CHAPTER FOUR
THE BIG BOSS
Padarag na ibinagsak ni Thera ang pinto ng pickup nang pumarada iyon sa tapat ng Sean and Tan’s. Of all places, bakit sa Tea Caf pa siya dinala ni Sean? Supposedly, close na dapat ang coffee shop pero may ilaw na nakabukas sa loob. Hindi niya alam na nag-e-extend na ng working hours ang Tea Caf. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.
As far as Thera could remember, si Sean ang totoong sadya ng mga babae at baklang customer ng Tea Caf noon. Hindi ang Instagramable café o ang cozy ambience o ang sikat na blended coconut coffee o ang nakakapaglaway na milk tea o ang cakes and pastries na naka-display malapit sa counter.
Ilang beses nang nag-viral ang Tea Caf sa social media noong first quarter ng 2009. Mali, si Sean ang totoong nag-viral at hindi ang Tea Caf mismo.
Isang estudyante sa DM University ang palihim na kumuha ng video ni Sean habang papasok sa loob ng café at in-upload iyon sa FB. The video reached hundred thousands of views in less than three days. Isa si Thera sa paulit-ulit at walang kasawa-sawang nag-hit ng replay button habang maluwang ang ngiti. Ni-like din niya at palihim na dinownload sa kanyang cell phone.
Ang sumunod ay isang customer naman na palihim na kinunan ng litrato ang lalaki habang nakasandal ito sa kotse. Partida, stolen shots pa ang mga kuha pero niyanig nang husto ang social media.
Si Sean ang tipo ng lalaking hindi kailangang magpapansin pero kusang napapansin. Hindi pa ngumingiti pero kayang pakiligin ang mga nasa paligid. Nakaka-attract kahit ang simpleng paghawi lang nito ng itim na itim na buhok o kahit nga ang simpleng paglilis nito ng sleeves ng suot na polo.
Thera heard Tea Caf was doing well. Marami nang bagong menu na ino-offer bukod sa sikat na tea, kape, at pastries.
Bumaba si Sean mula sa kotse. Dumeretso sa tarangkahan at sinusian iyon. Kumunot ang noo ni Thera. Ibig sabihin, walang tao sa loob. Nanggaling ba roon ang lalaki bago tumuloy sa bar? She got a bad feeling about him meeting her. Kung tama ang tanda niya, iyon pa lang ang pangatlong pagkakataon mula nang ikasal sila.
Kung balak nitong makipag-ayos, kalimutan na nito iyon. Kahit friendship o no relationship, kung mayroon mang ganoon, ay hindi niya iyon io-offer dito.
For the past nine years, ni minsan ay hindi siya nito sinadyang kitain. There were times na dapat ay magkakakitaan sila sa Amerika—kung saan ito nag-stay pagkatapos siyang takasan noong unang gabi ng kasal nila. Pero magaling umiwas si Sean. Hindi ito um-a-attend kapag alam na darating siya.
Kahit noong mga panahong ito dapat ang kumakausap sa kanya tungkol sa ipina-file nitong annulment case, abogado lang nito ang humarap sa kanya. Maliban sa ilang pagkakataon kung saan napipilitan si Sean na umuwi ng Pilipinas.
Sa magazine na lang niya ito madalas na nakikita—kung hindi lang nilalamukos ang walang malay na makapal at makintab na papel dahil sa galit niya. Yumi could provide information about Sean pero iginiit niyang huwag banggitin ang pangalan ng lalaki sa harap niya kung hindi naman kinakailangan.
Kung sa iba, “Thank you, Lord, I’m alive.” Kay Thera, iba. Nakontento na siyang tahimik na nilalait at minumura ang asawa sa isip bawat gising niya. Call her bitter or what, wala siyang pakialam.
Nauna si Sean sa pagpasok sa loob nang mabuksan nito ang pinto.
“Now, what do you want?” iritable niyang sabi nang makapasok.
Huminto ito sa gitna ng apat na sulok ng kuwartong iyon, nilingon siya. Humalukipkip siya, kung gaano siya ka-transparent, ganoon naman kahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki.
“Is this how a married woman should behave? You party and get drunk as if you’re nineteen,” flat na sabi nito. Ni hindi niya alam kung nang-iinsulto o ano.
“Should I get my act together to please you for old times’ sake, Mr. De Marco?” Umismid siya. “You call yourself my husband? Husband my ass.”
Kagaya ng dati, hindi siya nito pinatulan. Sa halip, may kinuha itong envelope sa ibabaw ng mesita, saka iniabot sa kanya.
“Ano ‘to?”
“Annulment papers.”
Automatic, naningkit ang mga mata ni Thera. Ipu-push pa rin pala talaga nito ang pagpa-file ng annulment. Nag-angat siya ng gigil at matalim na tingin sa lalaki. Ito lang ang taong kilala niyang humihingi ng annulment pero isinusuot pa rin ang wedding ring.
Iyong kanya, matagal na niyang itinago sa jewelry box na nakabaul na. Kung hindi lang siya nanghihinayang sa halaga, malamang matagal na niya iyong inihagis sa sapa.
“Surely you’re the only person who can stun me in utter disbelief, Mr. De Marco,” nang-iinsultong sabi niya. “Kung hindi sinabi sa ‘yo nang klaro ng pulpol mong abogado, sasabihin ko uli ngayon sa harap mo. Hindi ako papayag na ikasal ka sa iba pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa ‘kin. I will never ever sign that stupid paper! Magtiis kang kasal sa ‘kin!”
Nagpupuyos ang loob na tinakbo ni Thera ang pinto palabas ng Tea Caf. Indeed, the rotten bastard always had the nerve to talk to her about annulling their marriage.
Gusto nitong lumaya para magpakasaya sa piling ng ibang babae habang siya, mananatiling pathetic? Hindi siya makaka-move on hangga’t hindi niya nakikitang kumukulubot ang mga balat ni Sean nang mag-isa, miserable, at malungkot.
Eksaktong patawid na si Thera sa kalsada nang lumitaw mula sa kabilang bahagi ng daan ang isang kotse at tinutumbok siya. Wala nang oras kahit manlaki man lang ang mga mata niya. Saglit lang kasi, tumama na ang bumper ng sasakyang iyon sa kanyang katawan.
“Thera!”
Nakapikit pero naririnig ni Thera ang paisa-isang pagtulo ng tubig mula sa sirang gripo ng lababo ng bahay ni Tito Jaime. Natatandaan niyang tinalian na niya ng goma ang gripo para tumigil kahit paano ang pagtagas niyon bago siya natulog nang nagdaang gabi.
Bukod sa tumutulong gripo, dinig din niya ang mahinang tunog ng kamay ng orasang nakasabit sa dingding ng maliit na sala. Bakit ganoon kalakas? Parang ang gripo, orasan, at ang sariling hininga lang ang naririnig niya?
Wala ang malakas na hiyawan ng fans ng PBA players na pinapanood ng pinsan niyang si Joshua tuwing umaga sa binili nitong pirated CD o ang pagdila sa mukha niya ng alagang half aspin-half Terrier na si Matty.
Anong oras na? Bakit ang sakit ng katawan at ulo niya? Pagod na pagod na naman ba siya? Inabot na naman ba siya ng alas-onse ng gabi sa paglalaba ng mga damit ng tiyuhin at pinsan?
Umungol si Thera. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi niya maigalaw ang katawan.
“Thera…” The voice was sexy, malalim iyon at tunog, well, worried.
Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata. Blurry ang paningin niya pero may nakikita siyang malabo ring bulto ng isang lalaki. Nakadukwang ito sa kanya.
Hindi siya makagalaw, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Sino ang lalaking ito? Bakit blurred ang mukha nito? Bakit parang tinutunghayan siya nito?
Thera started panicking. Ang nae-experience ba niya ngayon ay iyong tinatawag na sleep paralysis? At ang lalaking nakatunghay sa kanya… Aswang ba ito o kapre? Ito na ba ang dahilan kung bakit mamamatay siya sa edad na disisiyete?
Hindi. Ang bata-bata pa niya. Ni hindi pa niya nae-experience na mahalikan. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Magkikita pa sila ni Jerry Yan. Hindi pa siya puwedeng mamatay.
Pero ilang segundo nga ba ang bibilangin niya bago magpalit ng anyo ang malabong imahe ng lalaki at maging halimaw? Scared for her precious life, she waited, counted… eight, nine, ten… hindi. The man didn’t turn into a monster.
Ang inaabangan niyang pagpapalit ng anyo, hindi nangyari. Unti-unti kasing luminaw sa paningin niya ang mukha ng lalaki.
Ang lalaking nakadukwang sa kanya.
Juicecolored.
Pogi.
Sobrang pogi.
CHAPTER FIVE WHO ARE YOU?Sinulyapan ni Thera ang matangkad na lalaking kanina ay nagisnan niyang nakatunghay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa kitchen counter sa loob ng hospital room at may kausap sa cell phone nito.Lumayo ito nang dumating ang tinawag nitong doktor. Walang dudang may kaya ang lalaki kung pagbabasehan ang ayos at porma nito. Wala pa siyang lalaking nakita sa bayan nila na nakasuot ng long sleeves at coat sa mga araw na wala namang okasyon.Sabi ng nurse at doktor na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya, nabundol siya ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. Ang lalaki bang ito ang dahilan kung bakit bedridden siya? May cast ang braso niya at nakasuot siya ng neck support.Ngumiti si Thera nang hindi sinasadyang mapasulyap sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, nagbawi sa kanya ng tingin pagkatapos.Ah, hindi siguro ito makapaniwala na ngin
CHAPTER SIX FIRST LOVEJune 2009Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio CityIsinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan
CHAPTER SEVEN BABEPinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino siBabe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p
CHAPTER EIGHT BATHTUBDecember 5, 2009Baguio City, PhilippinesMalalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng mama niya ang bagong hire nilang waitress, si Thera.Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali, lalo at nasabi na niya rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.Natatandaan niyang nabanggit sa mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi lang niya napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.Ang pinag-aalala ni Sean, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman nitong hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasa
CHAPTER NINE THUG WIFEY“Thera…”Suminghap si Thera. Napadiin ang kapit niya sa gilid ng tub para umamot doon ng lakas. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya, umikot ang kanyang paningin.“Ipinalipat mo ang mga gamit ko sa guest room sa ibaba, wala akong sinabing doon ako matutulog.”Iyong boses ni Sean, mas nagiging malinaw. Parang mas malapit. Parang nasa likod lang niya. Parang sa sobrang totoo, nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok imagine-in pa lang na nakabaon sa likod niya ang titig nito.“Pati ba paglublob sa tub nakalimutan mo na?”Nakalimutanseemed to be the magic word. Natauhan kasi si Thera, pumihit paharap sa nagsalita. Muntik na siyang ma-off balance nang malingunan ang asawa. Kung hindi siya maagap na nahawakan ni Sean sa kamay, malamang na nalaglag na siya sa t
Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite at sa guest room na inookupa, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.It was already past ten in the evening. At kagaya siguro niya, hindi rin ito makatulog.Nagduda si Sean kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito kanina ang tungkol sa mama niya. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief, and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.Malalim ang hiningang pinakawalan niya nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands, gusto ni
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesAlas-siyete na ng umaga nang magising si Thera. Nanakit ang likod niya sa magdamag na paghiga sa sofa pero nakapagtatakang mahimbing ang naging tulog niya.Nag-inat siya ng katawan habang bumabangon sa pagkakahiga. Sumisilip na ang araw sa glass window ng kuwarto. Nakalimutan niyang ibaba ang blinds bago matulog.Naghikab siya habang humahakbang papunta sa maluwang na bathroom. Binuksan niya ang shower nang makapasok sa loob ng multi-water jet shower enclosure. Nangigkig sa lamig na napaatras siya palabas nang umagos ang malamig na tubig at matilamsikan ang mga paa niya.Nang hindi makaipon ng tibay ng dibdib para maligo pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa binuksang dutsa, pinihit uli niya pasara ang shower, saka lumabas.Itinali ni Thera ang buhok, saka bumaba para tingnan at tulungan na rin si Fely na maghanda para sa almus
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesNakita ni Thera na bumukas ang ilaw sa katabing kuwarto. Dumating na si Sean. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Ten minutes to seven.Mahigit sampung oras nawala si Sean, sa loob ng mga oras na iyon ay hindi man lang nito naisipang tumawag para kumustahin siya. Alam niya, dahil pagdating nila kanina ni Fely mula sa bahay ni Tito Jaime ay nagtanong siya kay Manang Ising.Alam ni Thera, si Sean lang ang makakasagot sa mga tanong niya. Habang tunatagal, lalo lang kasi siyang naguguluhan. Patay na si Tito Jaime, inilihim iyon sa kanya ni Sean. Nag-aalala ba si Sean sa magiging reaksiyon niya kaya pinili nitong huwag munang sabihin sa kanya?Bakit naman ito mag-aalala sa mararamdaman niya? Unang-una, hindi naman ito naniniwalang wala siyang maalala.Nalilito siya. Obviously, hindi na siya nito mahal but why was h
EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal
SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit
October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m
One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top
Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa
Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T
Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.
October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I
August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung