"Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.
Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?
Kinakabahan akong tumayo. "Yes, Sir?"
Bakit hindi man lang siya nagsabi? Grabe naman. I'm not prepared. Ayaw ko pa namang bumagsak. Ilalaban ako sa giyera na wala akong dalang sandata.
Sir naman.
"You can do it. 'Wag ka kabahan," sabi ni Les na nasa tabi ko lang.
Sinong hindi kakabahan dito? Susme, parang lalabas na sa dibdib ang puso ko. Ano na lang ang isasagot ko? Baka magkalat lang ako.
"Relax. Hindi ka makakasagot kung kabado ka," bulong niya.
"What is more flexible? Cast iron pipes or PVC? And why?" tanong ni Sir habang nakatitig sa mga mata ko.
Tumitig din ako. Hindi ako papatalo kaso ang hirap ng tanong pero sigurado naman akong nabasa ko 'yon. Kahit papaano, may tumatak sa isip ko.
Bakit ganiyan ka, Sir?
Mahigpit kong piniga ang laylayan ng denim short ko. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Uhm, according to what I've read, PVC is more flexible than cast iron," I recalled. "...which is heat resistant. Though it is brittle, it may break when strong trauma is applied. However, PVC can stand such forces without even breaking," I proudly said kahit kabang-kaba ako.
Hindi ako mapakali dahil hindi rin ako sigurado sa sinasabi ko. Mabuti na lang na-retain sa utak ko ang itsura ng PVC pipe at cast iron na sinasabi niya.
"Is that all, Ms. Engracia?" kunot-noong tanong niya.
Hindi ka pa satisfied sa paliwanag ko? Dami na noon, ah? Wala bang sense?
"T-thus, cast iron pipes may have rusty and becomes breakable as time passed. That explains why PVC is more flexible than cast iron," dugtong ko.
"Okay," he simply said. "Marco."
"Sir," sabi ni Arnold na halatang ready.
At dahil nakapagbasa na sila, mas handa sila kaysa sa akin. Minsan na lang talaga mabunot, sa recitation pa. Noong college week, hindi man lang ako nabunot sa kahit anong raffle. Ang malas. Pero kapag sa recit, unang bunot pa lang, ako na agad.
Nag-thumbs up si Joy sa 'kin. "Galing mo," bulong niya.
"Hindi nga ako sure sa sagot ko, eh," nakasimangot kong sabi.
"Tama ka. Nabasa ko 'yan kanina," sabat ni Les.
"Bakit hindi mo sinabing may recitation?" inis kong tanong.
"Duh, I don't know either. Nag-advance study lang ako," she answered. "Puro kain kasi nasa isip mo."
Oo nga pala. Masipag nga pala siya mag-aral. Makikita mo sa apartment nagbabasa sa sofa. Past time niya na talaga ang mag-aral, samantalang ako, sa sobrang stressed, puro pagkain lang ang inatupag ko nitong mga nagdaang linggo.
Napasimangot ako kasi hindi ko alam kung paano sipagin ng kagaya sa kaniya. "Paano ka ba sinisipag?"
"Nakakapagbasa ka nga ng mga libro ni Nicholas Sparks, tapos 'yong notes mong isang page lang, hindi mo pa matapos," mahabang litanya niya. "Tamad."
"Che! Iba naman ang novel–"
"Shh, hindi pa ako natatawag," sabay harang ng libro sa mukha ko. "Tahimik."
Hindi ko na lang siya ginulo. Baka magalit kapag hindi nakasagot, eh. Iyakin pa naman 'to. Pero buti grade conscious siya, nakakadamay ako sa pag-asenso.
Tulala lang ako buong oras kasi ako unang natawag. Pinanood ko lang kung paano sila kabahan. Wala na akong interes sa mga sagot nila, dahil inaantok na 'ko. Grabe, gusto ko na umuwi. Ayaw ko talaga sa night class. Nakakawala ng ganda.
"Ok, next meeting will be our last meeting. Final exam niyo kaya pumasok kayo. Class dismiss," sabi ni Sir at nauna pang lumabas.
"Okay naman ang recit ko kanina, 'di ba?"
Kita mo 'tong hangal na 'to. Nakapagbasa na't lahat, hindi pa na-satisfy. Ako nga nanghula lang ng sagot, eh. Ayaw ko na ring pag-usapan kung anong nangyari para hindi ako mabaliw kaiisip.
"Lahat naman ng sinabi mo ay tama," sabi ni Callie sa kaniya. "Okay na okay, Les."
"Nakalimutan ko 'yong sa size ng tubo," sabi ni Joy.
"Okay lang 'yan. Bawi sa exam," sabat si Jes bago nagpaalam na uuwi na.
Dumiretso na rin kami sa apartment. Buti na lang at nagluto na kami kanina. Bukas ng umaga na lang ako magr-review para sa Chem. Kumain lang kami at natulog na ako, si Les—'yon, subsob sa libro!
Isang linggo na lang naman at end of semester na. Kaunting kembot na lang talaga, makakatulog na ako nang mapayapa—tipong walang pag-aalala kung maipapasa mo ba ang exam o hindi.
Sa college kasi, hindi pwede ang pwede na. Dapat pwede pa! Kung lagi kang tatamarin at mangongopya, hindi ka matututo.
"Balitaan ko na lang kayo kung sinong magre-remedial at hindi. Goodbye, engineers," paalam ni Sir at lumabas na.
Hell, ang hirap ng exam! Buti na lang pasado ako sa dalawa. Potek, bakit ba kasi hindi ako nagising sa alarm? Nasabi ko na bang ang malas ko kapag may exam sa Chem?
"Mukhang babagsak ako," sabi ni Callie. "I can't! Magagalit si mommy."
Pareho kami ng standing. Hindi namin naipasa ang una kaya ewan ko na lang talaga. Kung saan man galing ang mga nakalagay sa exam ni Sir, wala kaming ideya.
"Think positive. Papasa tayo!" pagc-cheer si Les.
Palibhasa kasi stable siya sa lahat. Naku naman! Ang malas ko talaga lagi kapag may exam. Lagi akong pumapalpak. Ano bang Chemistry 'to? May galit yata sa akin.
"Ikaw, Belle Amethyst, tulog pa more," asar niya habang paalis kami ng room.
"Belle, gising na. May exam pa tayo ngayon," tawag ni Les habang kumakatok.
Dali-dali akong bumangon at tiningnan ang oras. Alas-siete na. Hala, 7:30 ang klase. Chem pa naman 'yon. Pasado ako sa nakaraang exam at dapat maipasa ko rin itong ngayon. Dahil kung hindi, paniguradong lagapak ako.
Dumiretso na agad ako sa banyo at mabilisang naligo. Mukhang kakapusin ako sa oras. Bagal ko pa naman kumilos.
"Kumain ka muna bago tayo umalis." Nakaupo siya sa sofa habang nagbabasa ng notes. "R-review-hin kita habang kumakain. Mal-late daw si Sir. Baka alas-otso y media na raw makarating."
"Buti naman. Umpisahan mo na," atat kong sabi.
Kumakain ako habang siya naman ay nagtatanong ng kung anu-ano. Sinasagot ko naman nang maayos.
"Ito namang mga formulas. I-breakdown natin," sabi niya habang nagsusulat. "Kapag ang delta G is at standard condition, anong formula ang gagamitin?"
"AGAHTAS!" nae-excite kong sabi. Iyon lang alam ko, eh. "Which means delta G system is equal to delta H system minus temperature times delta S system."
"How to get delta H system?"
Nag-isip ako pero hindi ko matandaan talaga, kaya naman ipinaliwanag niya. Nakuha ko naman agad. Dami kasing pasikot-sikot.
"Delta H system is greater than zero, spontaneous or not?"
"Non-spontaneous," I replied.
"Mukha namang ok ka na. Tara na," sabi niya at nauna nang lumabas. "Kailangan mo lang tandaan 'yong mga formulas. Importante ring alam mo ang pasikot-sikot," paalala niya.
"Yes, ma."
Nadaanan namin ang mga nag-iiyakang accountancy students sa hallway habang pababa kami ng building. Nagmistulang punerarya and paligid. Hindi siguro nakaabot sa retention. Wala pa namang awang nagaganap sa university na ito, kaya nakakaiyak talaga. Kapag bagsak ka, bagsak ka talaga. No mercy. Shift course ka na lang kung gusto mong manatili.
"You did great!"
"Kulang ako sa aral. No need to justify my fault," sabi ko kay Les dahil binili niya ako ng ice cream. "Makakapasa naman siguro ako. Kahit tres lang sana.
"That's for sure! Pero sayang latin honor kung tres."
"Bahala na. Basta makapasa, ayos na 'yon." Ayos lang iyon.
"Kainin mo na 'yang favorite mong cookies na may ice cream tapos mag-aaral tayo dahil final exam sa Surveying mamaya," sabi niya habang naglalabas ng gamit.
Mabilis na nagbago ang timpla ko. Na-excite ako bigla. Makikita ko na naman si Sir! Kinikilig na agad ako. Inspired ako kaya masaya akong nag-aral. Dapat ako ang highest dito. Pabida lang. Syempre para mapansin!
"Sakit sa mata!" reklamo ni Les sa tabi ko.
Nanatili lang ang mata ko sa libro at sa notes ko. Kailangan kong maintindihan lahat para hindi ako mangulelat. Kapag hindi matalino, edi daanin sa sipag!
"Belle, paano nga itong stadia distance?" tanong ni Joy.
"KS+C," sagot ko.
"Ano 'yon?"
Binalingan ko siya saka itinuro. "Itong interval im-multiply mo sa S—which is upper minus lower. Iyong product, add mo lang sa constant. Gets?"
"Gets!" nakangiti niyang sabi.
"Bago 'yan, ah?" puna ni Lesliana.
"Alin?"
"Aral na aral ka."
"Girl, hindi sapat ang ganda lang. Dapat may..." saka itinuro ang ulo.
"Nice—"
"Nandiyan na si Sir, guys!" sigaw ni Eric kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.
Ako naman tahimik lang na nakaupo habang nir-recall ang mga ni-review ko kanina. Confident naman akong maipapasa ko ito, nag-aral ako nang mabuti, eh.
"May I remind you, this will be your final exam. Galingan niyo dahil wala nang paraan para bumawi kung maibabagsak niyo man ito," sabi niya.
Nalungkot ako bigla. Last meeting na pala namin. Paano kaya 'yon? Hindi ko na siya makikita. Imbes na exam lang ang problemahin ko, dumagdag pa ito.
Sinagutan ko na lang ang mga tanong. Nahihilo na ako sa mga numero. Usually kasi kapag engineering, hindi na masyadong pinapansin ang mga terms. Pinagtutuunan talaga ng pansin ang formulas. Kung paano kunin ang ganito, paano kung ang ganiyan. Mahirap na mamali ng calculations, makakapatay ka ng tao. Sobrang halaga ng accuracy sa kursong ito.
"Last 30 minutes."
"Hala, Sir!"
"Naku naman."
"Ang hirap!"
Samu't saring reaksiyon ang natanggap ni Sir mula sa mga kaklase ko. Pero dahil nga snob siya, hindi niya kami pinansin. Tsk.
Ang hirap niya magpa-exam. Nakalimutan ko pa 'yong sa sag correction. Potek, ano ba namang buhay 'to? Nag-aral ka na't lahat, nakakalimutan mo pa rin. Nakaka-stress!
"Ok, get your notes. Last ten minutes," sabi niya na nagpakinang sa mga mata namin.
"Yooown!" sigaw ng mga kaklase ko habang maingay na naglalabas ng notes.
Tuwang tuwa ang mga gunggong. Syempre, ako rin. Buti naman at may awa pala siya. Mabilis kong hinalughog ang notes ko. Buti naman, natapos ko at nasagutan lahat.
"Time's up. Pass your papers to Ms. Engracia. You may now leave the room."
Ha? Ako? Bakit ako?
Kinalabit ako ni Les sabay sabing, "Hoy, babae, ikaw daw."
Napaawang ang labi ko. Magkahalong gulat at tuwa ang gumapang sa sistema ko. Kunot-noo ko lang na kinolekta ang mga papel nila.
"Congrats," sabi nila.
Parang mga tanga. Pero sige na nga, kinikilig ako. Syempre, hindi ako nagpahalata. Mahirap na. Ayaw kong magkalat at mapahiya.
Kami na lang ang tao sa room dahil nagsilabasan na ang lahat. Binulungan lang ako ni Les na mauuna na siya dahil mukhang may pag-uusapan pa raw kami ni Sir. Ano naman kaya 'yon? Siraulo.
"Sir," tawag ko sabay bigay ng mga papel. "Una na po ako," paalam ko.
"Sit down," utos niya kaya wala rin akong nagawa. Nag-check siya ng isang papel.
Clueless ang mukha ko habang nakatitig sa kaniya. "You need something, Sir?" lakas-loob kong usisa.
Ano namang kailangan mo sa 'kin? Duh. Pinakikilig mo na naman ako.
"Check the papers."
"Sige po," sabay kuha ng mga papel sa lamesa. "I'll give it to you next week, Sir, or e-mail ko na lang po?"
"Nah, last meeting na 'to. Do it right here, right now... in front of me," sabi niya at nag-check pa ng ibang papel.
Pinagpawisan ako nang malamig. Okay. Anong problema ng isang 'to? Bakit ako? Alam niya bang gusto ko siya kaya pinagbibigyan niya ako?
Wala rin naman akong magagawa kaya nagsimula na ako. As if namang hindi ko ito gusto. Inaamin kong kinikilig din ako. Syempre, si Sir Cy 'yan! Kahit may chance na tumanggi, hindi ko tatanggihan. Palay na ang lumalapit. Choosy pa ba?
Busy siya sa pagc-check kaya kinuhanan ko siya ng pictures. Last meeting na 'to. Bigla tuloy akong nalungkot. Bagalan ko kaya mag-check para matagal kami rito?
"Sir, may girlfriend ka po ba?" tanong ko kasi ang tahimik namin.
Nakakabingi. Socially awkward pa naman ako. Madali akong mautal at maging clumsy kapag hindi ako komportable.
"Wala," simpleng sagot niya.
Halatang ayaw niya makipag-usap. Pero dahil nga makulit akong tao, tinatadtad ko siya ng tanong.
"Nice," bulong ko.
"What?" kunot-noong tanong niya.
"Po? Wala po talaga?" pagkukunwari ko, hindi nakatakas ang saya sa boses ko. "I mean, Sir, sa gwapo niyo pong 'yan, wala? Engineer pa tapos ayos naman ang katawan, matangkad, singkit, matangos ang ilong, kissable lips—" naputol ang sasabihin ko dahil nag-angat siya ng tingin.
"Kissable lips," he echoed.
"S-sir, ibig ko pong sabihin, ano... bakit wala?" nauutal kong tanong.
Susme, ano ba namang klaseng dila 'to? Matabil masyado. Nakakadisgrasya!
"Simply because I am my lola's baby boy," nakangiting sagot niya. "Bawal pa ako magka-girlfriend."
Ang gwapo! Susme, Sir, 'wag ka nga ngumiti.
"Sayang naman, Sir," madrama kong sabi.
"May boyfriend?"
Uy, interesado sa 'kin. Kinikilig na naman ako. Ang landi! Natutuwa ako sa takbo ng pag-uusap namin. Pakiramdam ko, may chance kami.
"Wala po since birth."
"Sa ganda mong 'yan?" he taunted.
"Wala nga po," sabay lagay ng buhok sa tainga ko. Ang pabebe pero nakakaaliw talaga.
Natawa lang siya. "Manliligaw?"
"Wala rin, Sir," I answered.
Tapos na akong mag-check pero ayaw ko pang magpaalam. Kung kailan huli na, saka pa kami nagkaroon ng conversation.
"What is it?" tanong niya.
Naramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kaniya, kaya dahan-dahan akong tumayo.
"Sir, tapos na po," saka inilapag sa mesa ang mga papel.
"Thank you," he politely said.
"Welcome po."
Nalungkot ako bigla dahil hindi na kami magkikita ulit. Sumabay na lang ako sa kaniya palabas. Ito na yata ang huling sandali.
Nakatitig lang siya sa akin kaya naghihintay ako ng sasabihin niya.
'Wag ka ngang ganiyan! Baka isama kita sa pag-uwi.
"See you around," sabi niya at saka umalis. Diretso ang lakad niya at walang lingon-lingon.
"Hanggang sa muli," mahinang sabi ko.
Hindi na rin siguro niya narinig dahil nakaalis na siya. Sana magkita ulit kami. By chance.
See you around, my prof.
"Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.
Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Busy kasi sa shop sila mama. Sobrang hands-on sila ni papa sa bake shop kaya kami ni ate Linda at James ang naiiwan sa bahay para mag-check ng feedbacks. Wala na akong ibang magawa bukod sa mag-browse ng social media accounts ko. Gusto ko na nga lang lumuwas sa Manila at ayain sila Avery mag-swimming, para naman may ganap kami ngayong bakasyon.At timing naman ang
"Anong gusto mong inumin, Belle Amethyst? Pa-virgin ka na naman diyan," tukso ni DJ. "Iiyak ka na naman kapag inabutan ka ng alak, eh."
"Sino nga kasi 'yong lalaki kagabi?" pangungulit ni DJ."Lasing kami pero hindi kami bulag," segunda naman ni Carlito. "'Wag mo kaming ginagawang tanga ka."Kanina
Tahimik kaming naglalakad sa MOA seaside. Kanina pa nga kami hindi nag-uusap simula noong nagbiro siya kanina. Nagulat lang talaga ako at hindi pa rin ako nakaka-recover hanggang ngayon."Kanina ka pa tahimik," puna niya. "Biro lang naman 'yong kanina," natatawa niya pang sabi.
"Bella!"Hindi ko mabilang kung pang-ilang sigaw na ni mama ito sa akin. Ayaw ko pa nga kasing bumangon. Gusto ko pa matulog.
Bakit kaya 'yong mga gusto natin, hindi tayo gusto?
Mabilis lang ang panahon kapag naghahabol ka sa oras. Kaya hindi dapat sinasayang ang bawat segundo. Mahalaga ang bawat galaw ng orasan. Kapag may oportunidad, kunin mo na agad.
Hindi pangkaraniwan ang lamig na sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng eroplano. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan ko, dahil narito ang puso ko.Ayaw ko nang magtanong lagi kung kumain na kaya siya? Nasa trabaho na ba?Nakakatulog ba siya nang maayos?Marami ba siyang ginagawa?I remembered the first time I noticed her inside my class. She was secretly taking a picture of me. Pasimple akong natawa pero hindi na iyon bago. Bawat klase na papasukan ko, may mga babaeng kulang na lang ay hubaran na ako sa paningin nila.Nasundan pa iyon ng ilan pang mga pangyayari. But the most unforgettable was when she presented something on a class. She was not the most outstanding, but she really caught my eyes. The way she talk about everything like she knew all of it very well.Plus she asked me the most remarkable question..."I did great, right?"Hinatak ko ang bagahe ko palabas ng airport. Agad kong nasulyapan ang kaibigang matagal ko
"Stop staring!" saway ko."Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga."Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki."Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci."You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko."Ang corny mo!" "I love you.""I love you more."Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop- dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo withinthe black tux. His hair is brushed
Have you ever stare at someone and all you feel is love and adoration?Iyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Habang abala siya sa pagmamando sa mga tauhan, ako naman ay abala sa paninitig sa kaniya. Ewan ko, nagising na lang ako na parang gusto ko siyang gawing keychain at titigan maghapon.Sa isang linggo na kasi ang bisita ng mga Lacson dito, kaya lahat kami ay may ginagawa. May mga tubo na inaayos, may mga ilaw na ikinakabit at kung anu-ano pa. Katatapos ko lang i- check lahat ng mga bisagra ng mga pintuan, kaya nakadungaw na lang ako kay Ricci habang kunot-noong nakikinig sa isang electric engineer.Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagbuka ng kaniyang mga labi. I can't get enough of him. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Para talagang model ang isang ito, eh. Too bad for his admirers, ako ang mahal niya."Hey, matunaw 'yan," untag ni Mitch.I was a bit starled, but I just made a face at her. Nang luming
Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh
Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok."Kain," nakangiting alok ni Mitch.Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong- malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko."Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain."Ganiyan talaga kapag natututukan."Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao."You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.Sinon
"Satisfied?" tanong ni Apple.Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking- lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon."Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya."Pauwiin mo."Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya! "So, what else do you want?"Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag
"Belle, pinatatawag ka na sa lobby.""Thanks, George."
Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila."Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."
I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo."Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.