Share

KABANATA 69

Kahit mag-uumaga na siya nakatulog ay maaga pa rin siyang nagising. Awtomatikong bumalik sa utak niya ang maiinit na eksena nila ni Kyle nang parang may kakaiba siyang nararamdaman sa pagkababae niya nang magising. Uminit na naman ang mga pisngi niya habang napapangiti.

Inot-inot pa siyang bumangon nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. 

Nakita niya uli ang mga markang iniwan ni Kyle sa katawan niya nang maligo siya. Kahit basa ang buong katawan niya ng tubig ay bumabalik ang mainit na sensasyong pinadama ni Kyle sa kanya kagabi.

Nahihirapan siyang maimili ng isusuot sa araw na iyon. Napili niyang suotin ang isa sa mga binili ni Kyle para sa kanya sa mall. Peach ang kulay ng straight cut na damit na hanggang tuhod lang niya. Walang manggas iyon kaya't dinoblehan niya ng puting blazer. Nasisiyahan naman siya sa nakikita niyang repleksiyon sa salamin.

Hindi na siya nagsuot ng stockings gaya nang nakaugalian niya. Sasanayin na niya ang sarili sa mga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status