Lumapit ito sa kanya habang nasa kamay pa rin ang mga bagay na nagpapatunay na siya nga si Mysterious Woman. Sinalubong niya ang tingin ni Kyle at kahit wala pa siyang inamin ay mababasa na sa klase ng tingin niya ang sagot.
" Why didn't you tell me?"
" H-hindi ko alam. Siguro natatakot akong itama ang ilusyon mo na isang magandang babae si Mysterious woman," kinumpirma na ng sagot niya ang tanong nito kanina.
" And that confession was supposed to be for Clyde," mapaklang napatawa pa ito nang ma-realize iyon.
Hindi uli siya nakaimik dahil totoo naman iyon... nu'ng gabing umamin siya. Aminado siyang kay Clyde pa siya hibang na hibang noon. Iba naman ang nararamdaman niya kay Kyle ngayon. Hindi ito isang kahibangan lang, mas malalim at hindi isang matinding obsesyon gaya ng naramdaman niya kay Clyde dati. Gusto niya sanang sabihin iyon kay Kyle pero hindi niya alam kung paano.
" Wow... pinagtatawanan mo siguro ako nu'ng mga panahong atat na atat akon
Nagpalinga-linga siya bago siya sumakay ng bus. Papunta na kasi sila sa location kung saan gagawin ang shooting ng commercial ng brandy. Kakababa lang nila ng plane galing Maynila. Nasa Palawan na sila ngayon. Nasa bus siya kasama ng videographer at mga staff nito. Basta na lang kasi siya binigyan ng mga gamit na dadalhin ng isang lalaking staff. Palaging nakabuntot kay Kyle si Chelsea. Hinayaan niya lang kasi nga ito ang main model ng brandy. Kasabay ng dalawa ang big bosses na sumama rin sa shooting. May mga nakakasabay rin silang male models na kasali sa commercial. Alam niyang hindi pa nila pwedeng ipakita sa lahat kung anuman ang ugnayan nila ni Kyle sa ngayon. Ano nga ba ang ugnayan ninyo? Nangungulit uli ang utak niya. Hindi na lang niya pinansin ang tanong na iyon. Sa ngayon ay magkakasya na lang muna siya sa kung anumang meron sila. Baka kasi nalilito pa rin si Kyle sa nararamdaman nito sa kanya dahil kay Claire. Willing siyang
Asiwang-asiwa pa siya habang naglalakad dahil sa swimsuit na panloob. Hindi na niya kailangang itanong kung saan dadalhin ang mga dalang gamit dahil nakikita na niya ang videographer at staff nito. Kasalukuyan ding inaayos ang buhok at makeup ni Chelsea habang nakaupo ito sa ilalim ng beach umbrella. Hinanap agad ng mga mata niya si Kyle. Nakita niya itong kausap ang videographer habang hawak ang paborito nitong camera.Ibinaba niya ang mga gamit sa tabi ng babaeng nag-utos sa kanya. Hindi pa man siya nakakapagpunas ng pawis sa noo ay may lumapit naman sa kanyang lalaking may hawak ng costume ng isang mascot." Isuot mo ito. Hindi kasi sumipot iyong magsusuot sana nito."Nagpalinga-linga siya para tingnan kung sino ang kausap nito dahil hindi siya sure kung bakit sa kanya ito nakatingin. Nang wala siyang makitang ibang tao sa malapit maliban sa babae kanina ay alanganing itinuro niya ang sarili." Ako po ba ang kausap ninyo?"" Yes, ikaw nga!
Iniwan nito ang mga labi niya para halikan siya sa leeg habang dakot-dakot ang buhok niya. Napapaawang na lang ang bibig niya habang hinahayaan ang bibig nitong maglakbay sa leeg niya. Lumipat sa tenga niya iyon at dinidilaan siya roon." I'm so hard now but we need to stop baka nga may makakita sa atin," hinihingal na bulong nito sa kanya.Lumapat uli ang mga labi nito sa mga labi niya at binigyan siya ng isang makapugtong-hiningang halik.Nang bitiwan na nito ang bibig niya ay kinuha nito ang swimsuit bra niya na nasa leeg nito at ito na ang nagsuot nu'n sa kanya. Nanatiling magkahinang ang mga mata nila habang isinusuot iyon sa kanya.Magkahawak ang mga kamay na umahon na sila sa tubig." Wear this," ibinigay ni Kyle sa kanya ang polo nitong pinulot sa buhangin.Isinuot nito uli ang shorts at wala nang suot pantaas dahil siya na ang may suot nu'n. Ito na rin ang nagdala ng mascot costume niya. Kinuha niya ang costume para sa ulo par
Lagi siyang isinasama ni Kyle sa mga photo shoots at video shoot ng commercial para sa brandy ng The Finest Corporation. Masaya siya dahil masyado itong sweet sa kanya. Alam niyang marami ang nagtataka sa closeness nila ni Kyle pero walang isa man ang nagbibigay ng malisya. Walang sino naman kasi ang mag-iisip na may something sa kanila ni Kyle dahil ang layo nga naman ng agwat niya sa lalaki. Wala rin siya sa kalingkingan ng mga modelong nakapalibot sa lalaki. Hindi na rin niya nakikitang nakikipagharutan ito sa kung sino-sino mula nang nagkakaigihan silang dalawa. Gusto niyang maniwala na nahuhulog na rin ang loob nito sa kanya. Ang hinihintay niya na lang talaga ay ang pagiging opisyal ng relasyon nila. Nagtatawanan pa sila ni Kyle nang papasok ng bahay ng mga ito. Kagagaling lang nila sa isang pictorial para sa calendar ng brandy ng The Finest. Isa ito sa mga photographers ng photo shoot. Pareho pa silang natigilan nang makitang naghihintay sa sala
Hiniram niya uli kay Venus ang gown na isinuot niya sa masquerade birthday party ni Mrs. del Espania. Ngayon kasi ang pictorial nila ni Kyle. Siya ang magiging laman ng special edition ng magazine sa susunod na buwan. Ipapakilala na siya nito bilang si Mysterious woman pero gaya ng sinabi dati nito ay itatago nila ang identity niya.Nasa loob siya ng studio at pinapunta ni Venus si Fenny doon para siyang mag-ayos uli sa kanya. Alas diyes ng umaga ang pictorial nila pero eight pa lang ay andu'n na sila ni Fenny. Sinabi niyang hindi pa rin ito allowed na sabihin na siya si Mysterious woman kahit na lalabas na siya sa magazine. Ibang dahilan ang ibinigay niya sa bakla nang magtanong ito kung bakit.Kalahating oras bago mag-alas diyes ay tapos na siyang ayusan ni Fenny. Hindi na nito hinintay si Kyle dahil may appointment din ito ng alas diyes. Babayaran na sana niya ito sa serbisyo pero sinabi nitong si Venus na raw ang bahala roon. Nagpasalamat siya bago ito umalis. Nagb
Nagpaalam siya kay Kyle na uuwi siya sa kanila. Gusto niya kasing andu'n siya sa birthday ng lola niya. Hindi pa siya nakakauwi kahit isang beses man lang mula nang magtrabaho siya sa Maynila. Inaprubahan nito ang tatlong araw na vacation leave na ni-request niya. Gusto niya sanang imbitahan ang lalaki para maipakilala niya na rin sa lola niya pero hindi pa siya handang sabihin dito na siya ang apo ng manghuhulang kinukunsulta ng lola nito. Saka na niya pwedeng ipakilala ang lalaki sa abwela niya kapag nasabi na niya ang totoo rito.Hinatid siya ng lalaki sa terminal Sabado ng umaga. Ipapahatid pa sana siya ni Kyle sa driver ng mga ito pero tumanggi na siya." Mami-miss kita," sabi nito sa kanya nang ihatid siya nito sa bus." Para namang ang tagal ko talagang mawala," natatawang sabi niya pero alam niya sa sarili na mami-miss din niya ito ng sobra.Walang kumikilos sa kanila na parang bang may hinihintay na kung ano." Ahm, alis na ako
Siya at si Shirley ang nag-asikaso ng lahat ng mga bisita ng lola niya. Laking pasasalamat niya talaga at andu'n ang kaibigan. Ayaw niya kasing mapagod ang lola sa espesyal na araw nito. Pumunta rin ang mga magulang ni Shirley sa kanila. Halos lahat yata ng nasa bayan ay present dahil nabalitaan ng mga itong umuwi siya. Sa liit ng lugar nila ay halos magkakilala lang ang lahat ng mga tao sa kanila.Kahit walang tigil siya sa pag-aasikaso ay hindi naman siya nakaramdam ng pagod lalo't nakikita niyang masayang-masaya ang lola niya. May mga pagkakataon lang na parang hinihingal ito kahit walang ginagawa. Nang tanungin niya ang anak ni Aling Meding kung bakit ganu'n ang lola niya ay sinabi lang nitong sinusumpong daw ito ng hika na siyang ipinagtataka niya dahil hindi naman hikain ang lola niya.Dahil umaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao sa kanila, maaga ring nagsiuwian ang mga iyon. Konting bisita na lang ang naiwan nang mag-alas singko ng hapon. Nasa kusina siya nang
Naghilamos siya ng mukha saka napagpasyahang lumabas ng kwarto. Alam niyang magtataka ang lola niya kapag hindi na siya lumabas uli. Kinatok siya kanina ni Shirley at ipinasabi niyang ito na muna ang gumawa ng dahilan sa lola niya. Mabuti na lang at hindi na nangulit pa si Shirley at hinayaan na muna siya.Mga kalahating oras yata siyang nagkulong sa kwarto at walang ginawa kundi umiyak. Inayos niya ang salamin sa mata para mapagtakpan ang pamumugto ng mga mata. Paglabas niya ay ang mga magulang na lang ni Shirley at ilang kamag-anak nila ang naiwan." Bakit umalis agad ang boss mo?" Agad na tanong ng lola niya." B-babalik pa po kasi siya ng Maynila at gagabihin na siya masyado sa daan," iyon lang ang naisip niyang palusot at iniiwasang mapatingin sa mga mata ng matanda." Ganu'n ba?" Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sagot niya pero hindi na rin nagtanong pa.Ibinuhos niya ang atensiyon sa pagliligpit nga mga kalat at paghuhugas ng mga pinggan.