Share

Chapter 7

DAVE

Tumungo na ako sa kuwarto namin ni Camille matapos kong kumain ng dinner na niluto ni Donna. Ang sarap-sarap ng luto talaga niya. Hindi lang talaga siya mabait, mapagkakatiwalaan o ano pa kundi masarap rin siyang magluto. Wala akong masabi na hindi maganda sa kanya. Halos lahat ay magaganda ang masasabi ko sa kanya.

I took off my clothes before I jump into our bed. Wala akong suot na saplot sa katawan kapag natutulog ako. Tahimik ang buong kuwarto dahil wala si Camilla na nobya ko. Nakahiga na ako sa malambot namin na kama habang nakatingala sa kisame. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang sinabing 'yon sa akin ni George na best friend ko kanina.

Sinisimulan ko na ngang pag-isipan 'yon kung gagawin ko ba talaga 'yon na suggestion niya sa akin na puwedeng maging solusyon sa problema ko na kinakaharap ngayon. Wala rin naman akong ibang naisip na puwedeng gawin kundi 'yon lang talaga. Madaling gawin lang 'yon, eh.

Kailangan ko lang talaga na maghanap ng babaeng mapapayag na bigyan ako ng magiging anak. May bayad syempre 'yon. Hindi puwedeng wala dahil hindi siya papayag kung walang kapalit na makukuha siya sa akin. Kailangan ay may makuha rin siya at hindi puwedeng ako lang, 'di ba? Sagot ko ang lahat ng kailangan niya sa pagbubuntis niya sa magiging anak ko. Wala akong kailangan na problemahin sa pera dahil marami akong pera kahit ilang milyon pa ang maggastos ko ay hindi ko panghihinayangan 'yon.

Ang importante talaga ay magkakaroon ako ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya namin. Hindi rin kami maghihiwalay ni Camille na nobya ko dahil may anak na kaming dalawa kahit hindi siya ang tunay na ina nito. Wala na akong kailangan na problemahin pa kapag nagkaroon na ako ng anak. Galing pa rin 'yon sa akin ngunit hindi lang si Camille na nobya ko ang ina. Hindi dugo't laman niya 'yon ngunit hindi naman importante 'yon. Ang mahalaga ay maging masaya at tahimik ang pamilya namin.

Bago ako nakatulog ay nakapagdesisyon na nga ako. Gagawin ko ang sinabing 'yon sa akin ng best friend ko na si George para magkaroon ng solusyon ang problema kong 'to at hindi kami maghiwalay na dalawa ng nobya ko na si Camille. Bukas na bukas ay babalik ako sa bahay niya para personal na sabihin 'yon sa kanya na gagawin ko 'yon at kailangan niya akong tulungan.

Iyon lang ang puwedeng gawin ko na sinabi niya na suggestion sa akin. Madali lang naman nga 'yon na gawin. Magse-sex lang kami ng babaeng napapayag ko na bigyan ako ng anak at wala nang iba pa. May bayad naman 'yon. Hindi 'yon magiging libre. I'm willing to pay any amount of money mabuntis ko lang ang babaeng 'yon at masigurado na magkakaanak ako sa kanya.

Maaga akong gumising kinabukasan. Nakahanda na ang breakfast na niluto ni Donna para sa akin. Kaya kumain na ako kaagad dahil pupunta muli ako sa bahay ng best friend ko na si George.

"Aalis muli ako ngayong araw na 'to, Donna," imporma ko kay Donna na aalis muli ako ngayong araw na 'to. Nilunok ko muna at uminom ako ng tubig bago nagsabi sa kanya.

"Saan ka po ba pupunta, Sir Dave? Puwede ko po bang malaman?" malumanay na tanong niya sa akin.

I let out a deep sigh and said, "Pupunta muli ako sa best friend ko na si George ngayong araw na 'to, Donna. May importanteng sasabihin lang ako sa kanya kaya kailangan ko na bumalik muli sa bahay niya."

Tumango-tango si Donna pagkasagot ko sa kanya. "Ganoon po ba?"

"Oo, Donna. Ikaw muli ang taong bahay sa araw na 'to. Uuwi naman ako mamayang hapon, huwag kang mag-alala," sabi ko sa kanya na nakangiti.

"Opo, Sir Dave. Wala pong problema 'yon sa akin," sabi niya sa akin.

"Kapag may kailangan ka sa akin ay tawagan mo lang ako, okay? You still have my number, right?" paalala ko sa kanya.

"Opo, Sir Dave. Tatawagan po kita kapag may kailangan po ako sa 'yo. 'Wag ka pong mag-alala," sabi niya naman nga sa akin.

I gave her a quick nod and said, "Okay. Very good, Donna."

Pinagpatuloy ko muli ang kinakain kong breakfast matapos 'yon. Sinabi ko lang naman kay Donna ang nais kong sabihin sa kanya at wala nang iba pa.

Malapit na mag-alas nuwebe ng umaga ako nakaalis sa bahay. Sigurado ako nito na maiipit ako sa traffic sa daan. Hindi nga ako nagkamali sa inaasahan ko dahil naipit nga ako sa mahabang traffic sa daan.

Napamura na lang ako sa inis. Wala naman akong magagawa. Naipit talaga ako sa traffic na nakakabuwisit. Ayaw ko pa naman ang naiipit sa traffic. I had no choice but to wait. Sigurado ako na tanghali na ako makakarating nito sa bahay ng best friend ko na si George.

Tinawagan ko naman nga siya habang naghihintay ako na umusad ang mahabang traffic. Sinabihan ko siya na on the way ako papunta muli sa bahay niya kaso nga lang ay naipit ako sa traffic.

"Where are you, dude? Nand'yan ka ba sa bahay mo ngayong oras na 'to?" tanong ko sa best friend ko na si George sa kabilang linya. Tinatanong ko siya kung nasa bahay siya niya.

"Wala ako sa bahay ngayon, dude. Kaaalis ko lang sa bahay..." sabi niya sa akin.

"Oh, really? Paano n'yan, dude? Pupunta pa naman ako sa bahay mo?" tanong ko sa kanya na napapakamot ng aking ulo.

I heard him gasped for air and said, "Wala namang problema 'yon, dude. Hindi naman ako magtatagal sa labas. May bibilhin lang ako sa drug store saglit. Babalik lang ako kaagad sa bahay. Baka nga pagbalik ko ay wala ka pa doon sa bahay, dude. Kung mauna kang dumating ay hintayin mo na lang ako sa labas, okay? Tawagan mo ako kapag dumating ka na wala pa ako doon sa bahay."

"Okay, bro. Hihintayin na lang kita sa labas ng bahay mo kung dumating ako na wala ka pa doon. Sanay naman ako na maghintay, eh. Ayaw ko lang talaga na naiipit sa traffic. I really hate it! Hindi pa mawala-wala ang traffic sa bansa natin," sabi ko sa kanya at napatawa siya sa kabilang linya matapos kong sabihin 'yon sa kanya.

"Ganoon na talaga ang buhay dito sa bansa natin, dude. 'Wag ka nang magtaka pa kung gusto mo ay tumakbo kang pangulo para masolusyunan mo ang traffic sa bansa natin at ang iba pang problema na hindi mawala-wala kagaya ng kahirapan at korapsiyon sa bansa natin," pabirong sagot ni George sa akin.

"No! Ayaw ko, dude. Sakit sa ulo lang 'yan baka hindi ko kayanin ang maging pangulo. I have a problem na nga tapos dagdagan ko pa 'yon, ay huwag na. Enough na sa akin na maging isang simple na mamayan ng bansa natin," sabi ko sa kanya. Tumatawa pa rin ang best friend ko na si George sa kabilang linya.

"Binibiro lang naman kita, dude..." sabi niya sa akin.

"I know, dude," sabi ko sa kanya. "See you na lang mamaya d'yan sa bahay mo."

"Okay, dude. See you later. Ingat ka sa pagmamaneho mo," sabi niya sa akin.

"I know, dude. Thanks. Mag-iingat ka rin sa pagmamaneho mo," sabi ko sa kanya.

"Yeah, of course. Maingat naman akong magmaneho, dude. You have nothing to worry, okay?" sabi niya sa akin na nakangiti. Maging ako ay nakangiti rin habang kausap siya sa kabilang linya.

We ended our conversation on the phone after that. Nagplay na lang ako ng music sa loob ng kotse ko habang naghihintay na umusad ang mahabang traffic para hindi ako masyadong mainip.

Tanghali na ako nakarating sa bahay ng best friend ko na si George. Tama nga siya sa sinasabi niya sa akin kanina na baka dumating ako sa bahay niya na nakabalik na siya mula sa labas. Nauna siyang nakarating sa bahay niya kaysa sa akin. Pumasok naman na kaagad ako sa bahay niya. Magluluto pa siya ng kanyang lunch. Dahil nandoon ako sa bahay niya ay dadamihan niya ang lulutuin niya na pagkain.

"Nakapagdesisyon ka na ba, dude? Nakapag-isip-isip ka na ba kung gagawin mo ang sinabi kong suggestion sa 'yo na puwedeng maging solusyon sa problema mo, huh?" tanong nga niya sa akin habang naghihiwa siya ng bawang. Nakatingin lang ako sa kanya na ginagawa 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status