DAVEPagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay hinahanap ko kaagad si Donna na girlfriend ko dala-dala ang binili kong chocolate cake at bouquet of flowers para sa kanya. Nakangiting tumungo ako sa kusina dahil baka nandoon siya ngayon wala siya doon.Iniwan ko na muna sa mesa namin sa dining room ang binili kong chocolate cake at bouquet of flowers para hanapin si Donna. Wala siya doon sa baba ng bahay namin. Tumaas ako dahil baka nandoon siya ngunit wala rin siya doon sa taas. Umakyat pa nga ako hanggang sa rooftop namin ngunit wala talaga siya. Wala rin siya sa kuwarto naming dalawa. Nasaan kaya siya kung wala siya dito sa bahay namin? Hindi naman siya aalis, eh. Wala naman siyang sinabi sa akin na aalis siya ngayong araw na 'to. Nasaan kaya siya? Natataranta na ako kakahanap sa kanya. Tiningnan ko ang mga gamit niya ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na wala na ang mga gamit niya doon. Napamura ako. Bakit wala na ang mga gamit niya dito sa lagayan niya? An
DAVE"Iyan na ang dalawang milyon n'yo! Iyan ang gusto n'yo, 'di ba? Ibinabalik ko na sa inyo!" sabi ko sa mga magulang ko pagkapasok ko sa mansion namin. Initsa ko malapit sa kanila ang bag na may laman na dalawang milyon na bigay nila kay Donna na babaeng mahal ko kapalit sa nais nilang mangyari na hiwalayan at iwan ako niya. Masamang tinitigan ko silang dalawa ni daddy. Umawang ang mga labi nila sa ginawa kong 'yon. Nagkatinginan pa nga silang dalawa. They're both surprised to see me with that money. Akala siguro nila ay magtatagumpay sila sa mga plano nila laban sa aming dalawa ni Donna na babaeng mahal ko ngunit d'yan sila nagkakamali. Hindi sila magtatagumpay na paghiwalayin kami."Akala n'yo ba ay hindi ko alam ang ginawa n'yo kay Donna, huh?! Alam ko na po ang lahat! Napakawalang hiya n'yo talaga kahit kailan! Inaalis n'yo po ang aking karapatan na maging maligaya sa piling ng babaeng mahal ko. Sarili n'yo lang po ang iniisip n'yo kahit kailan. Noong una ay si Camilla ngayon
Hi, guys! Panibagong book na naman po ang nagtapos. Thank you so much po sa nagbasa ng book na 'to. Sana po ay nagustuhan n'yo ang kuwentong nandito. Basahin n'yo po sana ang iba kong mga books. Maraming salamat po sa support n'yo sa akin kahit papaano. Mahal na mahal ko po kayong lahat! Mag-iingat po kayo palagi kung nasaan man nga kayo! Support n'yo pa rin ako sa susunod ko na mga isusulat na books. This book is dedicated to K. D. who became my inspiration. I know you're in a better place now. Hindi kita makakalimutan. Sayang never tayong nagkaroon ng chance na magkakilala. We'll always love you! 🤍🤍🤍
DONNATwo weeks na akong nagtatrabaho bilang kasambahay dito sa Maynila. Galing akong probinsiya. Dalawang tao lang naman ang pinagsisilbihan ko sa pamamahay na pinagtatrabauhan ko. Magkasintahan silang dalawa na malapit na ikasal. Magkasama na silang naninirahan sa bahay na 'to na tamang-tama lang ang laki. Wala pa naman silang anak na dalawa. Mababait naman silang dalawa sa akin lalo na si Sir Dave na crush ko. Guwapo at matangkad si Sir Dave. Malaki ang kanyang katawan. Maglalaway ka kapag nakita mo siya. Ang kasintahan niya pala na magiging asawa na niya ay si Ma'am Camille. Siya naman ay maganda. Sexy. Maputi at matangkad rin. Ang suwerte-suwerte nga nila sa isa't isa. Sigurado ako na magaganda at guwapo ang magiging anak nilang dalawa n'yan.Naiinggit nga ako sa kanilang dalawa kapag nakikita ko sila na naglalambingan lalo na kapag gabi. Rinig na rinig ko ang ungol nilang dalawa sa tuwing dumadaan ako sa kuwarto nila. Hanggang labas ay rinig na rinig ko talaga. Alam ko naman ku
DAVE Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa mommy ko matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Alam ko naman na hindi na mabubuntis si Camille na nobya ko kaya imposible na talaga na magkaroon kami ng anak soon. Sa sinasabi niyang 'yon sa akin ay ayaw na niya kay Camille. Gusto na niya na iwan ko ito at maghanap ako ng ibang babae na pakakasalan ko na mabibigyan ako ng anak. Naiintindihan ko naman ang mommy ko kung bakit ganoon ang sinasabi niya sa akin. Gusto niya na magkaroon ng apo na magiging tagapagmana ng mga ari-arian, kompanya at yaman ng pamilya namin. Kung hindi ako magkakaroon ng anak ay walang magmamana ng lahat ng 'yon. Kailangan ay may magmamana kaya dapat na magkaroon ako ng anak kahit isa o dalawa lang. Solong anak pa naman ako ng mga magulang ko. Hindi ko minamasama ang sinasabing 'yon sa akin ng mommy ko. Naiintindihan ko naman siya, eh. Naisip ko rin naman 'yon kaya namroroblema rin ako kung paano magkakaroon ng anak na galing talaga sa a
DONNA Maaga akong gumising kinabukasan. Nagluto kaagad ako ng breakfast ni Sir Dave. Kaunti lang ang niluto kong pagkain na breakfast niya dahil siya lang naman ang mag-isang kakain dahil wala naman si Ma'am Camille. Tamang-tama nang makatapos akong magluto ay gising na siya. Binati ko kaagad siya ng good morning. Umagang-umaga ay ang kaguwapuhan niya ang nakikita ko. Aayaw pa ba ako n'yan na ang kaguwapuhan kaagad niya ang nakikita ko para ganado ako sa pagtatrabaho ko buong maghapon. Inspirado ako nito. "Good morning po, Sir Dave," nakangising bati ko kay Sir Dave. "Good morning rin sa 'yo, Donna," bati rin niya sa akin na nakangiti. "Handa na po ang breakfast mo, Sir Dave," sabi ko sa kanya. "Tamang-tama po pagkatapos ko na magluto ng breakfast mo po ay dumating ka na po, Sir Dave. Mainit pa po ang niluto kaya tamang-tama pong kainin." Tumango naman nga siya pagkasabi ko. "I know, Donna. Maraming salamat sa paghanda mo ng aking breakfast," sabi niya sa akin na may kasam
DAVEWala naman akong gagawin buong araw sa bahay namin kung doon lang ako kaya naisipan ko na umalis muna. Naisipan ko na lumabas muna para pumunta sa bahay ng best friend ko na si George Ramirez. We're best friends since we're young. Naiwan doon sa bahay ang kasambahay namin na si Donna. Siya lang ang tao doon sa amin at wala na ngang iba pa. Wala si Camille na nobya ko. Makaraan ang ilang minuto ay nandoon na ako sa bahay ng best friend ko na si George. Siya lang naman ang mag-isa na nakatira doon. Dalawang taon na siyang nakatira doon. Buhay pa naman ang mga magulang niya ngunit pinili na niyang magkaroon ng sariling bahay kahit wala pa siyang asawa. Hindi naman siya bata pa para manatili sa mga magulang niya. Nasa tamang edad naman na siya kaya wala na naman na problema pa.Tinawagan ko naman siya kanina bago ako pumunta sa bahay niya para alam niya na pupunta ako. Mabuti ay gising na siya nang tawagan ko siya. Minsan kasi kapag umaga na tinatawagan ko siya ay tulog pa siya. "
DAVE"Oo, dude. May kinalaman nga 'yon kaya gusto na nilang hiwalayan ko at iwan si Camille. Iyon lang naman ang rason o dahilan kung bakit gusto nila na hiwalayan ko na ang nobya ko na si Camille dahil hindi na siya puwede na magbuntis pa. Kailangan na magkaroon kami ng tagapagmana dahil kapag wala kaming anak ay walang magmamana ng lahat ng ari-arian, yaman at negosyo ng pamilya namin. Naiintindihan ko naman ang mga magulang ko lalo na si mommy sa sinasabi niya sa akin. Gusto nila na magkaroon ako ng anak na magiging tagapagmana ng aming pamilya. Solong anak lang ako, 'di ba? Mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko kung walang magmamana ng lahat ng 'yon. Masasayang lang, eh. Hindi naman ako nagagalit o ano sa mga magulang ko dahil naiintindihan ko naman nga sila sa sinasabi nila sa akin kaya gusto nila na hiwalayan o iwan ko na si Camille. Sinabi ko pa nga na puwede naman na mag-ampon kaming dalawa ni Camille para may maging tagapagmana kami ngunit ayaw naman nila.