“LONG time no see Gabriel,” bati ng anak ni Don Ignacio nang magkita sila sa golf course kasama ng mga kaibigan niya, “After ng lumabas na mukha natin sa mga newspaper, hindi ka na ulit nagpakita ah.”
“Medyo naging busy lang.”
“Just because our plans did not pursue, tinapos mo na rin ang whirl wind romance natin ng gabing iyon,” makahulugang sabi nito sa kanya.
“Wala namang romance na nangyari. Namis-interpret lang ng media iyong pagiging gentleman ko.” Sagot niya rito.
“Really?” nanunukso ang mga ngiti nito sa kanya, “Wala nga ba?”
 
MAINIT ANG mga mata ni Elise kay Gabriel. The more na nagpapakipot ito sa kanya, the more na mas lalo siyang atat. It makes her thirst for more. Very intruiging para sa kanya ang pagiging mysterious nito. Bukod tanging ito lang ang lalaking hindi gaanong nagbibigay ng importansya sa kanya. Gusto niya itong lubos na makilala. Gusto niyang malaman kung sinu-sino ang mga nakarelasyon nito at kung sino ang karelasyon nito sa kasalukuyan. Ito rin ang paraan nya upang tuluyan na niyang makalimutan si Dave. Nag-iinit ang ulo niya tuwing naalala ang lalaking iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang mga alaala ang pinagdaanan niya sa Amerika. God, ayaw na n
KAAGAD na nakatawag ng pansin ni Olivia ang cover ng isang fashion magazine. Hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng iyon dahil iyon ang babaeng kasama ni Gabriel sa isang interbyu nuon na pinagselosan niya ng husto. Binayaran niya iyon kasama ng yogurt na ipinabili sa kanya ni Stacey pagkatapos ay lumabas na sila ng Family Mart na nasa ibaba lang naman ng kanilang condominium. Nasa elevator pa lamang sila ay binasa na niya ang magazine. Ilang beses siyang napabuntong hininga ng malalim, ang layo-layo ng agwat nila ng Elise Ignacio na ito. Ito ang klase ng babaeng siguradong gusto ng mga magulang ni Gabriel para dito. “Olive?” Pag-angat niya ng mukha, nakita niya si Don Miguel nakangiti sa kanya. Hin
NAPAKUNOT ang nuo ni Gabriel nang makita sa ibabaw ng kama ang isang fashion magazine kung saan cover ang anak ni Don Ignacio. Binili ba ito ni Olivia dahil ito ang cover or nagkataon lang? Hindi na niya maalala kung napag-usapan ba nila nuon ang tungkol dito. Para sa kanya ay hindi naman big deal ang paglabas nilang dalawa sa tv at diyaryo na waring may ‘romance’na namumuo sa kanila dahil wala namang katotohanan iyon kaya di na niya maalala kung napag-usapan ba nila ito ni Olivia nuon. Siguro’y nagkataon lang na ito ang cover ng magazine. Napalunok siya nang lumabas ng banyo si Olivia. Nakatapis lamang ito ng kulay rosas na tu
HINDI makapaniwala si Elise sa naikwento sa kanya ni Samantha. Si Gabriel Craig na napakasuplado at napakahirap kunin ng attention, may ka-live in na prostitute? Oh My God, parang ang hirap paniwalaan pero mukhang nagsasabi naman ito ng totoo lalo pa nga at na-confirm na niyang pinsan nga itong talaga ni Gabriel. Curious tuloy siyang makilala kung sino ang babaeng iyon. Tinawagan niya si Gabriel. Nasa mood siya para maglaro. Masarap maging project ang isang gaya ni Gabriel. Mas nakaka-challenge para sa kanya ang kagaya nito na may pagka-isnabero. Idagdag pang take na pala ito. At ng isang prostitute ha?&nb
“SIR, ANG KULIT PO EH,” Mahinang sabi ng kanyang sekretarya nang pasukin siya nito sa kanyang pribadong opisina, sa likod nito ay nandoon si Elise Ignacio, “Hindi ako tigilan gang di ko dinadala sa inyo. Pasensya na Sir,” natatakot na sabi nito sa kanya. Tumango siya at senenyasan si Miss Albufera na lumabas na ng kanyang kuwarto. Siya na ang bahala kay Elise. Nagmamadaling lumabas ang kanyang sekretarya. Lumapit si Elise sa kanya, naupo sa ibabaw ng mesa niya at sinadyang e-expose ang mahaba at maganda nitong legs sa harapan niya. “Gusto ko ng mapikon saiyo, Gabriel. Tinanggihan mo ang dinner invitation ko saiyo kagabi. Ngayon naman, gusto mo akong pagtagu
Nagulat si Gabriel nang makatanggap ng tawag mula kay Edward. “Pasensya na pare sa nangyari. Wala akong intensyong guluhin kayo. Pumunta lang ako para humingi sana ng paumanhin kay Olivia sa nagawa kong kasalanan. . .” “Sana ako ang una mong nilapitan kung talagang yun ang intension mo,” pormal na sabi niya sa nasa kabilang linya ng telepono. Wala na siyang tiwala kay Edward at hindi na niya papayagang maulit pang muli ang nangyari. “I know,” anang lalaki, dinig niyang napabuntong hininga ito ng malalim, “Hindi ko alam kung magiging okay pa tayo, Gab. Pero sana ituring mo pa rin akong kaibigan. I know, hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon namin ni Samantha pero huwag naman sanang pati pagkakaibigan natin masira n
So this is where he keeps his lady? Sabi ni Elise sa sarili nang ibaba siya ng kanyang driver sa isang first class high rise condominium sa Makati. Pumasok siya sa loob ng lobby, tiyak na mahigpit ang security sa loob niyon kaya hindi niya alam kung anong drama ang kailangan niyang gawin para makapunta siya sa unit nina Gabriel. For sure, pagsusupladuhan lamang siya nito. Hindi rin naman niya sigurado kung eentertain siya ng Olivia na iyon kapag ito ang hinanap niya. “Elise?” anang isang boses sa tabi niya. Ang gulat niya nang paglingon niya ay makita si Don Miguel, isa sa mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ng father niya. “Tito Miguel,” hindi makapaniwalang sabi niya. Biglang nagningning ang kanyang mga mata nang
NAKANGISI si Elise nang huminto sa tapat niya ang kanyang sasakyan. Kumaway pa siya kay Don Miguel bago tuluyang sumakay sa kotse, “Nice talking to you Tito Miguel. Wag kayong mag-alala. Your secret is very safe with me,” pagbibigay assurance niya dito bago isara ang pinto ng kotse. Tawa siya ng tawa nang tumatakbo na ang sasakyan. Ginalingan talaga niya ang acting niya at mukhang napaniwala naman niya ang matanda na talagang desperado siyang mabalik sa kanya si Gabriel. And that she was pregnant three years ago pero napilitan siyang ipa-abort iyon sa Amerika dahil ayaw siyang panagutan ni Gabriel. Well, totoo namang nagpaabort siya sa Amerika three years ago. Iyon nga lang, hindi si Gabriel ang tatay ng batang dinala niya. Kailangan niyang
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila