CHAPTER THREE
October 15, 2019
Inilapag ni Thera ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng glass center table. Nag-ring ang cell phone niya at iniabot iyon sa kanya ni Laida mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa.
“Hello,” bati niya bago pa makapagsalita si Laida para sabihin kung sino ang nasa kabilang linya.
“Thera?”
Humugot siya ng malalim at maingay na hininga nang makilala ang boses. Matalim ang tingin niya kay Laida na kinagat ang ibabang labi.
“Thera, tulungan mo ‘ko, please. Nakakulong si Joshua. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong pera pampiyansa. K-kapapanganak ko lang. Wala akong ibang malalapitan.”
Pairap na iniikot ni Thera ang mga mata. “Ano’ng kaso?”
“R-robbery. Pero hindi siya kasama sa mga nanloob. N-napagbintangan lang siya.”
“At naniniwala kang napagbintangan lang ang asawa mo, Wela?” Umismid siya. “Wala akong maitutulong. Hindi ako tumutulong sa mga taong dapat lang talagang makulong.” Tinapos na niya ang tawag. Inihagis ang cell phone sa sofa malapit sa kinauupuan ni Laida. “I-save mo ang number.”
“Hindi ko iba-block, Madam?”
Dinampot niya ang tasa. “Hayaan mo siyang tumawag nang tumawag.”
Pinsang buo ni Thera si Joshua at ka-live-in naman nito si Wela. Four years ago, ang mga ito ang pumutol ng taling nagdurugtong sa mga pagkatao nila. Pagkatapos ng mahabang panahon, nagparamdam uli ang dalawa. May kailangan kasi. Na naman.
Pero nagkakamali ang mga ito kung iniisip nitong mag-aabot siya ng tulong kagaya noong una. Hindi siya ang uri ng taong madaling makalimot at magpatawad. Isang beses lang siya puwedeng maloko at hindi na iyon nauulit.
She was turning thirty in a few months’ time. Natuto na siya ng leksiyon in a very hard and very painful way possible. Itinaga niya sa bato na hindi na siya magagamit ng mga taong walang kahit katiting na patak ng kahihiyan at utang-na-loob sa katawan.
Kinalimutan na niyang may mga kamag-anak pa siyang nabubuhay. Hindi rin naman worthy ang mga ito na maging parte ng buhay niya.
Sinulyapan ni Thera ang suot na gold-plated wristwatch. Quarter to eight. Balak niyang pumunta sa The Palace para personal na makita ang produkto ng effort ni Yumi.
By this time, dapat may balita na ng pagha-hunger strike, pananakot na magsusumbong sa Department of Labor, o resignation mula sa dalawang marketing staff.
“Ipahanda mo ang kotse, Laida.”
Ilang minuto lang, sakay na si Thera ng kotse papunta sa opisina. Nagsusuot siya ng cardigan nang tumunog ang cell phone niya.
“Ang secretary n’yo po,” si Laida.
“I’m almost there,” sabi niya kay Yumi nang maidaiti ang cell phone sa tainga.
“Tumawag si Attorney, tungkol sa pinsan mo na involved sa robbery.”
“I’m not gonna help. Let him rot in jail.”
“The thing is… mukhang napagbintangan nga lang si Joshua.”
Isinuot ni Thera ang sunglasses na halos okupahin na ang buong mukha niya sa laki bago niya binuksan ang pinto ng kotse niya sa backseat.
“Ma’am, hihintayin ko ho ba kayo?”
Nahinto siya sa akmang pagbaba. Tumikwas agad ang kilay niya. “Ay, huwag. Iwan mo ‘ko rito at pumick up ka ng ibang pasahero. Mamasada ka hanggang gusto mo tutal hindi naman ako ang may-ari ng kotseng dina-drive mo.”
Nagyuko ng ulo ang driver.
Pairap na bumaba ng sasakyan si Thera at padarag na isinara ang pinto. Kailangan pang magtanong? Bobo lang.
Lumakad siya papunta sa bahay na katapat lang ng pinagparadahan ng kotse niya. Gawa iyon sa semento at kahoy. Maliit na nga, hindi pa matapos-tapos ipaayos. She used to live there. Sixteen years ago, ganoon na ang hitsura niyon.
Wala pa ring nagbago maliban sa kalawangin na ang gate at nagsisimula nang pamahayan ng anay ang pinto. Natutuklap ang pintura ng dingding at kahit ang mga bisagra ng mga bintana, nagbabanta nang bumitaw sa kinakapitan.
Umismid siya nang mapansing nakakabit pa rin ang lumang doorbell sa gilid ng pinto. Maraming hindi magagandang alaala ang doorbell na iyon sa kanya.
Before Thera could even realize, unti-unti, habang nakatitig sa doorbell ay hinatak siya pabalik sa nakalipas…
November 15, 2009
Baguio City, Philippines
Hinihingal na huminto si Thera sa tapat ng pinto ng bahay ng tiyuhin niyang si Jaime. Inabutan siya ng ulan bago pa niya marating ang tapat ng isang palapag na bahay.
Dalawa ang kuwarto roon, pero hindi siya ang umookupa roon. Ang unang kuwarto ay nakalaan para kay Tito Jaime habang ang isa pa ay sa nag-iisa nitong anak na si Joshua na nasa huling taon sa kolehiyo at dalawang taon ang tanda sa kanya. She was staying and sleeping at the wooden couch na kasintanda na niya. Nakapuwesto iyon sa maliit na sala malapit sa TV.
Basa na ang suot na uniporme ni Thera. Mabuti na lang at Sabado bukas, hapon pa ang pasok niya sa university. Makakapagpatuyo pa siya kung lalabhan niya ang uniform at itatapat sa electric fan bago matulog.
Ginabi siya ng pag-uwi dahil sa bago niyang part-time job. Natanggap siya bilang cashier slash barista sa Sean and Tan’s Tea Caf at halos two weeks na siyang part-timer doon.
Pagkagaling sa klase, dumederetso siya sa coffee shop. Five thirty ng hapon hanggang eight thirty ng gabi ang pasok niya roon tuwing weekdays. Opening naman siya tuwing Sabado. Wala siyang pasok sa klase kapag Linggo pero sarado naman ang coffee shop.
Kumatok si Thera sa pinto ng bahay. Wala si Tito Jaime, mag-o-overnight ito sa Tagaytay kasama ang mga kumpare nito sa Laguna. Siya lang at si Joshua ang matitira sa bahay.
Nag-doorbell siya nang pagkatapos ng ilang pagkatok ay walang nagbukas mula sa loob. Sigurado siyang naroon ang pinsan. Naririnig niya ang soft music mula sa loob ng bahay.
“Kuya Josh?!” katok niya na may kasama nang pagtawag. Giniginaw na siya at pinasok na rin ng tubig ulan ang itim niyang sapatos. Kaunting babad pa, tiyak na nganganga na iyon sa susunod na gamit.
Nakahinga si Thera nang maluwag nang magbukas na sa wakas ang pinto. Nangangatal na siya sa lamig sa pagkakatayo roon. Pero imbes na patuluyin siya, iniharang pa ni Joshua ang sarili sa maliit na awang. Nakahubad-baro ang binata at tanging boxer shorts lang ang suot.
“Hindi mo ba natanggap ang text ko? Hindi ka sinabihan ng katrabaho mong may bisita ako?” iritableng tanong nito.
“Sinong katrabaho? Malakas ang ulan at masisira ang cell phone ko kung ilalabas ko at mababasa.”
“Takang-taka nga ako, eh, kung bakit buhay ka pa at ‘yang antique mong cell phone,” bulong nito.
“Ha?”
“Bukas ka na umuwi rito,” iritableng sabi nito.
“Wala akong mapupuntahan.”
“Problema mo na ‘yan.” Akmang isasara ni Joshua ang pinto pero pinigil niya iyon.
“Kuya, basang-basa na ‘ko. Nasa loob ang mga damit ko.”
“Josh, halika na.”
Natigilan siya. Malambing ang boses ng babaeng nagsalita mula sa loob ng bahay. Sinamantala ni Joshua ang saglit na pagkatigagal niya. Isinara nito ang pinto matapos siyang itulak nang bahagya palabas.
Hindi malaman ni Thera kung magagalit sa pinsan o maaawa sa sarili. Doon na lang sa huli. Ano ba ang karapatan niyang magalit? Hindi naman kanya ang bahay. Kung gustong magdala ng pinsan niya ng babae sa bahay na pag-aari ng tatay nito, wala siyang magagawa.
Lumakad siya palayo sa bahay. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Saan siya pupunta? Magpapalipas na naman ba siya ng gabi sa twenty-four hours na convenience store malapit sa bayan? Wala siyang budget para bumili ng pagkain doon, malayo-layo pa ang suweldo. Hindi rin siya puwede kina Kisses dahil maliit lang ang bahay ng pamilya nito.
Then she thought of Sean and Tan’s. Hawak niya ang susi dahil opening siya bukas. Siguradong wala nang tao roon nang ganoong oras. Kasabay niyang umalis kanina ang kaibigang si Kisses na katulad niya ay natanggap din bilang waitress noong isang araw.
Yakap ang sarili na pumara si Thera ng tricycle at nagpahatid sa coffee shop. Ilang minuto lang, nasa harap na siya ng Sean and Tan’s. Pumasok siya sa loob, hindi na nag-abalang magbukas ng ilaw. Magtataka ang mga taong mapapadaan sa tapat niyon kung bakit may ilaw pa. Kinapa niya ang dingding na eventually ay alam niyang maghahatid sa kanya sa dulong bahagi ng coffee shop kung saan nakapuwesto ang sofa. Puwede siyang matulog doon pagkatapos niyang patuyuin ang mga damit.
Nag-e-expect si Thera ng malambot na mahihipo. Pero mainit at matigas na bagay na hindi niya alam kung ano ang nahawakan niya pagdating sa dulo.
“Take your hands off me…” that attractive, deep, masculine yet very cold voice commanded.
Ipinilig ni Thera ang ulo. Inalis niya ang suot na sunglasses. Nag-iinit ang ulo niya tuwing naaalala kung sino ang nagmamay-ari ng malalim na boses na iyon.
Okay na, inaayos na ng abogado niya ang tungkol sa kaso ni Joshua dahil na rin sa utos niya. Maki-clear ang pangalan ng pinsan and in no time ay makakalaya na.
Bakit kailangan pa niyang pumunta roon? Eh, ni hindi na nga bagay ang sosyal niyang hitsura sa ganoon karuming kapaligiran. Kung magtatagal siya, baka magkasakit pa siya sa baga. Polluted hindi lang ng basura at alikabok ang lugar. Pati na rin ang ugali ng mga taong nakatira doon.
Naaalala niya kung paano siya pinagkumpulan at halos sambahin ng mga taong iyon matapos niyang ikasal kay Sean. Kabilaan ang hingi at hiling na akala niya nakalimutan na ng mga ito na tao siya at hindi Diyos o Buddha.
Nang hindi niya lahat naibigay, ang dami-daming kuwentong ikinalat laban sa kanya. Inakala niyang matutuwa na ang mga ito sa tulong na naibigay niya. Trabaho, pautang na pera na walang bayaran, gadgets, donations. Pero ang mga patay-gutom, kulang na lang ay magpaalaga at magpaampon pa sa kanya.
Habang nagkakaedad, Thera realized that there was no such thing as one time to those people. Kapag may unang hiling, may pangalawa at tiyak na masusundan pa ng pangatlo. Isang beses ka lang tumanggi, ipaparamdam nila agad sa iyo na wala kang kuwentang tao. Malaki ang magiging kasalanan mo sa kanila at lilibakin ka nang walang humpay.
They were all stupid for turning their backs on her. Mga nakakaawa at nakakabuwisit at the same time na minsan, gusto niyang kuwestiyunin kung bakit nilikha pa ni God ang mga ito. Those goddamn gold diggers and ungrateful bitches—sila ang mga tinik sa dibdib at lalamunan niya.
Sana kasi puwedeng ma-phase out o ma-expire ang mga ito kagaya ng mga gamot sa botika. Mas masaya sanang tumira sa earth. No pollution, zero garbage. Happy life. Happy environment.
Kaso, imposibleng mangyari.
Pabalik na si Thera sa kotse nang muntik na siyang mabangga ng tatlong babaeng padaan sana sa likuran niya.
“Sorry, Miss.”
Nag-angat siya ng tingin. Ibinalik niya ang composure sa mukha nang makilala ang babaeng nakasuot ng salamin sa mata. Si Jiera. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.
“T-Thera?”
Natuon sa kanya ang mga mata ng dalawa pang babaeng kasama nito.
“OMG! Ikaw nga!”
Itinirik niya ang mga mata. OA, ah.
Bumuntong-hininga si Thera. Kahit paulit-ulit niyang suyurin ng tingin ang mga kaharap, wala siyang makitang “something” na puwedeng bumuhay sa bagot na bagot na dugo niya.
Hindi niya alam kung paano siya napapayag ng tatlo na sumama sa group dinner ng mga ito. Batchmates niya noong college ang tatlong babaeng nakaupo sa pang-apatang mesa ng restaurant na iyon. Maingay at halo-halo ang amoy ng pagkain, usok, beer, at kung ano-ano pa sa loob ng mainit at masikip na kainan na iyon. Kinse minutos na siyang nakikipambuno sa pagitan ng irita at bagot.
Panay ang tingin at puri sa kanya ng tatlo. Alin na lang sa mga ito ang rason, masaya ang mga ito para sa kanya, naiinggit, o tumitiyempo para makautang?
Hindi siya maniniwala sa unang rason. Ang dadali lang basahin ng utak ng mga taong lumalapit sa kanya. Pareho lang ang mga ito sa mga kakilala niyang dumidikit lang sa kanya dahil sa pabor na maibibigay niya.
Pakapalan ng mukha kumbaga. Noong dugyutin pa siya at naninigas pa ang natural na kinking buhok niya ay halos lingunin-dili siya, samantalang ngayon, ino-auto like kahit Facebook rant niya.
Naghihikab si Thera nang magsalita si Lorraine.
“Mabuti ka pa, Thera, walang alagain at konsumisyon. Kaya ang ganda-ganda mo na ngayon. Hindi halatang magte-treinta ka na, o. Samantalang ako, nakatuluyan ko nga ang first love ko, konsumido naman ako sa dami ng anak na alagain ko.”
Thera rolled her eyes. “Sino ba kasing nagsabi na sundin mo ang utos ng pari na humayo at magpakarami?”
“Oo nga, ang suwerte mo, friend,” segunda ni Rheng. Hindi pinansin ang sinabi niya.
Friend. Kailan pa sila naging close? Eh, kung bigwasan kaya niya ito sa gums para makaalala kung paano siya nito ini-snob noon?
“Nakapag-asawa ka na nga ng guwapo, milyonaryo pa. Wala kang stress sa buhay. Samantalang kami, pambaon na lang ng mga anak namin at tuition fee, iisipin pa namin. Eh, ikaw, magbibilang na lang ng pera at mag-iisip kung saan magsha-shopping.”
Tumikwas ang kilay ni Thera. Patagilid ang pagkakangiti niya. “So sa tingin n’yo ang laman ng bank account ko, ang kotse at mga alahas ko, nakuha ko lang dahil mayaman, pogi, at suwerte ako sa napangasawa ko, gano’n?”
Napipilan ang dalawa.
“Tingin n’yo ba magpapa-cute lang ako kay Sean at poof! Magpapadala na siya sa akin ng sangkaterbang pera at regalo?”
Nag-iwas ng tingin ang dalawa. Tumikhim naman si Jiera, ang nerd noon, nerd pa rin ngayon na schoolmate nila. Hindi niya natatandaang naging kaaway ang babae noon pero lalong hindi niya natatandaang naging ka-close ito.
“I don’t think that’s what they meant, Thera. It was heaven’s will and not luck—”
Thera scoffed. Kalooban ng langit. Thirteen years ago, madalas niya iyong sinasabi. Na isang araw, lahat ng gusto niya ay ipagkakaloob ng langit. Pera, bahay, magandang buhay. At si Sean.
And yes, she had those things and Sean all at the same time. Pero kung alam lang niya na sugo ng engkanto at masamang nilalang ang napangasawa, nunca na hilingin niya kahit ang makasalubong ito sa kalsada.
Almost ten years. Kung alam lang ng tatlong kaharap na sobra-sobra ang pagsisisi niya unang gabi pa lang nang ikasal siya sa sinasabi ng mga itong nagdala ng suwerte sa kanya.
Inilapag ni Thera ang baso sa mesa. Nagdesisyon na siya—magpapalipas lang siya nang ilang minuto at lalayasan na ang tatlo.
“Alam mo bang bumalik na si Kisses galing Amerika?” sabi ni Jiera. Mukhang tinatantiya ang reaksiyon niya.
Nag-angat siya ng tingin. Dinampot uli ang baso, dinala sa bibig.
“Ah. My bad, nakalimutan kong best friends nga pala kayo. Baka ikaw pa ang una niyang sinabihan kaysa sa pamilya niya mismo.”
“I’m not interested to know. Kung hindi naman interesante o importanteng tao, hindi ko pinag-aaksayahan ng panahon,” malamig niyang sagot, saka ibinaba ang beer sa mesa.
Katahimikan ang sumunod. Alam ni Thera, nagpapalitan ng makahulugang tingin ang tatlo. Mayamaya lang, halos sabay-sabay nang nagpaalam ang mga ito. Mukhang sa wakas ay nakatunog na rin na wala talaga siya sa mood.
“Hindi mo man lang ba kami ihahatid kahit hanggang sakayan ng jeep lang, Thera?” matamis ang ngiti na tanong ni Rheng. Mukhang nag-e-expect na lalalim pa ang ugnayan nila.
“Treinta lang ang isang biyahe papunta sa terminal, tig-sampu lang kayo kung paghahati-hatian n’yo,” bale-walang sagot niya.
“Oo nga, Rheng, mag-trike na lang tayo pauwi,” nakangiting sabi ni Jeira.
Tumayo na si Thera sa kinauupuan ilang minuto lang matapos mawala ang tatlo sa paningin niya. Nag-iwan siya ng limandaang piso sa mesa.
Dumeretso siya sa exit door ng bar. Huminto sa may pinto nang makitang nakatayo pa rin sa labas ang tatlo.
Tiningnan niya ang suot na relo. It was past ten in the evening. Hindi siya sigurado kung may dadaan pang pampasaherong tricycle para pumick up ng pasahero.
Huminga siya nang malalim. Hindi kukunsumo ng isang oras kung ido-door to door niya ang tatlo. Dinukot niya ang cell phone sa bitbit na purse para tawagan si Ringgo.
“Ang cold talaga ng bruha. Hay, nakakainis. Hindi ko man lang naisingit ‘yong tungkol sa pagpapatulong na magkaroon ng trabaho si Robert sa The Palace,” narinig niyang disappointed na sabi ni Rheng.
Natigil sa pagda-dial si Thera. Tumalim ang tingin niya sa tatlong babaeng nakatalikod sa kanya.
“The tale is real. She really is a devil without a single drop of human blood in her.” Napailing si Jiera.
“Hindi nga ako makahinga habang kaharap natin siya kanina, mga besh.”
Thera’s smile was sarcastic and disappointed. People kept on saying they liked her but behind her back, they hated her—hindi na iyon bago sa kanya. At ano ba ang inaasahan ng mga hampaslupa na kulay ng dugo niya? Pink? Samantalang ang mga ito naman ang mukhang alien.
Nagngingitngit na humalukipkip siya sa pagkakatayo sa likuran ng tatlong walang ipinagkaiba sa mga empleyado ng The Palace. Duwag. Backfighters.
“Nagbabago talaga ang tao kapag nagkakapera.” Bumuntong-hininga si Lorraine.
“Hindi sa kaso ni Thera. Sabi ni Kisses, mahirap pa lang ‘yon, ganyan na.”
Nabura ang ngisi ni Thera. Natigilan siya. Kisses. She was that one person she thought would never betray her. But just like everyone else, she did.
Sumusuray na lumabas ng bar si Thera. Shit. Ang gulo ng daan. Tinamaan siya sa dalawang bote ng beer na nainom niya pagkaalis ng tatlong award-winning actress
kanina. Idinayal niya ang number ni Ringgo. Pero bago pa man niya mailabas ang cell phone sa purse ay nabitawan niya iyon at bumagsak sa semento. Akmang dadamputin niya iyon nang may yumuko rin para pumulot.Tumuwid si Thera sa pagkakatayo. Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaking dumampot sa cell phone. Bored siyang bumuntong-hininga nang ngumiti ito nang matamis sa kanya.
“‘Yong cell phone ko, akin na. Hindi tayo nagshu-shoot ng romantic drama para magtitigan pa.”
Lumuwang ang ngiti ng lalaki. Amused, iniabot sa kanya ang cell phone, saka namulsa. “Bakit hindi ka pa sumabay sa tatlo mong kaibigan kanina?” tanong nito na para bang magkaututan na sila ng dila noon pa.
Yes, he was good-looking. Pero wala siyang tiwala sa mga ganitong magagandang lalaki.
“Huwag mo ‘kong kausapin, hindi tayo close,” sagot niya, saka dinugtong, “They’re not my friends,” nang pabulong.
Idina-dial niya ang numero ni Ringgo nang may maisip. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki, kinunutan ito ng noo. Nagdududa ang tingin.
“Pa’no mo nalamang may kasama ako? Sinusundan mo ba ‘ko?”
Hindi niya ito nakita sa loob ng masikip na bar kanina. At duda siya kung kahit one time ba ay nakapasok na ito sa loob ng bar.
“Well, I saw you a while ago. Eavesdropping to your friends,” sabi nito at ngumiti uli.
Umismid si Thera. May loose na muscle ba sa panga ang lalaking ito? Parang timang, panay ang ngiti. “Kung talagang nakita mo ang reaksiyon ko habang pinakikinggan ko ang pinag-uusapan ng tatlong bugok na itlog na ‘yon, masasabi mo pa kaya sa ‘kin ngayon na kaibigan ko ‘yong mga ‘yon?” sarkastikong sabi niya.
Nagkibit ito ng mga balikat. Tumitig sa kanya. “Hindi ko pinakinggan ‘yong sinasabi nila. I was looking at you. You had a sad look in your face,” mahina nitong sabi.
Malakas siyang tumawa.
“You saw wrong. That was ‘I’m-gonna-kill-these-bitches’ look.” Pagkasabi niyon, binirahan na niya ito ng alis. Pero sumunod ang nakapumulsang mokong, nakita niya ang anino nito.
“‘Wag mo na ‘kong ihatid. Kung kilala mo ‘ko, alam mong meron akong driver,” direkta at malakas niyang sabi pero saglit lang ay bumuway siya sa pag-iwas sa nakausling bato sa daan. Lumapit ang lalaki, inalalayan siya.
Nagbuka siya ng bibig, akmang pipiglas sa hawak nito pero narinig na nila ang malakas na pagbusina ng sasakyan galing sa likuran nila. Huminto iyon sa mismong tapat ng kinatatayuan nila.
Kumunot ang noo ni Thera. Isang itim na pickup. Bumaba ang bintana sa backseat. Sumilip siya, hindi na nagawang palisin ang kamay ng lalaki na nakahawak pa rin sa siko niya.
Hindi niya itinago ang pananalim ng mga mata nang makilala ang lalaking nakaupo sa backseat.
“Get in,” sabi ng lalaki sa pickup. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Tumuwid siya sa pagkakatayo. Ano ang ginagawa roon ni Hudas? “May driver ako.”
“I told him to go home.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Thera. Huminga siya nang malalim. Nagpipigil ng irita. “Sino ka sa akala mo para…”
Nabitin ang kanyang litanya nang lingunin siya nito. Mariin ang pagkakalapat ng mamula-mula nitong mga labi. Bumaba ang mga mata nito sa siko niyang hawak ng lalaki sa tabi niya. Nakaramdam naman ang huli, pinakawalan ang siko niya.
Blangko ang ekspresyon sa mukha, itinaas ng hudas ang kaliwa nitong kamay. Lumipad doon ang tingin ni Thera, kumislap ang singsing na nakasuksok sa palasingsingan ng lalaki.
He gave her a half-hearted smile. “I am Sean De Marco, your husband.”
CHAPTER FOUR THE BIG BOSSPadarag na ibinagsak ni Thera ang pinto ng pickup nang pumarada iyon sa tapat ng Sean and Tan’s.Of all places, bakit sa Tea Caf pa siya dinala ni Sean? Supposedly, close na dapat ang coffee shop pero may ilaw na nakabukas sa loob. Hindi niya alam na nag-e-extend na ng working hours ang Tea Caf. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.As far as Thera could remember, si Sean ang totoong sadya ng mga babae at baklang customer ng Tea Caf noon. Hindi ang Instagramable café o ang cozy ambience o ang sikat na blended coconut coffee o ang nakakapaglaway na milk tea o ang cakes and pastries na naka-display malapit sa counter.Ilang beses nang nag-viral ang Tea Caf sa social media noong first quarter ng 2009. Mali, si Sean ang totoong nag-viral at hindi ang Tea Caf mismo.Isang estudyante sa DM University
CHAPTER FIVE WHO ARE YOU?Sinulyapan ni Thera ang matangkad na lalaking kanina ay nagisnan niyang nakatunghay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa kitchen counter sa loob ng hospital room at may kausap sa cell phone nito.Lumayo ito nang dumating ang tinawag nitong doktor. Walang dudang may kaya ang lalaki kung pagbabasehan ang ayos at porma nito. Wala pa siyang lalaking nakita sa bayan nila na nakasuot ng long sleeves at coat sa mga araw na wala namang okasyon.Sabi ng nurse at doktor na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya, nabundol siya ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. Ang lalaki bang ito ang dahilan kung bakit bedridden siya? May cast ang braso niya at nakasuot siya ng neck support.Ngumiti si Thera nang hindi sinasadyang mapasulyap sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, nagbawi sa kanya ng tingin pagkatapos.Ah, hindi siguro ito makapaniwala na ngin
CHAPTER SIX FIRST LOVEJune 2009Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio CityIsinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan
CHAPTER SEVEN BABEPinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino siBabe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p
CHAPTER EIGHT BATHTUBDecember 5, 2009Baguio City, PhilippinesMalalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng mama niya ang bagong hire nilang waitress, si Thera.Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali, lalo at nasabi na niya rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.Natatandaan niyang nabanggit sa mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi lang niya napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.Ang pinag-aalala ni Sean, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman nitong hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasa
CHAPTER NINE THUG WIFEY“Thera…”Suminghap si Thera. Napadiin ang kapit niya sa gilid ng tub para umamot doon ng lakas. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya, umikot ang kanyang paningin.“Ipinalipat mo ang mga gamit ko sa guest room sa ibaba, wala akong sinabing doon ako matutulog.”Iyong boses ni Sean, mas nagiging malinaw. Parang mas malapit. Parang nasa likod lang niya. Parang sa sobrang totoo, nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok imagine-in pa lang na nakabaon sa likod niya ang titig nito.“Pati ba paglublob sa tub nakalimutan mo na?”Nakalimutanseemed to be the magic word. Natauhan kasi si Thera, pumihit paharap sa nagsalita. Muntik na siyang ma-off balance nang malingunan ang asawa. Kung hindi siya maagap na nahawakan ni Sean sa kamay, malamang na nalaglag na siya sa t
Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite at sa guest room na inookupa, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.It was already past ten in the evening. At kagaya siguro niya, hindi rin ito makatulog.Nagduda si Sean kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito kanina ang tungkol sa mama niya. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief, and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.Malalim ang hiningang pinakawalan niya nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands, gusto ni
October 23, 2019Baguio City, PhilippinesAlas-siyete na ng umaga nang magising si Thera. Nanakit ang likod niya sa magdamag na paghiga sa sofa pero nakapagtatakang mahimbing ang naging tulog niya.Nag-inat siya ng katawan habang bumabangon sa pagkakahiga. Sumisilip na ang araw sa glass window ng kuwarto. Nakalimutan niyang ibaba ang blinds bago matulog.Naghikab siya habang humahakbang papunta sa maluwang na bathroom. Binuksan niya ang shower nang makapasok sa loob ng multi-water jet shower enclosure. Nangigkig sa lamig na napaatras siya palabas nang umagos ang malamig na tubig at matilamsikan ang mga paa niya.Nang hindi makaipon ng tibay ng dibdib para maligo pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa binuksang dutsa, pinihit uli niya pasara ang shower, saka lumabas.Itinali ni Thera ang buhok, saka bumaba para tingnan at tulungan na rin si Fely na maghanda para sa almus
EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal
SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit
October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m
One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top
Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa
Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T
Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.
October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I
August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung