October 23, 2019
Baguio City, Philippines
Ikinurap ni Thera ang mga mata nang makarinig ng tikhim. Sapat na iyon para mahila siya pabalik sa kasalukuyan mula sa alaala limang taon na ang nakararaan. Lumunok siya nang makitang bahagyang nakakunot ang noo ni Sean sa pagkakatitig sa kanya.
“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito sa mahinang boses na sandali pa niyang inisip kung talaga bang nakaringgan niya ng kaunting tenderness at concern.
Inakala ni Thera na aabutin siya ni Sean para salatin ang kanyang leeg. Pero nanatili ang asawa sa pagkakatayo sa harap niya, kuyom ang mga kamay na para bang nagpipigil itong abutin siya.
O baka nag-i-imagine lang siya dahil nadadala pa rin siya ng intimacy mula sa kapiraso ng alaala kanina?
She never pictured herself taking that bold steps toward any man. Parang gusto niyang hilinging bumuka na lang ang lupa at lamunin s
Numipis ang mga labi ni Thera kasabay ng paniningkit ng mga mata nang makita ang babaeng sadya. Saktong kakaparada pa lang ng kotse niya sa harap ng mall nang makita niya ang pagpasok ni Kisses sa loob ng The Palace.Sinundan niya ng tingin ang paghakbang nito papasok sa isang sikat na boutique shop. Hindi pa rin ito nagbabago kahit pagkatapos ng halos isang taong pananatili sa ibang bansa. Pareho pa rin ang fashion brand at style. Kinopya sa kanya.Huminto si Thera sa entrada, hindi man lang sinulyapan ang mga staff ng boutique na nagkukumahog na batiin siya.Nakita niya na natuon ang tingin ni Kisses sa isang pulang handbag. She walked towards her. Nang makitang akmang kukunin ni Kisses ang bag, sinunggaban din niya iyon agad.Nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. Sinuklian niya ng ngisi ang pagkunot ng noo nito. Hinigpitan niya ang hawak sa handle ng bag, ganoon din ang ginawa nito sa parteng haw
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesWala sa loob na dinala ni Thera ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib. May kirot siyang nararamdaman sa bahaging iyon ng alaala. She was almost there, ramdam niya. Marami pang alaalang nagkukumawala sa kanyang isip pero pakiramdam niya, sasabog ang utak niya kung pipilitin ang sariling makaalala.Unti-unti, bumabalik ang mga nawawalang alaala at sa bawat bumabalik na bahagi, lalo niyang napapatunayan kung gaano niya kamahal si Sean.Isang katunayan iyong naipit sa pinto ng kotse niya ang daliri nito. She was evidently trying so hard to be cold and mean towards him pero sa dulo, umiyak siya nang makitang dahil sa kanya ay nasaktan ito.Iyong eksena sa bathtub, she was clearly begging Sean for a second chance. Pero bakit naging kasinlamig na ng yelo ang trato niya sa asawa sa flash ng alaala kanina?What made h
October 29, 2019Baguio City, PhilippinesNaglakad si Thera palabas ng looban para mag-abang ng taxi pabalik ng villa. Iyon ang pangatlong beses na bumalik siya sa bahay ng pamilya ni Kisses para magbaka-sakaling may tao na siyang maaabutan.Bumalik siya kahapon at naghintay sa loob ng mahigit kalahating oras pero kagaya noong una, walang nagbukas ng gate sa kanya.Nang araw na iyon, sinubukan uli niyang pumunta. Hindi niya kilala ang matandang lalaking nagbukas sa kanya ng gate ng bahay na renovated.Bumagsak ang mga balikat niya nang malamang may apat na taon na ang nakararaan nang ibenta ng tatay ni Kisses ang property.“Bumabalik pa ho ba sila rito sa Baguio?” naitanong niya.“Naku, hindi ako sigurado pero malamang ay hindi na. Sinuwerte ‘yong bunso nilang anak na babae na nakabingwit ng mayamang negosyanteng taga-Maynil
October 29, 2019Quezon City, Philippines“Sa tingin mo ba okay lang si Madam? Parang ang lungkot ng mga mata niya kahit nakangiti siya.” Si Laida ang nagtanong. Nakadukwang ito sa desk ni Yumi, parehong nakatingin sa monitor ng computer kung saan nagpe-play ang video na ipinadala ng imbestigador na inupahan ng dalawa para sundan at bantayan si Thera.Nasa loob ng isang restaurant sa Baguio ang amo, mag-isang nakaupo sa pandalawahang mesa. The usual sight, mag-isang kumakain. The only difference was that the Thera they knew was confident and proud, seryoso at mukhang ready lagi makipagpatayan habang ang nasa video, nakangiti, inosente, at mukhang hindi makabasag-pinggan.“Hindi ba talaga natin siya puwedeng makita? O bisitahin kaya?”“Kailangan nating sundin ang utos ni Sir Sean, Laida,” sagot ni Yumi. Kunot na kunot ang noo n
October 30, 2019Baguio City, PhilippinesNagdilat ng mga mata si Thera. Ilang saglit siyang tumitig sa puting kisame, pinapakiramdaman ang puson na nananakit.Nang maramdamang mas tumitindi ang pananakit, natutop niya ang puson, saka bumaluktot sa pagkakahiga sa couch. Nakangiwing ipinikit niya ang mga mata.It was the first time na makaramdam siya ng ganoong sakit, well, as far as she could remember.Kahapon, pinilit niyang iwasang isipin ang nalaman tungkol sa naging gulo nila ng empleyado sa Sean and Tan’s noon. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito nang mapag-isa siya kagabi sa maluwang na kuwartong iyon.Ayaw muna sana niyang mag-isip, gusto niyang pahingahin ang utak. Pero parang nang-aasar, gusto pang sumabay ng ulo niya sa pananakit ng kanyang puson. May mga alaala pang nagpupumilit na makawala mula sa pagkakakulong sa isip niya.
Tatlong magkakasunod na katok na walang sagot mula sa loob ang ginawa ni Sean bago pinihit at itinulak ang pinto ng master suite. Dumeretso ang tingin niya sa kama pero agad na kumunot ang noo nang makitang wala roon ang sadya. Lumipad ang tingin niya sa couch.Bumuntong-hininga si Sean. Naroon si Thera. Nakabaluktot sa pagkakahiga, hawak ang tiyan, at may nakatakip na face towel sa mukha. Lumakad siya palapit sa kinahihigaan nito.Tumikhim siya. Pero hindi ito tuminag man lang kahit ginawa niyang obvious ang presensiya.“Stop starving yourself. May nakahandang pagkain sa ibaba.”Mahinang ungol lang ang isinagot nito.“I can pretend I did not hear what you said yesterday. There’s no need to be embarrassed.” Bumuntong-hininga si Sean nang hindi pa rin kumibo ang babae. “Were you that upset? Kapag bumalik na ang lahat ng alaala mo, maiintindihan mo na para sa ikabubuti mo ang ginawa ko.”
August 10, 2015Baguio City, PhilippinesMalakas pa rin ang buhos ng ulan. Panaka-naka pa rin ang kulog, ang kidlat, at naghahamon pa rin ang bagyo sa labas. Thera’s body was slightly shaking, nararamdaman na niya ang panunuot ng lamig sa kanyang katawan na walang saplot maliban sa suot na underwear.Bumuntong-hininga si Sean. Lumapit ito sa kanya nang makita ang panginginig niya. Dinampot nito ang basang damit niya, saka siya inalalayan para maupo sa tub na unti-unti nang nagkakatubig.Nagpaubaya si Thera. Namamanhid ang kaloob-looban niya. Pati ang utak, pakiramdam niya ay tumatangging gumana.Ano pa ba ang dapat niyang gawin para bumalik sila ni Sean sa dati? Wala na ba? Wala na ba talagang pag-asa? Nagpapakatanga na lang siya, alam niya. Pero gusto niyang kahit paano ay maliwanagan.Ang nangyari noong gabi
Pinalis ni Thera ang luha sa mga mata. Hindi niya kilala ang lalaki pero mukhang kailangan nga nito ang tulong niya.“My car broke down few meters away from here. You can see it from here. There!” Itinuro nito ang isang pulang kotse sa bandang likuran niya. Naka-hazard signal habang nakaparada sa gilid ng kalsada.“S-saan ka ba papunta?”“Sa Pangasinan, Miss. May a-attend-an akong seminar bukas ng umaga. Puwede ba akong makisabay?”Nag-hesitate si Thera. Maraming modus sa kalye, hihingi ng tulong kunwari nasiraan ng sasakyan pero iyon pala kidnapper, carnapper, o rapist. Pero hindi naman niya maaatim na basta na lang itong iwan, mas malamig ang temperatura ng Baguio dahil sa bagyo.“Ibababa kita sa Pangasinan,” sa wakas ay sabi niya. Nagliwanag ang mukha ng lalaki, agad tumalima para sumakay sa kotse.
EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal
SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit
October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m
One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top
Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa
Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T
Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.
October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I
August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung