NIYAKAP nang mahigpit ni Olivia sina Nanay Becca at Tonet.
“Diyos ko naman kung umakting ka naman dyan parang di na tayo magkikita-kita ah,” maluha-luhang sabi ni Nanay Becca sa kanya, “Pati tuloy ako naiiyak sa iyo. Dadalaw ka naman dito lagi, di ba? Naku, mamimiss ko tong maganda kong apo. . .”
“Welcome po kayo anytime sa bahay, Aling Becca,” dinig niyang sabi ni Gabriel sa matanda.
“Si Nanay Becca lang, ba? Pano naman kami nitong mga bata?”
“Welcome kayong lahat dun. Mas mabuti ngang pasyalan nyo si Olivia dun para di mainip. Pwede kayong magswimming dun para mag-enjoy ang mga bata.”
&nbs
NAPAPIKIT si Olivia sa kiliting idinulot sa kanya ng mga halik na iyon ni Gabriel. Parang naririnig na naman niya iyong kanta ni Roselle Nava sa utak niya. Bakit nga ba mahal na mahal kita? Pakiramdam niya ay nasa loob ng kuwarto nila si Roselle Nava habang kinakantahan sila nito. OMG, bakit kung anu-ano na itong naiisip ko? Ganito ba talaga kapag naiinlab? Nagiging korni at masyadong madrama? Akalain mong pati itong love scene nila ay nalalagyan pa niya ng back ground music sa utak niya? Kapag ako ay nagmahal My God, bakit parang paulit-ulit kong naririnig ang bawat kataga ni Roselle Nava ng mga sandaling ito? Bakit nga ba mahal na mahal kita Gabriel? Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyan kahit paulit ulit ko mang itanong sa sarili ko. Ang sigurado ko lang, mahal na mahal na mahal talaga kita. And God knows, kahit sino pang lalaki ang makilala niya, hindi siya makakaramdam ng
HINDI mapakali si Anika. Nakakailang stick na siya ng sigarilyo, paikot-ikot siya sa salas ng kanyang condominium, inaatake na naman siya ng anxiety niya. Hindi niya alam kung bakit simula nang magkrus muli ang landas nila ni Tonet ay nagkakaganito na naman siya. Buong akala niya ay nakalimutan na niya ito. Heto at bumabalik na naman ang mga alaala sa utak niya. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot, bakit ngayon ay nananariwa na naman? And shit, ang guwapo pa rin nito. Hindi pa rin nawawala ang lakas ng appeal nito sa kanya. I hate this feeling. 
NANGANGATAL ang buong katawan ni Samantha matapos makausap ang maid ni Gabriel na si Manang Rosa. Bago ito maging kusinera ni Gabriel ay naging yaya muna niya ito ng sampung taon kaya nasa kanya ang loyalty ng matanda. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita nito sa kanya. Totoo nga ang tsismis na nagkabalikan na si Gabriel at si Olivia at ngayon ay ibinahay na naman itong muli ng kanyang pinsan. Ngunit ang mas higit na ikinagagalit niya ay ang malamang may anak na ang mga ito. Naalala niya ang baby sana nila ni Edward na namatay nuong ipinagbubuntis niya. Muli na namang nabuhay ang matinding galit niya sa babaeng naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak at pagkasira ng relasyon ni
“I CAN’T BELIEVE you Gab! Ikaw na pinagkakatiwalaan ko, tratraydurin mo lang ako ng ganito?” Kunot-nuong tiningnan ni Gabriel si Samantha, “What the hell are you talking about, Sam?” “Nakarating sa kin ang balitang nagsasama na naman kayo ng Olivia na yun!” bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya. “Bakit ba ibinabalik mo na naman ang babaeng iyon sa pamilya natin? Sya ang sumira ng buhay ko, nakalimutan mo na ba yun?” Halos mangiyak ngiyak na sabi nito sa kanya, “You are so insensitive, Gab!” “Listen Samantha, kung anuman ang nangyari saiyo nuon, walan
NASA LOBBY si Olivia ng kanilang tinitirhang condominium, kagagaling lang nilang mag-ina sa play ground na malapit lang duon kasama ni Yaya Dina. Naaliw si Stacey sa Christmas tree na nakadisplay sa lobby kaya hinayaan muna niya itong titigan iyon habang siya ay nakaupo sa isang couch nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. “Olivia. . .” Nangunot ang nuo niya at pilit na inalala kung saan niya nakita ang pamilyar na lalaki. Biglang rumihistro ang takot sa mukha niya nang maalala kung sino ito. Si Edward, ang dating nobyo ng pinsan ni Gabriel na muntik nang magsamantala sa kanya. Biglang nangatal ang kanyang buong katawan. Ramdam niya ang takot na unti-unting bumalot sa kanyang buong pagkatao. Pakiramdam niya ay nabalik si
ANG LAKAS ng tawa ni Samantha nang makita ang namamagang mukha ni Edward nang pasyalan niya ito sa ospital. “Why don’t you file a case against Gabriel?” nakangising suggestion niya rito, naupo siya sa gilid ng kama at hinimas ang kaumbukan ng pagkalalaki nito, “Malay mo sa ganung paraan may laban ka?” Hindi ito kumibo. Natawa siya, “Takot kang maeskandalo ang pangalan mo, ‘no?” patuyang sabi niya, “Ano pa bang dapat mong ikahiya? Hindi pa ba kahihiyan yang pinagagagawa mo? Ang cheap mo sa totoo lang. Imagine, nagawa mo akong ipagpalit sa isang mababang uri ng babae?” “Pwede ba Samantha, hindi ngayon ang oras para dito,” y
“ARE you sure kaya mo nang mapag-isa?” Nag-aalalang tanong ni Gabriel, nakabihis na ito papasok sa opisina ngunit halata ang pag-aalangan sa mukha habang nakatingin sa kanya, “Kung gusto mo ika-cancel ko ang meeting ko. . .” “No you don’t have to, okay na ang pakiramdam ko. Besides, hindi naman ako lalabas ng bahay ngayon, dito na lang muna kami ni Stacey sa loob.” Hinalikan siya nito sa nuo, “Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, okay?” Tumango siya. “Okay, I have to go. Sandali lang ako. Maaga rin akong uuwi.” Anitong pahakbang na sana ngunit mabilis niyang itong hinawakan sa braso, takang napatingin ito sa kanya.
“Gabriel. . .” bahagya pang pumiyok si Olivia, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang buong katawan nang dumampi ang isang hita nito sa mga binti niya. “Yes,” anitong namumungay ang mga matang bumaling paharap sa kanya, hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Gusto kong hanapin si Tito Roman at ang nanay ko. Gusto kong kasuhan si Tito Roman, b-baka iyon lang ang paraan para tuluyan ko nang mapatawad iyong nakaraan ko.” “Kakausapin ko si Atty. Melendez, itatanong ko kung anong magagawa natin tungkol sa kaso mo.” “Thank you.” Saglit na katahimikan. Maya-maya
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila