Share

Chapter Five: Who are you?

Author: La Tigresa
last update Last Updated: 2021-03-21 11:24:40

CHAPTER FIVE

WHO ARE YOU?

Sinulyapan ni Thera ang matangkad na lalaking kanina ay nagisnan niyang nakatunghay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa kitchen counter sa loob ng hospital room at may kausap sa cell phone nito.

Lumayo ito nang dumating ang tinawag nitong doktor. Walang dudang may kaya ang lalaki kung pagbabasehan ang ayos at porma nito. Wala pa siyang lalaking nakita sa bayan nila na nakasuot ng long sleeves at coat sa mga araw na wala namang okasyon.

Sabi ng nurse at doktor na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya, nabundol siya ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. Ang lalaki bang ito ang dahilan kung bakit bedridden siya? May cast ang braso niya at nakasuot siya ng neck support.

Ngumiti si Thera nang hindi sinasadyang mapasulyap sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, nagbawi sa kanya ng tingin pagkatapos.

Ah, hindi siguro ito makapaniwala na ngingiti siya sa taong muntik nang makapatay sa kanya? Nangiti siya uli, ang importante, buhay siya.

Pero kung ito nga ang driver ng kotseng nakabunggo sa kanya, hindi ba dapat lang na nagso-sorry man lang ito sa kanya? O kaya nakikiusap na patawarin niya?

But he was acting cold and reserved now na para bang hindi totoo ang nakita niyang relief na gumuhit sa mga mata nito nang magdilat siya ng mga mata kanina.

First impression, pogi. Pero habang tinatapunan ito ni Thera ng side glances, alam ng labimpitong taong gulang niyang mga mata na malayo sa pagiging pogi lang ang lalaki.

He had an oozing homme fatale qualities, totally dangerous and seductive. Ang klase ng lalaki na makikita lang sa mga romantic movies at magazine. Very manly. If she was eight or nine years older, walang dudang isa siya sa magsu-swoon sa lalaki. But she was not the type who would fall for older men, regardless kung gaano ka-good-looking.

Tantiya ni Thera, nasa early thirties ang edad nito. Some men look better as they age, and this man was one of them. Mukha itong mayaman at mukhang may mataas na pinag-aralan.

“Kuya…” tawag niya nang makitang tapos na ang lalaki sa pakikipagtelebabad nito.

Natigilan ang lalaki, kumunot ang noo. Kung dahil sa pagtawag niya rito ng “Kuya” o ano, hindi siya sigurado.

“Puwede ko bang mahiram ‘yang cell phone mo? Baka kasi nag-aalala na ang mga kamag-anak ko.”

Kinagat niya ang labi. May kamag-anak nga ba siyang mag-aalala? Eh, hindi ba kulang na lang, hilingin ng mga sinasabi niyang kamag-anak na ma-tegi siya nang maaga?

Lumipat ang tingin ng lalaki sa doktor, nagtatanong ang mga mata.

Ibinaba ni Thera ang kamay na may hawak sa cell phone na hiniram niya sa lalaki kanina.

Naka-off ang cell phone ni Kuya Joshua, ganoon din ang cell phone ni Tito Jaime.

Mukhang hindi man lang yata talaga siya hinahanap ng mga ito. Binalingan niya ang doktor na binabasa ang kanyang medical record.

“Doc, kailan po ba ako makakalabas dito? ‘Yong lalaki kanina, siya ba ‘yong nakabundol sa ‘kin? Kung hindi niya buong sasagutin, hahatian naman siguro niya ako sa hospital expenses, ‘di ba? Alam n’yo kasi, magagalit ang tito ko oras na malaman niyang may utang ako.”

“Wala ka ba talagang maalala, hija?”

Nangunot ang noo ni Thera. “Naaalala ko naman ang lahat, Doc. Wala akong nakakalimutan. Thera Baguio ang pangalan ko. Kahapon, pumasok ako sa school.” Nag-isip siya. “Naalala kong sumakay ako sa jeep pauwi sa bahay pagkatapos ng tryouts namin sa volleyball.”

First day ng klase sa university at sumali siya sa volleyball club kinahapunan. Ah, baka pagbaba niya ng jeep pauwi, saka siya nabangga ng kotse? Well, maliban sa kung bakit at paano siya nabundol, klaro sa kanya ang lahat ng nangyari bago siya naaksidente.

“What do you say is your name again?”

“Thera. Thera Baguio ho.”

“What do you think is the date now, Thera?”

Kumunot ang noo niya. “Second day ng pasukan. June 6, 2007.”

Napailing ang doktor at napatitig naman sa kanya ang personal nurse. Nagtataka si Thera.

Napanood na niya ang mga ganitong tanungan at reaksiyon sa mga teleserye. Dalawang beses nang tinanong ng doktor kung may naaalala ba siya habang tsine-check ng nurse ang BP niya kanina.

“Magre-request ako ng MRI at blood test. Ipapa-schedule ko na rin ang cognitive test. Si Nurse Kai na ang bahalang…”

“Kaunti na lang, mag-e-expect na ‘ko, Doc, na ibabalita mo sa ‘kin mamaya na may amnesia ako.”

Tumikhim ito. “We will have to run some more tests para makasiguro.”

Naubo si Thera.

Bago pa siya makabuo ng mas maraming tanong, nagpaalam na ang doktor. Nalilito siya, kinabahan bigla. Amnesia?

Naiwan siya at ang nurse na tsine-check naman ang nakakabit sa kanyang IV fluid. Anong tests pa raw ang gagawin sa kanya? Maliban sa masakit nang kaunti ang ilang parte ng katawan niya, okay naman siya.

Amnesia? Imposible. Natatandaan niya ang pangalan, ang address ng bahay nila. Kahit ang paminsan-minsang pagmamalupit at pagdadamot ng tiyuhin at pinsan, sariwa sa isip niya.

“H-hindi ako puwedeng magtagal dito, Nurse. ‘Yong hospital fees, tataas nang tataas, magagalit ang tito kapag…”

“Hindi yata nasabi sa ‘yo o nakalimutan mo lang, pero maraming pera ang asawa mo, Ma’am. Major shareholder at presidente ng isang sikat na mall sa Maynila si Mr. De Marco. Kaya huwag mong isipin ang gastos.”

Maang na napatitig si Thera sa nurse hanggang sa matapos itong magsalita. “A-asawa… ko?”

Tumango ang nurse, natatawang binulungan siya. “‘Yong guwapong lalaking lumabas kanina at tinawag mong kuya, asawa mo siya.”

Literal na bumagsak ang panga niya. Paano na si Jerry Yan kung totoong “married” na siya?

Nakatuon ang tingin ni Thera sa fruit basket na nakapatong sa sidetable pero hindi naman niya alam kung bakit iyon tinititigan. Naguguluhan siya. Sabi ng nurse, huwag daw siyang mag-isip nang mag-isip. Paanong hindi? Pagkatapos nitong sabihin na married na siya at hindi na teenager…

The thought of being married to someone she didn’t even remember scared her. Ni hindi niya maalala kung paano siya naligawan at nahalikan. Ikinasal siya nang walang kamalay-malay.

Nakita niyang nakabalandra ang kanyang mukha sa isang magazine habang tumatanggap ng award bilang isa sa mga successful businesswoman sa Pilipinas noong 2016.

Gorgeous and brainy Thera De Marco received another award, said the caption. Was she that successful? Naambunan ba siya ng grasya ng napangasawa at sa wakas ay naiahon sa hirap sina Tito Jaime at Joshua?

Today was October 19, 2019, taliwas sa ine-expect niyang petsa. She was no longer seventeen. She was turning thirty in a few months’ time.

Hindi nagsisinungaling ang nurse at mukhang tama ang doktor niya, may mali sa kanya. Kanina, tinuruan siya ng nurse kung paano mag-browse sa Google at manood sa YouTube gamit ang Apple iPhone 10 Pro cell phone ni Sean. Ang pinakalumang iPhone pa na ni-release noong 2007 ang huli niyang natatandaan.

Hindi pa niya alam kung nagkaroon ba ng follow-up concert ang F4 sa Pilipinas matapos ang successful concert ng grupo noong December 2003.

Die-hard fan si Thera ni Jerry Yan kahit ang Meteor Garden pa lang naman talaga ang drama na pinagbidahan nito ang napanood niya. Bago pa man iere ng isang TV network sa Pilipinas ang Tagalized version ng Meteor Garden noong 2003, napanood na nila ni Kisses ang series.

OFW sa Taiwan ang ate ni Kisses. Ilang buwan matapos iere ang ending ng Meteor Garden sa Taiwan noong 2001, umuwi ito ng Pilipinas para magbakasyon. Dala nito ang complete CD ng series ng Meteor Garden na minarathon nila ni Kisses pagkatapos ng klase.

Sean De Marco. De Marco. Sean… Iyon ang pangalan ng lalaking sinasabi ng nurse na napangasawa niya. Kahit ano ang gawin niyang pagpiga sa isip, wala siyang maalala. Sumasakit lang ang kanyang ulo.

She married him in haste. Twenty years old siya at halos anim na buwan pa lang silang mag-on. Why? Maaga ba siyang nabuntis? Hindi. Nakalagay sa record niya na sinagutan ni Sean na ni minsan ay hindi pa siya nagbubuntis. So why did they rush the marriage?

Curious si Thera. Paano niya nabingwit ang isang lalaking kagaya ni Sean? Siguradong hindi siya magkakainteres sa lalaki kahit siguro maging disinuwebe na siya. Pakiramdam niya, hindi rin siya ang uring magpapakasal sa lalaking hindi niya mahal maiangat lang ang sarili sa kahirapan.

Sean was way out of her league. Saan ba niya ito nakilala? Bahay at school lang naman ang ruta niya.

Magsasampung taon na siyang kasal sa lalaki ayon kay Nurse Kai. And that she was very lucky to have married a man like him. Na kinaiinggitan siya ng marami.

Nakikita ni Thera kung bakit. Bukod sa makatibag pader na machismo, Sean was tremendously rich. De Marcos owned hotels, textile business, and universities, bukod pa sa pag-aari ng mga itong private jets and cruises. Nagmula si Sean sa mayamang angkan at nagkalat ang mga negosyo sa loob at labas ng bansa. Iyon ang ilang napiga niyang detalye sa nurse tungkol kay Sean.

Sinulyapan ni Thera ang repleksiyon sa salamin na nakapatong sa sidetable. Pag-aari iyon ni Kai. Ipinahiram sa kanya nang i-insist niyang gusto niyang makita ang hitsura ngayong halos magte-treinta na siya. Ipinanganak siya ilang oras bago ipinanganak si Jesus Christ. Gabi ng Disyembre 24. Iyon ang pinakamasayang Pasko para sa mga magulang.

Inabot niya ang salamin. For the nth time, tinitigan niya ang sarili. She couldn’t get use to her older face even though she didn’t look like twenty-nine, sabi ni Kai. Sa bagay na iyon, agree siya sa nurse.

Sinalat niya ang pisngi. Banat ang kanyang mukha. Makinis at halos walang visible pores. Walang forehead lines at laugh lines. Ni hindi siya mukhang naaksidente, huwag lang titingnan ang kaunti niyang galos sa mukha.

Nagpa-botox ba siya? Nag-undergo ng kung ano-anong cosmetic surgeries manatili lang na maganda?

Umiling si Thera. Mukha namang natural siya. “Thirty, huh? Thera, wala ka bang ginawa sa nakalipas na mahigit isang dekada kundi magpaganda?” pagkausap niya sa sarili.

Binitawan niya ang salamin. Why was she taking her “amnesia” lightly? Paano kung sabihin ng doktor na hindi na babalik ang memorya niya? Paano niya ibabalik ang mga nawawalang alaala?

Tatanggapin na lang ba niyang kasal talaga siya kay Sean? As if may magagawa pa siya. Nasa harap na niya ang ebidensiya, hindi na mukhang teenager ang kanyang hitsura.

Speaking of her husband, hindi pa bumabalik ang lalaki mula nang umalis ito nang walang paalam kanina. Kung saan nagpunta, hindi niya alam. Ni “hi,” ni “hoy,” wala. Noon lang siya nakakita ng ganoong klase ng asawa.

Natuon ang tingin ni Thera sa cell phone ni Sean na nasa kandungan. Napailing siya. Iniwan nito ang cell phone sa kanya. Did he trust her that much? Gaano nito nasisigurong hindi niya ii-invade ang privacy nito?

Oh well, hindi naman kasi talaga siya interesado. Sabi ni Kisses, ang boyfriend na nag-iiwan ng personal na gamit sa girlfriend, walang itinatagong kalokohan o ibang babae.

Bahaw siyang napangiti. Iyong ganoong klase ng kaguwapuhan, kahit pader, magtatangka itong sundan. Pero siyempre, exempted siya. Mga tipo kasi ni Dao Ming Si ang type niya. Iyong napangasawa niya ay mukhang kasing-stiff and refined ni Hua Ze Lei, boring sa madaling salita.

Napapitlag si Thera nang tumunog ang cell phone. Kumunot ang noo niya nang makitang “Babe” ang pangalan ng tumatawag.

Napailing siya. Walang ibang babae pero may Babe.

Pumalatak siya at imbes na sagutin ay itinaob ang cell phone.

Ibinaba ni Sean ang telepono. Sumandal siya sa swivel chair. Nasa Sean and Tan’s Tea Caf siya. Doon siya dumeretso pagkatapos dumaan sa villa para maligo. Katatapos lang niyang makausap ang mga magulang na nag-aalala nang husto nang malaman ang tungkol sa aksidente ni Thera.

Noong isang araw, nakausap na niya ang neurologist nito. Thera could be suffering from partial amnesia at kailangan ang presensiya at tulong niya para i-determine iyon.

Dr. Gabriel would be using cognitive and diagnostic tests for Thera. Bukod pa iyon sa MRI, CT scan, blood tests, at ilan pang ira-run na test para ma-check kung may seizures ang asawa.

Nahilot ni Sean ang sentido. Walang kasiguruhan kung kailan makakaalala si Thera at halos dalawang buwan na lang bago ang anniversary ng kompanya.

“Kuya…”

He was awestruck nang marinig ang maliit at unsure na boses ni Thera nang tawagin siya nito kanina para hiramin ang cell phone niya.

He missed her soft voice though. Hinatak siya bigla pabalik sa nakalipas na isang dekada. Naalala niya ang ngiti ni Thera nang magtama ang mga mata nila kanina. May sumisingit na alaala sa isip niya sa saglit na pagtatama ng mga mata nila.

Ten years ago or so, her gaze used to look like that. Nakangiti hindi lang ang mga labi kundi pati ang mga mata.

Tumayo si Sean mula sa pagkakaupo. Nakapamulsang tinungo ang salaming dingding ng dating opisina. Kita roon ang tanawin mula sa labas. Just across Tea Caf was DM University. Doon nag-aaral ng kolehiyo si Thera bago ito pumasok sa mundo niya…

Related chapters

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Six: First Love

    CHAPTER SIX FIRST LOVEJune 2009Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio CityIsinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Seven: Babe

    CHAPTER SEVEN BABEPinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino siBabe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Eight: Bathtub

    CHAPTER EIGHT BATHTUBDecember 5, 2009Baguio City, PhilippinesMalalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng mama niya ang bagong hire nilang waitress, si Thera.Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali, lalo at nasabi na niya rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.Natatandaan niyang nabanggit sa mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi lang niya napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.Ang pinag-aalala ni Sean, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman nitong hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasa

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Nine: Thug Wifey

    CHAPTER NINE THUG WIFEY“Thera…”Suminghap si Thera. Napadiin ang kapit niya sa gilid ng tub para umamot doon ng lakas. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya, umikot ang kanyang paningin.“Ipinalipat mo ang mga gamit ko sa guest room sa ibaba, wala akong sinabing doon ako matutulog.”Iyong boses ni Sean, mas nagiging malinaw. Parang mas malapit. Parang nasa likod lang niya. Parang sa sobrang totoo, nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok imagine-in pa lang na nakabaon sa likod niya ang titig nito.“Pati ba paglublob sa tub nakalimutan mo na?”Nakalimutanseemed to be the magic word. Natauhan kasi si Thera, pumihit paharap sa nagsalita. Muntik na siyang ma-off balance nang malingunan ang asawa. Kung hindi siya maagap na nahawakan ni Sean sa kamay, malamang na nalaglag na siya sa t

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Ten: Couch

    Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite at sa guest room na inookupa, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.It was already past ten in the evening. At kagaya siguro niya, hindi rin ito makatulog.Nagduda si Sean kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito kanina ang tungkol sa mama niya. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief, and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.Malalim ang hiningang pinakawalan niya nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands, gusto ni

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Eleven : Diary

    October 23, 2019Baguio City, PhilippinesAlas-siyete na ng umaga nang magising si Thera. Nanakit ang likod niya sa magdamag na paghiga sa sofa pero nakapagtatakang mahimbing ang naging tulog niya.Nag-inat siya ng katawan habang bumabangon sa pagkakahiga. Sumisilip na ang araw sa glass window ng kuwarto. Nakalimutan niyang ibaba ang blinds bago matulog.Naghikab siya habang humahakbang papunta sa maluwang na bathroom. Binuksan niya ang shower nang makapasok sa loob ng multi-water jet shower enclosure. Nangigkig sa lamig na napaatras siya palabas nang umagos ang malamig na tubig at matilamsikan ang mga paa niya.Nang hindi makaipon ng tibay ng dibdib para maligo pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa binuksang dutsa, pinihit uli niya pasara ang shower, saka lumabas.Itinali ni Thera ang buhok, saka bumaba para tingnan at tulungan na rin si Fely na maghanda para sa almus

    Last Updated : 2021-03-24
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twelve: Bathtub 2

    October 23, 2019Baguio City, PhilippinesNakita ni Thera na bumukas ang ilaw sa katabing kuwarto. Dumating na si Sean. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Ten minutes to seven.Mahigit sampung oras nawala si Sean, sa loob ng mga oras na iyon ay hindi man lang nito naisipang tumawag para kumustahin siya. Alam niya, dahil pagdating nila kanina ni Fely mula sa bahay ni Tito Jaime ay nagtanong siya kay Manang Ising.Alam ni Thera, si Sean lang ang makakasagot sa mga tanong niya. Habang tunatagal, lalo lang kasi siyang naguguluhan. Patay na si Tito Jaime, inilihim iyon sa kanya ni Sean. Nag-aalala ba si Sean sa magiging reaksiyon niya kaya pinili nitong huwag munang sabihin sa kanya?Bakit naman ito mag-aalala sa mararamdaman niya? Unang-una, hindi naman ito naniniwalang wala siyang maalala.Nalilito siya. Obviously, hindi na siya nito mahal but why was h

    Last Updated : 2021-03-24
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirteen: Bag

    October 23, 2019Baguio City, PhilippinesIkinurap ni Thera ang mga mata nang makarinig ng tikhim. Sapat na iyon para mahila siya pabalik sa kasalukuyan mula sa alaala limang taon na ang nakararaan. Lumunok siya nang makitang bahagyang nakakunot ang noo ni Sean sa pagkakatitig sa kanya.“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito sa mahinang boses na sandali pa niyang inisip kung talaga bang nakaringgan niya ng kaunting tenderness at concern.Inakala ni Thera na aabutin siya ni Sean para salatin ang kanyang leeg. Pero nanatili ang asawa sa pagkakatayo sa harap niya, kuyom ang mga kamay na para bang nagpipigil itong abutin siya.O baka nag-i-imagine lang siya dahil nadadala pa rin siya ng intimacy mula sa kapiraso ng alaala kanina?She never pictured herself taking that bold steps toward any man. Parang gusto niyang hilinging bumuka na lang ang lupa at lamunin s

    Last Updated : 2021-03-24

Latest chapter

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Epilogue

    EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Special Chapter (Part 2)

    SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Special Chapter (Part 1)

    October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirty One : His Wife

    One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirty : Journey

    Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Nine: Lost

    Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Eight: Miracle from Heaven

    Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Seven: Girl on a Ledge

    October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Six : A Painful Trip Down Memory Lane

    August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung

DMCA.com Protection Status