Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya.
"I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakailang balik na raw ang motorsiklong iyon bago ang insidente. Ngunit dahil nasa may highway lamang ang OMC ay hindi iyon naging malaking bagay para sa mga security guards sa kanilang gusali. Any one would think that the motorcycle was just passing by. At kung bakit nasa may driveway na nila ang naturang sasakyan nang oras ng kanilang paglabas ay wala nang makapagsabi."How about the flowers and the note that you received?" Muling bumalik ang diwa niya sa pinag-uusapan nila ng kanyang nakatatandang kapatid nang marinig niya ang naging tanong nito."Do I still need to ask who told you about that?" tanong niya dito sa naiinis na tinig.Kung siya lang ang tatanungin ay hindi na niya sana gustong ipaalam pa ang tungkol sa natanggap niyang bulaklak at sulat sa kanyang pamilya. Maging ang tungkol nga sa muntikang paghagip sa kanya ng motorsiklo ay hindi naman siya ang nagpaalam sa kanyang kapatid.Kaya nga nabigla na lamang siya nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang kuya at mahimigan ang pag-aalala mula dito. At hindi niya pa man natatanong ngunit alam na niya kung sino ang nagbalita sa mga ito ng tungkol sa mga nangyari."Randall was just doing his job, Fiona," wika sa kanya ni Lucas. "It was his job to inform me about what was happening to you.""Na hindi ko na sana gustong gawin niya, kuya. Alam kong labis na kayong abala kay papa riyan. At hindi ko na gusto pang makadagdag sa mga alalahanin ninyo, lalo na ng mama."What she said was true. Matapos ngang makalayo ng motorsiklo ay agad siyang kinausap ni Randall. Nang kausapin siya nito ay halos wala pa siya sa kanyang sarili. She wanted to think that it was because of what happened. Ngunit ang dahilan kaya natitigilan si Fiona habang kinakausap siya ng binata ay dahil sa ideya na ilang saglit na nadikit ang katawan niya dito dahil sa paghatak na ginawa sa kanya.There was something happened to herself when his body touched hers. Hindi niya maunawaan. Ni hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdamin na lumukob sa kanya nang madaiti ang katawan niya sa binata.At ang reaksyon niyang iyon ay pinagkamali ni Randall na takot niya dahil sa muntikang pagkakahagip sa kanya ng motorsiklo. Inakala nito na ang pananahimik niya ay dahil sa sindak na kanyang nadama.And so he talked to her. Iniugnay nito ang mga bulaklak at sulat na natanggap niya sa kung ano ang nangyari bago sila umuwi.Bilang bodyguard niya ay naramdaman ni Fiona ang pagkabahala ni Randall. Agad siya nitong inusisa tungkol sa maraming bagay.But Fiona asked a favor from him. Or should she say na inutusan niya itong huwag nang ipaalam sa kanyang kapatid ang tungkol sa nangyari sa kanya nang araw na iyon.Hindi na niya nais pang mag-alala ang kanyang pamilya. Kapag nalaman kasi ng kanyang Kuya Lucas ay hindi malayong mangyari na malaman din iyon ng kanyang ina. At hindi na niya nais pang mag-alala ang kanyang mama. Labis-labis nang isipin ang pinapasan nito mula nang may nangyari sa kanilang papa.But Randall never listened to her. Ipinaalam pa rin nito ang lahat sa kanyang kapatid. Hayun nga at agad na napatawag si Lucas kahit pa anong oras pa lang sa ibang bansa."Just calm down, Kuya Lucas. Walang nangyaring masama sa akin," pagpapakalma niya pa dito."What if someone is trying to hurt you, Fiona? Napakalayo namin sa iyo ngayon para mabantayan ka.""I will be fine, kuya. Katulad nga ng sabi mo, Randall is doing his job," saad niya. Hindi pa mawala sa kanyang sarili ang inis dahil sa ipinaalam pa ng binata sa kanyang pamilya ang mga nangyari."Yes," Lucas answered. "I know he can protect you. So, because of what happened, you will follow him, Fiona.""What do you mean?" maagap niyang tanong."Aalamin pa ni Randall kung sadya o hindi ang tungkol sa muntikang pagkakahahip sa iyo. And also about the note, that was a threat, Fiona," mariin nitong wika sa kanya. "So, from now on, sundin mo muna ang mga sasabihin ni Randall. Hindi ka aalis nang hindi siya kasama. Gusto ko na kung nasaan ka ay naroon din ang bodyguard mo. If not needed, hindi ka lalabas ng bahay.""Are you out of your mind, kuya?" salungat niya dito. "I will be very busy starting next week and---""Randall knows know what to do, Fiona. Sundin mo na lang kung ano ang sasabihin niya. That would be for your own good."Natapos ang pag-uusap nila ng kanyang kapatid na may ngitngit sa dibdib ni Fiona. She knew her brother very much. Kahit pa sabihin na isang taon lang naman ang tanda nito sa kanya ay labis ito kung maging protective sa kanya. At kapag nagpasya na ito nang ganoon ay hindi na niya mababago pa ang takbo ng isipan nito.At hindi niya maiwasang mainis sa bodyguard niya dahil roon. Kung hindi na sana nito ipinaalam sa kanyang kapatid ang tungkol sa mga nangyari ay hindi siya nito hihigpitan.Irritatingly, Fiona stood up and went out of her room. Agad siyang humakbang patungo sa silid na inookupa ni Randall sa kanilang bahay. Gusto niya itong makausap. Naiinis siyang malaman na hindi nito sinunod ang nais niyang ilihim muna sa kanyang pamilya ang mga nangyari.Nang makarating sa tapat ng silid kung saan natutulog ang binata ay sunod-sunod na katok ang kanyang ginawa. Alam niyang gising pa ito. Simula nang doon na ito tumuloy sa kanilang bahay ay alam niyang dis oras na ng gabi kung matulog ito.Nang hindi makatanggap ng tugon mula sa binata ay basta na lamang binuksan ni Fiona ang pinto ng silid nito. The room was silent when she stepped inside. Iginagala niya ang kanyang mga mata sa loob ng silid nang siya namang pagbukas ng pinto sa may banyo.She was stunned for a while. Para siyang naipako sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ang paglabas ni Randall mula sa banyo ng guestroom. Halos gusto pang pagsisihan ni Fiona ang basta niya lang pagpasok sa silid na inookupa nito.Why, heaven, the man was topless and some water were still dripping from his body!Halatang bagong paligo ito. Isang boxer short na lamang ang saplot ng binata at walang pang-itaas. Kasalukuyan pa nitong pinupunasan ang basang buhok gamit ang isang puting tuwalya habang lumalabas ng banyo.At hindi maiwasan ni Fiona na mapatitig sa katawan ng binata. Randall has a well-built body. Marahil ay dahil na rin sa uri ng trabahong mayroon ito.He has a toned stomach. And as she looked at it, thin hair was trailing from his abdomen down to what his boxer was covering. Ni hindi niya kayang isipin kung saan patungo ang mga pinong buhok nitong nagmumula sa tiyan pababa sa---Agad na natigil ang pagmamasid niya sa katawan ni Randall nang gulat na napabaling ito sa kanya. Bigla ay iniiwas niya ang kanyang mga mata mula dito."Fiona," wika nito sa kanya. "What are you doing here?""I wanna talk to you," matatag niyang sabi dito. Pilit niyang itinatago ang pagkailang na nadarama sa likod ng matatag niyang tinig.Agad ang pag-arko ng isang kilay ni Randall bago balewalang inihagis nito ang ginamit na tuwalya sa ibabaw ng kama nito."Okay," tugon nito. "I am free to listen, Fiona. Tungkol saan ang pakikipag-usap mong ito sa akin?""Make yourself presentable, Mr. Mondejar. Can't you even wear a t-shirt first?" naiirita niyang sabi dito.Randall chuckled because of what she said. "Ikaw ang basta na lang pumasok dito sa silid na ginagamit ko, Fiona. I know that this is your house but aren't you supposed to knock first before you enter this room? Hindi ko na kasalanan kung napasukan mo man ako ditong, as per your word, not presentable on your standard."She inhaled and exhaled an air to calm herself. Nangangalaiti na siya dahil sa naging takbo ng usapan nila ng kanyang kapatid at heto pa ang lalaking ito at dumadagdag sa inis na kanyang nadarama."And don't act as if I am the first topless man that you ever saw," narinig niya pang wika ni Randall sa sarkastikong tinig."How dare you!" galit niyang saad. Saan ba kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking ito at ganoon na lamang siya kung kausapin? Hindi ba't dapat ay magalang itong makipag-usap sa kanya dahil sa kanila ito nagtatrabaho?"So, ano ang dahilan ng pagsadya mo sa akin nang ganitong oras, Fiona?" makahulugang sabi nito na sadyang hindi na pinansin ang pangangalaiti niya."Why did you tell my brother about what happened?""Iyon lang ba ang dahilan kaya pumarito ka?" nababagot na saad nito sabay hakbang palapit sa may built-in cabinet na nasa guestroom.Binuksan iyon ni Randall at mula sa loob ay kumuha ng malinis na t-shirt. Dahil sa doon muna mamamalagi ang binata ay nailagay na nito sa loob ng cabinet ang ilang piraso ng damit nito. Iilang damit lang iyon, sapat lamang para sa ilang araw na pagiging bodyguard nito sa kanya.Nang makakuha ng damit ay balewalang isinuot iyon ng binata habang naroon pa rin siya."I told you not to tell Kuya Lucas about it!"Randall turned to face her again. Muli itong naglakad patungo sa kinatatayuan niya at huminto ilang hakbang na lang mula sa kanya."I am just doing my job, Fiona. And---""But I ordered you not to do it, Mondejar!" putol niya sa pagsasalita nito sa bahagya nang tumaas na tinig."Don't shout at me, damn it!"Fiona was taken aback by his answer. Tumaas na rin ang tinig nito at hindi niya pa maiwasang mas mairita dahil sa pagmumura ng lalaki."Sisigaw ako kung gusto ko dahil nasa pamamahay ko ako. At huwag na huwag mo akong mumurahin, Mondejar," galit niya pang balik dito."Anak ng---" sambit pa nito, sadyang binitin na ang mga salita. Fiona could sense that Randall was also irritated, kung sa kanya o sa takbo ng usapan nila ay hindi niya alam."Ang sabi ko ay hindi mo na kailangang ipaalam pa sa pamilya ko ang mga nangyari kanina, hindi ba? Even about the flowers and the note," wika niya. "Mag-aalala lang ang pamilya ko at hindi ko na gustong mangyari pa iyon.""It is my job to tell your brother about what is happening to you. I am just doing my job.""Kahit na," giit niya pa rin. "Oh I hate you! Alam mo bang sa lahat ng nagtatrabaho sa amin ay bukod-tanging ikaw ang sumasalungat sa mga pinapagawa ko?"Fiona was expecting for him to counter what she said. Alam niya na naiinis na rin ito sa kanya dahil sa uri ng pakikipag-usap niya dito. Ngunit nang titigan niya ito sa mukha ay wala na roon ang inis na ekspresyon nito.Instead, amusement was now registered on his face. Naaaliw na nakamasid ito sa kanya dahilan para mas lalo siyang mairita."What is funny?""You," tugon nito. "So, this is some kind of tantrums? Para kang batang hindi makuha ang gusto, Fiona.""Bata? Really? I will talk to Uncle Ronniel. I will request to have you replaced," matapang niyang sabi dito.Umpisa pa lang ay hindi na siya sang-ayon na maging bodyguard ito. Napakaantipatiko, ni hindi man lang maayos kung makipag-usap sa kanya at ngayon naman ay balewala kung magmura sa harap niya!Randall's face switched from amused to a serious expression. Dahan-dahan pa itong humakbang palapit sa kanya habang mataman na nakatitig sa kanyang mukha."Don't try your luck, Fiona," anas nito. "Gusto mo akong papalitan dahil sa nag-report ako sa kapatid mo? When in fact, I was just doing my job? Really, Fiona?"Ibubuka niya sana ang kanyang bibig upang magsalita ngunit mabilis na siyang inunahan ng binata."O mas gusto mong papalitan ako dahil sa hindi mo matagalan ang presensiya ko? Do I have that much effect on you?"Pagak na natawa si Fiona dahil sa mga sinabi nito. "Don't flatter yourself, Mondejar. I want you replaced because I don't want a bodyguard who does not obey me.""Ang kapatid mo ang boss ko, hindi ikaw," wika nito sa kanya bago pinaglakbay ang mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha. "Gusto mo ako papalitan dahil sa hindi mo ako mapasunod sa gusto mo? Well, I am sorry to say this, sugar. Hindi uubra sa akin ang pagiging brat mo."Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na
Nang sumunod na araw ay maagang gumayak si Fiona. Tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa opisina ng kanyang Uncle Ronniel, ang kaibigang matalik ng kanyang ama na si Jake.Hindi nila kadugo si Ronniel ngunit kung titingnan ay higit pa sa magkakamag-anak ang turingan ng pamilya niya at ng pamilya ng mga ito. Iyon ay dahil na rin sa tagal ng taon ng pagiging magkakaibigan ng kanilang mga pamilya.At ngayon ay sinadya niya nga ang kanyang Uncle Ronniel sa opisina mismo nito. Nais niya itong personal na kausapin hinggil sa nais niyang mangyari. Nais niyang makiusap na bigyan siya ng ibang bodyguard. Nais niyang hilingin na palitan nito ang binigay nito sa kanya.Ilang araw na rin nang makilala niya si Randall--- ang bodyguard na ayon sa kanyang Uncle Ronniel ay isa sa pinakamagaling at maaasahan sa mga empleyado nito. Iyon ang mga sinabi ng kanyang Kuya Lucas nang minsang makausap niya pa ito.He was right. Yes, sa maraming pagkakataon ay napatunayan iyon ni Randall. He was good at his
"Salamat, p're. Kunin ko na lang sa Sabado," wika ni Randall kay Migo bago inabot dito ang susi ng kanyang motorsiklo.Si Migo ang kausap niya kanina sa Triple Security Agency nang bigla na lang ay paharurot na imaneho ni Fiona ang sasakyan nito. Agad siyang nagpaalam kay Migo at dali-daling sinundan ang dalaga.Bigla pa siyang nakadama ng galit nang hindi man lang pansinin ni Fiona ang pagtawag niya kanina. Tuloy-tuloy lang ito sa pagmamaneho na waring sadyang nilalayuan siya.Hanggang sa ang galit na nadarama niya kanina ay mabilis na napalitan ng matinding takot at pag-aalala nang makita niyang isang truck ang munting nang makasalpukan ni Fiona sa daan.Nakarating na sila sa may isang intersection at saktong red light ang nasa linya nila, dahilan para akmang magtutuloy-tuloy sana sa pag-andar ang mga sasakyan mula sa kabilang kalsada.At hinuha niya na hindi nakatitig si Fiona sa unahan at abala ito sa pagbantay kung nakalayo na ba ito sa kanyang motorsiklo. Alam niyang iyon ang ra
Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap.Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito.Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito."Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya."Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga."Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---""Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Buksan mo ang gate!"Mabilis niyang nilapitan ang kanyang sasakyan na kasamang nakaparada sa garahe ng mga Olvidares. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang susi niyon. Kasama ang susi ng kanya
Marahang iginala ni Fiona ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Marami ang tao at halos mag-unahan sa pagbaba ng barko. Sila ni Randall ay naroon pa rin sa upper deck at sadyang pinauna ang mga kasamahang pasahero sa pagbaba.Hindi niya pa maiwasang mapabuga ng isang malalim na buntong-hininga. It was her first time to take a public ferry boat. Sa tuwing pupunta siya sa ibang lugar ay lagi nang eroplano ang pinipili niyang sakyan. Maliban sa mas mabilis ay mas komportable pa iyon para sa kanya.At kanina ay halos hindi niya sang-ayunan ang nais ni Randall. Sakay ng Sedan nito ay agad silang bumiyahe patungong Lucena port upang sumakay ng isang ferry patungong Marinduque. Maging ang sasakyan ng binata ay kasama nila sa pagbiyahe.Nakahabol sila sa last trip patungong Marinduque. Gabi na rin at kung tutuusin ay maaari siyang matulog sa biyahe ngunit hindi niya ginawa.Hindi niya alam kung sinadya ni Randall na huwag paburan ang nais niya na eroplano ang sakyan nila patungo roon. Ang
"Ayos ka lang ba, hija?" narinig niyang sabi ni Tatay Lando nang makita ang pagkasamid niya.May bahagyang natapon pa na kape sa may dibdib niya na agad niyang pinunasan gamit ng kanyang palad."Are you okay?" wika naman sa kanya ni Randall.Hindi ito sinagot ni Fiona bagkus ay mas binalingan ang matandang lalaki. "H-Hindi ho kami---""Magpahinga ka na rin ho, 'tay," singit ni Randall dahilan para hindi niya naituloy ang mga nais sabihin. "Ituturo ko na lang kay Fiona ang gagamitin niyang silid. 'Pag lumiwanag na at gising na si Nanay Luz ay lilipat na ho kami sa kabila."She stared at Randall. Halos panliitan niya ito ng kanyang mga mata. It was so obvious that he stopped her from telling Tatay Lando the truth. At hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa.Iyon ba ang sadyang sinabi nito sa matandang lalaki? Iyon ba ang pakilala nito sa kanya sa abuelo nito? She saw them talking at the kitchen a while ago. Iyon ba ang pinag-usapan ng dalawa?"Kuu, alam mong walang kaso kahit dito pa
Marahang iniunat ni Fiona ang kanyang katawan kasabay ng dahan-dahan niyang pagmulat ng kanyang mga mata. At first, she felt the discomfort. Waring nananakit ang kanyang likuran dahil sa nipis ng kutson sa kanyang kinahihigaan. Ramdam niya rin ang sikip sa pang-isahang papag na kanyang tinulugan. Malayong-malayo iyon sa malapad na kama na nasa kanyang silid sa kanilang bahay.She glared at her surrounding as she opened her eyes. Halos marinig niya ang mumunting huni ng ilang ibon na nakadapo sa kalapit na punong-kahoy. She almost smiled by that. Ibang-iba iyon sa maingay na siyudad ng Kamaynilaan.Nang maalala na nasa ibang lugar nga siya ay agad na siyang napaupo sa higaan. Isinuklay niya pa ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok kasabay ng pagsulyap sa labas ng bintana.Naalala niyang sadyang binuksan iyon ni Randall upang pumasok ang preskong hangin sa loob ng silid. And what he did really helped her, somehow, to have a rest.Maliwanag na sa labas. Mayroon pa siyang pakiramdam na h
"So, it was really your idea, Kuya Lucas?" Hindi maiwasang lakipan ni Fiona ng inis ang kanyang tinig habang kausap niya ang kanyang nakatatandang kapatid.Naalala niyang binanggit sa kanya ni Randall na suhestiyon ng kanyang Kuya Lucas na ilayo muna siya sa kanilang lugar upang mailayo rin siya sa mga taong nasa likod ng muntikan nang pagkakadukot sa kanya.Ngayon nga ay inalam niya kung totoo nga ba iyon. Tinawagan niya ang kanyang kapatid upang kumustahin ang mga ito at itanong na rin ang tungkol sa bagay na iyon.Maliban kasi sa may bodyguard naman siya sa katauhan ni Randall ay nasisiguro naman niya na hindi siya pababayaan sa Manila ng kanilang Uncle Ronniel. Sa sobrang lapit nito sa pamilya nila ay pamangkin na rin naman ang turing sa kanila nina Ronniel at Arianna, anak pa nga kung tutuusin.Besides, ang mas iniisip niya kasi ay ang mga commitments niya bilang modelo. May isang proyekto siya bilang product endorser at ano mang araw ay sisimulan na ang pagkuha sa commercial. Na
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si