Share

Chapter 3

DONNA

Maaga akong gumising kinabukasan. Nagluto kaagad ako ng breakfast ni Sir Dave. Kaunti lang ang niluto kong pagkain na breakfast niya dahil siya lang naman ang mag-isang kakain dahil wala naman si Ma'am Camille. Tamang-tama nang makatapos akong magluto ay gising na siya. Binati ko kaagad siya ng good morning. Umagang-umaga ay ang kaguwapuhan niya ang nakikita ko. Aayaw pa ba ako n'yan na ang kaguwapuhan kaagad niya ang nakikita ko para ganado ako sa pagtatrabaho ko buong maghapon. Inspirado ako nito.

"Good morning po, Sir Dave," nakangising bati ko kay Sir Dave.

"Good morning rin sa 'yo, Donna," bati rin niya sa akin na nakangiti.

"Handa na po ang breakfast mo, Sir Dave," sabi ko sa kanya. "Tamang-tama po pagkatapos ko na magluto ng breakfast mo po ay dumating ka na po, Sir Dave. Mainit pa po ang niluto kaya tamang-tama pong kainin."

Tumango naman nga siya pagkasabi ko.

"I know, Donna. Maraming salamat sa paghanda mo ng aking breakfast," sabi niya sa akin na may kasamang pasalamat.

Nginitian ko muli siya bago ako nagsalita sa kanya.

"Walang anuman po 'yon, Sir Dave. Trabaho ko po ang pagsilbihan kayo at gawin ang nararapat dahil pinapasahod n'yo po ako. Kung ano po ang nararapat na gawin dito sa inyo po ay ginagawa ko po ng tama at maayos dahil ayaw ko po na madismaya kayo sa akin," paliwanag kong sagot sa kanya.

Tumango-tango siya pagkasabi ko at nginitian niya muli ako. "Gusto ko ang sinabi mong 'yan, Donna. Well, may punto ka naman sa sinasabi mong 'yon, eh. Masaya ako na ikaw ang naging kasambahay namin. Mapagkakatiwalaan ka sa kahit anong bagay at may pagpapahalaga sa trabaho. Kahit papaano ay bilib rin ako sa 'yo. Ipagpatuloy mo lang ang magandang serbisyo na pinapakita mo sa amin ni Camille na nobya ko," sabi niya sa akin na pinupuri nga niya ako.

Natuwa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Kinikilig pa nga ako, eh.

Tinanguan ko naman nga siya pagkasabi niyang 'yon sa akin. "Opo, Sir Dave. Ipagpapatuloy ko po 'yon dahil 'yon ang tamang gawain," sabi ko sa kanya na nakangiti pa rin.

"Very good, Donna. Maging magandang halimbawa ka sana sa mga kasambahay dahil sa 'yong tapat na gawain at may pagmamahal sa trabaho," sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi na ako masyadong nagsalita sa harapan niya. Medyo nahihiya nga ako kapag kaharap ko siya. Siguro dahil sa crush ko siya at may naramdaman ako sa kanya.

"Ako lang naman ang kakain pero ang dami mo pa ring niluto na breakfast para sa akin," wika ni Sir Dave pagkaharap niya sa mesa kung saan nandoon ang niluto kong pagkain para sa kanya.

Napakunot-noo ako pagkasabi niya na marami pa akong niluto na pagkain kahit alam ko na siya lang naman ang kakain mag-isa dahil wala si Ma'am Camille.

"Marami pa po ba ang niluto ko, Sir Dave?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya kaagad sa tanong kong 'yon. "Oo, Donna. Marami nga. Hindi ko naman 'to mauubos, eh. Ako lang naman ang kakain ngayon ng breakfast dahil wala ang Ma'am Camille mo," sabi niya sa akin.

"Nadadamihan ka pa po sa niluto kong breakfast, Sir Dave? Kaunti lang po 'yan, eh," sabi ko sa kanya.

"Oo, Donna. Nadadamihan pa talaga ako sa luto mo, eh," sabi pa niya sa akin. "Siguro ay nasanay ako na marami kang niluluto kapag breakfast hanggang dinner kaya kahit kaunti ay nasasabi ko na marami. Baka ganoon nga, Donna. Hindi ko talaga mauubos ang nasa harapan kong 'to. Kung gusto mo n'yan ay samahan mo na akong kumain ng breakfast para maubos talaga ang niluto mo ngayong umaga," katwiran niyang sagot sa akin at sinabi pa niya na samahan ko na raw siyang kumain ng breakfast para maubos ang niluto ko. "Ako lang naman ang mag-isa na kakain. Wala naman si Camille kaya samahan mo na ako."

"Baka ganoon nga po na nasanay ka na marami ang niluluto kong pagkain araw-araw kaya kahit kaunti ay sa tingin mo ay marami. 'Wag na po, Sir Dave. Nakakahiya naman po na samahan ka na kumain kahit sabihin po natin na wala naman si Ma'am Camille. Nagkape na po ako kanina at kumain ng tinapay. Tama na po 'yon. Salamat na lang po, Sir Dave," sabi ko sa kanya at tumanggi ako na samahan ko siya na kumain.

Nakakahiya kasi na samahan ko siya. Hindi pa naman ako sanay na kumain na kasama siya o kaharap.

"Ayaw mo ba talaga na samahan ako na kumain ng breakfast? Iba naman kasi kung kape at tinapay lang ang kinain mo kanina, eh," tanong pa nga niya sa akin.

"Opo, Sir Dave. Ayaw ko po at saka salamat na lang po..." sabi ko sa kanya.

Tumango-tango na lang si Sir Dave at hindi na ako pinilit pa na samahan siyang kumain ng breakfast.

"Okay. Kung ayaw mo nga naman ay wala akong magagawa, Donna," sabi niya sa akin. "Inaalok lang naman kita baka kasi ay gusto mo na samahan ako. Kung gusto mo na samahan ako ay walang problema tutal wala naman ang Ma'am Camille mo. Tayong dalawa lang ang nandito sa bahay.

"Salamat na lang po, Sir Dave. Kung nagugutom po ako ay kakain na lang po ako n'yan," sabi ko sa kanya na nagawa ko pa rin siyang ngitian.

"Okay. It's your decision, Donna. I don't want to force you if you don't want, right?" sabi niya sa akin.

Matapos na sabihin niya 'yon ay itinikom ko na talaga ang mga labi ko. Hindi na ako nagsalita pa ng kung anu-ano sa harapan niya. Kumain na nga rin siya ng breakfast. Habang kumakain siya ay inaasikaso o pinagsisilbihan ko naman siya.

Nang makakain siya ng breakfast ay hinugasan ko na kaagad ang pinagkainan niya. Kaunti naman na lang ang natirang pagkain na niluto ko dahil kinain na niya 'yon.

Pagkatapos ng gawain ko sa kusina ay tumungo ako sa may sala. Nakita ko siya na nakabihis. Sigurado ako na may pupuntahan siya ngayong araw na 'to. Hindi naman siya magbibihis ng damit na pang-alis kung wala siyang lakad. Bagong ligo rin siya. Ang bango-bango nga niya. Ang guwapo-guwapo rin niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya.

"Aalis po kayo, Sir Dave?" tanong ko kaagad sa kanya.

Mabilis naman nga niya akong tinanguan at nagsalita, "Oo, Donna. Aalis nga ako ngayong araw na 'to."

Tumango-tango naman ako at nagsalita, Ah, ganoon po ba? Saan po ba kayo pupunta?"

"Pupuntahan ko lang naman ang best friend ko sa bahay niya," sagot nga niya sa akin.

"Ah, talaga po?"

"Oo, Donna."

"Magtatagal ka po ba doon, Sir Dave?" tanong ko sa kanya kung magtatagal siya sa bahay ng best friend niya na pupuntahan niya ngayong araw na 'to.

Napakibit-balikat siya sa tanong kong 'yon sa kanya.

"I can't tell you kung magtatagal ako doon sa bahay ng best friend ko, Donna. Kahit anong oras ay uuwi pa rin ako dito sa bahay. Hindi naman ako titira doon, eh. Habang wala ako ay ikaw muna ang bahala dito sa bahay namin ng Ma'am Camille mo. Kung may kailangan ka o ano pa ay tawagan mo lang ako, okay? You have my number, right?" sagot niya sa akin.

"Sige po, Sir Dave. Wala pong problema 'yon sa akin. Sige. Salamat. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho mo ng 'yong kotse. Tatawagan po kita kung may kailangan po ako o ano pa," sabi ko sa kanya.

"Okay. Thank you for that, Donna. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay namin ni Camille. Baka gabihin kasi ako ng uwi mamaya pero depende pa rin kaya hindi ako nakapagsabi sa 'yo ng ekasaktong oras kung kailan ako makakauwi mamaya. Basta nandoon lang ako sa bahay ng best friend ko," sabi niya sa akin na nakangiti.

Ngiti pa lang talaga ni Sir Dave ay pakiramdam ko ay natutunaw na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status