NAKAHILATA sa salas si Javier, lasing na lasing nang datnan ni Gabriel. Napabuntong hinga siya ng malalim saka mabilis na itong tinalikuran. Pagod na siyang pagsabihan pa ito at pangaralan ng paulit-ulit.
Panahon na para sarili nama niya ang asikasuhin niya. Malaki na si Javier para isipin at alalahanin pa niya.
“Kuya, ano bang meron ka na wala ako? Anong lamang mo sakin, bakit ikaw ang pinili ni Olivia?” dinig niyang tanong nito.
Huminto siya sa paglalakad at nakinig sa sasabihin nito.
“Ako etong mahal na mahal siya, handa ko syang ipaglaban kahit na kanino. Hindi kagaya mo na takot panindigan yung nararamdaman mo sa kanya and yet, bakit ikaw. . .ha Kuya, bakit
PAGLABAS ng kuwarto ni Javier ay inabutan niya ang Kuya Gabriel niya na nag-aalmusal. Humila siya ng bangko at sumabay na dito pagkain. “Okay ka na ba? Uminom ka ng orange juice para mawala ang hang-over mo,” kaswal na sabi sa kanya ng kuya niya. Tumango siya. Kung tutuusin ay wala namang kasalanan sa kanya ang Kuya Gabriel niya dahil nagmamahal lang din naman itong tulad niya. Alam niya, hindi man ito umamin, mahal nito si Olivia. Kilala niya ang kapatid niya, hindi ito mag-aaksaya ng panahon sa isang babae kung hindi naman ito mahalaga para dito. It’s just that magkaiba sila ng pagpapakita kung paano ang magmahal. Hindi naman kasi ganuon ka-expressive ang kuya niya unlike
NIYAKAP nang mahigpit ni Olivia sina Nanay Becca at Tonet. “Diyos ko naman kung umakting ka naman dyan parang di na tayo magkikita-kita ah,” maluha-luhang sabi ni Nanay Becca sa kanya, “Pati tuloy ako naiiyak sa iyo. Dadalaw ka naman dito lagi, di ba? Naku, mamimiss ko tong maganda kong apo. . .” “Welcome po kayo anytime sa bahay, Aling Becca,” dinig niyang sabi ni Gabriel sa matanda. “Si Nanay Becca lang, ba? Pano naman kami nitong mga bata?” “Welcome kayong lahat dun. Mas mabuti ngang pasyalan nyo si Olivia dun para di mainip. Pwede kayong magswimming dun para mag-enjoy ang mga bata.”&nbs
NAPAPIKIT si Olivia sa kiliting idinulot sa kanya ng mga halik na iyon ni Gabriel. Parang naririnig na naman niya iyong kanta ni Roselle Nava sa utak niya. Bakit nga ba mahal na mahal kita? Pakiramdam niya ay nasa loob ng kuwarto nila si Roselle Nava habang kinakantahan sila nito. OMG, bakit kung anu-ano na itong naiisip ko? Ganito ba talaga kapag naiinlab? Nagiging korni at masyadong madrama? Akalain mong pati itong love scene nila ay nalalagyan pa niya ng back ground music sa utak niya? Kapag ako ay nagmahal My God, bakit parang paulit-ulit kong naririnig ang bawat kataga ni Roselle Nava ng mga sandaling ito? Bakit nga ba mahal na mahal kita Gabriel? Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyan kahit paulit ulit ko mang itanong sa sarili ko. Ang sigurado ko lang, mahal na mahal na mahal talaga kita. And God knows, kahit sino pang lalaki ang makilala niya, hindi siya makakaramdam ng
HINDI mapakali si Anika. Nakakailang stick na siya ng sigarilyo, paikot-ikot siya sa salas ng kanyang condominium, inaatake na naman siya ng anxiety niya. Hindi niya alam kung bakit simula nang magkrus muli ang landas nila ni Tonet ay nagkakaganito na naman siya. Buong akala niya ay nakalimutan na niya ito. Heto at bumabalik na naman ang mga alaala sa utak niya. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot, bakit ngayon ay nananariwa na naman? And shit, ang guwapo pa rin nito. Hindi pa rin nawawala ang lakas ng appeal nito sa kanya. I hate this feeling. 
NANGANGATAL ang buong katawan ni Samantha matapos makausap ang maid ni Gabriel na si Manang Rosa. Bago ito maging kusinera ni Gabriel ay naging yaya muna niya ito ng sampung taon kaya nasa kanya ang loyalty ng matanda. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita nito sa kanya. Totoo nga ang tsismis na nagkabalikan na si Gabriel at si Olivia at ngayon ay ibinahay na naman itong muli ng kanyang pinsan. Ngunit ang mas higit na ikinagagalit niya ay ang malamang may anak na ang mga ito. Naalala niya ang baby sana nila ni Edward na namatay nuong ipinagbubuntis niya. Muli na namang nabuhay ang matinding galit niya sa babaeng naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak at pagkasira ng relasyon ni
“I CAN’T BELIEVE you Gab! Ikaw na pinagkakatiwalaan ko, tratraydurin mo lang ako ng ganito?” Kunot-nuong tiningnan ni Gabriel si Samantha, “What the hell are you talking about, Sam?” “Nakarating sa kin ang balitang nagsasama na naman kayo ng Olivia na yun!” bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya. “Bakit ba ibinabalik mo na naman ang babaeng iyon sa pamilya natin? Sya ang sumira ng buhay ko, nakalimutan mo na ba yun?” Halos mangiyak ngiyak na sabi nito sa kanya, “You are so insensitive, Gab!” “Listen Samantha, kung anuman ang nangyari saiyo nuon, walan
NASA LOBBY si Olivia ng kanilang tinitirhang condominium, kagagaling lang nilang mag-ina sa play ground na malapit lang duon kasama ni Yaya Dina. Naaliw si Stacey sa Christmas tree na nakadisplay sa lobby kaya hinayaan muna niya itong titigan iyon habang siya ay nakaupo sa isang couch nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. “Olivia. . .” Nangunot ang nuo niya at pilit na inalala kung saan niya nakita ang pamilyar na lalaki. Biglang rumihistro ang takot sa mukha niya nang maalala kung sino ito. Si Edward, ang dating nobyo ng pinsan ni Gabriel na muntik nang magsamantala sa kanya. Biglang nangatal ang kanyang buong katawan. Ramdam niya ang takot na unti-unting bumalot sa kanyang buong pagkatao. Pakiramdam niya ay nabalik si
ANG LAKAS ng tawa ni Samantha nang makita ang namamagang mukha ni Edward nang pasyalan niya ito sa ospital. “Why don’t you file a case against Gabriel?” nakangising suggestion niya rito, naupo siya sa gilid ng kama at hinimas ang kaumbukan ng pagkalalaki nito, “Malay mo sa ganung paraan may laban ka?” Hindi ito kumibo. Natawa siya, “Takot kang maeskandalo ang pangalan mo, ‘no?” patuyang sabi niya, “Ano pa bang dapat mong ikahiya? Hindi pa ba kahihiyan yang pinagagagawa mo? Ang cheap mo sa totoo lang. Imagine, nagawa mo akong ipagpalit sa isang mababang uri ng babae?” “Pwede ba Samantha, hindi ngayon ang oras para dito,” y