browse ng social media accounts ko. Gusto ko na nga lang lumuwas sa Manila at ayain sila Avery mag-swimming, para naman may ganap kami ngayong bakasyon.At timing naman ang
"Anong gusto mong inumin, Belle Amethyst? Pa-virgin ka na naman diyan," tukso ni DJ. "Iiyak ka na naman kapag inabutan ka ng alak, eh."
"Sino nga kasi 'yong lalaki kagabi?" pangungulit ni DJ."Lasing kami pero hindi kami bulag," segunda naman ni Carlito. "'Wag mo kaming ginagawang tanga ka."Kanina
Tahimik kaming naglalakad sa MOA seaside. Kanina pa nga kami hindi nag-uusap simula noong nagbiro siya kanina. Nagulat lang talaga ako at hindi pa rin ako nakaka-recover hanggang ngayon."Kanina ka pa tahimik," puna niya. "Biro lang naman 'yong kanina," natatawa niya pang sabi.
"Bella!"Hindi ko mabilang kung pang-ilang sigaw na ni mama ito sa akin. Ayaw ko pa nga kasing bumangon. Gusto ko pa matulog.
Bakit kaya 'yong mga gusto natin, hindi tayo gusto?
Mabilis lang ang panahon kapag naghahabol ka sa oras. Kaya hindi dapat sinasayang ang bawat segundo. Mahalaga ang bawat galaw ng orasan. Kapag may oportunidad, kunin mo na agad.
The next day, he bombarded me with lots of messages, asking me if I would be available the next days. I was surprised with his sudden change, but I didn't mind.What made him change his mind? I thought he didn't want to date someone younger than him? I couldn't fully appreciate his efforts, but he made my heart soft, once again.
Hindi pangkaraniwan ang lamig na sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng eroplano. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan ko, dahil narito ang puso ko.Ayaw ko nang magtanong lagi kung kumain na kaya siya? Nasa trabaho na ba?Nakakatulog ba siya nang maayos?Marami ba siyang ginagawa?I remembered the first time I noticed her inside my class. She was secretly taking a picture of me. Pasimple akong natawa pero hindi na iyon bago. Bawat klase na papasukan ko, may mga babaeng kulang na lang ay hubaran na ako sa paningin nila.Nasundan pa iyon ng ilan pang mga pangyayari. But the most unforgettable was when she presented something on a class. She was not the most outstanding, but she really caught my eyes. The way she talk about everything like she knew all of it very well.Plus she asked me the most remarkable question..."I did great, right?"Hinatak ko ang bagahe ko palabas ng airport. Agad kong nasulyapan ang kaibigang matagal ko
"Stop staring!" saway ko."Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga."Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki."Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci."You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko."Ang corny mo!" "I love you.""I love you more."Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop- dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo withinthe black tux. His hair is brushed
Have you ever stare at someone and all you feel is love and adoration?Iyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Habang abala siya sa pagmamando sa mga tauhan, ako naman ay abala sa paninitig sa kaniya. Ewan ko, nagising na lang ako na parang gusto ko siyang gawing keychain at titigan maghapon.Sa isang linggo na kasi ang bisita ng mga Lacson dito, kaya lahat kami ay may ginagawa. May mga tubo na inaayos, may mga ilaw na ikinakabit at kung anu-ano pa. Katatapos ko lang i- check lahat ng mga bisagra ng mga pintuan, kaya nakadungaw na lang ako kay Ricci habang kunot-noong nakikinig sa isang electric engineer.Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagbuka ng kaniyang mga labi. I can't get enough of him. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Para talagang model ang isang ito, eh. Too bad for his admirers, ako ang mahal niya."Hey, matunaw 'yan," untag ni Mitch.I was a bit starled, but I just made a face at her. Nang luming
Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh
Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok."Kain," nakangiting alok ni Mitch.Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong- malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko."Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain."Ganiyan talaga kapag natututukan."Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao."You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.Sinon
"Satisfied?" tanong ni Apple.Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking- lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon."Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya."Pauwiin mo."Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya! "So, what else do you want?"Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag
"Belle, pinatatawag ka na sa lobby.""Thanks, George."
Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila."Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."
I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo."Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.