Share

KABANATA 70

Ilang araw nang hindi nagri-report si Kyle sa office dahil kabi-kabila ang meeting na pinupuntahan nito. Hindi na nila ito nakakasabay lagi sa pagkain. Mas lalo tuloy hindi mapalagay ang pakiramdam niya. Nami-miss niya ito lagi at nahihiya naman siyang tawagan na lang ito basta nang walang dahilan. Gabi-gabi naman ay lagi niyang pinapakiramdam kung dumating na ito at saka matutulog kapag narinig na niyang bumukas na ang pinto ng kwarto nito.

Sa susunod na linggo ay sisimulan na ang advertisement video para sa brandy ng The Finest Corporation. Babiyahe sila sa Palawan at kasama nila ang main model na si Chelsea. Biglang sumimangot ang mukha niya nang maalala ang babae. 

Malapit nang mag-alas dose ng gabi at wala pa si Kyle. Ayaw niyang mag-isip nang kung ano-ano tungkol dito dahil alam niyang sobrang busy ito lately. Si Clyde ay may hawak din kasing iba pang clients kaya't kay Kyle muna pinaubaya ang project ng pinakaimportante nilang kliyente.

Hindi na niya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status