Share

Chapter One: Mrs Sean De Marco

Author: La Tigresa
last update Last Updated: 2021-03-21 11:22:57

CHAPTER ONE

MRS. SEAN DE MARCO

October 08, 2019

The Palace Mall and Hotel

Bumukas ng pinto ng ladies’ room. Magkakasunod na pumasok ang tatlong uniformed employee ng The Palace Hotel. Iyong isa, pumasok sa bakanteng cubicle habang humarap naman sa salamin ang dalawang iba pa. Halos sabay ang mga itong naglabas ng pouch at makeup kit para mag-retouch.

“Totoo bang nakakatakot ang Vice President, Ma’am Lira?” tanong ng pinakabata sa tatlo. She was twenty-one, newly hired.

“Sa tingin mo ba, tatawagin siyang ‘Vice Devil’ ng ninety-nine percent ng mga empleyado sa Palace Mall and Hotel for nothing, Joy?” sagot ng tinawag na Ma’am Lira. Iritable itong bumuntong-hininga. “Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pang pumunta ng Vice President dito sa Palace. Sana nag-stay na lang siya sa London o kaya sa Mars at huwag nang magpakita sa atin kahit kailan.”

“Alam mo na ang reason, Ma’am Lira. Para mambuwisit, mangmaliit, at mamahiya ng empleyado ng palasyong inaari niyang kanya,” sagot ng empleyadong nasa cubicle. Umismid ito mula sa loob. “Pustahan tayo, ipaparada na naman niya sa loob ng mall ang mga nabili niya sa London. Hindi na nanghinayang sa perang winawaldas niya habang nagpapakakuba tayong mga empleyado.”

“Miss Rose, pansin ko lang, imbiyernang-imbiyerna ka sa kanya. Aminin mo na kasi, si Vice Devil lang talaga ang nag-iisang devil na totoong binabagayan ng Prada.”

Isa pang malakas na ismid muli mula sa loob ng cubicle.

“I hate her guts. She’s annoying and bigheaded. Sa tingin mo ba, kung kasindami ng pera niya ang pera ko, hindi ako babagayan ng Prada, LV, at iba pang designer items? Pasalamat siya noong mga panahong naghahanap ng pakakasalan si Sir Sean, may asawa na ‘ko at anak.”

“‘Kuu, kahit naman single ka no’ng mga panahong ‘yon, kung hindi ka marunong gumamit ng black magic, hindi ka matitipuhan ng Presidente,” tukso ni Lira.

“So totoo ang sabi-sabi na si Sir Sean talaga ang nagyaya ng kasal?” singit ni Joy.

“Does it matter? Eh, pagkatapos naman ng kasal, lumipad agad si Sir Sean paalis ng Pilipinas.” Si Rose pa rin ang sumagot. Nag-flush ito ng bowl. “Malamang twenty years old pa lang si Vice Devil, nakausli na ang sungay n’on at buntot. Eh, kahit twenty-four lang si Sir Sean noon, hindi siya tanga para hindi mapansin ‘yon.”

Binalingan ni Lira si Joy. Handang idetalye sa baguhan ang mga impormasyong nalaman nito. “Ganito ang nangyari, Joy. Sa papel lang nag-e-exist ang kasal ni Sir Sean kay Vice. Ang sabi-sabi, marriage of convenience. Pinakasalan lang ni Sir Sean si Vice Devil kapalit ng signed business contract kay Mr. Jacob Hernandez, ‘yong CEO ng The Palace. Pumayag naman si Vice Devil sa kasal kapalit ng malaking pera.”

“Eh, kung gano’n, ba’t hindi pa ipinapa-annul ni Sir Sean ang kasal? Halos ten years na silang nagtitiis pareho.”

“Uh-uh. Four years ago pa nanghihingi ng annulment si Sir Sean. Pero nagre-refuse itong si Vice Devil. Alam mo na, maraming mawawala sa kanya oras na pumayag siya.”

Napatango-tango si Joy. “Gano’n ba? Hindi ba talaga sila nagkagustuhan noon bago sila ikinasal? I mean, walang feelings involved, basta na lang nagpakasal? Random, basta na lang napili si Vice?”

“Ang alam ko, si Vice Devil ang nasa contract kaya no choice si Sir Sean. At tungkol doon sa feelings, sigurado akong wala si Sir Sean. Pero si Vice Devil? I doubt.”

“Kaya siguro hindi siya pumapayag sa annulment kasi mahal pa niya,” anas ni Joy. Ibinalik nito sa pouch ang lip gloss.

Sarkastikong ngumisi si Rose na kalalabas lang ng cubicle. Dumeretso ito sa lavatory at naghugas ng kamay. “Love? Wala sa bokabularyo n’on ang love, Miss Joy. Eh, puro mura lang naman ang lumalabas sa bibig n’on. Basta ako, I do believe na panggagamit at its finest talaga ang reason kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin pinipirmahan ni Vice Devil ang annulment papers. Smart. Wais. Kaya ikaw, Joy, learn from the Vice Devil herself. Kung gusto mong palarin ka sa buhay, ‘pakasal ka sa board member o shareholder ng kompanya. Hawakan mo sa leeg at huwag kang papayag sa annulment ano man ang mangyari.”

“Nandoon ako no’ng kasal nila. Nakita ko kung pa’no kuminang ang mga mata ni Vice Devil habang nakatitig kay Sir Sean noon. Itataya ko ang fifteen years kong pagiging supervisor kung mali ang hinala ko, tandaan n’yo ‘yan, Rose, Joy. Mahal pa ni Vice si Sir Sean.”

Nagtinginan ang dalawang kausap.

Umiling-iling si Lira. “Kung hindi love ang reason, ano pa ba? Dahil sa pera? Marami na siyang ganoon. Sapat na sapat kahit hindi na siya magtrabaho. Wala naman siyang pamilya, ulila na sa mga magulang. Ang bali-balita, iniwan na siya ng mga kamag-anakan dahil sa sama ng ugali niya. Umaasa pa siguro siyang magbabago pa ang isip ni Sir Sean.”

“After all those years? Para lang siyang humiling na mapalitan ng pink na petals ang baga sa impiyerno. Ambisyosa.”

Sabay na nagtawanan ang dalawang senior employees.

Bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle at iniluwa ang isang babaeng may hawak na sangkaterbang gula-gulanit na tissue paper. Matalim ang tingin, binitiwan nito ang mga iyon at hinayaang magkalat sa sahig.

“Tapos na kayo?”

Natigil ang dalawa sa pagtawa. Halos sabay na napatitig sa repleksiyon ng magandang babaeng naka-lipstick na pula sa salamin. Tinakasan ng kulay ang mga mukhang katatapos lang pahiran ng kolorete.

“V-Vice Devil!”

Ngumisi ang binanggit. Napasiksik naman ang tatlo sa counter ng lavatory.

Nagbubulungan ang mahigit dalawampung staff ng marketing department ng The Palace Mall and Hotel habang naghihintay sa pagdating ng nagpatawag ng emergency meeting sa loob ng Palace Hall A.

Kabado ang lahat at may agam-agam sa dibdib. Inihahanda ang mga sarili sa pagdating ng isang taong hindi gugustuhin ng sinumang empleyado na makaharap o makasalubong man lang ng tingin.

“Nandiyan na si Madam, ayusin n’yo ‘yang mga hitsura n’yo,” seryosong warning iyon mula kay Miss Yumi.

Natahimik ang mga naroon. Sabay-sabay na lumingon ang lahat sa soundproof glass door kung saan unang lilitaw ang tinawag na ‘Madam’ ng binansagang pinakamatiising sekretarya sa mundo.

Parang nabusalan ang mga nagkakaingay na bibig at napalitan iyon ng kabadong paghigit ng hininga nang makita ang paglitaw ng isang babaeng naghuhumiyaw ang ganda, self-confidence, at hindi matitibag na angas. The unapologetic, sharp-tongued The Palace Mall and Hotel Vice President, Thera De Marco.

Five feet and four inches ang orihinal na height kung huhubarin ang suot na black Prada stilettos na may apat na pulgada ang taas.

She was wearing a Prada radzmire wool and silk dress. Ipinares iyon sa black Prada Saffiano leather shoulder bag na walang ingat nitong iniitsa kay Laida, ang PA na matiyagang nakasunod sa malalaki nitong mga hakbang.

Kumikislap ang mamahaling alahas na suot ni Thera mula sa tainga hanggang sa palasingsingan. It was as if those expensive items were made for her to wear. At hindi para kung kani-kanino lang.

“Good morning, Madam,” bati ng mga naroon as she walked her way to the center of the room.

Nang marating ang gitna, hinarap ni Thera ang mga empleyado. Sinuyod niya ng tingin ang mga naroon. Kilala niya halos ang mukha ng karamihan. Lalo na ang tatlong babae mula sa marketing department na halos mabalian na ng spine sa pagkakayuko.

“Alam n’yo na siguro na in two months’ time, twentieth anniversary na ng The Palace,” umpisa niya. Pinagsalikop ang mga kamay sa likuran.

Walang sumagot. Nakayuko ang lahat.

Humalukipkip si Thera, umangat ang isang sulok ng bibig sa isang ngisi. “Walang may alam? How could you, guys? Mas natatandaan n’yo pa ba ang eksaktong petsa noong iniwan ako ng Presidente n’yo kaysa sa mismong araw na itinayo ang kompanyang bumubuhay sa pamilya n’yo? Shame on you.”

Natuon ang tingin ng lahat sa tatlong babaeng kagat-kagat ang kani-kanilang mga labi.

Thera rolled her eyes. Ang bilis talagang kumalat ng balita, alam na agad ng lahat kung sino ang tinutukoy niya. “Wala pa rin sa palasyo ang hari, so the queen should take over, correct?” patuloy niya. “I want you to proceed with the preparations for the upcoming anniversary party. Send me the proposals, mag-ready kayo ng tatlo o apat para mayroon akong pagpipilian. Huwag n’yo akong padalhan ng same shit kagaya no’ng mga nakaraang taon, please lang. Kung kami at kami lang ang mag-iisip, bakit pa namin kayo susuwelduhan? Are we just wasting our money sa mga empleyadong walang silbi? Kung gumagana naman ‘yang mga utak n’yo, aba, paganahin n’yo nang maayos. ‘Wag kayong mag-ambisyon na makakabili kayo ng Prada at Louis Vuitton kung kakarampot lang ang laman ng mga utak ninyo.”

Wala uling tugon. Tahimik lang ang mga naroon.

Naglakad si Thera sa gitna ng mga empleyado. Huminto siya sa harap ng tatlong impaktitang sumira sa magandang araw niya kanina. “I can see we have few newly hired employees,” sabi niya. Nag-angat ng tingin si Joy, nagi-guilty na nagbaba uli ng tingin nang masalubong ang masamang titig niya. “Umaasa akong matuturuan n’yo ang mga baguhan tungkol sa nature ng business. Hindi kung paano mambingwit ng tagapagmana ng kung sino-sinong anak ng mayamang business tycoon. They will just fail I’m telling you. Dahil sino nga ba naman sa inyo ang nakakaalam kung anong bulong, gayuma, black magic, at diskarte ang ginawa ng demonyong ito noon para mabingwit ang big boss n’yo?”

Isinara ni Yumi ang malaking pinto ng opisina ng Vice President nang makapasok si Thera sa loob. Gusot ang mukha na hinubad niya ang stilettos habang naglalakad palapit sa mahabang desk na nakapuwesto sa gitna ng maluwang na silid. Walang pakialam na iniwan niya ang sapatos sa carpeted na sahig.

Sunod niyang tinanggal ang diamond earrings na halos pumunit na sa tainga niya sa bigat at laki. Nanunulis ang nguso na padaskol niyang binuksan ang drawer, saka iniitsa roon ang hikaw.

“Akin na ang tsinelas ko, Laida,” pagalit na utos niya sa PA.

Inilabas nito ang lion designed indoor slippers sa loob ng isang paper bag at inilapag sa paanan niya.

“Ang mga halimaw sa bangang kapos-palad, wala talagang kadala-dala. Hindi pa sumapat sa kanila ang halos sampung taon na ginawa nila akong katatawanan. Hanggang ngayon, ako pa rin ang paborito nilang pag-usapan,” nanggigigil na sabi niya habang padabog na isinusuot ang tsinelas.

“Big boss? Ha! Kapag si Sean, big boss. May paggalang, may respeto, habang ako na nagpakahirap sa kompanyang ito, demonyo? Fuck those ungrateful bitches’ mouths! Mga istupida. Walang mga alam!” gigil na sabi niya. Mas kausap ang sarili kaysa sa dalawang babaeng kasama niya sa opisina.

Huminga nang malalim si Thera. Ikiniling ang ulo sa kabilang side na parang kinakalma ang sarili. “‘Sabagay, bakit ba ako nagtataka? Kilay nga nila, ite-trace na lang, hindi pa nila maayos-ayos, bibig pa kaya nila?”

Matapos ang litanya, matalim ang tingin na binalingan niya si Yumi na parang ito ang kaaway. “Yumi, i-review mo ang background ng dalawang hukluban na ‘yon. I-check mo kung Business Ad major ba talaga sila o sa paninira ng tao. Kung may makita kang kahit kakarampot na problema, pahirapan mo. Mga punyetang ‘yon, walang mga respeto. Nanggigigil ako!”

Nagpipigil ng ngiti na tumango si Yumi. “I’ll do that.”

Pasalampak na naupo si Thera sa swivel chair. Galit pa rin. Bumubulong.

“I was expecting you to fire them this time, Thera. Lalo na ‘yong Rose. Sobra-sobra ang sinabi niya tungkol sa ‘yo. Super enough na huwag bigyan ng recommendation. From what I’ve heard, schoolmate mo siya no’ng high school. Natatandaan mo ba siya?”

Inalis niya ang likod sa pagkakasandal sa swivel chair. Pinagsalikop ang mga kamay sa desk, kunot na kunot ang noo.

Oo nga, schoolmate niya iyong Rose dati. Bakit ba kasi niya naisipang tulungang makapasok sa kompanya ang kurimaw na iyon? Eh, halata na niyang imbiyerna ito sa kanya noon pa man. Kakompetensiya ang tingin nito sa kanya. Umaambisyon na talunin ang grades niya samantalang utak-ipis naman.

“Firing that bitch won’t stop her from hating me. It did not stop even after I hired her six years ago.”

“So you decided to keep her, forgive her, kagaya ng ginawa mong pagpapalampas sa ibang empleyadong talikuran kang sinisiraan at pinag-uusapan?”

Itinaas niya ang mukha kay Yumi. “Forgive her? Hindi ko pinapatawad kahit ang mga nagsisisi at seryosong humihingi ng tawad, Yumi, alam mo ‘yan.”

Hindi na mabilang ang empleyadong kusang nag-resign dahil sa kanya sa nakalipas na apat na taon. She did not fire them though, kusang-loob na nagpasa ng resignation letter ang mahihina ang loob.

“What do you want me to do with them then?”

“Gawin mo kung ano ang dati nating ginagawa sa mga empleyadong hindi marunong magkamot ng nangangating dila. Rose and Lira, both of them. Hanggang sila na mismo ang kusang lumayas.”

“And how about Joy Ericson?”

“Spare her,” mahina niyang sabi. “Nakita mo naman ang credentials niya kanina, she isn’t that bad. Ilipat mo siya sa team mo kung gusto mo. Gawin mong assistant. Ipagawa mo kung ano’ng gusto mo, ikaw ang bahala. Hindi dapat inihahalo ang sariwang kamatis sa kamatis na matagal nang sira. Tama?”

“Tama.”

“Laida?” baling niya sa PA.

“Agree din, Ma’am,” sagot nito.

Nagbuga ng hangin si Thera. Kahit paano, bumababa na ang presyon niya.

“Eh, kailangan po ba talaga, Ma’am, na magpalit at magsuot pa kayo ng ganito kamahal na damit lagi tuwing pupunta tayo dito sa opisina?”

“Nasa restroom ka rin kanina. Narinig mo ang eksaktong sinabi ng mga mahadera. These are what they are all expecting to see, their she-devil boss boastfully wearing her Prada. Who am I to disappoint them?” Tumiim ang kanyang anyo. “Wala silang pambili ng mga kaya kong bilhin kaya gusto ko silang mas inggitin.”

“Kaso, lalo lang nilang iisipin na winawaldas n’yo ang pera ni Sir Sean.”

“I don’t give a fucking damn. And I don’t want to hear that bastard’s name again, Laida,” sabi niya, nasa tono ang warning.

Natutop ni Laida ang bibig. “Sorry.”

Matalim siyang umirap. “Who cares about that jerk’s money? May sarili akong pera na hindi ko mauubos kahit araw-araw kong lustayin.” Kinalma niya ang sarili sa mga sumunod na sandali. “We’ll stay for a few more hours, ipapahinga ko lang ang mga paa ko. Deretso tayo sa condo pagkatapos.”

Related chapters

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Two: Devil Personified

    CHAPTER TWO DEVIL PERSONIFIEDOctober 13, 2019Huminga nang malalim si Thera nang bumukas ang elevator sa fourth floor ng condominium. Katatapos lang ng session niya with her gay fitness instructor at paakyat na sa unit niya sa eighth floor.Pares ng Adidas running shoes, Adidas white tee shirt, at leggings ang suot niya. Humakab iyon sa kanyang firm behind at na-emphasize niyon lalo ang long shapely legs niya.Hers was the kind that all men would want to climb and worship ayon sa instructor niya. The bastard was expecting her to smile sheepishly or blush for the flattery pero sinamaan niya ito ng tingin. Ano ang alam nito sa mararamdaman ng isang tunay na lalaki kung hindi naman ito straight?Not all men would fall for long brilliant legs. She knew someone who did not. And hated him to the bones until now.

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Three: Mr. Sean De Marco

    CHAPTER THREE SEAN DE MARCOOctober 15, 2019Inilapag ni Thera ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng glass center table. Nag-ring ang cell phone niya at iniabot iyon sa kanya ni Laida mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa.“Hello,” bati niya bago pa makapagsalita si Laida para sabihin kung sino ang nasa kabilang linya.“Thera?”Humugot siya ng malalim at maingay na hininga nang makilala ang boses. Matalim ang tingin niya kay Laida na kinagat ang ibabang labi.“Thera, tulungan mo ‘ko, please. Nakakulong si Joshua. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong pera pampiyansa. K-kapapanganak ko lang. Wala akong ibang malalapitan.”Pairap na iniikot ni Thera ang mga mata. “Ano’ng kaso?”“R-robbery. Pero hind

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Four: The Big Boss

    CHAPTER FOUR THE BIG BOSSPadarag na ibinagsak ni Thera ang pinto ng pickup nang pumarada iyon sa tapat ng Sean and Tan’s.Of all places, bakit sa Tea Caf pa siya dinala ni Sean? Supposedly, close na dapat ang coffee shop pero may ilaw na nakabukas sa loob. Hindi niya alam na nag-e-extend na ng working hours ang Tea Caf. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.As far as Thera could remember, si Sean ang totoong sadya ng mga babae at baklang customer ng Tea Caf noon. Hindi ang Instagramable café o ang cozy ambience o ang sikat na blended coconut coffee o ang nakakapaglaway na milk tea o ang cakes and pastries na naka-display malapit sa counter.Ilang beses nang nag-viral ang Tea Caf sa social media noong first quarter ng 2009. Mali, si Sean ang totoong nag-viral at hindi ang Tea Caf mismo.Isang estudyante sa DM University

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Five: Who are you?

    CHAPTER FIVE WHO ARE YOU?Sinulyapan ni Thera ang matangkad na lalaking kanina ay nagisnan niyang nakatunghay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa kitchen counter sa loob ng hospital room at may kausap sa cell phone nito.Lumayo ito nang dumating ang tinawag nitong doktor. Walang dudang may kaya ang lalaki kung pagbabasehan ang ayos at porma nito. Wala pa siyang lalaking nakita sa bayan nila na nakasuot ng long sleeves at coat sa mga araw na wala namang okasyon.Sabi ng nurse at doktor na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya, nabundol siya ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. Ang lalaki bang ito ang dahilan kung bakit bedridden siya? May cast ang braso niya at nakasuot siya ng neck support.Ngumiti si Thera nang hindi sinasadyang mapasulyap sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, nagbawi sa kanya ng tingin pagkatapos.Ah, hindi siguro ito makapaniwala na ngin

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Six: First Love

    CHAPTER SIX FIRST LOVEJune 2009Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio CityIsinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Seven: Babe

    CHAPTER SEVEN BABEPinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino siBabe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Eight: Bathtub

    CHAPTER EIGHT BATHTUBDecember 5, 2009Baguio City, PhilippinesMalalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng mama niya ang bagong hire nilang waitress, si Thera.Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali, lalo at nasabi na niya rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.Natatandaan niyang nabanggit sa mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi lang niya napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.Ang pinag-aalala ni Sean, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman nitong hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasa

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Nine: Thug Wifey

    CHAPTER NINE THUG WIFEY“Thera…”Suminghap si Thera. Napadiin ang kapit niya sa gilid ng tub para umamot doon ng lakas. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya, umikot ang kanyang paningin.“Ipinalipat mo ang mga gamit ko sa guest room sa ibaba, wala akong sinabing doon ako matutulog.”Iyong boses ni Sean, mas nagiging malinaw. Parang mas malapit. Parang nasa likod lang niya. Parang sa sobrang totoo, nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok imagine-in pa lang na nakabaon sa likod niya ang titig nito.“Pati ba paglublob sa tub nakalimutan mo na?”Nakalimutanseemed to be the magic word. Natauhan kasi si Thera, pumihit paharap sa nagsalita. Muntik na siyang ma-off balance nang malingunan ang asawa. Kung hindi siya maagap na nahawakan ni Sean sa kamay, malamang na nalaglag na siya sa t

    Last Updated : 2021-03-21

Latest chapter

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Epilogue

    EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Special Chapter (Part 2)

    SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Special Chapter (Part 1)

    October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirty One : His Wife

    One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Thirty : Journey

    Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Nine: Lost

    Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Eight: Miracle from Heaven

    Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Seven: Girl on a Ledge

    October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I

  • Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)   Chapter Twenty Six : A Painful Trip Down Memory Lane

    August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung

DMCA.com Protection Status