NAPAPIKIT si Olivia sa kiliting idinulot sa kanya ng mga halik na iyon ni Gabriel. Parang naririnig na naman niya iyong kanta ni Roselle Nava sa utak niya.
Bakit nga ba mahal na mahal kita?
Pakiramdam niya ay nasa loob ng kuwarto nila si Roselle Nava habang kinakantahan sila nito. OMG, bakit kung anu-ano na itong naiisip ko? Ganito ba talaga kapag naiinlab? Nagiging korni at masyadong madrama? Akalain mong pati itong love scene nila ay nalalagyan pa niya ng back ground music sa utak niya?
Kapag ako ay nagmahal My God, bakit parang paulit-ulit kong naririnig ang bawat kataga ni Roselle Nava ng mga sandaling ito?
Bakit nga ba mahal na mahal kita Gabriel? Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyan kahit paulit ulit ko mang itanong sa sarili ko. Ang sigurado ko lang, mahal na mahal na mahal talaga kita.
And God knows, kahit sino pang lalaki ang makilala niya, hindi siya makakaramdam ng
HINDI mapakali si Anika. Nakakailang stick na siya ng sigarilyo, paikot-ikot siya sa salas ng kanyang condominium, inaatake na naman siya ng anxiety niya. Hindi niya alam kung bakit simula nang magkrus muli ang landas nila ni Tonet ay nagkakaganito na naman siya. Buong akala niya ay nakalimutan na niya ito. Heto at bumabalik na naman ang mga alaala sa utak niya. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot, bakit ngayon ay nananariwa na naman? And shit, ang guwapo pa rin nito. Hindi pa rin nawawala ang lakas ng appeal nito sa kanya. I hate this feeling. 
NANGANGATAL ang buong katawan ni Samantha matapos makausap ang maid ni Gabriel na si Manang Rosa. Bago ito maging kusinera ni Gabriel ay naging yaya muna niya ito ng sampung taon kaya nasa kanya ang loyalty ng matanda. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita nito sa kanya. Totoo nga ang tsismis na nagkabalikan na si Gabriel at si Olivia at ngayon ay ibinahay na naman itong muli ng kanyang pinsan. Ngunit ang mas higit na ikinagagalit niya ay ang malamang may anak na ang mga ito. Naalala niya ang baby sana nila ni Edward na namatay nuong ipinagbubuntis niya. Muli na namang nabuhay ang matinding galit niya sa babaeng naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak at pagkasira ng relasyon ni
“I CAN’T BELIEVE you Gab! Ikaw na pinagkakatiwalaan ko, tratraydurin mo lang ako ng ganito?” Kunot-nuong tiningnan ni Gabriel si Samantha, “What the hell are you talking about, Sam?” “Nakarating sa kin ang balitang nagsasama na naman kayo ng Olivia na yun!” bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya. “Bakit ba ibinabalik mo na naman ang babaeng iyon sa pamilya natin? Sya ang sumira ng buhay ko, nakalimutan mo na ba yun?” Halos mangiyak ngiyak na sabi nito sa kanya, “You are so insensitive, Gab!” “Listen Samantha, kung anuman ang nangyari saiyo nuon, walan
NASA LOBBY si Olivia ng kanilang tinitirhang condominium, kagagaling lang nilang mag-ina sa play ground na malapit lang duon kasama ni Yaya Dina. Naaliw si Stacey sa Christmas tree na nakadisplay sa lobby kaya hinayaan muna niya itong titigan iyon habang siya ay nakaupo sa isang couch nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. “Olivia. . .” Nangunot ang nuo niya at pilit na inalala kung saan niya nakita ang pamilyar na lalaki. Biglang rumihistro ang takot sa mukha niya nang maalala kung sino ito. Si Edward, ang dating nobyo ng pinsan ni Gabriel na muntik nang magsamantala sa kanya. Biglang nangatal ang kanyang buong katawan. Ramdam niya ang takot na unti-unting bumalot sa kanyang buong pagkatao. Pakiramdam niya ay nabalik si
ANG LAKAS ng tawa ni Samantha nang makita ang namamagang mukha ni Edward nang pasyalan niya ito sa ospital. “Why don’t you file a case against Gabriel?” nakangising suggestion niya rito, naupo siya sa gilid ng kama at hinimas ang kaumbukan ng pagkalalaki nito, “Malay mo sa ganung paraan may laban ka?” Hindi ito kumibo. Natawa siya, “Takot kang maeskandalo ang pangalan mo, ‘no?” patuyang sabi niya, “Ano pa bang dapat mong ikahiya? Hindi pa ba kahihiyan yang pinagagagawa mo? Ang cheap mo sa totoo lang. Imagine, nagawa mo akong ipagpalit sa isang mababang uri ng babae?” “Pwede ba Samantha, hindi ngayon ang oras para dito,” y
“ARE you sure kaya mo nang mapag-isa?” Nag-aalalang tanong ni Gabriel, nakabihis na ito papasok sa opisina ngunit halata ang pag-aalangan sa mukha habang nakatingin sa kanya, “Kung gusto mo ika-cancel ko ang meeting ko. . .” “No you don’t have to, okay na ang pakiramdam ko. Besides, hindi naman ako lalabas ng bahay ngayon, dito na lang muna kami ni Stacey sa loob.” Hinalikan siya nito sa nuo, “Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, okay?” Tumango siya. “Okay, I have to go. Sandali lang ako. Maaga rin akong uuwi.” Anitong pahakbang na sana ngunit mabilis niyang itong hinawakan sa braso, takang napatingin ito sa kanya.
“Gabriel. . .” bahagya pang pumiyok si Olivia, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang buong katawan nang dumampi ang isang hita nito sa mga binti niya. “Yes,” anitong namumungay ang mga matang bumaling paharap sa kanya, hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Gusto kong hanapin si Tito Roman at ang nanay ko. Gusto kong kasuhan si Tito Roman, b-baka iyon lang ang paraan para tuluyan ko nang mapatawad iyong nakaraan ko.” “Kakausapin ko si Atty. Melendez, itatanong ko kung anong magagawa natin tungkol sa kaso mo.” “Thank you.” Saglit na katahimikan. Maya-maya
NAGULAT si Olivia nang iabot ni Gabriel ang maliit na pink box at isang boquet ng tulips sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mga mata nang tingnan ito, “Bakit? Anong okasyon?” kabadong tanong niya. Nagpropropose na ba ito sa kanya? Ang bilis bilis ng kabog n dibdib niya. “Kailangan bang may okasyon? Open it,” nakangiting sabi sa kanya ni Gabriel. Natatarantang binuksan niya ang maliit na box. Dismayado siya nang makitang diamond earrings iyon. Masyado yata siyang umasa. “What’s wrong?” Takang tan