Dala ng pagod sa paglalakad at bunga ng ginawa namin ni Chaeus kagabi ay agad akong nakatulog pagka-uwi ng bahay. Paggising ko ay sobrang sakit ng katawan ko at hindi lang iyon, hinang-hina ako at inaapoy ng lagnat. Nalaman ko ito pagpunta ng kusina at makita ako ni Azalea. “Are you okay, Hilary?” ganun na lang ang pag-aalala ng mga tingin ni Azalea na parang hindi ako normal. “Mukha kang may sakit.”“Water, n-nauuhaw ako...”Puno ng pagkatarantang binigyan niya agad ako ng tubig. Matapos na inumin iyon ay napahawak na ako sa ulo na mas tumindi pa ang sakit. Sa katawan ko ay hindi ito ang pinakamasakit. Ang parteng nasa pagitan ng aking mga hita ay parang binugbog ng di lang sampung tao. Napangiwi ako ng unti-unting maupo, agad naman akong dinaluhan ni Azalea na sobra pa ‘ring nag-aalala. “Ano bang nangyari sa'yo sa hiking niyo, Hilary? Hindi ka naman ba nadapa o nahulog? Baka naman nagpahamog ka o kaya nagpaulan?”“Walang ganung nangyari sa akin. Hindi lang sanay ang katawan kong
Naulit pa nang ulit na may mangyari sa amin ni Chaeus. Hindi na sa kung saan kung hindi sa hotel na namin iyon madalas na ginagawa para aniya ay bwelo raw kaming dalawa. Isa, dalawa, hanggang tatlong beses na matapos naming gawin iyon ay dinadapuan ako ng matinding lagnat. Sadyang hindi talaga kaya pa ng katawan kong e-handle ang sakit pero gustong-gusto namang gawin. Noong huling beses ay hindi ko na nagawa pang makatakas kay Daddy. Nagtataka na ito na once a week o kada weekend ay may lagnat ako. Kahit sabihin ko na normal lang iyon dahil nararanasan din ng mga friends ko ay hindi na siya naniniwala pa rito. Hindi ko naman siya masisi, ito kasing si Chaeus baliw na baliw sa akin. Sa halip na once a month lang naming gagawin iyon, ang nangyari ay naging every weekend ang ganap. Pilit naman naming pinipigilan pero dumarating pa rin sa punto na at the end of our gala ay gagawin namin ito. “Ako na ang magsasabi na ay mali sa katawan mo, Hilary. Nilalagnat ka ng walang dahilan. Baka ma
“Final decision na ba talaga, Hilary? Ayaw mong sumama mamaya?” hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na tanong iyon ni Josefa. Morning class lang kami ngayon at half day lang din dahil sa quarterly exam. Nag-aaya lang naman silang gumala raw kami sa mall bilang treat sa stress naming mga braincells. Ngunit may iba na akong plano, I mean kaming dalawa ni Chaeus. Pupunta ako sa resto to celebrate our monthsarry today. Hindi ko naman sila maaya dahil wala naman silang alam. Napagkasunduan na namin ito bago pa man mag-start ang week. And bringing them with me is a bit weird, dapat alam din iyon ni Chaeus. “Sa sunod na lang siguro. Kayo na lang muna. May iba akong lakad.” “Ibang lakad? Saan? Si Glyzel nga na may jowa sasama sa amin. Ano mo ba kami? Bigyan mo kami ng time. Ang tagal na noong huling bonding.”Napakagat-labi na ako. Niligpit na ang mga gamit at nilagay na sa bag. Nakokonsensiya ako pero, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila. Knowing them, they will judge me. “Wa
Nakabusangot na ang mukha ng tatlo paglabas ko ng resto. Halatang pikon na. Hindi ko naman sila masisi. Iwan ko ba naman silang bigla sa labas e. Kahit ako mapipikon na kagaya nila. “Ang tagal mo naman sa loob. Hindi mo man lang naisip na ang init dito. Pwede mo naman kaming papasukin tapos kung may iba kang agenda ay saka mo na lang ginawa. At least doon ay hindi mainit kagaya dito!” kaagad pagrereklamo ni Shanael.Naiintindihan ko naman kung ano ang sintemyento niya. Mainit nga naman talaga at di ko iyon naisip. Aminado ako kaya walang imik. “Sorry na Girls, busy lang talaga si Chaeus kaya medyo—”Hindi ko na natapos ang sasabihin. Tinalikuran na nila ako. Nauna na silang pumasok sa loob ng resto. Napakagat-labi na lang ako sabay irap sa kawalan. Oo na, guilty na ako sa nagawa ko sa kanila. Eh, ginusto naman nila iyon. Sumama kasi sila. Ayaw ko nga silang isama dito. Pilit silang sumama. Pagtiisan nila iyon! “You don't have to explain your reason, Hilary. Huwag mo na lang pansini
Para akong binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig. Natanggal ang kaunting paglasing. Kaagad nanuyo ang lalamunan. Para akong aatakehin sa puso sa tinurang iyon ni Josefa. Na-back to you ba ako ng gagang ito?Ano ang ibig niyang sabihin?May alam ba siya sa amin ni Chaeus?Paano kaya iyon nangyari? Kung totoo iyon, paano pa ako sa kanya makikitungo nito? Juskolerd! Sa ganito pa talagang pagkakataon? “W-What do you mean? Wala naman akong tinatago sa inyo. Huwag kang basta gumagawa ng issue, Josefa.” maang-maangan ko, baka sakali lang naman na umobra iyon sa kanya. Umarko lamang ang isang kilay niya. Nanunukso na ang kibot ng bibig. Halatang may iba pang nalalaman. Nagpakabog pa iyon ng dibdib ko. Kilala ko siya. Kapag ganito ang reaction ng mukha niya. May proof siya na alam kong pinanghahawakan. “Best friend mo ako kaya alam ko na may pagbabago sa'yo kahit hindi mo sabihin at aminin iyon sa akin. Pansin ko ang lahat ng iyon. Sa aming tatlo ay ako ang mas nakakakilala sa'yo.
Walang pagda-dalawang-isip na sinunod naman ng gaga ang utos ko. Lumapit siya sa dalawa. Narinig kong nagsimula ng magkwento si Josefa, hindi naman ako rito interesado kaya hindi ko pinakinggan nang maayos. Ang alam ko lang boyfriend niya si Vaughn. Period. Okay na sa akin iyon. Hindi ko na kailangang pang usisain ang lahat kung paano ito nangyari. May sarili akong buhay kaya iyon na lang ang papakialaman ko. Marites ako pero mas preffer kong makialam sa buhay ko o namin ni Chaeus lang. Habang busy ang tatlo sa pag-uusap ay lihim na umikot na ang mga mata ko sa maingay na paligid. Hinahanap nito kung saang table naupo sina Chaeus at si Vaughn nang umalis sila dito sa table nmain. Okay naman din sana na naki-share na lang sila. Hindi naman sila iba, iyon nga lang ay hindi ko alam kung okay lang sa aming mga kasama. Sa amin ni Josefa ay sure na okay iyon, ewan ko lang sa dalawa pa naming mga kaibigan. Hindi nagtagal ay nahanap ko rin sila. Nasa malapit lang pala sila, doon sa may bar
Tahimik akong umiyak. Hindi ko na napigilan ang mga luha. Nalulungkot ako. Paraang ang unfair naman sa akin ng mundo. Pinasaya nga ako pero hindi naman kayang ipagmalaki.“Hush, baby. Tama na ang iyak. Sige ka, iiyak na rin ako. Sasabayan kita.” Pabiro ko na siyang pinalo. Pinahid na ng likod ng palad ang mga luha at umayos na ng upo. Nakakainis siya! “Mahirap akong patahanin. Gusto mo ba iyon?” patuloy nitong ikinatawa ko. “Gago ka ba? Bakit ka iiyak?”“Eh, umiiyak ka. Sasabayan kita.”“Para kang sira!” singhot ko na. That night, Chaeus and I ended up sa pinakamalapit na five star hotel. Hindi kami umuwi ng bahay upang sulitin ang gabi na alam kong wala itong magiging problema. Sanay naman si Daddy na hindi ako umuuwi after na punarty. Ang alam nila ay nasa isa ako sa mga kaibigan ko natulog. Dito namin piniling matulog at magpalipas ng buong magdamag ni Chaeus. Sa una niyang sabi ay medyo alanganin ako hanggang sa napapayag niya na. “Ayaw mo bang makasama ako? Hindi mo ba ako n
Napaiwas na ako ng tingin. Hindi ko na alam kung saan pa ibabaling ang mga tingin para lang maiwasan sila. Nang mahagip sa gilid ng mga mata ko ang tahimik na si Josefa ay agad na umahon ang matinding inis sa dibdib ko. May kutob na ako na siya ang nagsabi sa kanila ng relasyon namin ni Chaeus na itinatago namin. Wala ng ibang gagawa noon. Siya lang dahil siya lang ang nakakaalam. “Oh? Bakit ganyan ka kung tumingin sa akin? Uunahan na kita. Hindi ako ang salarin kung bakit nila nalaman. Huwag mo akong pagbintangan!” pangunguna niya na kaagad, hindi deffensive ang tono ng boses. “So, Josefa matagal mo na pa lang alam na may relasyon ang dalawa?” gasgas ang tinig na harap ni Glyzel kay Josefa na napaayos na ng tayo. Disappointed ang hilatsa ng mukha nito. Halatang nagtatampo na rito. “Hindi. Kailan ko lang din nalaman.”Aba at talagang hugas kamay ang gaga. Ayaw man lang damayan ako at medyo ipagtanggol sa kanila. “Talaga ba?” si Shanael na muling lumipad na sa akin ang mga mata.G