Home / All / Glimmer of Hope / CHAPTER 6

Share

CHAPTER 6

Author: Mayayeeeh
last update Last Updated: 2020-09-24 19:33:27

"James, may doughnut sa ref. Baka gusto mo kumain?" tanong ko.

Alas-tres na kasi at kauuwi niya lang galing school, naka-uniform pa. Mukhang wala siya sa hulog para magsalita. Pagod siguro.

"O gusto mo ba magpa-deliver ako ng milktea?" pangungulit ko pa.

"Sige!"

Biglang nagliwanag ang masungit niyang mukha. Itong bata na ito, parang pinaglihi sa sama ng loob. Laging masungit. Nakasimangot lagi ang mukha.

Nagpa-deliver ako habang nagbibihis pa siya sa taas. Nakakatuwa rin ang batang 'yon. May sense of leadership. Lagi ring overtime sa school dahil may meetings, duties and what-so-ever. Buti na rin at naging active siya. Ganoon din naman ako dati. Mahiyain kasi siya kaya mabuti na ring natututo na siyang makipag-interact sa iba. Lagi kasing pc lang ang kaharap. DOTA, LOL, mga ganoon ang alam niya dati, pero ngayon, kahit puso yata ng babae ay nilalaro niya na.

"Malapit ka na lumipat ng school. Maiiwan dito ang mga friends mo o gusto mo ba, dito ka na lang tumira?" usisa ko.

"Sabi ni mama, sa Bulacan na lang daw," he simply said.

"Mahirap mag-adjust. Pag-isipan mo ring mabuti. Wala namang titira rito kapag umalis ka. Papayagan ka naman no'n kung gusto mo rito. Uuwi na lang ako kapag walang pasok."

He just shrugged. Junior high school pa lang siya kaya mahirap din siguro para sa kaniya. Saka baka agiwin ang bahay kapag walang tumira. Sayang naman.

"Bella, 'yong mga kaibigan mo nasa labas," sabi ni ate Linda.

Ha? Anong mayroon? Hindi ko naman sila inimbita. Hindi rin sila nagsabi. Mga sabog talaga ang mga iyon.

"Surprise!" salubong nila.

Napasimangot na lang ako. Hindi man lang nagsabi itong mga tangang ito. Bigla na lang sumusulpot.

"Bakit kayo nandito? Kabute ba kayo?" tanong ko.

"Wow, hindi ka ba masaya? Aalis na kayo rito, 'di ba? Sulitin na natin saka we need to unwind," sabi ni Lassie sabay pasok sa loob. "Nakaka-stress ang acads."

Sinabi ko bang pumasok sila? Trespassing! At kung makaupo sa sofa, parang kanila ang bahay.

"Nasaan 'yong iba?" tanong ko.

"Si Bia busy, si Allen hindi nagcha-chat, si Carlito may ganap sa school, si Bimby nasa work, si Sol bawal daw," mahabang litanya ni Avery.

"Hindi kayo nagsabi. Wala akong food sa ref."

"May pizza naman kaming dala at saka ice cream. Nagpa-deliver na rin ako ng carbonarra pati milktea rito para sa atin. Parating na 'yon," sabi ni DJ. Ang galante talaga nito. Walang dudang siya ang pinakamagastos sa aming lahat. "At saka buong January at February kang hindi nagparamdam. Puro ka seen sa gc."

"Busy ako. Mahirap na, baka bumagsak. Pare-pareho lang tayong iskolar ng bayan dito."

Inubos lang namin ang oras sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano. Bihira lang din kami magkita dahil college na kami. Busy sa school at paglalandi 'yong iba. Magkakaiba rin kami ng kursong kinukuha at school na pinapasukan.  Hindi naman sila interesado sa Engineering, ganoon din ako sa Education. Some of them took Business Ad and Accountancy.

"Kamusta naman sa school niyo, DJ? Maraming masarap?" tanong ni Peter.

Siraulong 'to. Masarap daw?

"Oo naman, 'te! Dami ngang naghahabol sa 'kin doon, eh," pagmamayabang niya.

"Baklang 'to! Ang harot mo. Nakita ko may nag-confess sa 'yo sa secret files ng school niyo," sabi ko.

Nagugulat ako sa impluwensyang bitbit ng baklang maharot na 'to. Ang sakit sa ulo. Dami niya raw manliligaw.

"Hindi ko naman bet 'yon!" He just rolled his eyes.

"Patingin ng picture nang mahusgahan. Baka mayroon ka," sabi ni Echo.

Ipinakita niya sa amin ang naka-save na picture ng lalaki sa phone niya. Nahirapan pa siyang maghanap dahil sa daming lalaki sa gallery. Napakaharot talaga mula noon hanggang ngayon. Ang hilig sa gwapong wala namang talento o ano. Basta dalawa ang ulo, palag-palag na.

"'Teh, ang sarap!" tili ni Peter.

Kinurot naman siya ni Avery sa tagiliran, "Hoy! May girlfriend ka!"

Nagulat kami sa sinabi ni Avery at sabay-sabay pa kaming napatingin. Ang baklang ito, may girlfriend?

"Totoo ba?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lassie.

"Patay tayo diyan," si Echo na natatawa.

"Mayroon! Pakita ko sa inyo," sabay labas ng phone niya. "Kaklase namin ni Avery. Matalino 'yan. Siya rin ang host noong English Week."

"Ay, talaga? Hindi ko napansin," sabi ni Lassie. "Paano mo nabingwit 'yan? Ang ganda, ha."

"Na-fall sa 'kin, eh," mayabang niyang sabi.

Napairap na lang kami sa lumabas sa bibig niya. Yuck. Sa bagay, ang tamis niya magsalita.

"Ang gwapo ng dean sa College of Education," sabi ni Avery. "Crush ko si Dean."

Tahimik lang ako sa gilid dahil mahirap na magkwento. Baka madisgrasya. But, oh, I must be normal! Sa prof lang ako nagkagusto, hindi sa Dean. Too old.

"Totoo. Nakikita ko kapag napapadaan ako sa building niyo," segunda ni Lassie.

"Pero sino talagang nilalandi mo ngayon, DJ?" pag-iiba ko.

I'm not comfortable with the topic. Baka madulas ako at masabing gusto ko 'yong prof namin sa Surveying. Mahirap na talaga. Maingay pa naman sila. Baka bigla akong mapag-trip-an.

"Mamaya na natin pag-usapan. You know what? Punta tayo sa STI? May bagong coffee shop doon saka hanap tayo pogi."

"Gabi na. May pasok pa bukas," sabi ko.

"Saglit lang. Libre naman ni DJ," sabay kindat ni Lassie.

"Ay, sige! Tara na," sabi ko at nauna pang lumabas.

"Hoy, 'yong kalat natin. Bruha ka, basta libre mabilis!" sabi ni Peter.

Itong si Peter akala ko boyfriend ang gusto. Sa sobrang lambot niya, akala mo hindi nagkakagusto sa babae.

Niligpit na lang nila ang mga pinagkainan namin. Bahay naman namin ito kaya sila na bahala sa kalat. Pumayag na rin ako sa gusto ni DJ dahil gusto ko rin naman lumabas. Buti nag-aya sila, para kahit papaano, maibsan ang stress ko.

"Order na kayo. Sagot ko."

"Galante naman. Mukhang may haharutin ka rito, ah?" natatawang sabi ni Bri. "Sino diyan? Ituro mo."

Mukha ngang mayroon. Hindi naman nag-aaya si DJ kung wala. Kinakaladkad niya lang kami sa kung saan basta may kaharutan siyang gagawin. Sanay na rin kami sa mga biglaang gala dahil sa kaniya.

Naglaro kami ng mga board game at kung ano pa roon. Nagtatawanan pa kami kasi ilang beses natumba ni DJ ang Jenga. Distracted yata sa mga taga-STI at UE. Hindi naman kagwapuhan. Parang tanga 'to. Tsk.

May malanding tawa kaming narinig mula sa kabilang table kaya sabay-sabay kaming napatingin. Saglit lang sila sumulyap, samantalang parang naiwan ang mata ko sa kanila. Halos sumabog ang dibdib ko sa kaba o sa kilig. Ewan!

I saw Sir Cy with another girl. Iba sa kasama niya last time. Dami namang babae nito.

"Fudge."

"Kilala mo?" tanong ni Peter.

"Ha?"

Umiwas ako ng tingin. Napatingin din sila sa tinitingnan ko kanina. Nanlamig ako sa paraan ng pagtingin nila sa akin.

"Hindi. Ang ingay lang," I answered.

Seryoso ka ba, Cy? Nagpakita ka na naman. At may babae na naman!

"Sus, gwapo naman. Parang may puso sa mata mo, oh. Landi," DJ said and rolled his eyes.

"Hindi ko nga kilala. Ang landi lang ng tawa. Parang kinukurot sa singit," sabay irap ko sa kaniya.

Totoo naman. Sagwa kaya pakinggan ng tawa niya. Parang—ah, basta!

"Hula ko nasa mid-20's 'yan," Echo said.

"So?" kunwaring sabi ko na parang hindi interesado.

"Landiin mo na, dali. Hingin mo number," natatawang sabi ni Lassie.

"Utot. Mag-break sana kayong dalawa." Padabog akong tumayo kaya napatingin sila sa amin. "Uwi na tayo."

"Uy, mas bet ang matanda," malakas na asar ni DJ na paniguradong narinig ng lahat ng nasa café.

Hindi na ako lumingon kasi nakakahiya. Nagtatawanan sila habang nakasunod sa 'kin. Mga hayop! Pagtulungan man daw ba ako. Parang sinabi nila na naghahanap ako ng sugar daddy.

"Duh, never."

"Never ka pa diyan. Balitaan mo kami, ha? Sa paraan ng tinginan niyo kanina, mukhang magkakilala kayo."

"Stop, Lassie. Hindi ako mahilig sa babaero lalo na sa professor," inis na sabi ko.

They remained silent for few seconds and I realized what I've said. Ok, my tongue! I want to cut it.

"Look, I don't like him," I defended but it seems like they wouldn't believe me.

"Sure, Belle Amethyst Engracia," Avery said and smiled sweetly. "You're not a good actress."

What the fudge?

Maling-mali talaga na sumama ako sa kanila. Imbes na mabawasan ang stress ko, nadagdagan pa yata.

Related chapters

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 7

    "Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 8

    "Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 9

    Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Busy kasi sa shop sila mama. Sobrang hands-on sila ni papa sa bake shop kaya kami ni ate Linda at James ang naiiwan sa bahay para mag-check ng feedbacks. Wala na akong ibang magawa bukod sa mag-browse ng social media accounts ko. Gusto ko na nga lang lumuwas sa Manila at ayain sila Avery mag-swimming, para naman may ganap kami ngayong bakasyon.At timing naman ang

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 10

    "Anong gusto mong inumin, Belle Amethyst? Pa-virgin ka na naman diyan," tukso ni DJ. "Iiyak ka na naman kapag inabutan ka ng alak, eh."

    Last Updated : 2020-09-29
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 11

    "Sino nga kasi 'yong lalaki kagabi?" pangungulit ni DJ."Lasing kami pero hindi kami bulag," segunda naman ni Carlito. "'Wag mo kaming ginagawang tanga ka."Kanina

    Last Updated : 2020-09-29
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 12

    Tahimik kaming naglalakad sa MOA seaside. Kanina pa nga kami hindi nag-uusap simula noong nagbiro siya kanina. Nagulat lang talaga ako at hindi pa rin ako nakaka-recover hanggang ngayon."Kanina ka pa tahimik," puna niya. "Biro lang naman 'yong kanina," natatawa niya pang sabi.

    Last Updated : 2020-10-01
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 13

    "Bella!"Hindi ko mabilang kung pang-ilang sigaw na ni mama ito sa akin. Ayaw ko pa nga kasing bumangon. Gusto ko pa matulog.

    Last Updated : 2020-10-01
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 14

    Bakit kaya 'yong mga gusto natin, hindi tayo gusto?

    Last Updated : 2020-10-05

Latest chapter

  • Glimmer of Hope   EPILOGUE

    Hindi pangkaraniwan ang lamig na sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng eroplano. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan ko, dahil narito ang puso ko.Ayaw ko nang magtanong lagi kung kumain na kaya siya? Nasa trabaho na ba?Nakakatulog ba siya nang maayos?Marami ba siyang ginagawa?I remembered the first time I noticed her inside my class. She was secretly taking a picture of me. Pasimple akong natawa pero hindi na iyon bago. Bawat klase na papasukan ko, may mga babaeng kulang na lang ay hubaran na ako sa paningin nila.Nasundan pa iyon ng ilan pang mga pangyayari. But the most unforgettable was when she presented something on a class. She was not the most outstanding, but she really caught my eyes. The way she talk about everything like she knew all of it very well.Plus she asked me the most remarkable question..."I did great, right?"Hinatak ko ang bagahe ko palabas ng airport. Agad kong nasulyapan ang kaibigang matagal ko

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 38

    "Stop staring!" saway ko."Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga."Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki."Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci."You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko."Ang corny mo!" "I love you.""I love you more."Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop- dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo withinthe black tux. His hair is brushed

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 37

    Have you ever stare at someone and all you feel is love and adoration?Iyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Habang abala siya sa pagmamando sa mga tauhan, ako naman ay abala sa paninitig sa kaniya. Ewan ko, nagising na lang ako na parang gusto ko siyang gawing keychain at titigan maghapon.Sa isang linggo na kasi ang bisita ng mga Lacson dito, kaya lahat kami ay may ginagawa. May mga tubo na inaayos, may mga ilaw na ikinakabit at kung anu-ano pa. Katatapos ko lang i- check lahat ng mga bisagra ng mga pintuan, kaya nakadungaw na lang ako kay Ricci habang kunot-noong nakikinig sa isang electric engineer.Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagbuka ng kaniyang mga labi. I can't get enough of him. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Para talagang model ang isang ito, eh. Too bad for his admirers, ako ang mahal niya."Hey, matunaw 'yan," untag ni Mitch.I was a bit starled, but I just made a face at her. Nang luming

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 36

    Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 35

    Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok."Kain," nakangiting alok ni Mitch.Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong- malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko."Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain."Ganiyan talaga kapag natututukan."Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao."You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.Sinon

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 34

    "Satisfied?" tanong ni Apple.Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking- lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon."Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya."Pauwiin mo."Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya! "So, what else do you want?"Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 33

    "Belle, pinatatawag ka na sa lobby.""Thanks, George."

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 32

    Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila."Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 31

    I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo."Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.

DMCA.com Protection Status