“MA? Akala ko kung anong emergency na ito,” hindi makapaniwalang sabi ni Gabriel nang nagmamadali niyang puntahan sa bahay ang ina. Akala niya ay kung ano na ang nangyari dito, iyon pala ang sinadya nitong huwag ipaalam sa kanya na inimbitahan ng mga ito si Arlyn at ang Ninong Jaypee niya sa bahay nila para sa isang salu-salo.
Nuong isang gabi lang ay magkakasama sila, parang gustong-gusto talaga ng parents at ng ninong niya na magkalapit sila ng husto ni Arlyn.
Naka-mini skit na kulay puti si Arlyn na tinernuhan ng kulay pulang sleeveless. Nakapony tail lang ang buhok at nakasuot ng kulay puting sneakers. Very casual and yet napaka-elegante nitong tingnan.
“Isn’t she stunning?” Bulong ng ina niya sa kanya nang mapansing na
MAG-UUMAGA na naman ng muling nakauwi sa condo si Gabriel. This time, hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Nagtulog-tulugan ulit siya. Pero ang totoo, magdamag na mulat ang mga mata niya habang naghihintay dito. Humalik ito sa nuo niya, amoy alak ito. Hindi na siya nakatiis, napilitan siyang tanungin ito, “3: am na ah. San ka galing?” “Sa bahay. Hindi agad ako makaalis dahil nandun si Ninong Jaypee at iyong pamangkin nya, nagkayayang mag-inuman.” Sabi nitong hinubad ang damit at pumasok sa loob ng banyo. Tumayo siya at sinundan ito hanggang sa may pinto ng banyo. “Pamangkin? Sinong pamangkin? Iyong kasama mo sa event?” Usisa niya, nakadikit ang tenga niya sa pinto ng banyo. Ayaw niyang ipa
“NINONG, I’m sorry but I have to go,” Paumanhin ni Gabriel, tumayo na siya para mauna na sanang umalis ngunit pinigilan siya ng kanyang Ninong Jaypee. “Gab, why are you in a hurry? Darating si Arlyn, gusto kong iguide mo siya sa pagpapatakbo ng ating kompanya. Daraing ang araw na siya na ang makakatuwang mo dito, iho,” makahulugang sabi ng matanda sa kanya. “Ninong. . .” “Iho, alam mo naman kung gaano ka-precious sa akin si Arlyn. Gusto ko, bago man lang ako mawala ay makita ko syang nasa mabuting kalagayan. Ikaw ang napipisil ko para sa kanya, iho. At gayun din naman ang mama at papa mo, gustong-gusto nila si Arlyn para saiyo.” Anang matanda sa kanya.&nb
“I HOPE wala kang something sa Arlyn na yun?” naglalambing na sabi ni Olivia, nakapatong ang kanyang ulo sa dibdib nito habang nilalaro ang dungot niyon. Napapatawang ikinulong siya nito sa mga bisig, “Hanggang ngayon ba hindi pa rin tapos ang issue natin tungkol dyan? Hindi pa ba malinaw saiyo kung ano ka sa buhay ko?” Tumingala siya dito, “Ano nga ba ako sa buhay mo?” Hinalikan nito ang ulo niya, “I love you. Kayo ni Stacey ang buhay ko,” buong pagmamahal na sabi nito sa kanya. Ang sarap sanang pakinggan pero sana hindi lang iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel dahil siya ang kasama nito ngayon. May trust issue pa rin talaga
DO ALL YOU DO para mapaibig mo si Gabriel, iha,” mariing sabi ng Tito Jaypee niya kay Arlyn nang sila na lamang dalawa ng matanda, “I really like him. Mula pa pagkabata ay kilala ko na sya. Sa kanya lang mapapanatag ang kalooban ko.” “Tito, ayoko namang gustuhin lang ako ng isang tao dahil napilitan lang sya sakin. Pagkakaalam ko, may babae. . .” “Si Olivia Reid?” Kunot-nuong napatingin siya sa kanyang tiyuhin, “Don’t tell me pinaimbestigahan mo kung sino ang girlfriend ni Gabriel?” “Sa palagay mo irereto ko saiyo si Gabriel kung hindi ko kilala ang kasulok-sulukan sa pagkatao nya? May laban ka sa babaeng iyon, iha.
“OH, GABRIEL, long time no see,” nakangiting bati ni Anika sa lalaki nang lapitan ito. Huling-huli niya ang pagpapanic sa mukha ni Gabriel nang makita siyang kasama ni Anika. Iyong mukha ng isang guilty na hindi pa man niya tinatanong ay todo deny na kaagad. Mas lalo lang siyang nasaktan sa reaction nitong iyon. Hindi ito makakaramdam ng guilt kung wala ito talagang ginagawang masama. Nagpipigil lang siya pero gusto nang sumabog ng dibdib niya sa sobrang sama ng loob na nararamdaman mas lalo na nang matitigan nang malapitan ang babaeng kasama nito. Mas maganda pala si Arlyn sa personal. Ang liit ng mukha, ang ganda ng biloy sa magkabilang pisngi. Damn, kahit naman sinong lalaki ay maakit talaga dito. Huling-huli niya
“HEY. . .” “Ayun, naghiwalay kaming masamang-masama pa rin ang loob nya saiyo. Halos hindi nga nagalaw iyong in-order kong lunch. Kasalanan mo. . .” “Niks. . .” “Yan ang problema saiyo Gab. Hanggang ngayon palagi kang fifty/fifty. Di ba dapat it’s all or nothing?” Napipikon na si Gabriel dahil parang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Anika na magpaliwanag, “Hindi mo ba man lang ako pagsasalitain?” “Kay Olivia ka magpaliwanag. Dahil kung ako ang tatanungin mo, ginawa ko na iyong best ko para magmukha kang okay sa paningin niya.&n
“LIV. . .?” Tuluyan na siyang nawalan ng malay. Hindi na niya alam ang sumunod pang mga pangyayari. Namalayan na lamang niyang nasa loob na siya ng ospital pagmulat niya ng kanyang mga mata. Nasa tabi niya si Nanay Becca, hawak ang isang kamay niya, bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala, “Diyos ko, mahabagin, akala ko kung napano ka na. . .kausap lang ng doctor si Gabriel. . .” Ilang sandali pa ay nanduon na si Gabriel kasama ang doctor, “Congratulations po Misis, you are three weeks pregnant,” anang magandang doktora sa kanya. Masayang-masaya si Gabriel. Hindi naman niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. H
“TAPATIN mo nga ako Gabriel, hindi ba sumagi kahit minsan lang sa isip mo na alukin si Olivia ng kasal?” Saglit na natigilan si Gabriel dahil hindi niya alam kung papaano sasagutin ang tanong na iyon ni Nanay Becca. Ang totoo ay ilang beses nang sumagi sa isipan niya na alukin ito ng kasal ngunit kasabay niyon ay ang lahat ng mga pag-aalinlangan at mga bagay na dapat niyang isaalang-alang kagaya ng kanyang pamilya. Ngayon pa lang ay natitiyak na niyang kahit anong gawin niya ay hindi ito matatanggap ng parents niya. Hindi niya gustong bigyan ang mga ito ng sama ng loob lalo pa at alam niya health condition ng kanyang ama. Dapat rin niyang isaalang-alang ang posisyon niya nga