CHAPTER SIX
FIRST LOVE
June 2009
Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio City
Isinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.
Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.
Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.
Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan. Humarap siya sa glass wall ng Sean and Tan’s Tea Caf, ang kauna-unahang negosyong itinayo niya mula nang makapagtapos ng kolehiyo.
Sa tapat ng Tea Caf ay ang DM University-Baguio na pag-aari ng kanilang pamilya. May branch din sila sa Maynila. Halos anim na dekada na iyong nag-o-operate.
Sinulyapan ni Sean ang kopya ng kontrata at papeles na nasa desk. Hindi lang ang buhay niya ang mababago sakaling pirmahan niya ang may ilang pahinang papel na iyon.
Just a few weeks ago, ipinatawag siya ni Mr. Jacob Hernandez. He was his godfather. Ang animnapu’t walong taong gulang na matandang lalaki ang may-ari at kasalukuyang chairman ng sikat na mall sa Quezon City, ang The Palace Mall and Hotel.
He wanted him to buy half of his shares. Sean told himself he was willing to buy it regardless the price. He had been eyeing the presidential chair mula nang mag-invest siya sa kompanya tatlong taon na ang nakararaan. Maka-qualify lang siya at posibleng ma-appoint bilang presidente kung mabibili niya ang kalahati ng shares ni Mr. Hernandez.
Wala sanang problema pero may kalakip na kondisyon ang deal na iyon na alam niyang exclusive lang na io-offer sa kanya ng kanyang ninong.
Marriage. Gusto ng chairman na mag-settle down muna siya bago ibenta sa kanya ang kalahati ng shares nito.
Sean was one of those men who they say were natural magnets for the opposite sex. Hindi mahirap para sa kanya ang maghanap ng babaeng pakakasalan kung ang habol lang niya ay ang ma-appoint bilang presidente ng The Palace.
Puwede siyang mag-hire ng babaeng pakakasalan at pagkatapos ng deal ay ipapa-annul niya ang kasal. Ang problema… the chairman had a specific girl in mind.
A certain Thera Herrera Baguio. Ang babae sa hawak niyang picture na nakangiti at parang walang problema ang mundo.
Sean hated complications as much as he hated the idea of marrying for convenience. Pero masyadong tempting ang offer. Kung tutuusin, walang mawawala sa kanya. Iyon nga lang, masha-shock ang mama at papa niya. Wala pa siyang babaeng ipinapakilala sa mga magulang.
He just turned twenty-four at hindi niya minamadali ang pagpapakasal. Gusto muna niyang maging successful. At least makagawa ng sarili niyang pangalan at makapagtayo ng negosyong pinaghirapan niya at hindi lang minana o ibinigay ng mga magulang.
Sean sneered, mocking his own thought. Mas malala pa kung tutuusin ang pagpayag niya sa arranged marriage kaysa sa paghingi niya ng pinansiyal na tulong mula sa mga magulang.
Sinubukan niyang kausapin si Mr. Hernandez na ibenta sa kanya ang kalahati ng shares nito fair and square. Iyong walang halong kondisyon. He told him a few weeks ago he couldn’t marry someone as young as Thera. She was nineteen at nasa huling taon na sa college.
But that was what his thoughts a few weeks ago. Ngayon ay sigurado siyang hindi na ito mahihindian.
“Hindi kaya anak niya sa labas ‘yong Thera, Sean? O baka naman planado ito? Come to think of it, mas magiging powerful and unstoppable si Mr. Hernandez kung sakali, ‘di ba?” naalala niyang worried na sabi ng kaibigang si Miguel.
Sean doubted that. Kung mayaman ang mga De Marco, higit ang matandang lalaki. He was born with a silver spoon in his mouth at wala itong posibleng pag-iwanan ng naipong kayamanan.
Gayunman, curious si Sean. Sino nga ba si Thera Baguio? Bakit kailangang dumating sa punto na ibebenta ni Mr. Hernandez ang kalahati ng shares nito maipakasal lang ang babae sa kanya?
Hindi alam ni Thera ang tungkol sa deal at hindi iyon gustong ipaalam ng matandang lalaki kagaya ng hindi nito gustong malaman ni Thera na planado ang pagkakalapit nilang dalawa kung sakali.
“It was a gift,” naalala niyang sabi ni Mr. Hernandez hindi pa man ito tinatanong kung bakit isang teenager na hindi naman nito kaano-ano ang napiling ipakasal sa kanya. “Or think of me as her fairy godfather granting that good girl’s wish. And if you’re going to ask me why I chose you sa kabila ng marami ang naghahangad na bilhin ang shares ko, Sean, sa boardroom, ikaw ang pinakabata at competent at babagay na asawa para kay Thera. Hindi ko gustong ipakasal siya sa isa sa mga anak ng directors na hindi naman napalaki nang tama ng mga magulang. You were raised by your parents well. Ikaw lang ang puwede kong pagkatiwalaan kay Thera. Well, perhaps, kung hindi sa ‘yo, baka kay Tan ko ialok ang kasal.”
Hindi napigil ni Sean ang paglitaw ng amused na ngiti nang sabihin nito iyon sa kanya. Kagaya niya, ano ba ang alam ng kapatid sa kasal? Pupusta siyang mas gugustuhin pa ni Tan na humawak ng malamig na scalpel kaysa makipaghawak-kamay sa isang babae.
Though Sean himself thought that Mr. Hernandez’ conditions were illogical, hindi niya puwedeng hayaan na dumulas sa kamay niya ang chance na ibinigay nito nang ganoon na lang. His father would be proud of him. Kung hindi nito malalaman na may kapalit na kondisyon ang pagkakabili niya ng shares ni Mr. Hernandez.
Bahagya lang niyang nilingon ang pinto nang makarinig siya ng katok. Saglit lang ay pumasok si Miguel na may bitbit na planner. Nagsimula itong magbasa ng mga appointment niya sa Maynila sa susunod na araw.
“And lastly, tumawag si Tan. Hindi raw siya makakapunta sa anniversary ng Tea Caf bukas.”
Namulsa si Sean kasabay ng buntong-hininga. Naiintindihan niya kung hindi makakapunta ang kapatid. Alam niyang busy ito sa propesyong pinili.
“Alas-nuwebe ng umaga ang umpisa ng promo. We have enough supply and manpower. Nag-hire ako ng additional crew kagaya ng utos mo.”
“How about the girl?” tanong niya.
“Mamayang hapon na ang raffle. Nakausap ko na nang personal ang canteen head para masigurong si Thera ang makakabunot ng winning stub.” Tumikhim si Miguel. “Are you really sure you don’t want some digging, Sean?”
“Background checking is not necessary,” sabi ni Mr. Hernandez noong huli silang magkita. “Wala siyang koneksiyon sa akin pero sinisiguro kong marangal siyang babae.”
“Mahirap ang papasukan mong ito, Sean. Men I know marry because of love, but after a few years of sleeping together in one roof, naghihiwalay pa rin, nauuwi pa rin sa legal separation o annulment. Paano na lang ang kasal mo na kung tutuusin, eh, wala namang feelings involved? Sooner or later, doon kayo tutuloy.”
Ibinulsa ni Sean ang isang kamay at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ang hawak na litrato ni Thera.
October 22, 2019
Baguio City, Philippines
Tuloy-tuloy sa pagkuyakoy si Thera sa pagkakaupo sa gilid ng hospital bed. Sabi ng doktor, babalik din agad ang memorya niya since shock lang daw ang nakikita nitong rason ng pagkawala niyon. Huwag lang daw siyang mai-stress at maiinip.
Pero bagot na bagot na siya sa ilang araw na pananatili sa ospital. Tatlong araw na ang nakararaan mula nang magising siya at dalawang araw na ang nakararaan nang tanggalin ng doktor ang cast sa leeg at braso niya. Two days ago, sabi ni Nurse Kai, pumunta si Sean para bisitahin siya. Tulog siya kaya hindi niya alam. Hindi na nito hinintay na magising siya bago umalis. Intindihin daw niya, busy na tao raw si Sean.
Okay. Hindi naman issue sa kanya kahit hindi siya nito bisitahin. Mas nalulungkot pa nga siya na ni hindi siya makuhang kumustahin man lang nina Joshua at Tito Jaime.
Curious si Thera kung ano na ang naging buhay ng mag-ama mula nang ikasal siya kay Sean. Siguradong sa isang malaki at magandang bahay niya itinira ang mga ito bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa pagkupkop sa kanya.
Sana kasi ay nako-contact niya ang mga ito. Gusto sana niyang magtanong kay Sean tungkol sa dalawang kaanak pero hindi niya alam kung saan ito tatawagan, lalo at nasa kanya pa ang cell phone nito.
Sabi ni Kai, may pag-aaring negosyo si Sean sa Baguio City. Sinubukan niyang tawagan ang landline number na nahingi sa nurse pero busy ang linya na hindi niya tinigilan hanggang pakiramdam niya ay napudpod na ang mga daliri niya sa kaka-dial.
Nasulyapan ni Thera ang salamin sa ibabaw ng side table. Ayaw na niya iyong abutin para i-check ang sarili. Nawiwindang pa rin siya tuwing tinitingnan ang repleksiyon sa salamin. Pakiramdam niya, kalahati ng pagkatao niya ang nawawala. Hindi niya maikonekta ang labimpitong taong gulang na sarili sa beinte-nuwebe anyos na si Thera. Hindi pa rin niya matanggap. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari sa labindalawang taon na nawawala sa memorya niya.
Naisip niya bigla si Sean. Gusto niyang mangiwi, manghilakbot. Hindi na siya virgin at ang matandang lalaking iyon ang nakauna sa kanya. Kinatok niya ang ulo. Four years lang ang age gap nila ni Sean. Feeling lang niya ay mas matanda ito sa kanya nang sobra sa dekada dahil seventeen years old lang ang pagkakatanda niya sa kanyang edad.
Nag-angat si Thera ng mukha nang bumukas ang pinto at iluwa roon ang isang matangkad na lalaki na may dalang bouquet ng bulaklak. Nasa mid-twenties ang edad, tantiya niya.
“Hi,” bati nito, ngumiti sa kanya.
Natigil siya sa pagkuyakoy, kumunot ang noo. Parang sira na nilingon ang gilid niya na parang may iba pang babatiin ang lalaki bukod sa kanya.
Lumapit ito, iniabot sa kanya ang bouquet na nagtataka man ay tinanggap niya.
“I’ve heard about what happened. Are you feeling better?”
Tumikhim si Thera, ibinalik ang tingin sa lalaki. “Magkakilala ba tayo?”
Nagkibit ito ng mga balikat. Kunot-noo, sinundan niya ng tingin ang pag-upo nito sa upuang nakapuwesto sa harap ng kinauupuan niya. “Sabi ng doktor, wala ka raw maalala.”
“Ex-boyfriend ba kita?” curious na tanong niya. Kung hindi, bakit may dala itong bulaklak para sa kanya? Wait, twenty years old siya nang mapangasawa si Sean, saang parte niya naisingit ang pagpapaligaw sa iba?
Tumawa ang lalaki. “Kung hindi mo nakilala nang mas maaga si Sean, baka Mrs. Top Montero ka ngayon at hindi Mrs. Sean De Marco.”
Umawang ang bibig ni Thera. Whoa. Ex nga niya ito? Dalawang lalaking nuknukan ng gandang lalaki ang naglaban sa kagandahan niya pero mas pinili niyang magpakasal kay Sean?
Bumukas uli ang pinto ng kuwarto. Napatingin sila roon ni Top. Iniluwa niyon si Sean na natuon agad ang tingin sa bisita pero wala naman siyang emosyon na mabasa sa mukha nito.
“I’ll be back when you’re done talking,” sabi ni Top, saka lumabas na bago pa niya mapigilan.
Malalim ang iniisip at nalilitong Thera ang naabutan ni Sean na nakatayo sa gitna ng hospital room. Napatitig siya sa lalaki, sinundan ng tingin ang paglalakad nito papunta sa mini ref na nakapuwesto sa gilid ng kitchen counter.
“Asawa ho ba talaga kita?”
Ho. Siguro kailangan na niyang pag-aralang alisin ang paggalang na iyon simula ngayon.
Hindi sumagot si Sean. Binuksan lang nito ang ref at naglabas ng bottled mineral water at uminom.
“Next time na bibisita ka, baka puwede kang magdala ng kopya ng marriage contract natin. Para may proof ako at maniwalang kasal ka nga sa ‘kin.”
Nilingon siya nito. “Hindi pa ba proof na kambal ang suot nating singsing?”
Inilahad ni Thera ang dalawang kamay, ngumiti kahit nakita niya ang pabuntong-hiningang pag-iwas ni Sean ng tingin. “Wala akong makitang singsing. Ibinalik na ng nurse sa ‘kin ang lahat ng gamit ko. Walang singsing.” Nagkamot siya ng batok. “Nagtataka lang ako, hindi ka man lang ba magseselos? Binisita ako ng ex-boyfriend ko, dinalhan ako ng flowers pero iniwan mo pa rin ako sa kanya. Si Dao Ming Si, nagseselos agad ‘yon titigan pa lang si San Chai ng ibang lalaki.”
“Daming… who?”
Napabuntong-hininga siya. “Paano ba tayo tumagal nang ten years kung kahit ‘yong pangalan lang ng first love ko, hindi mo pa kayang banggitin?”
“Sean De Marco.”
Ngumuso siya. “Ano?”
“‘Yan ang pangalan ng totoong first love mo.”
CHAPTER SEVEN BABEPinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino siBabe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p
CHAPTER EIGHT BATHTUBDecember 5, 2009Baguio City, PhilippinesMalalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng mama niya ang bagong hire nilang waitress, si Thera.Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali, lalo at nasabi na niya rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.Natatandaan niyang nabanggit sa mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi lang niya napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.Ang pinag-aalala ni Sean, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman nitong hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasa
CHAPTER NINE THUG WIFEY“Thera…”Suminghap si Thera. Napadiin ang kapit niya sa gilid ng tub para umamot doon ng lakas. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya, umikot ang kanyang paningin.“Ipinalipat mo ang mga gamit ko sa guest room sa ibaba, wala akong sinabing doon ako matutulog.”Iyong boses ni Sean, mas nagiging malinaw. Parang mas malapit. Parang nasa likod lang niya. Parang sa sobrang totoo, nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok imagine-in pa lang na nakabaon sa likod niya ang titig nito.“Pati ba paglublob sa tub nakalimutan mo na?”Nakalimutanseemed to be the magic word. Natauhan kasi si Thera, pumihit paharap sa nagsalita. Muntik na siyang ma-off balance nang malingunan ang asawa. Kung hindi siya maagap na nahawakan ni Sean sa kamay, malamang na nalaglag na siya sa t
Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite at sa guest room na inookupa, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.It was already past ten in the evening. At kagaya siguro niya, hindi rin ito makatulog.Nagduda si Sean kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito kanina ang tungkol sa mama niya. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief, and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.Malalim ang hiningang pinakawalan niya nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands, gusto ni
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesAlas-siyete na ng umaga nang magising si Thera. Nanakit ang likod niya sa magdamag na paghiga sa sofa pero nakapagtatakang mahimbing ang naging tulog niya.Nag-inat siya ng katawan habang bumabangon sa pagkakahiga. Sumisilip na ang araw sa glass window ng kuwarto. Nakalimutan niyang ibaba ang blinds bago matulog.Naghikab siya habang humahakbang papunta sa maluwang na bathroom. Binuksan niya ang shower nang makapasok sa loob ng multi-water jet shower enclosure. Nangigkig sa lamig na napaatras siya palabas nang umagos ang malamig na tubig at matilamsikan ang mga paa niya.Nang hindi makaipon ng tibay ng dibdib para maligo pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa binuksang dutsa, pinihit uli niya pasara ang shower, saka lumabas.Itinali ni Thera ang buhok, saka bumaba para tingnan at tulungan na rin si Fely na maghanda para sa almus
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesNakita ni Thera na bumukas ang ilaw sa katabing kuwarto. Dumating na si Sean. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Ten minutes to seven.Mahigit sampung oras nawala si Sean, sa loob ng mga oras na iyon ay hindi man lang nito naisipang tumawag para kumustahin siya. Alam niya, dahil pagdating nila kanina ni Fely mula sa bahay ni Tito Jaime ay nagtanong siya kay Manang Ising.Alam ni Thera, si Sean lang ang makakasagot sa mga tanong niya. Habang tunatagal, lalo lang kasi siyang naguguluhan. Patay na si Tito Jaime, inilihim iyon sa kanya ni Sean. Nag-aalala ba si Sean sa magiging reaksiyon niya kaya pinili nitong huwag munang sabihin sa kanya?Bakit naman ito mag-aalala sa mararamdaman niya? Unang-una, hindi naman ito naniniwalang wala siyang maalala.Nalilito siya. Obviously, hindi na siya nito mahal but why was h
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesIkinurap ni Thera ang mga mata nang makarinig ng tikhim. Sapat na iyon para mahila siya pabalik sa kasalukuyan mula sa alaala limang taon na ang nakararaan. Lumunok siya nang makitang bahagyang nakakunot ang noo ni Sean sa pagkakatitig sa kanya.“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito sa mahinang boses na sandali pa niyang inisip kung talaga bang nakaringgan niya ng kaunting tenderness at concern.Inakala ni Thera na aabutin siya ni Sean para salatin ang kanyang leeg. Pero nanatili ang asawa sa pagkakatayo sa harap niya, kuyom ang mga kamay na para bang nagpipigil itong abutin siya.O baka nag-i-imagine lang siya dahil nadadala pa rin siya ng intimacy mula sa kapiraso ng alaala kanina?She never pictured herself taking that bold steps toward any man. Parang gusto niyang hilinging bumuka na lang ang lupa at lamunin s
Numipis ang mga labi ni Thera kasabay ng paniningkit ng mga mata nang makita ang babaeng sadya. Saktong kakaparada pa lang ng kotse niya sa harap ng mall nang makita niya ang pagpasok ni Kisses sa loob ng The Palace.Sinundan niya ng tingin ang paghakbang nito papasok sa isang sikat na boutique shop. Hindi pa rin ito nagbabago kahit pagkatapos ng halos isang taong pananatili sa ibang bansa. Pareho pa rin ang fashion brand at style. Kinopya sa kanya.Huminto si Thera sa entrada, hindi man lang sinulyapan ang mga staff ng boutique na nagkukumahog na batiin siya.Nakita niya na natuon ang tingin ni Kisses sa isang pulang handbag. She walked towards her. Nang makitang akmang kukunin ni Kisses ang bag, sinunggaban din niya iyon agad.Nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. Sinuklian niya ng ngisi ang pagkunot ng noo nito. Hinigpitan niya ang hawak sa handle ng bag, ganoon din ang ginawa nito sa parteng haw
EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal
SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit
October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m
One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top
Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa
Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T
Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.
October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I
August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung