Share

Epilogue

Author: La Tigresa
last update Last Updated: 2021-03-24 17:25:20

Epilogue

Isinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.

Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.

Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.

Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal

Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhona Durangparang Benologa
thanks to you author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Prologue

    PROLOGUEAugust 2007Baguio City, PhilippinesHindi mapigilan ng labimpitong taong gulang na si Thera ang pagkabog ng dibdib nang makita ang matangkad na lalaking lumalabas mula sa glass door ng Sean and Tan’s Tea Caf. Bigla-bigla, humina ang tugtog na nagmumula sa headset na nakasuksok sa magkabila niyang tainga. Kahit naka-full volume, mas nangingibabaw pa rin nang di-hamak ang lakas ng tibok ng puso niya kaysa sa suwabe at malamig na boses ng singer ng isa sa mga paborito niyang kanta, ang “Close to You” ng The Carpenters. Theme song iyon ng kanyang mga magulang.Naramdaman ni Thera ang mahinang pagsiko ni Kisses sa tagiliran niya. Senyales na nakikita rin nito ang lalaking nakikita niya. Hindi lingid sa kaalaman ng kaibigan ang lihim niyang pagtingin sa binata. Hindi siya umamin pero kusa nitong nahalata.Sean De

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter One: Mrs Sean De Marco

    CHAPTER ONEMRS. SEAN DE MARCOOctober 08, 2019The Palace Mall and HotelBumukas ng pinto ng ladies’ room. Magkakasunod na pumasok ang tatlong uniformed employee ng The Palace Hotel. Iyong isa, pumasok sa bakanteng cubicle habang humarap naman sa salamin ang dalawang iba pa. Halos sabay ang mga itong naglabas ng pouch at makeup kit para mag-retouch.“Totoo bang nakakatakot ang Vice President, Ma’am Lira?” tanong ng pinakabata sa tatlo. She was twenty-one, newly hired.“Sa tingin mo ba, tatawagin siyang ‘Vice Devil’ ng ninety-nine percent ng mga empleyado sa Palace Mall and Hotel for nothing, Joy?” sagot ng tinawag na Ma’am Lira. Iritable itong bumuntong-hininga. “Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pang pumunta ng Vice President dito sa P

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Two: Devil Personified

    CHAPTER TWO DEVIL PERSONIFIEDOctober 13, 2019Huminga nang malalim si Thera nang bumukas ang elevator sa fourth floor ng condominium. Katatapos lang ng session niya with her gay fitness instructor at paakyat na sa unit niya sa eighth floor.Pares ng Adidas running shoes, Adidas white tee shirt, at leggings ang suot niya. Humakab iyon sa kanyang firm behind at na-emphasize niyon lalo ang long shapely legs niya.Hers was the kind that all men would want to climb and worship ayon sa instructor niya. The bastard was expecting her to smile sheepishly or blush for the flattery pero sinamaan niya ito ng tingin. Ano ang alam nito sa mararamdaman ng isang tunay na lalaki kung hindi naman ito straight?Not all men would fall for long brilliant legs. She knew someone who did not. And hated him to the bones until now.

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Three: Mr. Sean De Marco

    CHAPTER THREE SEAN DE MARCOOctober 15, 2019Inilapag ni Thera ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng glass center table. Nag-ring ang cell phone niya at iniabot iyon sa kanya ni Laida mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa.“Hello,” bati niya bago pa makapagsalita si Laida para sabihin kung sino ang nasa kabilang linya.“Thera?”Humugot siya ng malalim at maingay na hininga nang makilala ang boses. Matalim ang tingin niya kay Laida na kinagat ang ibabang labi.“Thera, tulungan mo ‘ko, please. Nakakulong si Joshua. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong pera pampiyansa. K-kapapanganak ko lang. Wala akong ibang malalapitan.”Pairap na iniikot ni Thera ang mga mata. “Ano’ng kaso?”“R-robbery. Pero hind

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Four: The Big Boss

    CHAPTER FOUR THE BIG BOSSPadarag na ibinagsak ni Thera ang pinto ng pickup nang pumarada iyon sa tapat ng Sean and Tan’s.Of all places, bakit sa Tea Caf pa siya dinala ni Sean? Supposedly, close na dapat ang coffee shop pero may ilaw na nakabukas sa loob. Hindi niya alam na nag-e-extend na ng working hours ang Tea Caf. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.As far as Thera could remember, si Sean ang totoong sadya ng mga babae at baklang customer ng Tea Caf noon. Hindi ang Instagramable café o ang cozy ambience o ang sikat na blended coconut coffee o ang nakakapaglaway na milk tea o ang cakes and pastries na naka-display malapit sa counter.Ilang beses nang nag-viral ang Tea Caf sa social media noong first quarter ng 2009. Mali, si Sean ang totoong nag-viral at hindi ang Tea Caf mismo.Isang estudyante sa DM University

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Five: Who are you?

    CHAPTER FIVE WHO ARE YOU?Sinulyapan ni Thera ang matangkad na lalaking kanina ay nagisnan niyang nakatunghay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa kitchen counter sa loob ng hospital room at may kausap sa cell phone nito.Lumayo ito nang dumating ang tinawag nitong doktor. Walang dudang may kaya ang lalaki kung pagbabasehan ang ayos at porma nito. Wala pa siyang lalaking nakita sa bayan nila na nakasuot ng long sleeves at coat sa mga araw na wala namang okasyon.Sabi ng nurse at doktor na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya, nabundol siya ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. Ang lalaki bang ito ang dahilan kung bakit bedridden siya? May cast ang braso niya at nakasuot siya ng neck support.Ngumiti si Thera nang hindi sinasadyang mapasulyap sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, nagbawi sa kanya ng tingin pagkatapos.Ah, hindi siguro ito makapaniwala na ngin

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Six: First Love

    CHAPTER SIX FIRST LOVEJune 2009Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio CityIsinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Seven: Babe

    CHAPTER SEVEN BABEPinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino siBabe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p

    Last Updated : 2021-03-21

Latest chapter

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Epilogue

    EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Special Chapter (Part 2)

    SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Special Chapter (Part 1)

    October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirty One : His Wife

    One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirty : Journey

    Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Nine: Lost

    Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Eight: Miracle from Heaven

    Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Seven: Girl on a Ledge

    October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Six : A Painful Trip Down Memory Lane

    August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status