DONNA
Two weeks na akong nagtatrabaho bilang kasambahay dito sa Maynila. Galing akong probinsiya. Dalawang tao lang naman ang pinagsisilbihan ko sa pamamahay na pinagtatrabauhan ko. Magkasintahan silang dalawa na malapit na ikasal. Magkasama na silang naninirahan sa bahay na 'to na tamang-tama lang ang laki. Wala pa naman silang anak na dalawa. Mababait naman silang dalawa sa akin lalo na si Sir Dave na crush ko. Guwapo at matangkad si Sir Dave. Malaki ang kanyang katawan. Maglalaway ka kapag nakita mo siya. Ang kasintahan niya pala na magiging asawa na niya ay si Ma'am Camille. Siya naman ay maganda. Sexy. Maputi at matangkad rin. Ang suwerte-suwerte nga nila sa isa't isa. Sigurado ako na magaganda at guwapo ang magiging anak nilang dalawa n'yan. Naiinggit nga ako sa kanilang dalawa kapag nakikita ko sila na naglalambingan lalo na kapag gabi. Rinig na rinig ko ang ungol nilang dalawa sa tuwing dumadaan ako sa kuwarto nila. Hanggang labas ay rinig na rinig ko talaga. Alam ko naman kung ano ang ginagawa nilang 'yon. Nagse-sex silang dalawa. Naranasan ko rin naman na ang makipagsex dati sa dating nobyo ko sa probinsiya. Siya ang unang lalaking minahal ko kung saan binigay ko ang lahat sa kanya ngunit sa bandang huli ay niloko lang pala niya ako. Nakipaghiwalay kaagad ako sa kanya matapos ko na malaman ang totoo na niloloko niya ako. Mabuti nga ay hindi ako nabuntis ng gagong 'yon dahil kapag nagkataon na ganoon nga ang nangyari ay pagsisihan ko talaga ang desisyon ko na nakipagrelasyon sa kanya. Kahit ganoon ang ginawa niya sa akin ay napasaya naman niya ako kahit papaano. Matapos ang nangyari na 'yon ay hindi na ako nakipagrelasyon pa sa kahit sinong lalaki. Ayaw ko na mangyari muli 'yon. Kung magmamahal ako susunod ang gusto ko ay hindi na ako lolokohin. Gusto ko na mahalin rin ako pabalik. Hindi naman ako mapili sa magiging nobyo ko sa susunod. Sino ba ako para magpili? Hindi naman ako kagandahan. Hindi naman ako sexy. Hindi naman ako maputi. Kayumanggi lang ang kulay ng balat ko. Ang gusto ko lang talaga na maging nobyo ko sa susunod ay mahal ako, hindi ako lolokohin at mabait. Okay lang kung pangit kagaya ko basta mabait at mahal ako ay walang problema. Hindi naman ako naghahangad na magkaroon ng guwapong nobyo kagaya ni Sir Dave dahil hindi naman ako maganda. Naging kasambahay pala ako nilang dalawa dahil sa tulong ng Tita Sonia ko na isa ring kasambahay. Iba naman ang kanyang amo ngunit nasa iisang subdivision lang naman kami. Medyo malayo-layo rin ang bahay na pinagtatrabauhan niya dito sa akin kaya bihira lang kaming dalawa na magkita. Sa dalawang linggo na pagtatrabaho ko dito sa pamamahay nilang dalawa ay nasasanay naman na ako. Araw-araw akong nagtatrabaho. Gabi lang ang pahinga ko kapag matutulog. Wala naman akong choice dahil trabaho ko 'to. Ako lang naman ang nag-iisang kasambahay nilang dalawa. "Saan po kayo pupunta, Sir Dave at Ma'am Camille?" tanong ko sa kanilang dalawa na magkasintahan pagkababa nila ng hagdan. May dalang maleta si Sir Dave. Nagkatinginan muna silang dalawa na magkasintahan bago nagsalita sa harapan ko. Tumigil muna ako sa pagma-mop ko sa sahig ng bahay nila. "Uuwi lang muna ako sa Cebu, Donna..." malumanay na sagot ni Ma'am Camille sa akin. "Talaga po ba? Magkasama po ba kayong dalawa ni Sir Dave uuwi ng Cebu?" nagtatakang tanong ko sa Ma'am Camille kung silang dalawa ba ni Sir Dave ang magkasama na uuwi sa Cebu. Uuwi pala silang dalawa ng Cebu ngayon. Bakit hindi ko alam? Bakit ngayon lang nila sinabi sa akin? Dapat noong isang araw pa para alam ko na hindi ngayon lang. Ako lang ba ang maiiwan mag-isa sa bahay nila? "Hindi, Donna. Hindi kaming dalawa ng baby ko magkasama na uuwi ng Cebu. Ako lang naman mag-isa uuwi. Maiiwan siya dito sa Maynila," sagot ni Ma'am Camille sa akin. Hindi muna ako nakapagsalita matapos 'yon dahil sumunod na nagsalita ay si Sir Dave. "Maiiwan ako dito sa Maynila, Donna. Ihahatid ko lang naman siya sa airport. 'Wag kang mag-alala sapagkat maiiwan ako dito sa Maynila," sabi ni Sir Dave sa akin na seryosong nakatingin sa akin. Kitang-kita ko na naman tuloy ang kanyang kaguwapuhan dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko. Maliwanag sa akin ang narinig kong 'yon na sinabi nila. Hindi naman pala sila parehas na uuwi ng Cebu. Si Ma'am Camille lang ang uuwi samantalang si Sir Dave ay maiiwan dito sa Maynila. Ibig sabi ay hindi ako mag-isa dito sa bahay nila. Kasama ko si Sir Dave dito. "Ah, ganoon po ba?" tanong ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang napatango sa harapan ko. "Oo, Donna. Maiiwan ang baby ko dito. Ako lang naman ang uuwi sa amin sa Cebu," sabi pa ni Ma'am Camille sa akin. "Bakit ka po ba uuwi sa Cebu, Ma'am Camille?" tanong ko sa kanya. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya. "Uuwi muna ako sa amin sa Cebu dahil nami-miss na ako ng mga magulang ko. Gusto nila akong makita. Doon na kasi sila nakatira since last year," paliwanag niya sa akin. Tumango naman ako pagkasabi niya. "Bakit hindi mo po kasama si Sir Dave? Dapat po magkasama kayong dalawa," tanong ko sa kanya ngunit hindi siya ang sumagot ng tanong kong 'yon kundi si Sir Dave. "Kailangan ko na maiwan dito sa Maynila dahil may inasikaso kami ni daddy sa negosyo namin na importante, eh," sabi ni Sir Dave sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan. "Ah, okay po, Sir Dave. Ngayon ay alam ko na po," sabi ko sa kanya. Nginitian ko naman siya at sumunod si Ma'am Camille na nobya niya. Nginitian rin nito ako ngunit siya ay seryoso ang mukha na nakatingin sa harapan ko. "Maliwanag na po sa akin ang lahat. Mag-iingat ka po sa flight mo, Ma'am Camille," dagdag kong sabi. "Thank you so much, Donna," pasalamat niya sa akin na nakangiti pa rin. "Walang anuman po 'yon, Ma'am Camille," sabi ko sa kanya. "Wait lang pala..." "Bakit po, Ma'am Camille? Ano po 'yon?" tanong ko pa sa kanya. "Ngayon na wala ako dito sa bahay namin ay bantayan mo ang asawa ko, okay? 'Pag nalaman mo na nambabae siya o may dinala siyang babae dito sa bahay ay sabihan mo lang ako. You have my number, right?" bilin ni Ma'am Camille sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan. "Opo, Ma'am Camille. 'Wag ka pong mag-alala. Tatawagan po kita," sabi ko sa kanya at nakita ko na napangiwi si Sir Dave matapos 'yon. "Very good," sabi niya sa akin. "Ilang araw ka po doon sa Cebu, Ma'am Camille?" tanong ko pa sa kanya. Nagkibit-balikat siya at nagsalita, "Hindi ko alam kung ilang araw ako doon, eh. Depende sa mga magulang ko kung pauuwiin na ako nila kaagad dito sa Maynila. Malalaman mo rin naman 'yan, Donna. Huwag kang mag-alala, okay?" Tumango naman ako muli at nagsalita, "Opo, Ma'am Camille." Akala ko ay magsasalita si Sir Dave matapos 'yon ngunit hindi na niya ginawa pa. Tumahimik na lang siya. Hindi naman na sila nagtagal pa sa bahay nila. Umalis naman na sila patungo sa airport. Pagkaalis nilang dalawa ay saka ko pinagpatuloy ang pagma-mop ko sa sahig ng bahay nila. Pakanta-kanta pa nga ako habang ginagawa ko 'yon. Hapon na ngunit hindi pa rin dumarating si Sir Dave. Hindi pa siya umuuwi sa bahay nila ng nobya. Wala akong ideya kung saan siya pumunta matapos na ihatid si Ma'am Camille sa airport patungong Cebu. Kahit ako lang ang mag-isa sa bahay nila ay ginawa ko pa rin ang trabaho ko. DAVE "Hinatid mo ba si Camille sa airport kanina?" My mom asked me while we're eating lunch. Pagkahatid ko sa airport kay Camille na nobya ko ay dumiretso na ako sa mansion namin kung saan ako nakatira dati bago kami manirahan ng nobya ko sa iisang bubong. Wala si daddy sa harapan namin. Nasa opisina siya ng kompanya namin. Bukas ako pupunta doon para tumulong sa kanya sa dapat kong maitulong sa kanya. Soon, he'll turn over it to me. Ako na ang papalit sa kanya kapag nagretired na siya sa serbisyo. I'm ready for that but I just want to enjoy the moment. I quickly nods my head and said, "Yes, mom. Hinatid ko na po siya kanina." My mom shook her head before she speaks to me again. "Kailan ba siya babalik?" "Hindi ko po alam, mom. She'll call me na lang kung kailan siya uuwi dito sa Maynila," sabi ko kay mommy. Bago siya nagsalita sumunod ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, huh? Siya na ba talaga ang aasawahin mo, Dave?" tanong ni mommy sa akin. "Yes, mom. We're engaged, right? Ikakasal na kami in a few months. Wala nang urungan pa ang kasal namin na 'yon," sabi ko sa kanya. "I know that. Tinanong lang naman kita ngayon dahil baka magbago pa ang isip mo. Hindi pa naman kayo kasal, 'di ba? Puwede naman na hindi matuloy 'yon. Walang masama doon, Dave. Alam mo naman siguro na hindi na mabubuntis si Camille, 'di ba? Paano kayo n'yan na magkaanak, huh? Iyon ang pinag-aalala ko, Dave. We want an heir. Ikaw lang solo na anak namin ng daddy mo kaya kailangan na may maging tagapagmana ka ng lahat ng yaman at ari-arian natin pati ang mga negosyo natin. Hindi puwedeng walang magmana. Kailangan ay may magmana, Dave. You need to have an heir," sabi ni mommy sa akin.DAVE Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa mommy ko matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Alam ko naman na hindi na mabubuntis si Camille na nobya ko kaya imposible na talaga na magkaroon kami ng anak soon. Sa sinasabi niyang 'yon sa akin ay ayaw na niya kay Camille. Gusto na niya na iwan ko ito at maghanap ako ng ibang babae na pakakasalan ko na mabibigyan ako ng anak. Naiintindihan ko naman ang mommy ko kung bakit ganoon ang sinasabi niya sa akin. Gusto niya na magkaroon ng apo na magiging tagapagmana ng mga ari-arian, kompanya at yaman ng pamilya namin. Kung hindi ako magkakaroon ng anak ay walang magmamana ng lahat ng 'yon. Kailangan ay may magmamana kaya dapat na magkaroon ako ng anak kahit isa o dalawa lang. Solong anak pa naman ako ng mga magulang ko. Hindi ko minamasama ang sinasabing 'yon sa akin ng mommy ko. Naiintindihan ko naman siya, eh. Naisip ko rin naman 'yon kaya namroroblema rin ako kung paano magkakaroon ng anak na galing talaga sa a
DONNA Maaga akong gumising kinabukasan. Nagluto kaagad ako ng breakfast ni Sir Dave. Kaunti lang ang niluto kong pagkain na breakfast niya dahil siya lang naman ang mag-isang kakain dahil wala naman si Ma'am Camille. Tamang-tama nang makatapos akong magluto ay gising na siya. Binati ko kaagad siya ng good morning. Umagang-umaga ay ang kaguwapuhan niya ang nakikita ko. Aayaw pa ba ako n'yan na ang kaguwapuhan kaagad niya ang nakikita ko para ganado ako sa pagtatrabaho ko buong maghapon. Inspirado ako nito. "Good morning po, Sir Dave," nakangising bati ko kay Sir Dave. "Good morning rin sa 'yo, Donna," bati rin niya sa akin na nakangiti. "Handa na po ang breakfast mo, Sir Dave," sabi ko sa kanya. "Tamang-tama po pagkatapos ko na magluto ng breakfast mo po ay dumating ka na po, Sir Dave. Mainit pa po ang niluto kaya tamang-tama pong kainin." Tumango naman nga siya pagkasabi ko. "I know, Donna. Maraming salamat sa paghanda mo ng aking breakfast," sabi niya sa akin na may kasam
DAVEWala naman akong gagawin buong araw sa bahay namin kung doon lang ako kaya naisipan ko na umalis muna. Naisipan ko na lumabas muna para pumunta sa bahay ng best friend ko na si George Ramirez. We're best friends since we're young. Naiwan doon sa bahay ang kasambahay namin na si Donna. Siya lang ang tao doon sa amin at wala na ngang iba pa. Wala si Camille na nobya ko. Makaraan ang ilang minuto ay nandoon na ako sa bahay ng best friend ko na si George. Siya lang naman ang mag-isa na nakatira doon. Dalawang taon na siyang nakatira doon. Buhay pa naman ang mga magulang niya ngunit pinili na niyang magkaroon ng sariling bahay kahit wala pa siyang asawa. Hindi naman siya bata pa para manatili sa mga magulang niya. Nasa tamang edad naman na siya kaya wala na naman na problema pa.Tinawagan ko naman siya kanina bago ako pumunta sa bahay niya para alam niya na pupunta ako. Mabuti ay gising na siya nang tawagan ko siya. Minsan kasi kapag umaga na tinatawagan ko siya ay tulog pa siya. "
DAVE"Oo, dude. May kinalaman nga 'yon kaya gusto na nilang hiwalayan ko at iwan si Camille. Iyon lang naman ang rason o dahilan kung bakit gusto nila na hiwalayan ko na ang nobya ko na si Camille dahil hindi na siya puwede na magbuntis pa. Kailangan na magkaroon kami ng tagapagmana dahil kapag wala kaming anak ay walang magmamana ng lahat ng ari-arian, yaman at negosyo ng pamilya namin. Naiintindihan ko naman ang mga magulang ko lalo na si mommy sa sinasabi niya sa akin. Gusto nila na magkaroon ako ng anak na magiging tagapagmana ng aming pamilya. Solong anak lang ako, 'di ba? Mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko kung walang magmamana ng lahat ng 'yon. Masasayang lang, eh. Hindi naman ako nagagalit o ano sa mga magulang ko dahil naiintindihan ko naman nga sila sa sinasabi nila sa akin kaya gusto nila na hiwalayan o iwan ko na si Camille. Sinabi ko pa nga na puwede naman na mag-ampon kaming dalawa ni Camille para may maging tagapagmana kami ngunit ayaw naman nila.
DAVE Naiintindihan ko ang suggestion ng best friend ko na si George sa akin. Maliwanag na maliwanag 'yon sa akin. Gusto niya na maghanap ako ng babaeng mapapayag ko na bigyan ako ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya namin. Ang kailangan ko lang ay mapapayag ang babaeng 'yon na bigyan niya ako ng anak ngunit may bayad 'yon. Hindi puwedeng hindi. Kapag nabigyan ako ng babaeng 'yon ng anak ay may magiging anak na kaming dalawa ni Camille na nobya ko. Hindi man nga siya ang tunay na ina nito ay puwedeng ituring niya na anak ang anak kong 'yon sa babaeng nabuntis ko na pumayag na bigyan ako ng anak. Matatanggap naman niya sigurado 'yon kasi hindi naman na siya magkakaanak pa. Hindi rin kami maghihiwalay na dalawa dahil may anak na nga kami na galing sa akin at matutuwa na rin siguro n'yan ang mga magulang ko. They won't insist again to leave her and end up our relationship. May tagapagmana na ang aming pamilya kahit papaano kahit anak ko 'yon sa ibang babae. Ang importante ay may ta
DAVE Tumungo na ako sa kuwarto namin ni Camille matapos kong kumain ng dinner na niluto ni Donna. Ang sarap-sarap ng luto talaga niya. Hindi lang talaga siya mabait, mapagkakatiwalaan o ano pa kundi masarap rin siyang magluto. Wala akong masabi na hindi maganda sa kanya. Halos lahat ay magaganda ang masasabi ko sa kanya. I took off my clothes before I jump into our bed. Wala akong suot na saplot sa katawan kapag natutulog ako. Tahimik ang buong kuwarto dahil wala si Camilla na nobya ko. Nakahiga na ako sa malambot namin na kama habang nakatingala sa kisame. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang sinabing 'yon sa akin ni George na best friend ko kanina.Sinisimulan ko na ngang pag-isipan 'yon kung gagawin ko ba talaga 'yon na suggestion niya sa akin na puwedeng maging solusyon sa problema ko na kinakaharap ngayon. Wala rin naman akong ibang naisip na puwedeng gawin kundi 'yon lang talaga. Madaling gawin lang 'yon, eh. Kailangan ko lang talaga na maghanap ng babaeng mapapayag na
DAVEI took a deep breath first before I speak to my best friend George. I licked my lips too."Oo, dude. Nakapag-isip-isip na ako kagabi kaya may desisyon na ako," malumanay na sagot ko sa kanya. He gave me a quick nod when I said that to him.Napatigil siya sa ginagawa niya para lang sumagot sa akin. Gumuhit sa mukha niya ang ngiti na hindi naman aabot hanggang tainga matapos kong sabihin 'yon sa kanya."Oh, talaga ba, dude? May desisyon ka na?" nakangising tanong niya sa akin. I gave him a quick nod before I speak to him again."Yes, bro. Nakapag-isip-isip na nga ako kaya may desisyon na ako," sabi ko sa kanya. Tumango naman nga siya pagkasabi ko sa kanya."Ah, okay, dude. Ano ang naging desisyon mo?" tanong niya sa akin. Talagang hindi muna pinagpatuloy ng best friend ko na si George ang ginagawa niya hangga't hindi ko pa sinasabi sa kanya ang desisyon ko.I took a deep breath first before I speak to him."Ang naging desisyon ko ay ang gawin ang sinabi mong 'yon sa akin na suggest
DAVEPumayag naman nga ako na mamayang hapon kami ng best friend ko na si George magsimula na maghanap ng babaeng mapapayag ko na bigyan ako ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya ko. Ayaw ko naman na patagalin pa 'yon, eh. Nangako siyang tulungan ako at 'yon nga ang gagawin niya. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung saan kami magsisimula na maghanap ng babaeng mapapayag ko. Malalaman ko na lang raw mamaya. Hindi ko na siya kinulit pa na alamin kung saan. Hinayaan ko na nga lang siya. Wala talaga akong ideya kung saan kami magsisimula na maghanap. May tiwala naman ako sa kanya kaya alam ko na tama ang gagawin namin na proseso kung paano magkaroon ako ng babaeng mapapayag ko. I won't force them if they don't want. Matapos niyang magluto ng lunch ay kumain na kaming dalawa. Nakikain na lang ako sa kanya. Wala namang problema 'yon dahil best friend ko naman nga siya. Feeling ko nga rin ay bahay ko na rin ang bahay niya lalo na madalas ako ngayon na nandito sa kanya.Alas dos y me