"Salamat, p're. Kunin ko na lang sa Sabado," wika ni Randall kay Migo bago inabot dito ang susi ng kanyang motorsiklo.Si Migo ang kausap niya kanina sa Triple Security Agency nang bigla na lang ay paharurot na imaneho ni Fiona ang sasakyan nito. Agad siyang nagpaalam kay Migo at dali-daling sinundan ang dalaga.Bigla pa siyang nakadama ng galit nang hindi man lang pansinin ni Fiona ang pagtawag niya kanina. Tuloy-tuloy lang ito sa pagmamaneho na waring sadyang nilalayuan siya.Hanggang sa ang galit na nadarama niya kanina ay mabilis na napalitan ng matinding takot at pag-aalala nang makita niyang isang truck ang munting nang makasalpukan ni Fiona sa daan.Nakarating na sila sa may isang intersection at saktong red light ang nasa linya nila, dahilan para akmang magtutuloy-tuloy sana sa pag-andar ang mga sasakyan mula sa kabilang kalsada.At hinuha niya na hindi nakatitig si Fiona sa unahan at abala ito sa pagbantay kung nakalayo na ba ito sa kanyang motorsiklo. Alam niyang iyon ang ra
Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap.Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito.Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito."Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya."Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga."Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---""Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Buksan mo ang gate!"Mabilis niyang nilapitan ang kanyang sasakyan na kasamang nakaparada sa garahe ng mga Olvidares. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang susi niyon. Kasama ang susi ng kanya
Marahang iginala ni Fiona ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Marami ang tao at halos mag-unahan sa pagbaba ng barko. Sila ni Randall ay naroon pa rin sa upper deck at sadyang pinauna ang mga kasamahang pasahero sa pagbaba.Hindi niya pa maiwasang mapabuga ng isang malalim na buntong-hininga. It was her first time to take a public ferry boat. Sa tuwing pupunta siya sa ibang lugar ay lagi nang eroplano ang pinipili niyang sakyan. Maliban sa mas mabilis ay mas komportable pa iyon para sa kanya.At kanina ay halos hindi niya sang-ayunan ang nais ni Randall. Sakay ng Sedan nito ay agad silang bumiyahe patungong Lucena port upang sumakay ng isang ferry patungong Marinduque. Maging ang sasakyan ng binata ay kasama nila sa pagbiyahe.Nakahabol sila sa last trip patungong Marinduque. Gabi na rin at kung tutuusin ay maaari siyang matulog sa biyahe ngunit hindi niya ginawa.Hindi niya alam kung sinadya ni Randall na huwag paburan ang nais niya na eroplano ang sakyan nila patungo roon. Ang
"Ayos ka lang ba, hija?" narinig niyang sabi ni Tatay Lando nang makita ang pagkasamid niya.May bahagyang natapon pa na kape sa may dibdib niya na agad niyang pinunasan gamit ng kanyang palad."Are you okay?" wika naman sa kanya ni Randall.Hindi ito sinagot ni Fiona bagkus ay mas binalingan ang matandang lalaki. "H-Hindi ho kami---""Magpahinga ka na rin ho, 'tay," singit ni Randall dahilan para hindi niya naituloy ang mga nais sabihin. "Ituturo ko na lang kay Fiona ang gagamitin niyang silid. 'Pag lumiwanag na at gising na si Nanay Luz ay lilipat na ho kami sa kabila."She stared at Randall. Halos panliitan niya ito ng kanyang mga mata. It was so obvious that he stopped her from telling Tatay Lando the truth. At hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa.Iyon ba ang sadyang sinabi nito sa matandang lalaki? Iyon ba ang pakilala nito sa kanya sa abuelo nito? She saw them talking at the kitchen a while ago. Iyon ba ang pinag-usapan ng dalawa?"Kuu, alam mong walang kaso kahit dito pa
Marahang iniunat ni Fiona ang kanyang katawan kasabay ng dahan-dahan niyang pagmulat ng kanyang mga mata. At first, she felt the discomfort. Waring nananakit ang kanyang likuran dahil sa nipis ng kutson sa kanyang kinahihigaan. Ramdam niya rin ang sikip sa pang-isahang papag na kanyang tinulugan. Malayong-malayo iyon sa malapad na kama na nasa kanyang silid sa kanilang bahay.She glared at her surrounding as she opened her eyes. Halos marinig niya ang mumunting huni ng ilang ibon na nakadapo sa kalapit na punong-kahoy. She almost smiled by that. Ibang-iba iyon sa maingay na siyudad ng Kamaynilaan.Nang maalala na nasa ibang lugar nga siya ay agad na siyang napaupo sa higaan. Isinuklay niya pa ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok kasabay ng pagsulyap sa labas ng bintana.Naalala niyang sadyang binuksan iyon ni Randall upang pumasok ang preskong hangin sa loob ng silid. And what he did really helped her, somehow, to have a rest.Maliwanag na sa labas. Mayroon pa siyang pakiramdam na h
"So, it was really your idea, Kuya Lucas?" Hindi maiwasang lakipan ni Fiona ng inis ang kanyang tinig habang kausap niya ang kanyang nakatatandang kapatid.Naalala niyang binanggit sa kanya ni Randall na suhestiyon ng kanyang Kuya Lucas na ilayo muna siya sa kanilang lugar upang mailayo rin siya sa mga taong nasa likod ng muntikan nang pagkakadukot sa kanya.Ngayon nga ay inalam niya kung totoo nga ba iyon. Tinawagan niya ang kanyang kapatid upang kumustahin ang mga ito at itanong na rin ang tungkol sa bagay na iyon.Maliban kasi sa may bodyguard naman siya sa katauhan ni Randall ay nasisiguro naman niya na hindi siya pababayaan sa Manila ng kanilang Uncle Ronniel. Sa sobrang lapit nito sa pamilya nila ay pamangkin na rin naman ang turing sa kanila nina Ronniel at Arianna, anak pa nga kung tutuusin.Besides, ang mas iniisip niya kasi ay ang mga commitments niya bilang modelo. May isang proyekto siya bilang product endorser at ano mang araw ay sisimulan na ang pagkuha sa commercial. Na
Nang sumunod na araw ay nasa loob lamang ng silid si Fiona. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit na pinamili nila kahapon sa tiangge. Dahil sa wala nga siyang dala maliban sa kanyang maliit na bag ay kailangan niyang bumili, hindi lang ng mga damit kundi maging ng mga personal niyang gamit.Napalabhan na nila ang mga damit at ngayon nga ay isang summer dress ang kanyang isinuot. Ang haba niyon ay umabot lamang hanggang sa gitna ng kanyang mga binti. May manipis din iyong straps na sadyang nagpapakita ng mapuputi at makikinis niyang mga balikat.Kahapon nga ay sa bahay na nina Nanay Luz sila tumuloy. Sa bahay ding iyon lumaki si Randall at silid mismo nito ang kinaroroonan niya ngayon.Si Randall mismo ang nagpaabiso sa kanya na ang silid nito ang gamitin niya. Doon na rin dineretso ng binata ang electric fan na binili nito upang magamit niya.Masasabi niya na sadyang doble ang laki ng silid niya sa kanilang bahay kumpara sa silid ng binata. Ang kwarto ni Randall ay hindi kalakihan
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Fiona nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Randall. Ang pagkailang na kanyang nadarama ay nadagdagan pa nang marahan pa siya nitong hinila sa kanyang kamay dahilan para mapalapit pa siya sa katawan nito. His closeness really affected her and she did not even know why.Pilit niyang hinatak ang kanyang kamay na hawak-hawak nito. "B-Bitiwan mo ako, Randall," saad niya dito sa mahinang tinig. Duda pa siya kung may lumabas bang tinig mula sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay waring may nagbara sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang magsalita."You started this, Fiona. Ngayong pinapatulan kita ay aatras ka," wika nito sa nanunuksong tinig. "You called me a prude. And I can easily prove to you that I am not.""Ano ba, Randa---"Hindi na niya natapos ang ano mang nais sabihin nang makita niyang unti-unti ay bumaba ang mukha nito patungo sa kanya. Fiona knew very well what he was planning to do. At gusto niyang maalarma, hindi lang dahil
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si