“KANINA ka pa dito sa loob ng kwarto?” Nag-aalalang tanong niya sa balingkinitan na babae. Nakangising lumapit ito sa kanya.
Curious ang anyo nitong tiningnan siya ng matiim, “Oo, narinig ko lahat ng sinabi mo. Mamatay tao ka ba?”
“Ano sa palagay mo?”
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, “Mukha ka namang disente. At saka wala kang tattoo kagaya ng Uncle ko. Iyon talaga, mamatay tayo.”
Napalunok siya, “M-may Uncle kang mamatay tao?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Naisip niyang baka ito na ang sign para masolve ang problema nila ni Arlyn.
 
INABUTAN ni Gabriel sa kwarto si Arlyn, bumangon ito pagkakita sa kanya. “Mabuti naman umuwi ka na. . .” tila naglalambing na sabi nito, “Namimiss na kita eh. Parang hindi tayo mag-asawa.” Hindi niya ito inimikan, kinuha lang niya ang kanyang mga gamit. “A-anong ginagawa mo? Huwag mong sabihing aalis ka na naman?” Tanong ni Arlyn. Hindi siya sumasagot. Iritadong-iritado na siya sa babaeng ito. Hindi na niya kayang magtagal pang kasama nito. “Saan ka na naman pupunta? Dun sa kerida mo? Kapag itinuloy mo yan, sasampahan ko ng kaso ang babaeng iyon!&rd
“WHAT?” Gulat na tanong ni Arlyn. Nagtatangis ang mga bagang ni Arnel nang iabot niya kay Arlyn ang hawak na documents. “H-Hindi ko alam ang tungkol dito,” sabi ni Arlyn habang binabasa ang documents niya dito, “Si Tito Jaypee lang ang may gawa lahat ng ito. K-kaibigan nya ang manager ng bangko. Hindi ko alam ang tungkol dito.” Napangisi siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang takot sa mukha ni Arlyn. Mabuti na lamang at kaibigan niya ang Presidente ng bangko, madali siya nitong natulungan tungkol sa account nito. “One hundred million ang pumasok sa loob ng account mo sa loob ng anim na buwan, Arlyn. Paano mo ipap
MAITIM na lalaki. Palagay ni Jaypee ay humigit kumulang nasa singkwenta ang edad nito. Oily ang mukha, marumi ang mga kuko at nasa 5’5’ang height ng killer for hire na tiyuhin ng babaeng kasama niya sa hotel na ngayon hapon lang niya nalamang Glenda pala ang pangalan at nineteen years old lang ito. “Si Tiyo Orly,” Pakilala ni Glenda sa lalaking kasama nito, “Tito Orly, boyfriend ko!” Pinanindilatan niya ang babae. Kailan pa niya ito naging girlfriend? Kahaoon lang niya ito nakilala. Ni hindi nga siya interesadong sipingan ito ulit mamayang gabi. “Boyfriend mo? Tanda naman ng boyfriend mo,” anang lalaking kasama nito saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa na waring sinisipat kung may ka
INIISIP ni Arlyn kung papaano siyang makakapagproduce ng ten million pesos, at the same time ay excited na siyang mawala sa buhay niya si Olivia. Kapag nangyari iyon, tiyak na babalikan na siya ni Gabriel at magiging masaya na ang buhay nila. Si Olivia lang naman talaga ang nagpagulo sa pagsasama nila. Kung hindi dahil sa babaeng iyon, masaya sana silang nagsasama ng kanyang asawa. Siya ang legal na asawa at ipaglalaban niya kung ano ang para sa kanya. Wala siyang access sa bangko ni Gabriel. Saan siya kukuha ng ten million pesos? Tinangka niyang tawagan si Gabriel. Baka sakaling ito ang magbigay ng ten million pesos na kailangan ng Tito Jaypee nya. Ngunit kagaya ng dati, hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Naiin
“TITO JAYPEE, SI OLIVIA lang ang napag-usapan natin,” Paalala ni Arlyn sa kanyang tiyuhin. Kinakabahan siyang baka kung ano na naman ang maisipan nitong gawin. Kapag pumalpak, mas lalo silang magkakandaloko loko. “Kapag naging matagumpay tayo kay Olivia, isusunod natin ang iba pang magiging sagabal sa lahat ng mga plano natin.” Napalunok siya. “A-ano pong ibig ninyong sabihin?” “Hindi pa ba malinaw para saiyo ang ibig sabihin nun? Sabi ko naman saiyo, hindi ako mamatay tao. Pero oras na naumpisahan ko at naging matagumpay ito, pwede koi tong ituloy tuloy,” sabi nito sa kanya.&nb
DALAWANG araw. Dalawang araw lang ang palugit na ibibigay ko saiyo para trabahuhin mo ang babaeng iyon!” Utos ni Jaypee sa killer na inupahan niya. Hindi na niya kayang patagalin pa ang mga araw. Kailangan na niyang makuha ang ten million pesos mula kay Arlyn. Kailangang makaalis na siya sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. “Dalawang araw? Ano ba naman ýan, pabago bago kang kausap!” asar na sagot nito sa kanya. “Well, it’s either tutupad ka or kukuha ako ng ibang kausap,” pananakot niya dito. “Ang labo mo,” Iyon lamang at pinatayan na siya nito ng telepono. Nangigigil siya sa lalaking iyon. Daig pa
“PUTANG INA, BITOY, ipapahamak tayo ng sasakyan mo. Bakit hindi mo sinabing sa pangalan mo nakarehistro iyong ginamit nating kotse kahapon?” Bulyaw ni Orly sa kaibigan nang magkita sila nito sa may kanto ng Tandang Sora. “Easy. Pekeng plaka ang ginamit ko kahapon. Masyado ka namang high blood. Anong akala mo sakin, tanga?” Nagmamalaking sagot ni Bitoy sa kanya, “Syempre, sinigurado kong pinalitan ko ng pekeng plaka iyong sasakyan ‘no!” “Mabuti kung ganun,” aniyang bahagyang huminahon, saka kumunot ang nuo, “May iba pa ba tayong pwedeng magamit ngayon? Mainit na iyong pula mong sasakyan.” “May motor ako.”
ANG LAKAS ng sigaw ni Arlyn. Napatakbo ang maid niya sa labas ng kanyang kuwarto, “Ma’am, okay lang po kayo?” dinig niyang tanong nito. Hindi siya umiimik. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ang Tito Jaypee niya ang lalaking nasa may terrace ng kuwarto niya. Paano itong nakaakyat mula duon? “O-Oo, okay lang ako,” sagot niya sa maid saka binuksan ang terrace para akapasok ang Tito Jaypee niya. “Anong ginagawa nyo dito?” Mahinang tanong niya dito. “Kailangan ko ng pera,” Hinihingal ito nang sumagot, “Maki kick out na ko sa hotel na tinutuluyan ko kapag di ako nagbayad.”&nb