“I CAN’T BELIEVE you Gab! Ikaw na pinagkakatiwalaan ko, tratraydurin mo lang ako ng ganito?”
Kunot-nuong tiningnan ni Gabriel si Samantha, “What the hell are you talking about, Sam?”
“Nakarating sa kin ang balitang nagsasama na naman kayo ng Olivia na yun!” bulyaw nito sa kanya.
Natigilan siya.
“Bakit ba ibinabalik mo na naman ang babaeng iyon sa pamilya natin? Sya ang sumira ng buhay ko, nakalimutan mo na ba yun?” Halos mangiyak ngiyak na sabi nito sa kanya, “You are so insensitive, Gab!”
“Listen Samantha, kung anuman ang nangyari saiyo nuon, walan
NASA LOBBY si Olivia ng kanilang tinitirhang condominium, kagagaling lang nilang mag-ina sa play ground na malapit lang duon kasama ni Yaya Dina. Naaliw si Stacey sa Christmas tree na nakadisplay sa lobby kaya hinayaan muna niya itong titigan iyon habang siya ay nakaupo sa isang couch nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. “Olivia. . .” Nangunot ang nuo niya at pilit na inalala kung saan niya nakita ang pamilyar na lalaki. Biglang rumihistro ang takot sa mukha niya nang maalala kung sino ito. Si Edward, ang dating nobyo ng pinsan ni Gabriel na muntik nang magsamantala sa kanya. Biglang nangatal ang kanyang buong katawan. Ramdam niya ang takot na unti-unting bumalot sa kanyang buong pagkatao. Pakiramdam niya ay nabalik si
ANG LAKAS ng tawa ni Samantha nang makita ang namamagang mukha ni Edward nang pasyalan niya ito sa ospital. “Why don’t you file a case against Gabriel?” nakangising suggestion niya rito, naupo siya sa gilid ng kama at hinimas ang kaumbukan ng pagkalalaki nito, “Malay mo sa ganung paraan may laban ka?” Hindi ito kumibo. Natawa siya, “Takot kang maeskandalo ang pangalan mo, ‘no?” patuyang sabi niya, “Ano pa bang dapat mong ikahiya? Hindi pa ba kahihiyan yang pinagagagawa mo? Ang cheap mo sa totoo lang. Imagine, nagawa mo akong ipagpalit sa isang mababang uri ng babae?” “Pwede ba Samantha, hindi ngayon ang oras para dito,” y
“ARE you sure kaya mo nang mapag-isa?” Nag-aalalang tanong ni Gabriel, nakabihis na ito papasok sa opisina ngunit halata ang pag-aalangan sa mukha habang nakatingin sa kanya, “Kung gusto mo ika-cancel ko ang meeting ko. . .” “No you don’t have to, okay na ang pakiramdam ko. Besides, hindi naman ako lalabas ng bahay ngayon, dito na lang muna kami ni Stacey sa loob.” Hinalikan siya nito sa nuo, “Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, okay?” Tumango siya. “Okay, I have to go. Sandali lang ako. Maaga rin akong uuwi.” Anitong pahakbang na sana ngunit mabilis niyang itong hinawakan sa braso, takang napatingin ito sa kanya.
“Gabriel. . .” bahagya pang pumiyok si Olivia, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang buong katawan nang dumampi ang isang hita nito sa mga binti niya. “Yes,” anitong namumungay ang mga matang bumaling paharap sa kanya, hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Gusto kong hanapin si Tito Roman at ang nanay ko. Gusto kong kasuhan si Tito Roman, b-baka iyon lang ang paraan para tuluyan ko nang mapatawad iyong nakaraan ko.” “Kakausapin ko si Atty. Melendez, itatanong ko kung anong magagawa natin tungkol sa kaso mo.” “Thank you.” Saglit na katahimikan. Maya-maya
NAGULAT si Olivia nang iabot ni Gabriel ang maliit na pink box at isang boquet ng tulips sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mga mata nang tingnan ito, “Bakit? Anong okasyon?” kabadong tanong niya. Nagpropropose na ba ito sa kanya? Ang bilis bilis ng kabog n dibdib niya. “Kailangan bang may okasyon? Open it,” nakangiting sabi sa kanya ni Gabriel. Natatarantang binuksan niya ang maliit na box. Dismayado siya nang makitang diamond earrings iyon. Masyado yata siyang umasa. “What’s wrong?” Takang tan
“LONG time no see Gabriel,” bati ng anak ni Don Ignacio nang magkita sila sa golf course kasama ng mga kaibigan niya, “After ng lumabas na mukha natin sa mga newspaper, hindi ka na ulit nagpakita ah.” “Medyo naging busy lang.” “Just because our plans did not pursue, tinapos mo na rin ang whirl wind romance natin ng gabing iyon,” makahulugang sabi nito sa kanya. “Wala namang romance na nangyari. Namis-interpret lang ng media iyong pagiging gentleman ko.” Sagot niya rito. “Really?” nanunukso ang mga ngiti nito sa kanya, “Wala nga ba?” 
MAINIT ANG mga mata ni Elise kay Gabriel. The more na nagpapakipot ito sa kanya, the more na mas lalo siyang atat. It makes her thirst for more. Very intruiging para sa kanya ang pagiging mysterious nito. Bukod tanging ito lang ang lalaking hindi gaanong nagbibigay ng importansya sa kanya. Gusto niya itong lubos na makilala. Gusto niyang malaman kung sinu-sino ang mga nakarelasyon nito at kung sino ang karelasyon nito sa kasalukuyan. Ito rin ang paraan nya upang tuluyan na niyang makalimutan si Dave. Nag-iinit ang ulo niya tuwing naalala ang lalaking iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang mga alaala ang pinagdaanan niya sa Amerika. God, ayaw na n
KAAGAD na nakatawag ng pansin ni Olivia ang cover ng isang fashion magazine. Hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng iyon dahil iyon ang babaeng kasama ni Gabriel sa isang interbyu nuon na pinagselosan niya ng husto. Binayaran niya iyon kasama ng yogurt na ipinabili sa kanya ni Stacey pagkatapos ay lumabas na sila ng Family Mart na nasa ibaba lang naman ng kanilang condominium. Nasa elevator pa lamang sila ay binasa na niya ang magazine. Ilang beses siyang napabuntong hininga ng malalim, ang layo-layo ng agwat nila ng Elise Ignacio na ito. Ito ang klase ng babaeng siguradong gusto ng mga magulang ni Gabriel para dito. “Olive?” Pag-angat niya ng mukha, nakita niya si Don Miguel nakangiti sa kanya. Hin