Marahang iminamaneho ni Fiona ang kanyang sariling sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Alas-siyete na ng gabi at balot na ng dilim ang buong paligid. Iisang lugar ang tiyak niyang tinatahak.Papunta siya sa isang mamahaling bar sa may Makati City upang katagpuin ang kanyang mga kaibigan. Matagal nang nag-aaya ang mga ito upang magkita-kita sila ngunit ngayon lamang nagpaunlak si Fiona.Their family was facing a problem right now. Ang kanyang ama ay kinailangan dalhin sa ibang bansa ng kanyang ina at nakatatandang kapatid na si Lucas upang doon ay maipagamot. Jake, her father, met an accident six months ago. Everyone thought he was dead. But her family, especially her mother, still believed that Jake was still alive. Hindi kasi natagpuan ang katawan nito sa pinangyarihan ng aksidente.Hindi sila nagkamali. Napag-alamanan nila na sadyang inilayo sa kanila ang kanyang ama at naging madaling gawin iyon ng mga taong nandukot dito dahil sa ang kanyang ama ay nakaranas ng amnesia matapos bumulu
Mariin na ipinikit ni Fiona ang kanyang mga mata at mas ibinaon pa ang kanyang mukha sa malaking unan. Hindi niya pa nais na magising ngunit ang tunog ng teleponong nasa bedside table niya ay patuloy lang na gumagambala sa mahimbing niyang pagtulog.Hindi niya alam kung anong oras na ngunit kung pagbabasehan ang papasikat pa lang na liwanag mula sa terasa ng kanyang kwarto ay nasisiguro niyang maaga pa.Bandang huli ay naupo na siya sa kama bago inabot ang telepono at sinagot ang tawag."Hello," bungad niya sa halos inaantok pang tinig."Fiona," anito ng baritonong tinig mula sa kabilang linya. Isang salita pa lang ang binibigkas nito ngunit nakilala na agad ni Fiona ang nagmamay-ari niyon."Kuya Lucas," wika niya kasabay ng pag-ayos ng kanyang pagkakaupo. Isinandal niya pa ang kanyang likuran sa headboard ng kanyang kama. "K-Kumusta kayo nina Mama at Papa?""Maayos kami dito, Fiona. Bukas ay naka-schedule si papa na magpatingin ulit sa doktor," sagot nito sa kanya. Kahit papaano ay m
Hindi maitago ang pagkagulat ni Fiona nang masilayan ang mukha ng lalaking pumasok sa opisinang kinaroroonan niya. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa kung saan siya nakapwesto habang ang mga mata ay mataman na nakatunghay sa kanya.Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nakabungguan niya kagabi sa may entrada ng bar. Ito ang lalaking nakarinig sa usapan nila ni Marvin. At ito rin ang lalaking nanghusga sa kanya na ginamit niya lamang si Marvin para magkaroon pa ng maraming proyekto bilang isang modelo at endorser.Napatayo siya nang tuwid. "You were the man last night," she said. It was more of a statement than a question.Kaya ito naroon sa bar ay upang bantayan siya. Hindi ba at iyon ang sabi ng kanyang Kuya Lucas? Na nakasunod ito sa kanya upang masiguro ang kaligtasan niya? Kaya hindi na kataka-taka kung bakit nasa malapit lang ito nang nag-uusap sila ni Marvin. And that was the reason why he heard everything that they were talking about.Hindi sumagot sa kanya ang binata.
Pagkarating sa Vergara Catering Services ay agad na bumaba si Fiona mula sa sasakyan ni Randall. Kakahinto lang ng kotse nito sa may parking lot at ni hindi pa napapatay ang makina niyon nang buksan na niya ang pinto sa may panig niya.Ni hindi na niya hinintay pa na lumabas ito at pagbuksan siya ng pinto, tulad ng madalas gawin ng ibang bodyguard sa mga kliyente nila. For sure, Randall would never do that. Kanina nga pag-alis nila ay hindi na nito iyon ginawa. Alam niyang sa ugaling taglay nito ay hindi na niya ito dapat pang asahan na magpakita ng paggalang sa kanya.Randall was a walking red flag. Napakaantipatiko kausap! Sa bar pa lang ay napatunayan na niya iyon. Maging kanina sa kanilang kompanya ay ganoon din siya nito kausapin. At hindi niya lang maiwasang mairita kapag naiisip niya ang naging takbo ng pag-uusap nilang dalawa.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa establisimiyentong pag-aari ni Samuel. Maliban sa tumatanggap ng bookings sa iba't ibang okasyon ang Vergara Catering S
Mabilis na tumalikod si Fiona at naglakad na pabalik sa loob ng silid nito. Kahit hindi na niya tanaw ang dalaga ay hindi pa rin maalis ni Randall ang kanyang paningin sa may teresa sa silid nito.Nasa bahay nga siya ng mga Olvidares at mula sa araw na iyon ay doon na muna manunuluyan. Iyon ang naging usapan nila ni Lucas Olvidares. Iyon din ang instruction sa kanya ng boss niya na si Ronniel Certeza, ang may-ari ng security company na kanyang pinagtatrabahuan.Dahil nga sa alam na ni Fiona ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard nito ay hindi na niya kailangan pang patago itong sundan saan man ito magpunta. Ayon kay Lucas ay maaari siyang tumuloy sa bahay ng mga ito upang mabantayan niya pa rin ang kapatid nito kahit pa gabi na.At ito ang unang gabi niya sa bahay ng mga Olvidares. Hindi siya dalawin ng antok. Malaki ang bahay ng mga ito at maganda ang guest room na ibinigay sa kanya. Anyone would really appreciate the room.Pero sa kung ano man kadahilanan ay hindi siya makatulog. Ma
Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak."Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet."Ito pong bulaklak?""Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya."Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga."I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatil
Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya."I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakail
Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si