Home / All / Glimmer of Hope / CHAPTER 1

Share

CHAPTER 1

Author: Mayayeeeh
last update Last Updated: 2020-09-24 19:27:51

"Good evening, guys!"

"Good evening, Sir."

Kita ko ang mga ngisi sa labi ng mga kaklase kong babae. Mukhang pare-pareho kami ng iniisip. Sa sobrang busy namin sa pagsagot sa mga problema ng agham at matematika, nakalimutan na naming may puso kami. Ito na yata ang sign para muling buksan ang puso.

"By the way, I'm Engr. Patricio Cy. You can call me Sir Ricci and I'll be your instructor for Surveying subject. My reference is Elementary Surveying by Juny Pilapil La Putt. Kung gusto niyong pumasa sa subject na 'to, you must have scientific calculator. I recommend 991-ES para hanggang board."

Hmm, Engr. Patricio Cy. Noted, baby Ricci or I must say, baby boy.

Dami pang sinabi ni Sir hanggang sa discussion. Mukhang madugo ang subject na 'to, pero mukhang mas dudugo ang labi ko kakakagat.

Ang hot! Ang gwapo niya! The way he smile and his posture. Singkit, katamtamang tangos ng ilong, makapal na kilay, and I guest he is 5'8 or so. Mukhang nasa 4-5 years lang ang gap namin.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" usisa ni Joy.

"Ang gwapo ni Sir. Kinikilig ako!" I giggled.

Inilabas ko ang phone ko at kinuhanan si Sir ng picture habang nakaupo at binubutingting ang laptop niya.

"Hoy! Pinagnanasahan mo si Sir, ha!" tukso ng kaklase kong babae.

Nakita niya siguro ang ginawa ko pero ganoon din naman siya kanina. Remembrance lang naman ito.

"Ikaw din naman, ah? Nakita kita kanina."

"Oo na, 'wag ka maingay baka marinig tayo," sabay ngiti niya nang pagkatamis-tamis.

Parang ayaw ko na umuwi kaso alas-nuebe na. Kailangan na naming lumabas dahil nagsaway na ang checker. Palong-palo si Sir magturo, pero wala namang kaso. Nag-e-enjoy naman kami sa tanawin kahit hindi na pumapasok sa isip namin ang mga sinasabi niya.

Gusto ko na agad mag-Lunes kaso may exam pala kami sa Chemistry sa Tuesday. Ang hirap talaga noon. Para akong nag-iihaw ng sabaw.

"Sa library tayo?" si Les na katatapos lang magligpit ng gamit.

"Sige, pero kain muna tayo?"

Tambay lagi si Les sa library. Napakasipag talaga mag-aral at matalino rin. May love life pa. Sana lahat.

"Belle, kain tayo? Saan ka mamaya?"

"Sa library, Callie. Kasama ko si Les."

Ang daming tao sa lagoon ng ganitong oras, kaya nakisiksik kami sa mga estudyante. Malapit na rin kasi mag-lunch. 

Pumwesto kami sa lilim. Maganda naman dito sa lagoon kaso marumi. Napabayaan na sa nagdaang taon. Inaayos nga ang kalahati. Nakakapang-hinayang na pinutol nila ang mga puno.

"May exam mamaya sa Calculus. Magr-review kayo?"

"Oo naman, Callie," natatawang sabi ni Les. "Tigas naman namin kung hindi."

"Palibhasa kasi kahit lagi kang absent, may nasasagot ka pa rin."

Totoo namang matalino si Callie. Ewan ko ba diyan kung bakit laging absent. Naka-dorm naman.

"Matutulog lang ako saglit sa dorm tapos papasok ako maaga para makapagbasa," si Joy.

Baka next month pa kami makalipat ni Les sa apartment. Nakakapagod din kaya bumyahe araw-araw kaya pinilit ko talaga sila mama. Noong una, ayaw nila akong payagan dahil delikado raw. Hindi na naman ako bata, kaya ko na sarili ko.

"Trike na tayo?" si Les na nakaangkla na naman sa braso ko.

Bakit ba kasi layo-layo ang mga building dito? Ang init kaya. Sayang pamasahe, nagtitipid ako, eh.

Pagpasok namin sa library ay nakaramdam kami ng ginhawa. Buti na lang air-conditioned ito. Nakakapaso ang init sa labas. Parang may training papuntang impyerno.

I reviewed my notes for an hour. At dahil hindi naman ako mahilig talaga magsulat ng notes, nanghiram na rin ako kay Les. Kahit yata paghinga ng prof, nair-record niya.

Wala pang dalawang oras ay tumigil na ako. I want to sleep. Nakakaantok mag-review, to be honest. Hindi naman kasi ako pala-aral kagaya nito ni Les. Subsob siya sa pagbabasa kaya marami ring laman ang utak.

Pinagmasdan ko si Arnold at Jessica na katapat namin at pareho nang may hawak ng cellphone. Kinuha ko na lang din ang akin at ch-in-eck ang aking social media accounts. May ilang mensahe mula sa mga kaibigan ko.

Lassie: Movie marathon tayo mamaya?

Echo: Sa bahay ulit.

DJ: Sige, sagot ko na milktea.

Buti pa 'tong mga 'to ay sembreak buong January. Hindi na tuloy ako nakakasama gumala. Kailangan ko rin naman mag-unwind.

"Nandiyan na si Sir, guys," dungaw ni Eric sa library kaya naman nagligpit na kami ng gamit.

"Ready ka na?" tanong ni Les.

"Medyo. Sana madali lang."

"Kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?"

Napangiti na lang ako. My friends here are really the best. I haven't feel much care like this in my life, ngayon pa lang.

Magsisimula na ang exam pero si Joy pa lang ang nandito.

"Si Callie?" tanong ko kay Joy na nagbubuklat pa lang ng kaniyang notes.

"Papunta pa lang daw."

Late na naman pero perfect na naman 'yon sa exam panigurado. May scientific calculator yata iyon sa utak, eh.

Pagkabigay ni Sir ng papel ay nagsagot agad ako. Nagsimula muna ako sa pinakamadali. Ang iba ay hinulaan ko na lang. Sana naman may points ang effort. Ang haba kaya ng sagot sa iba. Nakakatamad tapusin.

Nang mapiga ang utak ko at wala na talagang masagot, yumukyok na lang ako sa mesa. Ang hirap naman nito.

"Kamusta ang exam?"

"Lesliana, buti pa ang exam kinamusta mo tapos ako hindi."

"Alam kong kaya mo."

Niyakap ko na lang siya kasi nakaka-drain 'yong exam. Nakita kong nanlulumo rin si Joy. Inantok yata kaya hindi nakapag-aral.

"Ok lang 'yan, Joy. Bawi next time! May Chemistry pa," pag-aalo ko sabay tapik sa balikat.

Gabi na at balak ko sanang magpasundo kay papa kaso 'wag na lang. Mukha namang mabilis lang ang biyahe dahil 7:30 na rin ng gabi.

"Ingat ka, Belle," Callie patted my head.

"Bye!"

Naglalakad ako papuntang sakayan nang may umakbay sa 'kin. Si Aying pala. Nakakakaba. Baka next time, may umakbay sa akin sabay labas ng kutsilyo. Nakaka-paranoid talaga sa Manila.

"Belle, kain tayo kwek-kwek."

At iyon nga ang ginawa namin bago niya ako ihatid sa sakayan. Kumain lang kami ng kwek-kwek at nilibre niya ako ng ice cream, dahil hiniram niya ang registration card ko last week para makapasok sa campus ang girlfriend niya.

"Thank you rito, ah. Kahit hindi naman kailangan."

"Suhol ko 'yan sa 'yo."

"Bye, Aying. Ingat."

Nagd-dorm din kasi siya malapit sa school kaya okay lang na gabihin. Hindi na rin ako sumama sa bonding naming magkakaibigan dahil pagod na ako. May pasok pa kami bukas.

Nagdaan pa ang ilang mga araw at hindi ko namalayang Lunes na. Ayos naman ang ibang subject sa akin gaya ng Civil Oriention at Physics. Madali ko namang nakukuha.

PE namin ngayon kaya babad kami sa arawan. Kumikinang ang morena kong balat dahil sa pawis at araw. Pinili naming maupo sa bench sa tapat ng pool. Nagtatawanan na lang kami dahil tapos na ang itinuturong sayaw ni Ma'am. Kailangan ko nang magpalit dahil may klase kami kay Engr. Cy mamaya. Dapat presentable ako tingnan.

Habang naglalakad pabalik sa building, para akong nakalutang sa alapaap. Kahit maalinsangan ang paligid ay nagagawa ko pang maglaro sa araw.

"Sana pumasok si Sir mamaya," sabi ni Les.

"Oo nga. Sayang paghihintay niyo kung hindi."

"Papasok ang baby ko, Callie. Miss ko na siya."

Nagtawanan lang sila sa sinabi ko.

It's been a week! Miss ko na talaga siya. Gusto ko na siya makita. Noong senior high hindi ko talaga ma-gets kung bakit nagkakagusto ang mga friend ko sa teacher. Pero ngayon, mukhang nauunawaan ko na.

Kaso 7:30 na, wala pa rin si Sir. Siguro busy sa trabaho. Sana makita ko na siya ulit.

"Uwi na tayo, guys. Mukhang wala si Sir," sabi ni Eric. "Hindi rin kasi siya nagre-reply kaya pasensya na."

"Gara naman ni Sir! Dapat nagsasabi siya kung hindi siya papasok. Sayang oras!"

"Kalma, Belle. Crush mo siya, remember?" natatawang sabi ni Les.

Napasimangot na lang ako at dumiretso na ng uwi. Nakakainis. Ayaw ko ng ganito. Parang ninanakawan ako ng oras.

Sa gabing 'yon, inis akong natulog dahil sa kaniya. Naghintay ako sa wala. Nakakairita siya!

Bakit ba kita naging crush? Hindi ka naman ganoong ka-gwapo. Absent ka pa lagi. Hays.

Related chapters

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 2

    Medyo hindi ako swerte sa araw na ito. Late na ako para sa exam namin sa Chem. Bakit ba kasi laging nasisiraan ang LRT kapag may exam ako? Ang traffic pa naman sa Manila. Umaga pa lang, sira na araw ko."Sir, s-sorry. I'm late," hinihingal kong sabi.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 3

    "Guys, papasok si Sir Cy ngayon kaya maghintay tayo," Eric announced. "Wala munang uuwi.Buti naman kung ganoon. Ang hirap kaya ng subject niya tapos wala siya lagi. Para kaming nangangapa sa dilim. Saka kahit naman wala siya, naghihintay pa rin kami.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 4

    "Kamusta ang eskuwela?" bungad ni mama pagkauwi ko.Bukas na ang alis namin papuntang Batangas kaya after ng klase ko ay umuwi na agad ako sa bahay. Gabi na, gusto ko na magpahinga.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 5

    As expected, bumuhos ang sangkatutak na gawain. Kabi-kabilaan ang mga exams at activities. Jam-packed ang araw na ito dahil tatlong sunod-sunod na subjects ang mayroon kami at lahat ay may exam. Two weeks na lang, matatapos na kami. Kaunting pasensya pa!"Nasagutan mo 'yong sa torque?" tanong ni Les nang makalabas kami.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 6

    "James, may doughnut sa ref. Baka gusto mo kumain?" tanong ko.Alas-tres na kasi at kauuwi niya lang galing school, naka-uniform pa. Mukhang wala siya sa hulog para magsalita. Pagod siguro.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 7

    "Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 8

    "Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.

    Last Updated : 2020-09-24
  • Glimmer of Hope   CHAPTER 9

    Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Busy kasi sa shop sila mama. Sobrang hands-on sila ni papa sa bake shop kaya kami ni ate Linda at James ang naiiwan sa bahay para mag-check ng feedbacks. Wala na akong ibang magawa bukod sa mag-browse ng social media accounts ko. Gusto ko na nga lang lumuwas sa Manila at ayain sila Avery mag-swimming, para naman may ganap kami ngayong bakasyon.At timing naman ang

    Last Updated : 2020-09-24

Latest chapter

  • Glimmer of Hope   EPILOGUE

    Hindi pangkaraniwan ang lamig na sumalubong sa akin pagbaba ko pa lang ng eroplano. Simula ngayon, ito na ang magiging tahanan ko, dahil narito ang puso ko.Ayaw ko nang magtanong lagi kung kumain na kaya siya? Nasa trabaho na ba?Nakakatulog ba siya nang maayos?Marami ba siyang ginagawa?I remembered the first time I noticed her inside my class. She was secretly taking a picture of me. Pasimple akong natawa pero hindi na iyon bago. Bawat klase na papasukan ko, may mga babaeng kulang na lang ay hubaran na ako sa paningin nila.Nasundan pa iyon ng ilan pang mga pangyayari. But the most unforgettable was when she presented something on a class. She was not the most outstanding, but she really caught my eyes. The way she talk about everything like she knew all of it very well.Plus she asked me the most remarkable question..."I did great, right?"Hinatak ko ang bagahe ko palabas ng airport. Agad kong nasulyapan ang kaibigang matagal ko

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 38

    "Stop staring!" saway ko."Ano?" maang-maangan niyang tanong. "Natutusok ka ba kapag tinititigan ka?"Natawa ang mga nakarinig. Kung anong uri ng boyfriend si Ricci, kayo na ang humusga."Ganda mo kasi, Ma'am, eh. Nahuhumaling lalo si Sir," komento ng baklang nags-spray ng kung ano sa mukha ko. "Grabe, stunning ka po!"I smiled at him. Tumayo ako, umikot sa harap ng salamin at nag-project ng mga pose. Kumikinang ang red long gown ko kapag natatamaan ng ilaw. My face is made up with smoky eyes and nude lips. Nagpaikli ako ng buhok kanina at c-in-url nila ito nang malalaki."Sir, anong masasabi mo?" nakangiting baling ng bakla kay Ricci."You're so magnificent," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko."Ang corny mo!" "I love you.""I love you more."Natawa ako nang magtilian ang mga tao sa parlor. He is drop- dead gorgeous right in front of me, wearing his red polo withinthe black tux. His hair is brushed

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 37

    Have you ever stare at someone and all you feel is love and adoration?Iyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Habang abala siya sa pagmamando sa mga tauhan, ako naman ay abala sa paninitig sa kaniya. Ewan ko, nagising na lang ako na parang gusto ko siyang gawing keychain at titigan maghapon.Sa isang linggo na kasi ang bisita ng mga Lacson dito, kaya lahat kami ay may ginagawa. May mga tubo na inaayos, may mga ilaw na ikinakabit at kung anu-ano pa. Katatapos ko lang i- check lahat ng mga bisagra ng mga pintuan, kaya nakadungaw na lang ako kay Ricci habang kunot-noong nakikinig sa isang electric engineer.Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagbuka ng kaniyang mga labi. I can't get enough of him. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Para talagang model ang isang ito, eh. Too bad for his admirers, ako ang mahal niya."Hey, matunaw 'yan," untag ni Mitch.I was a bit starled, but I just made a face at her. Nang luming

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 36

    Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 35

    Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok."Kain," nakangiting alok ni Mitch.Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong- malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko."Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain."Ganiyan talaga kapag natututukan."Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao."You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.Sinon

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 34

    "Satisfied?" tanong ni Apple.Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking- lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon."Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya."Pauwiin mo."Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya! "So, what else do you want?"Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 33

    "Belle, pinatatawag ka na sa lobby.""Thanks, George."

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 32

    Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila."Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."

  • Glimmer of Hope   CHAPTER 31

    I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo."Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.

DMCA.com Protection Status