Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.
Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak."Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet."Ito pong bulaklak?""Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya."Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga."I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatiling nakaharap sa bintana. "M-Maybe... Maybe just someone who has nothing to do. O baka namali lang ng napadalhan at dito sa kompanya---""At sa iyo nakapangalan?" putol niya sa mga sinasabi nito.Alam niyang hindi tatanggapin sa kompanyang iyon ang mga bulaklak kung hindi nakapangalan sa dalaga. It was sent for her so their employees accepted the flowers. At walang sino man ang nangialam ng sulat na kasama ng mga bulaklak, dahilan para walang may alam kung ano ang nilalaman niyon.Fiona abruptly faced him. "It must be some prank. I-I don't know."Randall looked at her intently. "I was informed about what happened to your father. At alam ko na iyon ang rason kung bakit ka kinuhanan ng bodyguard ng kapatid mo," saad niya dito. "But I don't think those flowers and this note were connected to that.""What are you trying to say?" naguguluhan nitong tanong sa kanya."Para sa iyo ang mga bulaklak," wika niya sabay hakbang pa palapit dito. He stopped just beside her table and put the note on it. At sa mahinang tinig ay idinagdag niya pa, "at maging ang mensahe ng sulat na ito. 'if I can't have you, no one should'," basa niya pang muli sa nakasulat sa papel."A-And who could have send that? Wala akong---"Hindi na nito naituloy pa ang ano mang sasabihin nang sa wari niya ay may isang ideya din na pumasok sa isipan nito. Isang malalim na buntong-hininga pa ang kanyang narinig na pinakawalan ng dalaga bago muling nagsalita."Si Marvin kaya?" she asked, more to herself than to him."Sinong Marvin?" usisa niya sa magkadikit na mga kilay."Ang lalaking kausap ko sa may bar," imporma nito.Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng isa niyang kilay. He remembered that. Ang Marvin na tinutukoy nito ay ang lalaking kausap nito sa labas ng bar kung saan narinig niya pa ang naging pag-uusap ng dalawa.Tinanggihan ni Fiona ang panliligaw nito at hindi maiwasan ni Marvin na banggitin ang tungkol sa pagbigay nito ng ilang proyekto bilang modelo sa dalaga. Rinig na rinig niya ang tungkol doon nang gabing iyon.Aaminin niyang hindi niya rin naman nagustuhan ang panunumbat ng Marvin na iyon kay Fiona, ngunit hindi niya rin maiwasang mainis dahil sa kaisipan na ginawa rin itong tungtungan ni Fiona para makapagsimula sa mundo ng pagiging modelo at endorser."Sa tingin mo ay sa kanya galing ang mga bulaklak na ito," tanong niya pa dito."M-Maybe," she said while walking towards her swivel chair. Doon ay naupo ito bago siya muling hinarap. "Siya lang ang latest kong binasted, Mr. Mondejar."His eyebrow arched once again because of what she said. He was even sure that amusement suddenly registered on his face as he heard her words."Latest? Ilang lalaki na ba ang pinaiyak mo?"Isang irap ang iginawad nito sa kanya sa halip na sumagot pa."Anyway, hindi tayo sigurado kung si Marvin nga ang nagpadala nito sa iyo," saad niya sa seryoso na ulit na tinig. "Hindi rin naman maaaring basta lang tayo magbintang. But I will try to investigate about this. Ang sulat na ito ay maituturing nang isang pagbabanta. And as your bodyguard, hindi ko gustong ipagsawalang-bahala lang ito."*****FIONA heaved out a deep sigh. Tama si Randall. Kinuhanan siya ng kanyang kapatid ng personal na bodyguard dahil sa pangamba nito sa nangyari sa kanilang ama. But just like Randall, she was also sure that the note together with the flowers has nothing to do with what happened to their father.That was meant for her. At hindi niya man gustong magbintang ngunit hindi niya maiwasang isipin na si Marvin ang nagpadala sa kanya niyon.Marvin has been her suitor for months. Sa panahong iyon ay naging masigasig ito para nakuha ang oo niya. Nakasama niya na rin itong lumabas, sa paanyaya na rin nito. Maging sa ilang pictorial at fashion show ay nakasama na niya ang binata.Ngunit sa kabila nga ng paglalaan nito ng oras para sa kanya ay hindi niya makapa sa kanyang sarili na tugunin ang panliligaw nito. And so, she talked to him about it. Alam niya na hindi nito iyon matanggap kaya nga muli siya nitong kinausap sa may bar.Mula noon ay hindi niya pa muling nakikita si Marvin. Kahit tawag o mensahe ay wala pa siyang natatanggap mula dito. At hindi niya pa maiwasang maiugnay ang binata sa mga bulaklak at sulat na dumating sa kanyang opisina nang araw na iyon.Tama si Randall na hindi sila maaaring basta na lamang mangbintang kung kanino galing ang mga naturang bulaklak. Ngunit, sa isip ni Fiona ay wala siyang ibang matukoy kung sino ang magpapadala niyon sa kanya.Marvin was the latest man that she rejected. Ang iba kasing mga nagpapalipad-hangin sa kanya ay agad na ring tumitigil sa tuwing pranka niyang sinasabi na hindi niya pa nais na pumasok sa isang relasyon. Tanging si Marvin lamang ang naging matiyaga na nagpursige sa panliligaw sa kanya.Ipinaubaya na niya kay Randall ang tungkol sa bagay na iyon. Itinabi nito ang note na nakuha nila sa bulaklak at lumabas ito ng kanyang opisina habang may tinatawagan pa sa cell phone nito.Si Fiona naman ay itinuon na ang kanyang pansin sa mga trabahong naghihintay sa kanya. Tumuloy siya sa meeting na kailangan niyang daluhan para sa araw na iyon.Pagkagaling naman sa conference room ng kanilang kompanya ay muli na siyang pumasok sa kanilang opisina at doon ay pumirma ng ilang dokumento.Sa paglabas niya ng conference room ay nakita niya pa si Randall na nakabantay lamang sa may pasilyo. Muli itong pumuwesto sa may settee nang naging abala na siya ulit sa loob ng opisina.Bandang alas-sais ng gabi nang nagpasya siyang umuwi na. She was glad to know that she has finished the important things that she has to do. Sa makalawa kasi ay magsisimula na siyang maging abala para sa isang proyektong nakakontrata sa kanya bilang isang product endorser.She will be endorsing one of the famous energy drinks in the country. Kasama niya sa commercial na gagawin ang isang lalaking modelo. Uumpisahan ang pagkuha ng commercial sa susunod na araw.Sa katapusan naman sa susunod na buwan ay isang fashion show ang kanyang dadaluhan. She will be very busy when the rehearsal starts so she made sure that everything will be fine at OMC. Idagdag pa sa mga pagkakaabalahan niya ang tungkol sa anibersaryo ng kanilang foundation.Paglabas niya sa kanyang opisina ay naroon na si Randall at waring hindi naman naiinip na naghihintay sa kanya. Nang makita siya nito ay agad itong napatayo nang tuwid at nahinto sa pakikipag-usap kay Chloe.Hindi niya pa maiwasang mapataas ang kilay nang maabutan ang mga itong magkausap. Kung hindi niya lang alam na may nobyo si Chloe ay iisipin niyang nagpapapansin ito sa kanyang bodyguard. But Chloe's action was far from that. Fiona knew very well that Chloe was just trying to be friendly with her bodyguard.At kung bakit siya naiinis sa kaisipan na ganoon si Randall sa iba samantalang sa kanya'y hindi ay hindi maunawaan ni Fiona. Kapag siya kasi ang kaharap ng binata ay lagi nang antipatiko ito kung magsalita.Well, ano nga ba ang pakialam niya? He was her bodyguard. Kapag dumating na ang kanyang pamilya mula sa ibang bansa ay matatapos na rin naman ang trabaho nito sa kanya. Hindi na niya kailangan pa na makipagkaibigan dito."Uuwi na ba tayo?" tanong ni Randall sa kanya."Yes," aniya sa pormal na tinig bago binalingan si Chloe. "You can also go, Chloe. Wala nang kailangan gawin.""Yes, ma'am," tugon nito na sadyang kinuha na ang shoulder bag at isinukbit sa balikat nito. Napansin niyang nakaligpit na ang mga gamit nito at handa na ngang umalis. Hindi niya pa alam kung sadyang hinihintay nitong umalis siya bago umuwi na rin. O talagang naroon pa ito para makipag-usap pa sa kanyang bodyguard?Walang salitang nagpatiuna na siya sa paglalakad. Ramdam niya sa kanyang likuran ang pagsunod na ng dalawa.Sabay-sabay na silang sumakay sa elevator at pagkarating sa ibaba ay magalang nang nagpaalam sa kanya si Chloe. Bago pa ito tuluyang magpara ng taxi sa harap ng OMC ay nagpaalam din ito kay Randall, na sinagot naman ng binata ng isang ngiti. She even heard him said 'ingat' to Chloe.Nang sila na lang ni Randall ang nasa may entrada ng kanilang kompanya ay hindi niya pa mapigilan na isatinig ang nasa isipan niya."May nobyo na iyan si Chloe, Mr. Mondejar. Just in case you don't know," saad niya dito.Marahas na napalingon sa kanya si Randall nang marinig ang mga sinabi niya. "And why are you telling me that?""Because you are seem to be---"Hindi niya natapos ang pagsasalita nang marinig ang marahan nitong pagtawa. Amusement was still on his face when he talked. "Hindi ko alam na masyado ka palang malisyoso, Fiona."She swallowed hard. Gusto niya pang mahiya dahil sa mga sinabi nito.Karaniwan ay hindi naman siya ganoon. Hindi niya pinapakialam ang ano mang ginagawa ng ibang tao. And she can't understand why when it comes to Randall, things seemed to be different.Siguro dahil sa kaibuturan niya ay talagang nakadarama siya ng disgusto para sa binata. Sa unang paghaharap pa lang nila sa may bar ay antipatiko na ang dating sa kanya ni Randall. And that impression stayed even up to now.Hinamig niya ang kanyang sarili at itinuon na ang mga mata sa may parking lot. Naglakad pa siya ng ilang hakbang palayo sa binata bago iniba na ang kanilang paksa."Get your car now. I wanna go home," utos niya na dito sa seryosong tinig.Hindi na niya nais pang maglakad patungo sa may parking lot. Gusto niya na lang hintayin itong kunin ang sasakyan at dalhin iyon sa may entrada ng gusali.Napapailing na lamang si Randall nang marinig ang utos niya. She was so sure that he didn't like the tone that she used. And she didn't care at all. Naiirita siya sa hindi niya malamang dahilan.Humakbang na si Randall patungo sa may parking lot. Nakatawid na ito sa covered driveway sa harap ng kanilang kompanya upang kunin na ang sasakyan nitong ginamit nila sa pagpunta roon.Si Fiona ay naglakad na rin palapit sa may gilid ng daan upang hintayin na lamang ang binata.Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Randall nang mapalingon na itong muli sa kanya. Malakas na harurot ng isang motorsiklo ang nangpangyari para tumingin ulit ito sa kanya ang binata. Galing ang naturang sasakyan sa kabilang panig ng driveway at palabas sa highway sa harap ng OMC.And for some reasons, Fiona can't understand why the motorcycle seemed to be going to her direction. Malawak naman ang driveway ngunit may pakiramdam siyang tutumbukin siya nito sa gilid ng daan.Dahil sa sindak ay hindi siya agad nakakilos sa kanyang kinatatayuan. Wari siyang ipinako roon at nakatitig na lamang sa motorsiklo.Hanggang sa ilang distansiya na lamang ang layo niyon sa kanya nang bigla ay may malaking kamay na marahas na humablot sa kanyang kanang braso. It was Randall who instantly went back to her when he saw what was about to happen.Hinatak siya nito palayo at dahil sa nabigla si Fiona sa bilis ng mga pangyayari ay agad siyang nawalan ng balanse. Ang kanyang takong ay sumabit sa gutter ng daan dahilan para akma siyang matutumba.But Randall moved like a lightning. Agad na dumako ang kamay nito sa kanyang baywang at doon ay pumaikot upang alalayan siyang huwag matumba. Ang isang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang braso.Tuluyan nang nakalayo ang motorsiklo at tinahak na ang daan patungo sa may pinakakalsada.Shocked, Fiona was still catching her breath. Tumingala siya sa lalaking may hawak sa kanya at nakita itong nakasunod pa ng tanaw sa dinaanan ng motorsiklo. Magkadikit pa ang mga kilay nito habang nakatingin roon.Until Randall lowered his head to look at her. Dahil sa hawak pa rin siya nito ay mistula silang magkayakap sa kanilang posisyon.And Fiona almost held her breath as she met his eyes. His face was only inches away from hers. And she can't even understand why she suddenly felt uneasy because of his closeness--- his body almost touching hers.Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya."I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakail
Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na
Nang sumunod na araw ay maagang gumayak si Fiona. Tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa opisina ng kanyang Uncle Ronniel, ang kaibigang matalik ng kanyang ama na si Jake.Hindi nila kadugo si Ronniel ngunit kung titingnan ay higit pa sa magkakamag-anak ang turingan ng pamilya niya at ng pamilya ng mga ito. Iyon ay dahil na rin sa tagal ng taon ng pagiging magkakaibigan ng kanilang mga pamilya.At ngayon ay sinadya niya nga ang kanyang Uncle Ronniel sa opisina mismo nito. Nais niya itong personal na kausapin hinggil sa nais niyang mangyari. Nais niyang makiusap na bigyan siya ng ibang bodyguard. Nais niyang hilingin na palitan nito ang binigay nito sa kanya.Ilang araw na rin nang makilala niya si Randall--- ang bodyguard na ayon sa kanyang Uncle Ronniel ay isa sa pinakamagaling at maaasahan sa mga empleyado nito. Iyon ang mga sinabi ng kanyang Kuya Lucas nang minsang makausap niya pa ito.He was right. Yes, sa maraming pagkakataon ay napatunayan iyon ni Randall. He was good at his
"Salamat, p're. Kunin ko na lang sa Sabado," wika ni Randall kay Migo bago inabot dito ang susi ng kanyang motorsiklo.Si Migo ang kausap niya kanina sa Triple Security Agency nang bigla na lang ay paharurot na imaneho ni Fiona ang sasakyan nito. Agad siyang nagpaalam kay Migo at dali-daling sinundan ang dalaga.Bigla pa siyang nakadama ng galit nang hindi man lang pansinin ni Fiona ang pagtawag niya kanina. Tuloy-tuloy lang ito sa pagmamaneho na waring sadyang nilalayuan siya.Hanggang sa ang galit na nadarama niya kanina ay mabilis na napalitan ng matinding takot at pag-aalala nang makita niyang isang truck ang munting nang makasalpukan ni Fiona sa daan.Nakarating na sila sa may isang intersection at saktong red light ang nasa linya nila, dahilan para akmang magtutuloy-tuloy sana sa pag-andar ang mga sasakyan mula sa kabilang kalsada.At hinuha niya na hindi nakatitig si Fiona sa unahan at abala ito sa pagbantay kung nakalayo na ba ito sa kanyang motorsiklo. Alam niyang iyon ang ra
Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap.Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito.Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito."Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya."Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga."Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---""Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Buksan mo ang gate!"Mabilis niyang nilapitan ang kanyang sasakyan na kasamang nakaparada sa garahe ng mga Olvidares. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang susi niyon. Kasama ang susi ng kanya
Marahang iginala ni Fiona ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Marami ang tao at halos mag-unahan sa pagbaba ng barko. Sila ni Randall ay naroon pa rin sa upper deck at sadyang pinauna ang mga kasamahang pasahero sa pagbaba.Hindi niya pa maiwasang mapabuga ng isang malalim na buntong-hininga. It was her first time to take a public ferry boat. Sa tuwing pupunta siya sa ibang lugar ay lagi nang eroplano ang pinipili niyang sakyan. Maliban sa mas mabilis ay mas komportable pa iyon para sa kanya.At kanina ay halos hindi niya sang-ayunan ang nais ni Randall. Sakay ng Sedan nito ay agad silang bumiyahe patungong Lucena port upang sumakay ng isang ferry patungong Marinduque. Maging ang sasakyan ng binata ay kasama nila sa pagbiyahe.Nakahabol sila sa last trip patungong Marinduque. Gabi na rin at kung tutuusin ay maaari siyang matulog sa biyahe ngunit hindi niya ginawa.Hindi niya alam kung sinadya ni Randall na huwag paburan ang nais niya na eroplano ang sakyan nila patungo roon. Ang
"Ayos ka lang ba, hija?" narinig niyang sabi ni Tatay Lando nang makita ang pagkasamid niya.May bahagyang natapon pa na kape sa may dibdib niya na agad niyang pinunasan gamit ng kanyang palad."Are you okay?" wika naman sa kanya ni Randall.Hindi ito sinagot ni Fiona bagkus ay mas binalingan ang matandang lalaki. "H-Hindi ho kami---""Magpahinga ka na rin ho, 'tay," singit ni Randall dahilan para hindi niya naituloy ang mga nais sabihin. "Ituturo ko na lang kay Fiona ang gagamitin niyang silid. 'Pag lumiwanag na at gising na si Nanay Luz ay lilipat na ho kami sa kabila."She stared at Randall. Halos panliitan niya ito ng kanyang mga mata. It was so obvious that he stopped her from telling Tatay Lando the truth. At hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa.Iyon ba ang sadyang sinabi nito sa matandang lalaki? Iyon ba ang pakilala nito sa kanya sa abuelo nito? She saw them talking at the kitchen a while ago. Iyon ba ang pinag-usapan ng dalawa?"Kuu, alam mong walang kaso kahit dito pa
Marahang iniunat ni Fiona ang kanyang katawan kasabay ng dahan-dahan niyang pagmulat ng kanyang mga mata. At first, she felt the discomfort. Waring nananakit ang kanyang likuran dahil sa nipis ng kutson sa kanyang kinahihigaan. Ramdam niya rin ang sikip sa pang-isahang papag na kanyang tinulugan. Malayong-malayo iyon sa malapad na kama na nasa kanyang silid sa kanilang bahay.She glared at her surrounding as she opened her eyes. Halos marinig niya ang mumunting huni ng ilang ibon na nakadapo sa kalapit na punong-kahoy. She almost smiled by that. Ibang-iba iyon sa maingay na siyudad ng Kamaynilaan.Nang maalala na nasa ibang lugar nga siya ay agad na siyang napaupo sa higaan. Isinuklay niya pa ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok kasabay ng pagsulyap sa labas ng bintana.Naalala niyang sadyang binuksan iyon ni Randall upang pumasok ang preskong hangin sa loob ng silid. And what he did really helped her, somehow, to have a rest.Maliwanag na sa labas. Mayroon pa siyang pakiramdam na h
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si