“OLIVIA, PWEDE ba tayong mag-usap? At pakiusap, huwag mo na sanang ipaalam pa kay Tonet ang pagkikita nating ito,” sabi ni Anika nang tawagan siya nito.
“O-Okay,” sagot ni Olivia. Alam niyang importante ang sasabihin nito at kinakabahan siya. Tinawagan kaagad niya si Gabriel pagkatapos tumawag sa kanya ni Anika.
“Hello?”
“Gab, makikipagkita ako ngayon kay Anika. May importante raw siyang sasabihin sakin,” paalam niya dito.
“Okay, saan kayo magkikita? Mag-iingat ka. Huwag na huwag kang lalakad na walang kasamang body guards. Kasama mo ba si Tonet?”
&n
AWANG-AWA SI OLIVIA habang nakamasid kina Tonet at Anika. Alam niya kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Tonet ngayon. Iyon pa nga lang malayo ka sa taong pinakamamahal mo ay wala na iyong kasing sakit. Iyon pa kayang malaman mong may malubha itong sakit? Parang hindi na niya kayang makita ang dalawa na nahihirapan kung kaya’t tumakbo na siyang pabalik sa kanyang kuwarto at duon umiyak nang umiyak. Ikamamatay niya kapag may nangyaring masama kay Gabriel o kay Stacey. Hindi niya iyon kakayanin. “Mommy. . .” sabi ni Stacey na hindi niya namalayang pumasok pala sa kanyang kuwarto. Nagmamadali niyang pinahid ang kanyang mga luha at niyakap ng mahigpit ang bata. Diyos ko, gabayan nyo po kaming mag-anak at ilayo
“OLIVIA, ANONG gagawin ko? Ayokong hayaan si Niks magpagamot sa Amerika na di ako kasama. Gusto kong kasama nya ko habang nagpapagamot siya pero. . .” napahagulhol siya, “Ayoko ring naming iwan ang mga bata. Binantaan ako ni Rocco na kapag sumama ako kay Niks, di ko na makikita ang mga anak ko kahit na kelan. At. . .at obligasyon ko naman talagang alagaan ang mga bata. . .” “Naiintindihan kita pero naiintindihan ko rin naman ang nararamdaman ni Rocco, lalo pa at 10 years old lang naman iyong bunso nyo,” aniya dito. “What if sumama ka kay Anika papuntang Amerika kahit two weeks lang. ‘Wag ka ng mag-aalala sa pamasahe at mga gastosin mo dun, ako ng bahala. At least kasama ka ni Anika sa unang dalawang lingo nya dun. Or kahit isang buwan lang. Huwag mong intindihin ang mga bata, kami na ni Nanay Becca ang bahala sa kan
“NASA AMERIKA SILANG LAHAT?” Tumango si Glenda. Galit na galit na dinampot ni Arlyn ang mono block chair at ipinaghahampas sa dingding. Kung hindi pa siya inawat ng Tito Jaypee niya ay hindi siya titigil. “Ano ka ba naman, Arlyn? Huwag kang gumawa ng eksena dito kung ayaw mong ireklamo tayo ng mga kapitbahay.” “Nahihirapan akong malayo sa anak ko, habang sila, hayun sa Amerika at nagpapakasarap dun?” Selos na selos na sabi niya, “Magkasama sila ng babaeng iyon, ako, nandito sa mabahong lugar na ito at. . .” “Di ba dalawang taon mo rin namang nakasama si G
UMIIYAK si Tonet habang pinagmamasdan si Anika habang natutulog. Katatapos lang nitong sumailalim sa chemotheraphy. Kanina ay sumuka ito ng sumuka kaya naman tarantang-taranta siya. Kung pwede nga lamang akuin ang sakit na nararamdaman nito, ginawa na niya. God, hindi ko kayang mawala siya sa kin, please naman. Ngayon lang ulit ako hihiling saiyo, sana naman, pagbigyan mo naman ako oh. Hinagod niya ang buhok nito saka hinalikan ito sa nuo saka nahiga sa tabi nito. Ayaw niyang ipikit ang kanyang mga mata. Natatakot siyang baka pagmulat niyang muli, wala na ito sa tabi niya kagaya ng panaginip niya nuon. Kinagat niya ang ibabang labi upang huwag nitong marinig ang pag-iyak niya.&nbs
“ANAK NG TETENG naman. Bakit ka naman nagpapakalasing ng ganyan?” Tiningnan lang ni Randell ang baklang kaibigan saka muling tumungga ng whisky. Hindi niya alam kung lasing na talaga siya dahil parang lahat ng lalaki ay mukha ni Jestoni ang nakikita niya. Naiinis na siya sa sarili niya dahil kahit anong gawin niya ay di naman niya ito makuhang kalimutan. Alam niyang napaka-stupid niya dahil sa kabila ng ginawa nito, di niya ito magawang burahin sa puso at isipan niya. Tumunog ang kanyang cellphone. Nagmamadali niya itong kinuha sa kanyang bulsa sa pag-aakalang si Jestoni ang tumawag sa kanya. Pero si Danny pala iyon. “Danny?”
“SO, ANO, TAYO NA ULIT?” Tanong ni Jestoni kay Randell nang matapos silang magtalik. Wala siyang sagot na narinig mula dito. Nagkibit balikat siya. Hindi niya ito pipilitin kung hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin nito ang intension niya para dito. Ngunit umaasa siyang hindi magtatagal at mararamdaman rin nito na sincere ang kanyang intension. Hindi pa niya tiyak kung mahal na niya ito, ang tanging malinaw lang sa kanya ngayon ay gusto niya ito. Namimiss niya ito at hinahanap-hanap niya ito. “Okay, tawagan mo na lang ako kapag gusto mo ng,” isang pilyong ngisi ang sumilay sa mga labi niya, “Alam mo na.” “Okay. Tatawa
“SHIT!!!” Galit na sinipa ng pulis ang pintuan na walang tao, “Natakasan tayo!” disappointed na sabi nito sa kausap sa radio. “Magaling talaga ang babaeng iyon. Naisahan na naman tayo,” napapailing na sabi ng kasamahan nitong pulis. “Hindi bale, alam na ng mga taga-rito ang tungkol kay Arlyn. Pasasaan ba at mahuhuli rin natin ang babaeng iyon!” “Duon tayo,” bulong ni Almudznie kay Arlyn, pasimple silang naglakad palayo habang sinesenyasan nito ang isang kapitbahay para tulungan silang makadaan sa likod ng bahay nito. From there ay may sasakyan na nag-aabang sa kanila. Mabilis siya nitong senenyasan na sumakay. Pinaharurot na ng lalaking nasa driver’s seat ang sasakyan na
WALANG KIBO SI JAYPEE habang ipinapasok siya sa loob ng selda. Baka nga mas matatahimik siya dito sa loob. Napapagod na siya. Bahala na. Tatanggapin ko na lang kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin dito. Pagod na pagod na akong magtago. Umiiyak na sumiksik siya sa isang sulok, ni ayaw niyang magtama ang paningin niya sa mga naroroon. Natatakot siyang baka kapag nagkamali ay mabugbog siya ng mga kasamahan niya sa selda. Ipinkit niya ang kanyang mga mata. Unti-unti ay nanumbalik ang lahat sa kanya. Kung paano siyang nagsumikap para marating ang tagumpay. Ngunit nasaan siya ngayon?&n
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila